• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 18th, 2024

Marami pang kaabang-abang na eksena: MARICEL, ‘di makapaniwala sa tagumpay ng ‘Linlang’

Posted on: January 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
MATUTUNGHAYAN na sa free TV ang teleserye version nang gumimbal at pinag-usapang “Linlang” na pinagbibidahan nina Paulo Avelino, Kim Chiu, JM de Guzman at si Diamond Star Maricel Soriano. 

 

Sa ginanap na mediacon sa Dolphy Theatre noong January 15, inamin premyadong aktres, na hindi niya inakala ang tagumpay ng “Linlang” na napanood sa higit 200 countries sa pamamagitan ng Prime Video noong nakaraang taon.

 

 

“Nakanganga ako noon, ‘yung tulala. Siya nga ba? Sabi ko, ‘Totoo ba ito o chika-chika lang tayo?’ Pero totoo raw kaya sabi ko, ‘Ay ang ganda naman nang nangyari,” pahayag ni Marya.

 

 

Excited  na rin siya na maipapalabas na ang teleserye version ng “Linlang” kung saan nakilala ang kanyang karakter na si Amelia, ang ina ng magkapatid na sina Victor (Avelino) at Alex (de Guzman).

 

 

“Kasi sigurado iba ‘yung dito sa (teleserye version), iba ‘yung sa kanila (sa Prime Video) kasi isang oras ‘yon eh. At saka may araw lang, dito everyday mapapanood,” say pa ni Soriano.

 

 

“Yung turn-about ng mga pangyayari talagang si God lang ang pwedeng makaalam lang noon. Kaya gulatan factor ‘yung nangyari sa amin, nagkagulatan,” dagdag pa ng aktres.

 

 

Isa sa mga hindi makakalimutan at nag-viral na eksena sa “Linlang” ay ang “iconic sampal” ni Marya kay Kim, na isang pangarap na natupad, kaya ito ang favorite scene niya.

 

 

Inamin ni Kim, tatlong beses siyang pinagsasampal ni Maricel sa isang eksena.

 

 

“Three takes yun, rehearsal, tapos blocking, take take. Aray!

 

 

“Kaya gusto ko ring magpasalamat kay Inay, kasi gusto talaga niyang lumabas ang totoong aray. And I think, naramdaman din ng audience yung totoong sakit,” kuwento ni Kim.

 

 

Nag-usap naman daw sina Maricel at Kim para magawa ng tama ang intense scene.

 

 

Say pa ni Maricel, “kung hindi naman nakisama si Kim, at hindi niya alam ang gagawin niya, hindi naman magiging maganda yun.”

 

 

Marami pa ngang aabangan sa teleserye version ng “Linlang” na siguradong magugustuhan ng mga manonood, dahil nasa 60% pa ang hindi naipalabas sa Prime Video.

 

 

Kaya sigurado silang magugustuhan ito ng televiewers.

 

 

“Positive ako na mas magugustuhan niyo ito. Kung nagustuhan niyo ‘yung doon sa ibang bansa maganda ‘yon pero iba naman tayong mga Pinoy, hindi ba? So sa tingin ko mas maiiyak kayo rito,” dagdag pa ni Maricel na ibinuking na mayroon pang makakatikim ng sampal niya sa teleserye version ng “Linlang.”

 

 

At masasagot na rin ang mga katanungan tungkol sa mga characters ng serye, tulad na lang ng role ni Kim bilang Juliana na labis na kinamuhian.

 

 

“Yes, mas maiintindihan na nila si Juliana, kung saan siya nanggaling, kung bakit ganun ang naging reaction niya.

 

 

“Kung bakit ganun niya kamahal si Alex at kung bakit ganun ang trato niya kay Victor.

 

 

“Actually dito sa teleserye version mas maipapaliwanag ni Juliana ang sarili niya sa lahat ng may galit sa kanya,” esplika pa ni Kim.

 

 

Mula ito sa direksiyon nina FM Reyes at Jojo Saguin, kabilang din sa serye sina Ruby Ruiz, Kaila Estrada, Jaime Fabregas, Raymond Bagatsing, Albie Casiño, Jake Ejercito, Heaven Peralejo, Adrian Lindayag, Race Matias, Benj Manalo, Lovely Abella, Frenchie Dy, Ross Pesigan, Hanna Lexie, Juno Advincula, Connie Virtucio, Lotlot Bustamante, Meann Espinosa, Danny Ramos, Bart Guingona, Marc Mcmahon, Anji Salvacion, at Kice.

 

 

Mapapanood ang “Linlang: The Teleserye Version” simula na ngayong Lunes, Enero 22 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z at TV5.

DENR INALMAHAN NG TRIBONG DUMAGAT SA LUMILIIT NG MINANANG LUPAIN

Posted on: January 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BARAS, Rizal — May 800 na pamilya na kabilang sa tribong Dumagat ang umalma sa balak na palayasin sila sa kanilang minanang lupain na sakop ng mga bayan ng Tanay, Baras, at Antipolo.

 

 

Sa isang panayam, bilang pinuno ng grupong Dumagat-Remontado sa Barangay San Ysiro, binanatan ni Alex Bendaña ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa kabiguan nitong protektahan ang Upper Marikina River Protected Landscape (UMRPL) at ang kanilang minanang lupain mula sa land grabbers na nagpapanggap na environmental advocates.

 

 

Sa ngalan ng isa sa pitong tribong Dumagat na naninirahan sa pinaka katimugang dulo ng kabundukan ng Sierra Madre, nagpahayag ng pagkatakot si Bendaña sa agresibong pagsisikap na paalisin sila sa kanilang tahanan sa harap ng mga hakbang na buwagin ang Indigenous Peoples’ Rights Act (IPRA).

 

 

“Nabalitaan namin na may nagsusulong sa Kongreso na i-abolish ang IPRA, yun na nga lang po tanging batas na kalasag ng mga katutubo tapos aalisin pa nila,” sabi ni Bendaña sa panayam. Nang tanungin kung anong partikular na lugar ang pinangangambahan nila, nagpahiwatig ang pinuno ng Dumagat-Remontado tungkol sa 13,000 ektaryang minanang lupaing malapit sa Marikina Upper Marikina River Basin Protected Landscape.

 

 

Nang hingan pa ng detalye, pinunto ni Bendaña ang malalaking istraktura sa loob ng parehong protektadong lugar ang watershed at ang kanilang lupain na nagbibigay duda sa pagbenta ng DENR.

 

 

“Nakakapagtaka nga lang po talaga kung paano nakakuha ng clearance sa DENR ‘yung mga may-ari ng naglalakihang mansyon at iba pang istraktura dito sa loob ng protected area,” sabi ni Bendaña at idinagdag pa nya ang pangangailangan ng pagpapatupad ng mga umiiral na batas kasama ang IPRA at Presidential Decree 324, na nagbaha-bahagi ng watershed para sa agroforestry.

 

 

Ipinakita ng mga talaan na ang UMRPL pa lang ay may mga 26,126 ektarya. Subalit, ang patuloy na pagkawasak ng kagubatan at habitat ay malawakan, na dulot ng illegal tree cutting, construction of residential subdivisions, at establishment of commercial establishments na epektibong pinaliit ang watershed area ng mga 408 ektarya kada taon. Sa minanang lupain ng Dumagat-Remontado, sinabi ng grupo na ang kanilang lupain ay binawasan ng mahigit kalahati kasunod ng Memorandum of Agreement (MOA) na pinasok ng dating yumaong DENR Secretary Gina Lopez sa Blue Star Construction and Development Corporation (pinangalanang Masungi Georeserve nang bandang huli) noong 2017. “Wala na po kaming pupuntahan kapag nawala pa ang IPRA. Kung meron man dapat gawin ang pamahalaan, repasuhin at palakasin ang IPRA. Hindi nila yan pwede ibasura kasi wala na kami mapupuntahan, hindi kami mabubuhay kung magpapakalat-kalat kami sa Maynila at magpapalipas ng gabi sa ilalim ng tulay.” (PAUL JOHN REYES)

Nagseselos daw sa closeness ng dalawa: ZEPHANIE, masaya na makitang masaya sina MICHAEL at CASSY

Posted on: January 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA wakas ay umamin na si Althea Ablan na sila nga ni Prince Clemente.

 

 

Well, kahit naman hindi deretsahang umamin ang dalawa ay halata naman na may relasyon sila noon pa.

 

 

Anyways, mas nakumpirma dahil sa guesting ni Althea sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay umamin na nga ang dalaga na may “prinsipe” na siya.

 

 

Sa tanong kasi ni Tito Boy kay Althea na, “Sino ba talaga ang prinsipe ng buhay mo?”  ay kinikilig na sumagot ang dalaga.

 

 

Lahad ni Althea, “I know naman po nakikita naman ng public pero yeah if you’re watching,” sabay tawa ng aktres.

 

 

“Parang ang pula ng blush on ko.”

 

 

Mas diniretso na ni Tito Boy ang tanong, “I’ll put it straight because you’re saying ‘Hi’ to him. Are you officially together? You and Prince?”

 

 

“Yes,” ang diretso ring pakli ni Althea.

 

 

Yun na!

 

 

Anyways, kahit may lovelife, siyempre ang career ang focus ni Althea; napapanood ang dalaga sa 3rd installment ng “Sparkle U” series, ang “Sparkle U: Soundtrip” kasama sina Zephanie, Michael Sager, at Matthew Uy.

 

 

***

 

 

SPEAKING of Zephanie at Michael Sager, ano ang isyu na tila nagseselos raw si Zephanie sa closeness nina Michael at Cassy Legaspi?

 

 

Paano na si Darren Espanto na special friend ni Cassy?

 

 

Bakit magseselos daw si Zephanie? E kasi nga noon pa sila nali-link sa isa’t-isa kasi nga the best of friends ang dalawa.

 

 

At heto pa nga at partners sila sa sa “Sparkle U: Soundtrip”.

 

 

Ano naman ang konek nina Michael at Cassy?

 

 

E pareho silang hosts ng “Tahanang Pinakamasaya” (na dating Eat Bulaga!) nina Paolo Contis at Isko Moreno.

 

 

Sina Michael at Cassy ang partners sa “Dancing Duo Double Double” segment ng show.

 

 

Palagi ring may dancing video ang dalawa online.

 

 

Kaya sa “Fast Talk With Boy Abunda” pa rin ay nilinaw ni Zephanie ang selosan issue na ito.

 

 

Lahad ni Zephanie, “Tito Boy, actually siguro wala naman. Kasi kapag naman nakikita ko sila I feel like just…katulad po ng relationship namin ni Michael na yung genuiness ng friendship nila or whatever the relationship they have I can see it po.”

 

 

Dagdag pa ni Zephanie, “Siguro, I just really want to see Michael happy, and I’m happy to see him happy with Cassy.”

 

 

Tinanong naman ni Tito Boy si Zephanie kung mas gugustuhin ba niya na siya lamang ang espesyal para kay Michael?

 

 

“Ang hirap,” ang natatawang pakli ni Zephanie, “Siguro Tito Boy ang masasabi ko lang masaya ako kapag masaya siya.”

(ROMMEL L. GONZALES) 

Halos P.2M droga nasabat sa Malabon, Navotas drug bust

Posted on: January 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HALOS P.2 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng pulisya sa apat na hinihinalang drug personalities na naaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.

 

 

Sa report ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito, alas-11:30 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kay alyas “Jayz”, 21, sa Dr. Lascano St., Brgy. Tugatog matapos ang natanggap na impormasyon na nagbebenta ito ng shabu.

 

 

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon kay Jayz ng P500 halaga ng droga at nang tanggapin niya ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, kasama ang kanya umanong parukyano na si alyas “Bukol”, 42.

 

 

Nakumpiska sa dala ang humigi’t kumulang 22.26 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P153,680.00, buy bust money at coin purse.

 

 

Sa Navotas, nalambat naman ng mga operatiba ng Navotas police SDEU sa pangunguna ni P/Cpt. Genere Sanchez sa buy bust operation sa Ayungin St., Brgy., NBBS Kaunlaran dakong alas-4:05 ng madaling araw sina alyas “Jenny”, 45 at alyas “Dre”, 40 ng Tondo Manila matapos bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Ani Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakuha sa mga suspek ang nasa 5.28 grams ng umano’y shabu na may standard drug price value na P35, 904.00 at isang P500 bill na ginamit bilang buy bust money.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Promodiser, 1 pa laglag sa Caloocan drug bust, P2.5M shabu nasamsam

Posted on: January 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa mahigit P2.5 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng ilegal na droga na kabilang sa mga high value individual (HVI) matapos matimbog sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

 

 

Kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga suspek na sina alyas “Adrian” 32, promodiser ng malaking supermarket at residente ng Phase 9 Package 7 Bagong Silang, Brgy. 176 at alyas “Anthony Kulot”, 42. ng Gaya-Gaya Heroes Village, Bulacan.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na ikinasa ng mga operatiba Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Emmanuel Aldana ang buy bust operation kontra sa dalawa matapos magpositibo sa isinagawa nilang validation ang impormasyong ibinulgar sa kanila ng isang Regular Confidential Informant (RCI) hinggil sa illegal drug activities ng mga suspek.

 

 

Dakong alas-12:44 ng madaling araw nang dambahin ng mga operatiba ang dalawa matapos tanggapin ang P29,000.00 boodle money na may kasamang isang tunay na P1,000 na marked money bilang buy-bust money kapalit ng ibinentang shabu sa isang pulis na nagpanggap na buyer sa Robes 1, Brgy., 175 Camarin.

 

 

Ani Col. Lacuesta, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 375.6 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,554,080.00, buy bust money at isang paper bag.

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Caloocan police sa pamumuno ni Col. Lacuesta sa kanilang pagsisikap para tuguisin ang mga taong sangkot sa pagpapakalat ng ilegal na droga.

 

 

Kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng R.A. 9165  o ang Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002 ang isasampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Galit daw ang ina ni Elisse kaya ‘di inimbita: McCOY, hindi nakapunta sa surprise birthday party ng anak

Posted on: January 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
WHAT this we heard na nagkakatampuhan daw ngayon ang magkaparehang sina Elisse Joson at McCoy De Leon. 
Hindi raw kasi dumating ang huli sa surprise birthday celebration ng una.
In fairness ang mommy ni Elisse ang lahat ng may plano sa nabanggit na pa surpresa para sa kaarawan ng anak.
Inimbitahan daw ng ina ni Elisse ang lahat ng mga malalapit na kaibigan ng birthday celebrant na halos dumating naman lahat.
Dumating sina Alexa Ilacad, Michelle Vito at marami pang mga close friends ni Elisse pero no where to be found ang ama ng anak nilang si Felipe na si McCoy De Leon.
Ayon pa sa nakuha naming tsika ay may galit daw ang ina ni Elisse kay McCoy kung kaya hindi napasama ang aktor sa mga inimbitahan.
***
ANG Kapamilyang sexy aktres na si Ivana Alawi ang tampok sa latest blog ng kapuso aktres Bea Alonzo.
Sa kanyang A to Z challenge ay deretsahang inamin ni Ivana kay Bea na napaka-wild daw niya kapag lasing na lasing sa alak.
Pero wild daw naman si Ivana in the sense na umuwi raw naman agad siya sa bahay at iniiwasan na raw na pumunta pa sa kung saan saan.
Basta sa ngayon ay in love si Ivana sa isang non-showbiz guy na ang hula ng karamihan ay siya raw ngayon ang karelasyon ng isang mayamang pulitiko na hiwalay sa asawa.
(JIMI C. ESCALA)

TUPAD ‘di ginagamit sa ‘Cha-cha’ – DOLE

Posted on: January 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ITINANGGI ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na gina­gamit ang kanilang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program kapalit ng pagpapapirma para sa “people’s initiative” na magtutulak sa pag-amyenda sa Konstitusyon.

 

 

Kasunod ito ng mga pagbubulgar ng ilang mambabatas na ginagamit umano ang TUPAD para mapapirma ang mga benepisaryo sa isinusulong na charter change (Chacha).

 

 

“Hindi po puwede na ipangako po ‘yan dahil mayroon pong proseso—nagkakaroon ng profiling kung eligible ka, at dapat masunod din ‘yung mga requirements sa documentation ng ating Commission on Audit,” paliwanag ni Laguesma.

 

 

Nagpahayag din siya ng kalungkutan na nadadawit ang TUPAD sa mga ali­ngasngas sa Chacha gayung layunin nito na makapagbigay ng hanapbuhay sa mga kababayan na dumaranas ng hirap.

 

 

Iginiit ng kalihim na may mga “safeguards” na nakalagay sa programa para sa maayos na implementasyon nito, kabilang ang ebalwasyon sa mga benepisaryo at koordinasyon sa mga regional offices at mga lokal na pamahalaan.

 

 

“Ito po ay cash-for-work, hindi po ito ‘yung dole out lamang – ito po’y pinagtatrabahuhan at mayroong minimum at maximum period at lagi po ang sweldo rito ay bumabatay sa exis­ting na minimum wage sa anuman pong rehiyon na mayroong programa ang DOLE na TUPAD,” ayon pa sa Laguesma.

 

 

“Hindi pahihintulutan ng DOLE na kami’y maging kasangkapan sa mga gawaing hindi naman angkop sa batas,” dagdag pa ng kalihim.

 

 

Nagbabala siya sa sinuman na mapapatunayan na ginagamit ang TUPAD sa ibang layunin ay ididiskuwalipika sa paggamit ng pondo ng programa. (Daris Jose)

“Migration” is Illumination’s latest original comedy that families shouldn’t miss

Posted on: January 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

In “Migration,” the Mallard family is led by dad Mack (voiced by Kumail Nanjiani), who is content to keep his family safe paddling around their New England pond forever, and mom Pam (Elizabeth Banks), who prefers to shake things up and show their kids—teen son Dax (Caspar Jennings) and duckling daughter Gwen (Tresi Gazal)—the whole wide world. When a migrating duck family alights on their pond with thrilling tales of far-flung places, Pam seizes the opportunity and persuades Mack to embark on a family trip, via New York City, to tropical Jamaica.

 

 

 

Find out what some reviewers are saying about the movie!

Says Deadline, “It is the kind of animated entertainment that all ages will find something to like, and in terms of the creative talent involved it is a breath of fresh air in the genre.“ “Benjamin Renner’s new comedy ‘Migration’ offers a winning combination of a charming narrative and distinctive animation style,” says The Hollywood Reporter.

 

It’s breezy and lighthearted but manages to hit a bullseye when it comes to the type of stories we need this season,” Collider shares.

 

 

Of the film’s animation, the Los Angeles Times says, “Where many animated productions sport a plastic sheen, ‘Migration’s’ textured look conveys a less-manufactured touch. There are lovely vistas taken in from the air. The hue palette is more muted than the usual candy-colored explosions. The light feels gentler with mellower shadows. We’re often in the magic hours of dusk or dawn. In the distance, the haze blurs to an almost watercolor effect.”

 

 

“Illumination soars to creative new heights with a hilarious CGI adventure that’s beautifully animated. Migration delivers a feast for the eyes that tickles your funny bone with wonderful character dynamics,” says MovieWeb.

 

 

Migration,” from Universal Pictures International, is now showing nationwide. #MigrationMoviePh

(ROHN ROMULO) 

Speaker Romualdez tiniyak na muling bibigyang-diin ng PH delegation sa WEF 2024 ang mensahe ni PBBM

Posted on: January 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na patuloy na igigiit ng Philippine delegation sa 2024 World Economic Forum (WEF) ang mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pulong noong nakaraang taon na bukas ang Pilipinas para sa negosyo at ito ang pinaka-akmang lugar sa rehiyon para maglagak ng puhunan.

 

 

Sinabi ni Speaker kanila itong binigyang-diin sa isinagawang welcome lunch para sa Philippine delegation na ginanap sa Hotel Belvedere sa Davos.

 

 

Sina WEF head of Business Engagement for the Asia-Pacific Clara Chung, WTO Permanent Representative Ambassador Manuel A.J. Teehankee, Philippine Ambassador to the Swiss Confederation and Principality of Liechtenstein Bernard Faustino Dy, at iba pang affiliate ang sumaubong sa delegasyon ng Pilipinas.

 

 

Tinuran ni Speaker Romualdez ang matatag na economic fundamentals ng Pilipinas na nasa rehiyong may pinakamabilis na pag-unlad sa buong mundo.

 

 

Ayon sa 2024 Chief Economist Outlook ng WEF, inaasahan ng mayorya sa mga nangungunang ekonomista sa buong mundo na hihina ang pandaigdigang ekonomiya sa loob ng isang taon ngunit mananatiling matatag naman ang ekonomiya sa Timog at Silangang Asya.

 

 

Tinukoy pa ni Speaker Romualdez ang matatag na gobyerno ng Pilipinas na pinamumunuan ng isang malakas at popular na lider na si Pangulong Marcos Jr na patuloy na isinusulong ang inklusibo, matatag at pang matagalang pag-unlad sa nalalabing apat na taon sa termino.

 

 

Ibinida rin ni Speaker Romualdez ang mga hakbang ng Pilipinas para mas maging investor friendly kagaya na lang ng pagpapaluwag sa restrictive o mahigpit na mga probisyon ng 1987 Constitution.

 

 

Aniya, ang Senado na dati ay may alinlangan sa pag-amyenda sa Konstitusyon ay sinimulan na ang proseso ng pagsusulong sa pagbabago sa economic provision ng Saligang Batas.

 

 

Inihayag din ni Speaker Romualdez ang pagkakaroon ng Pilipinas ng paraan para makakuha ng pamumuhunan sa pamamagitan ng sarili nitong sovereign wealth fund na Maharlika Investment Fund.

 

 

Pagsusumikapan aniya ng delegasyon na panatilihing nag-aalab ang apoy at sisiguruhin na ang mensahe ng Pangulong Marcos ay magpapatuloy at mararamdaman aniya ang presensya ng Pilipinas sa Davos bago muling bumalik ang Pangulo doon para sa susunod na pulong ng WEF sa susunod na taon. (Daris Jose)

Ads January 18, 2024

Posted on: January 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments