• April 4, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 1st, 2024

Senate probe sa ‘pirma sa people’s initiative’ gumulong na

Posted on: February 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINIMULAN na Martes ng hapon sa Senado ang pagdinig sa kontrobersyal na signature drive para sa people’s initiative na naglalayong amyendahan ang 1987 Constitution.

 

 

Ang imbestigasyon ay isinagawa ng Senate committee on electoral reforms and people’s participation, na pinamumunuan ni Sen. Imee Marcos.

 

 

Ipina-subpoena si Atty. Anthony Abad na sinasabing nasa likod ng signature campaign.

 

 

Ayon kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, mahalagang mabunyag at makita ang mga pasimuno sa nasabing signature campaign kahit pa sinuspinde na ng Commission on Elections ang pagtanggap ng mga pirma.

 

 

“Kahit po suspendido ng COMELEC ang pagtanggap ng mga pirma, kailangan pa rin nating bigyang linaw kung paano at sino ang mga nanloko sa ating  mga kababayan para makakalap ng pirma para sa Politician’s Initiative,” ani Dela Rosa.

 

 

Dapat aniyang ma­bigyan ng mukha at ma­kilala ang katauhan ng sinasabing pasimuno sa kampanya.

 

 

“Layon po natin na mabunyag at bigyan ng mukha at katauhan ang mga nagpasimuno ng panlilinlang at pagsasamantalang ito. Sa ­panahon na atin na silang matukoy, siguro ay maa­aring isama ng komiteng ito, sa pangunguna ng a­ting Chairperson, na makabuo ng rekomendasyon na magsampa ng kaukulang mga kaso. Papanagutin natin ang mga mapagsamantala at manloloko,” ani Dela Rosa.

 

 

Binanggit din ni Dela Rosa na hindi na dapat maulit ang nasabing pangyayari kung saan napipilitan ang mga mahihirap na ipagbili ang kanilang lagda kapalit ng konting pera. (Daris Jose)

Si Maja ang unang nakaalam sa good news: RUBY, puring-puri si NICOLE KIDMAN na aliw na aliw sa kanya

Posted on: February 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA intimate presscon na pinatawag na Cornerstone Entertainment, masayang ikinuwento ni Ruby Ruiz kung paano niya unang nalaman na nakuha niya ang role sa ‘Expats’ bilang Essie, ang nanny at housekeeper ng family ni Margaret na ginagampanan ni Hollywood star Nicole Kidman.

 

Nasa taping sila noon ni Maja Salvador ng ‘Niña, Niño’ sa Dolores, Quezon na mahina ang signal, pero may nakapasok na international call dahil may plus (+), na noong una’y ayaw niyang sagutin, dahil baka raw sa credit card at hindi naman ganung ka-urgent.

 

Pero paulit-ulit daw itong tumawag, kaya si Maja na ang nagsabi na, “sagutin mo tita, nakakairata ‘yang phone mo?”

 

“So, sinagot ko, that call is from Hong Kong, ang sabi, ‘can you free your phone, in ten minutes because the director, Ms. Lulu Wang is going to call you’.

 

At ito nga ang nag-break ng news na nakuha niya ang role na kanyang in-audition.

 

“Tapos, tumawag nga si Lulu Wang, sabi niya, ‘congratulations, you got the part.’

 

“So sabi ko, what part did I get?

 

“Tapos doon ko lang nalaman na nakuha ko yun Essie.”

 

“Tapos nandoon kasi si Maja sa tabi ko, tinanong niya kung sino kausap ko at nag-i-English pa ako, meron ba daw akong boyfriend?

 

“Sabi ko wala, so, si Maja ang unang nakaalam.

 

“So, noong una parang hindi niya ako pinapansin.”

 

Doon din niya nalaman na ang magiging amo niya na si Margaret ay si Nicole nga, na ikinagulat niya.

 

“Kaya una kong ikinuwento kay Ms. Maja Salvador. Kaya sabi niya, ‘ah ganun, ipagpapalit mo ako Lola Belen kay Nicole Kidman?

 

“Sabi ko Maja, sandali lang naman. So, akala ko noon mga three months lang. Kaya pakiusap ko sa director at sa mga writers, wag silang ipakita pagkamatay ko.

 

“Para pwede pa akong bumalik, as alaala, as flashbacks or as multo.”

 

Pero na-extend ng six months at yung sa Hong Kong ang shooting, na ituloy sa Los Angeles, kaya na-extend ng total of 11 months of shooting.

 

Forever grateful din si Ms. Ruby sa indie actress na si Chanel Latorre. Noong nagkatrabaho sila noon sa pelikula, nagalingan na siya, kaya nire-recommend niya ito sa mga direktor.

 

Nag-audition din pala ito sa ‘Expats’, naka-dalawang callbacks siya, pero hindi siya nakuha dahil mas matanda pala ang kanilang hinahanap, between 50 to 60s.

 

Kaya sinabi nito sa casting director na, meron siyang kakilala at ibinigay niya ang email ni Ruby, na noong una’y di siya interesado, dahil palagi na rin siyang shortlisted lang. Kaya hindi niya ini-expect na makukuha siya.

 

Kaya gulat na gulat ang mga co-stars niya sa ‘Niña Niño’ dahil tahimik lang siya sa ginawang audition.

 

Tungkol sa lawak ng kanyang role, nalaman lang niya ito ng crucial pala ito sa story, na hindi niya inasahan, kaya kinilabutan siya habang binabasa ang script, na pinadala habang nasa 21 days quarantine siya sa Maldives bago mag-shooting sa HK.

 

Pinaka-highlight ng role niya at favorite niya ang Episode 5 na may title ng ‘Central’, na kung saan may confrontation scenes sila ni Nicole Kidman, kaya ito ang dapat abangan sa Prime Video na kung saan nagsimula ng mag-streaming.

 

Ano naman ang masasabi niya sa Hollywood A-lister na si Nicole?

 

“Napakabait niya, natural na natural at taung-tao,” sabi ng aktres.

 

“May mga anecdote nga ako, during the first day of our shoot, ‘yun shooting chair ko tinabi sa kanya.

 

“Ayokong umupo dun, kasi nosebleed, pero doon ako pinaupo sa tabi niya. Para ma-establish daw ang rapport namin ni NK (tawag nila sa premyadong aktres) at maging at ease kami.

 

“She was very friendly and very warm. Sa set, pag nakikita na niya, yayakapin na niya ako.

 

“Kaya minsan, inaagahan na nila ang pagpasok ko sa set para sumaya si Nicole. Kasi naaliw siya sa akin, hindi ko alam kung bakit?”

 

Kuwento pa niya sa emotional scene nila sa Episode 5, sinabihan daw siya ni Nicole, “you were so good!”.

 

Sabi daw niya sa sarili niya, “echosera itong si Nicole, siya nga itong sobrang galing. Parang tuod ka na lang kung hindi ka nadala. Sobrang powerful!”

 

“Her eyes as an actress, is really her asset. Nagsasalita kahit walang linya and you feel her energy. At marami akong natutunan sa kanya bilang artista.”

 

Galante rin daw ang hollywood actress. Nagtanong din daw si Nicole tungkol sa pandesal, kaya nag-order siya ng pinaka-masarap, kaya natikman ito ng co-star.

 

Anyway, grabe raw ang pagtrato at respeto na natikman niya habang nagso-shooting, feeling niya na akala raw nila at sikat na sikat siya sa Pilipinas.

 

Say pa raw sa kanya ni Nicole, “thank you for accepting this role. We know you’re an actress in the Philippines.”

 

Kaya gulat na gulat siya, siya raw itong nagpapasalamat for approving na gumanap bilang Essie, na once in a lifetime experience para sa kanya.

 

Kaya noong natapos ang shooting nila na tumagal nga ng 11 months, sinabi ni Nicole na, “I’m going to see again Ruby.”

 

Kaya sinagot niya ng, “when? I want to work with her again. Kasi ang sarap niyang katrabaho.

 

“Unang-una as a professional actor, damang-dama mo na inaalagaan ka. In fact, may isa kaming scene na parang sinasabi niya sa akin, na gawin namin na another take na ganitong version ang gusto ko.

 

“Tama yun sabi niya na, may chemistry kami.”

 

Dagdag pa ni Ms. Ruby, “ako naman very concious ako na hindi ko siya sinasapawan o inaagawan ng eksena.

 

“Kasi ang role ko as her nanny. But sometimes she reminds me na, ‘you have to do more.’

 

“Pero sabi ko, ‘no, no, I can’t do that.’ Batay sa characterization ko, at sa pagiging Filipina ko, hindi kami ganun magsasagot.

 

“Kaya medyo naa-appreciate naman niya.”

 

Ang ‘Expats’ ay may 6 episodes, at may 2 episodes na sa Prime Video na nagsimulang mag-streaming noong January 26.

(ROHN ROMULO)

Naging mabunga ang 2-day state visit PBBM ibinida pinalakas na ‘strategic partnership’ sa Vietnam

Posted on: February 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKABALIK  na ng bansa si Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. kaninang madaling araw mula sa kaniyang dalawang araw na state visit sa Vietnam na nag resulta sa pagpapalakas pa ng strategic partnership sa pagitan ng dalawang bansa.

 

 

Ipinagmalaki ding ibinalita ng Pangulong Marcos na naging mabunga ang kaniyang biyahe dahil sa kaliwat kanang mga official engagements mula sa ibat ibang grupo mula sa gobyerno at sa business sector ng Vietnam.

 

 

Alas-3:30 kaninang madaling araw ng lumapag ang PR 001 sa Villamor Air Base.

 

 

Sa pulong nina Pang. Marcos at Viet Nam President Vo Van Thoung muling pinagtibay ng dalawang lider ang kanilang commitment na palakasin ang relasyon at tinunghayan ang exchange agreements sa pagitan ng dalawang bansa.

 

 

Kanilang tinalakay ang kooperasyon sa defense, maritime, trade and investment, economic, education, tourism and culture.

 

 

Nagkaroon din ng hiwalay na pulong si Pangulong Marcos kay Viet Nam Prime Minster Pham Minh Chinh and National Assembly Chairman Vuong Dinh Hue, kanilang pinag-usapan ang pagpapalakas sa bilateral relations to people-to-people exchanges, parliamentary cooperation,at marami pang ibang collaboration.

 

 

Ipinagmalaki din na inulat ng Pangulo na matagumpay nilang napangalagaan ang interes ng mga negosyanteng Pinoy na nag ooperate sa Vietnam sa pamamagitan ng pagbibigay ng plataporma kung saan pwede nilang iparating ang kanilang mga plano at saloobin.

 

 

Naging mabunga din ang pulong ng Pangulo sa mga Vietnamese business leaders at ipinahayag ang interes na palawakin ang kanilang negosyo sa Pilipinas. (Daris Jose)

UniTeam, “still vibrant, still working”-PBBM

Posted on: February 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

“STILL vibrant, still working”!

 

 

Ito ang tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos sa tanong kung ‘buhay’ pa ang UniTeam.

 

 

“Uniteam is not just one or two or three parties. It’s the unification of all the political forces to come together for the good of the country,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“It is still there, still vibrant, still working, and we will continue to work on that basis,” dagdag na wika nito.

 

 

Ang UniTeam Alliance ay isang electoral alliance na binuo para sa Halalan sa Pilipinas, 2022 na nabuo noong Nobyembre 29, 2021 sa ilalim ng mga lider na sina Bongbong Marcos at Sara Duterte-Cardio para sa Halalang pampanguluhan sa Pilipinas,

 

 

Sa gitna ng lumalalim na hidwaan sa pagitan ng dalawang pamilya, itinalaga pa rin ng Pangulo si VP Sara bilang caretaker ng Pilipinas habang siya ay nasa Vietnam para sa state visit.

 

 

Nito lamang nakaraang Sabdo, nagpahayag ng kanyang suporta si VP Sara sa 8-point socioeconomic agenda ng administrasyong Marcos sa idinaos na Bagong Pilipinas kick-off rally sa Lungsod ng Maynila.

 

 

Ilang oras lamang ang lumipas ay dumalo naman si VP Sara sa isang prayer rally sa balwarte ng kanyang pamilya na Davao City.

 

 

Sa katunayan, napaulat na pinagbibitiw sa puwesto ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte si Pangulong Marcos.

 

 

Ayon sa alkalde, dapat magbitiw si Pangulong Marcos kung wala itong pagmamahal at mithiin para sa Pilipinas.

 

 

“Mr. President kung wala kang pag-ibig at aspirations sa iyong bansa, resign,” mariing hamon ni Baste sa “Hakbang ng Maisug Lea­ders Forum” sa Davao City nitong Linggo, Enero 28.

 

 

Dismayado si Baste sa mga problema sa insureksiyon at droga sa kanilang rehiyon sa Davao.

 

 

Ikinumpara rin niya ang dating pamamahala ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasalukuyang administrasyon sa bansa.

 

 

Nitong linggo ay nagdaos ng anti-people’s initiative rally ang mga Duterte sa Davao City kung saan ginawa ni Baste ang hamon sa Pangulo. (Daris Jose)

Balitang dinumog ng Vilmanians ang movie: VILMA, inaasahang mag-Best Actress din sa ‘Manila International Film Festival’

Posted on: February 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TUMAWAG sa amin ang isang kaibigang Vilmanian na naka-base na ngayon sa Amerika.

 

Ibinalita niya sa amin na punum-puno raw at dinumog ng mga Vilmanians ang pelikulang “When I Met You In Tokyo”.

 

Ang naturang movie nina Star for All Seasons Vilma Santos at Drama King Christopher de Leon ang opening movie para sa on going Manila International Film Festival.

 

Marami raw ang kinilig sa mga nanood at kitang-kita pa ng source namin na may mga pinaiyak sina Ate Vi at Boyet dahil sa naturang movie.

 

Umaasa naman ang mga Vilmanian na si Ate Vi pa rin ang tatanghaling best actress sa awards night sa Feb. 2.

 

Supposed to be ay ire-consider na sana ni Ate Vi ang pagdalo sa MIFF pero may biglaang meetings na dapat personal niyang dadaluhan.

 

Well, may kinalaman kaya ito sa pangungulit ng mga taga-Lipa at iba pang politicians na tanggapin ni Ate Vi ang alok na siya ang ipapalit sa puwesto ng asawang si Ralph Recto bilang kongresista.

 

Come to think of it, si Ate Vi ang kauna-unahang representative ng lone district ng Lipa at sinundan ni Cong. Ralph na ngayon nga ay Secretary of Finance na ng administrasyong Marcos.

 

***

 

SA 20th wedding anniversary ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas na kung saan isinabay na rin nila ang 18th birthday ng panganay na anak na si Christophe, ay ganun na lang ang pakiusap ng aktres na huwag nang banggitin pa ang mga binitawang patutsada ni Claudine Barretto kay Angelu de Leon.

 

Banggit pa ni Gladys, na pag-usapan na lang daw ang magagandang nangyari sa okasyon na ginanap sa sosyal Glass Garden sa Pasig.

 

Sa totoo lang naman, sa panahon ngayon ay wala na yatang mag-celebrate nang ganun kabonggang okasyon na bukod sa super delicious na food ay more than a thousand visitors ang dumating with matching concert para sa lahat.

 

Kaya quiet na lang kami sa isyu nina Claudine at Angelu although nakausap namin ang kunsehala na ngayong si Angelu bago pa man dumating sa venue si Claudine.

 

May effort pa nga si Gladys na pagsamahin ang dalawa sa stage pero nakaalis na si Angelu.

(JIMI C. ESCALA)

Pinas, mas pinili ang mapayapang resolusyon sa alitan sa SCS -PBBM

Posted on: February 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANANATILI si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang posisyon na plantsahin sa pamamagitan ng mapayapang resolusyon ang territorial dispute sa South China Sea (SCS) kasama ang China at Iba pang claimants.

 

 

Sinabi ni Pangulong Marcos kina Vietnamese President Vo Van Thuong at Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh sa magkahiwalay na pakikipagpulong sa Hanoi na nais ng Pilipinas na kagyat na matugunan ang maritime row sa pamamagitan ng mapayapang dayalogo at konsultasyon.

 

 

“On regional and international issues, the South China Sea remains to be a point of contention,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“We are firm in defending our sovereignty, sovereign rights, and jurisdiction against these Chinese provocations. But at the same time, we are also seeking to address these issues with China and all other partners through peaceful dialogue and consultations as two equal sovereign states,” dagdag na wika nito.

 

 

Dismayado naman ang Chief Executive sa “unilateral and illegal actions that violate our sovereignty, sovereign rights, and jurisdiction, and exacerbate tensions” ng China sa SCS.

 

 

Ikinalungkot naman niya ang agresibong aksyon ng Tsina na nauwi sa insidente sangkot ang Chinese at Philippine vessels.

 

 

Sa kabila nito, tiniyak ng Pangulo na ang posisyon ng Pilipinas sa isyu ng SCS “has been consistent, clear, and firmly anchored in the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea.”

 

 

“As a maritime nation, we share a similar assessment of the current state of our regional environment with other maritime nations of the Asia-Pacific. Our countries have crucial roles to play in shaping the regional security discourse and in upholding the rules-based international order,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

“I also wish to stress that the Philippines has an independent foreign policy. The Philippines considers both the United States and China as key actors in maintaining peace and security, as well as economic growth and development of our region,” aniya pa rin.

 

 

Binigyang diin ni Pangulo na ang “sailings at air traffic” sa SCS ay dapat na “remain free” para sa malaking halaga ng kalakalan na dumadaan sa naturang katubigan.

 

 

At dahil na rin sa patuloy na interest ng Vietnam na magsagawa ng Joint Submission on Extended Continental Shelf to the United Nations Commission on the Limits of the Continental Shelf (CLCS), winika ng Pangulo na handa ang Pilipinas na maktrabaho ang nasabing bansa sa joint submission subalit “sa tamang panahon.”

 

 

Committed aniya ang Pilipinas na makatrabaho ang ibang “like-minded” states para matiyak ang rules-based international order sa Asia-Pacific region na may gabay ng international law.

 

 

“Our support for ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) centrality and the ASEAN Outlook on the Indo-Pacific as the foremost regional framework and as the architecture for collective peace, stability and prosperity remains steadfast,” anito.

 

 

Samantala, nanawagan naman ang Pangulo para sa “long-lasting” resolution ng international conflicts.

 

 

Nabanggit ito ng Pangulo dahil na rin sa tumitinding tensyon sa Taiwan Strait, Myanmar, Gaza, Lebanon at Red Sea.

 

 

“The Philippines stands ready to work with other countries towards a long-lasting resolution to the conflict in accordance with pertinent UN (United Nations) Security Council Resolutions and the general principles of international law,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Samantala, pinasalamatan naman ng Pangulo ang Vietnam para sa pagsuporta nito sa hangarin ng Pilipinas na masungkit ang pagiging non-permanent member ng UN Security Council para sa taong 2027-2028. (Daris Jose)

Nakahahabag ang caption sa IG post: KATRINA, nagluluksa sa pagpanaw ng boyfriend na si JEREMY

Posted on: February 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAGLULUKSA ng Kapuso actress na si Katrina Halili ang pagpanaw ng kanyang boyfriend, ang former Wao, Lanao Del Sur Vice Mayor Jeremy Guiab.

 

Sa Instagram, pinost ni Katrina ang photo ni Jeremy na may nakahahabag na caption na: “Ang daya mo Love, sabi mo aalagaan mo kami ni Katie. Bakit iniwan mo kami?”

 

 

Si Quezon City Councilor Don De Leon ang nag-announce ng pagpanaw ng kanyang “best friend, my brother, my confidant and partner” na si Jeremy on Instagram.

 

 

“Jeremy G. Guiab succumbed to a fatal heart attack at around 5:00 PM today. Together with his family, we ask for prayers, for his soul’s eternal rest with our Lord. A precious life gone too soon.”
Jeremy died on January 28 sa edad na 53 after suffering a heart attack in Katrina’s home in Quezon City. Dinala ng aktres si Jeremy sa St. Luke’s Medical Center in Quezon City where he was declared dead.

 

Last July, inamin ng ‘Black Rider’ star ang tungkol sa kanyang boyfriend na katulong niya sa pag-alaga sa anak na si Katie na may mild autism spectrum disorder (ASD).

 

 

Anak ni Katrina si Katie sa singer na si Kris Lawrence.

 

 

***

 

 

MARAMI ang humahanga kay Direk Laurice Guillen dahil sa edad niya na 76, aktibo pa ito at kaya pang magdirek sa malalayong location.

 

 

Tulad na lang sa location ng ‘Asawa Ng Asawa Ko’, sa bundok sila nag-shoot ng karamihan ng mga eksena.

 

 

Inamin ng award-winning actress-director na nakaka-challenge ang location nila dahil marami silang kailangan labanan at pagtiyagaan na situwasyon.

 

 

“When you are in such a location, you have to deal with the elements. From the weather, minsan mainit tapos biglang uulan ng malakas. Very unpredictable. Then you have to deal with other things like one time may ahas na nakapasok sa tent, yung mga iba’t ibang insekto. All these things makes everyone uncomfortable.

 

 

“But we are all there to work professionally and I commend everyone involved in this show dahil walang reklamador. Lahat sila ang sasayang kasama kahit na may mga kagat na sila ng lamok!” tawa pa ni Direk Laurice.

 

 

Thankful di Direk Laurice na nandito pa siya sa showbiz at nagtatrabaho. Marami kasi sa mga nakasabayan niyang direktor noong dekada ‘70 ay nagsipanaw na tulad nila Lino Brocka, Ishmael Bernal, Eddie Garcia, Romy Suzara, Marilou Diaz-Abaya, Maryo J. delos Reyes, Mario O’Hara, Celso Ad Castillo, Mel Chionglo, Danny Zialcita, Emmanuel Borlaza, Eddie Romero at marami pang iba pa.

 

 

***

 

 

NAGLULUKSA ang Broadway dahil sa pagpanaw ng theater legend at icon na si Chita Rivera sa edad na 91.

 

 

Si Chita ang gumanap na Anita sa original 1957 Broadway cast ng ‘West Side Story’.

 

 

Nagbida rin siya sa Bye, Bye Birdie, Guys and Dolls, Chicago, Nine, The Rink and Kiss of the Spider Woman.

 

 

Nanalo si Chita ng dalawang Tony Awards, two Drama Desk Awards, a Drama League Award at special Tony Award for Lifetime Achievement in Theatre.

 

 

Si Rivera rin ang first Latina to be awarded Kennedy Center Honors in 2002 at Presidential Medal of Freedom in 2009 by then-President Barack Obama.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Ads February 1, 2024

Posted on: February 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

38 porsyentong Pinoy tiwalang gaganda ekonomiya ng bansa – OCTA

Posted on: February 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA ang 38% ng mga adult Filipinos na gaganda ang ekonomiya ng bansa sa susunod na anim na buwan.

 

 

Base sa non-commissioned survey ng OCTA Research na ginawa noong Disyembre 2023, ang 38% ay mas mataas sa 27% na nagsabing gaganda ang ekonomiya noong October 2023.

 

 

Bumaba naman sa 8% noong December 2023 ang nagsabing hindi gaganda ang ekonomiya mula sa 14% noong October 2023.

 

 

Sa naturang survey, may 51% ang nagsabi na mananatiling pareho ang lagay ng ekonomiya at tatlong porsyento ang nagsabi na hindi alam.

 

 

Sa socioeconomic classes, 51% sa Class ABC ang nagsabi na gaganda ang ekonomiya.

 

 

Nasa 12% sa Class E ang nagsabi na hindi ito gaganda.

 

 

Nasa 49% naman ang nagsabi na gaganda ang kanilang buhay sa susunod na anim na buwan habang 45% ang nagsabi na mananatili sa kasalukuyan ang lagay ng kanilang buhay.

 

 

Nasa apat na porsyento ang nagsabi na lalong lalala ang lagay ng kanilang buhay.

Mas mabigat na parusa sa mga law enforcers na sangkot sa pagtatakip sa krimen, isinulong

Posted on: February 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISINUSULONG  ng isang mambabatas ang panukalang pagataw ng mas mabigat na parusa sa law enforcers at ibang persons in authority na sangkot sa pagtatakip o paggalaw sa ebidensiya sa mga kaso na may kaugnayan sa drugs at iba ang heinous crimes.

 

 

Sa panukala ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan, nais nitong patawan ng 20 taong pagkabilanggo ang napatunayang nagkasala mula sa kasalukuyang maximum 12-taong pagkakakulong.

 

 

“Law enforcers and other persons in authority are responsible for  maintaining public order and preventing crime.  They should be held to a higher standard of behavior and conduct as protectors of the people,” ani Yamsuan, dating assistant secretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

 

 

Ayon sa mambabatas, kung sila mismo ang magiging problema sa kaso kapag naging kasabwat o accessories sa krimen ay tatanawin silang ‘hoodlums in’ na nararapat na mapatawan ng mabigat na parusa sa ilalim ng batas.

 

 

Upang maipataw ang mabigat na parusa, layon ng House Bill (HB) 7972 na maamyendahan ang Article 19 ng Revised Penal  Code upang maisama sa mapapatawan ng mas mabigat na parusa ang mga persons in authority na nagsilbing kasabwat sa komisyon ng krimen.

 

 

Sinabi ni Yamsuan na sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang heinous crimes tulad ng drug trafficking ay may parusang reclusion perpetua o pagkakakulong ng 20-40 taon habang ang nagsilbing accesories o kasabwat ay may parusang 6-12 taong pagkakakulong.

 

 

Sa HB 7972, nais ng mambabatas na mapatawan ng mabigat na parusa ang kasabwat na law enforcersat iba pang persons in authority kung saan ang parusa ay  reclusion temporal o pagkakakulong ng 12-20 taon.

 

 

Nakapaloob sa Republic Act 7659, kasama sa heinous crimes ay ang “importation, distribution, manufacturing and possession of illegal drugs. Other offenses classified as heinous crimes are treason; piracy in general and mutiny on the high seas in Philippine waters; qualified piracy; qualified bribery; parricide; murder; infanticide; kidnapping and serious illegal detention; robbery with violence against or intimidation of persons; destructive arson; and rape.” (Ara Romero)