• March 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 1st, 2025

WHAT LIES WITHIN THE MINES? WATCH THE BRAND NEW TRAILER FOR “A MINECRAFT MOVIE,” STARRING JASON MOMOA AND JACK BLACK

Posted on: March 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments

Photo credit: Warner Bros. Pictures

 

Get ready for the greatest adventure ever built. ⛏️ Tickets are on sale NOW for “A Minecraft Movie,” starring Jason Momoa and Jack Black, only in cinemas April 2.

 

Watch the brand new trailer: https://youtu.be/OtGJmI5qQFg?si=Q9VtAVxVDoQgIBOy

 

Official synopsis:

 

Welcome to the world of Minecraft, where creativity doesn’t just help you craft, it’s essential to one’s survival! Four misfits – Garrett “The Garbage Man” Garrison (Jason Momoa), Henry (Eugene Hansen), Natalie (Emma Myers) and Dawn (Danielle Brooks) – find themselves struggling with ordinary problems when they are suddenly pulled through a mysterious portal into the Overworld: a bizarre, cubic wonderland that thrives on imagination. To get back home, they’ll have to master this world (and protect it from evil things like Piglins and Zombies, too) while embarking on a magical quest with an unexpected, expert crafter, Steve (Jack Black). Together, their adventure will challenge all five to be bold and to reconnect with the qualities that make each of them uniquely creative… the very skills they need to thrive back in the real world.

About “A Minecraft Movie”

 

From Warner Bros. Pictures and Legendary Pictures and starring Jason Momoa and Jack Black, “A Minecraft Movie,” directed by Jared Hess, is the first-ever big screen, live-action adaptation of Minecraft, the best-selling video game of all time.

 

The film also stars Emma Myers (“Wednesday”), Oscar nominee Danielle Brooks (“The Color Purple”), Sebastian Eugene Hansen (“Just Mercy, “Lisey’s Story”), with Jennifer Coolidge.

 

Oscar nominee Hess (“Ninety-Five Senses,” “Nacho Libre”) directed, with Roy Lee, Jon Berg, Mary Parent, Cale Boyter, Jason Momoa, Jill Messick, Torfi Frans Olafsson and Vu Bui producing, and Todd Hallowell, Kayleen Walters, Brian Mendoza, Jonathan Spaihts, Pete Chiappetta, Andrew Lary and Anthony Tittanegro executive producing.

 

Warner Bros. Pictures and Legendary Pictures Present A Vertigo Entertainment/On The Roam/Mojäng Aktiebolag Production, A Jared Hess Film, “A Minecraft Movie.” The film will be distributed by Warner Bros. Pictures worldwide and by Legendary East in China, and released only in theaters and IMAX in North America.

 

Get ready to craft your world when “A Minecraft Movie” opens only in cinemas April 2, 2025. #MinecraftMovie

(Photo & Video Credit: “Warner Bros. Pictures”)

(ROHN ROMULO) 

Ilang buwan pa bago naging sila pero ‘di nagtagal: HEAVEN, nilinaw na ‘di naging third party sa hiwalayang KIKO at DEVON

Posted on: March 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments

SINAGOT na ni Heaven Peralejo ang mga balita sa kanya noon na naging third party sa relasyon ng aktor at dati niyang boyfriend na si Kiko Estrada.

Inakusahan siya noon bilang third party sa break-up ni Kiko at ng actress ex-girlfriend niyang si Devon Seron. Ilang buwan matapos ng naturang break-up ay nagkaroon ng relasyon sina Kiko at Heaven. Hindi nagtagal ay nagkahiwalay din sila.
Ayon kay Heaven ay wala siyang anumang romantic relationship kay Kiko nang maghiwalay sila ni Devon. Nagkatrabaho lang sila sa isang proyekto ng aktor.
“Naunahan na, e, naunahan na ng tsismis during that time. So, kahit ano’ng sabihin mo sometimes wala na rin talaga,” paliwanag ni Heaven.
Tungkol sa dati niyang boyfriend na si Jimuel Pacquiao, sinabi ni Heaven na maayos ang relasyon niya sa miyembro ng pamilya nito, maging sa mga magulang ng binata na sina Jinkee at Manny Pacquiao.
***

BIHIRA ngang tumanggap ng teleserye ang award-winning actress na si Amy Austria. 

Pero kapag may tinanggap ito na serye, ibig sabihin ay maganda ang istorya ito.

Kasama siya sa ‘Mommy Dearest’ ng GMA Afternoon Prime at nagpapasalamat siya na pinahahalagahan pa rin siya sa limang dekada bilang aktres.

Ang disiplina raw na natutunan niya simula nung bata siya hanggang sa pasukin niya ang pag-arte in 1976.

“Naging mabait ang show business sa atin at hindi naman tayo nahirapan dahil na rin sa disiplina natin sa trabaho. Bata pa lang ako, may disiplina na ako sa bahay pa lang. Tinuruan kami na maging responsable sa lahat ng bagay.”

Mula raw sa pamamalengke at pagsasaing, hanggang sa paghugas ng pinggan at paglalaba ay nagagawa na niya sa edad na lima.

“Kailangan lahat gawin mo nang tama, lahat kailangan gawin mo nang maayos, lahat gawin mo nang maganda, lahat gawin mo nang nasa oras. ‘Wag mong ipagpabukas or mamaya na, ‘yung kailangan mong tapusin, tapusin mo na,” sabi ni Amy na ayaw ding maging cause of delay sa trabaho niya.

***

NA-ACQUIRE ng TMZ ang official final divorce papers nila Jennifer Lopez and Ben Affleck.

Nakalagay sa settlement na “the two agreed to walk away with what they had each acquired individually while married. They would keep their personal clothing, jewelry, and miscellaneous personal effects in their possession, custody or control.”

Ibig sabihin ay pati ang $5-million engagement ring na bigay ni Ben noong 2022 ay pag-aari na ni Jennifer.

Ang $68-million home nila sa Beverly Hills is currently on the market, at paghahatian nila ang profits based on the “terms of the Separate Settlement and Confidentiality Agreement.

Walang prenup ang dalawa noong kinasal sila in 2022.

(RUEL J. MENDOZA)

Maalaga na sa mga kapatid kahit noong bata pa: SYLVIA, proud na proud kay RIA sa pagiging hands-on mom kay SABINO

Posted on: March 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments
PROUD na proud ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez sa kanyang anak na si Ria Atayde na hands-on mother sa first baby nila ni Zanjoe Marudo na si Sabino.
Sa Instagram post, binahagi ni Sylvia ang photos ng mag-ina at nilagyan niya ito ng caption na…
“Even when you were little, while I was away at work, you instinctively took on the role of protector and nurturer for your siblings. Motherhood was always in you it’s who you are @Ria
“And now, seeing you step into this beautiful new chapter, my heart overflows with pride. You are radiant, more gorgeous than ever, and I know you will be an incredible mother to Sabino!
“Love you my Potpot #gandamo nak.”
Na sinagot naman ni Ria ng, “Love you Ma!”
Say naman ng sister niyang si Gela Atayde, “Ako talaga panganay niya @ria.”
Pinusuan naman ito ng netizens, celebrities at mga kaibigan.
Komento naman ng ilang netizens…
“Swerte sa pamilya ito ang masasabi ko sa kanila esp. regarding how loving, vocal and supportive they are of each other.
“As a daughter na lumaki walang affection from my parents, ang sarap makabasa ng ganyan online. Na-sobrang vocal sila sa love nila sa anak nila. Simple gesture pero ang laki ng impact sa ibang tao.
“Nakakatuwa ang naging love story nitong si Zanjoe at Ria. Naalala ko pa yung favorite kong My Dear Heart na series nila. Halos hindi tignan ni Zanjoe si Ria during press con dahil parang little sister/barkada lang. Then after a few years naging sila din pala. Love love!
“Ganyan lang yung magandang caption maigsi at tamang tama lang.
“She’s a good daughter talaga, masunurin at may galang sa magulang at nagtapos ng pagaaral. Ngayon May baby na! Sana ganyan din ang anak ko….
***

BAGO natapos ang buwan ng puso, apat sa anim na pelikula ngayong linggo ang swak sa pamilyang Pilipino ayon sa klasipikasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Rated G (angkop sa lahat ng edad) ang “Secret: Untold Story” at “Ive: The 1st World Tour in Cinema” na parehong galing South Korea.

Rated PG (edad 12 pababa kasama ang magulang) ang “Everything About My Wife” na pinagbibidahan ng mag-asawang Jennylyn Mercado and Dennis Trillo, at ang biographical musical drama na “A Complete Unknown,” batay sa buhay ng mang-aawit na si Bob Dylan.

“The Caretakers,” na bida sina Iza Calzado at Dimples Romana, ay rated R-13 para sa edad 13 pataas at swak sa mga mahilig sa katatakutan.

Habang ang 1922 bersyon ng American gothic horror na “Nosferatu” ay rated R-16 para sa edad 16 at pataas.

Payo ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio sa mga magulang na maging handa sa pakikipag-usap sa mga bata tungkol sa mga eksena na posibleng makaapekto sa kanilang kaisipan.

“Aking hinihikayat ang mga magulang at nakakatanda na maging handa para liwanagin sa mga bata ang mga eksenang posibleng hindi nila maarok,” sabi ni Sotto-Antonio.

(ROHN ROMULO)

Excited sa pag-iikot sa Metro Manila para sa kanyang show: RHIAN, ready na ‘pag tinanong ni SAM ng ‘will you marry me?’

Posted on: March 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments
MATAGAL na rin napag-uusapan na kapag hindi na pwedeng lumabas si Sam Versoza dahil tumatakbo ito bilang Vice Mayor ng Manila, ang girlfriend niya, ang Kapuso actress na si Rhian Ramos ang siyang hahalili sa kanya.
Ito ay sa programang “Dear SV” kunsaan, ngayong March 1 na huling mapapanood si Sam bilang host. Simula sa March 8 ng 11:30 ng gabi sa GMA-7, si Rhian na ang host ng “Where in Manila.”
At noon pa man na nababanggit na kay Rhian na siya ang pwedeng pumalit, nagpakita na talaga siya ng excitement.
Kaya sey niya sa mediacon, “I’m so excited to be hosting this show. It’s not just going to be a learning experience for our audience pero syempre sa akin din. It’s very known naman na I love to travel, I love new experiences, tasting things that I’ve never eaten before, seeing places that I’ve never been before.
“Pero who knew there is so much to be seen and celebrated in our backyard which is Metro Manila. Syempre we’re going to call it Where In Manila, but it’s actually covering the whole Metro Manila. “
Naniniwala nga si Rhian na marami pang pwedeng mai-offer at mai-explore na lugar at maging mga pagkain na pwedeng tikman.
“So much can be found here. Sa mga first shoots pa lang I’ve been able to have a lot of first time experiences also. I just want to help… to celebrate with our audience what can be found dito mismo sa Pilipinas,” pahayag niya.
Ang maganda rin, hindi lamang Manila ang iikutan nila, kundi buong Metro Manila.
During the interview, may naging rebelasyon si Rhian. Hindi naman kaila sa lahat na marami na rin siyang naging karelasyon in the past. Pero ayon dito, it is with Sam lang daw na na-realize niyang welcome na sa kanya ang marriage o pagpapakasal.
Kaya pala “bahala ka” ang sagot ni Rhian sa pahayag ni Sam na sa pag-uusap daw nila, kung ikakasal sila, parang gusto nito na sa Quipao Church sila ikasal.
Ready na rin daw si Rhian anytime na i-popped ni Sam ang tanong na “will you marry me?’
***
MYRTLE, BAKA MAG-QUIT NA SA SHOWBIZ AT MAG-CONTENT CREATOR NA LANG
MALAPIT ng matapos ang teleseryeng “My Ilonggo Girl” pero ilang linggo bago ito magtapos ay ipinakilala pa ang character ni Myrtle Sarroza.
Sa isang banda, kung tama ang narinig namin, may posibilidad na baka huling serye na ito ni Myrtle.
Tila pinag-iiisipan na raw nito na mag-quit muna sa kanyang showbiz career at mag-concentrate na sa pagiging content creator ng mga games or sa kanyang gaming.
Wala kaming ideya kung gaano kalaki ang income sa isang mundo na ito ni Myrtle. Pero kung kaya niyang i-give-up ang pag-arte para rito, siguradong worth it ito.
(ROSE GARCIA)

ABP PARTY LIST, MAKIKIISA SA FIRE PREVENTION MONTH

Posted on: March 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAKIKIISA  ang “Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) party list sa pagdiriwang ng taunang Fire Prevention month na isinasagawa buong buwan ng Marso. May temang ” Pag -iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa” “ PARA SA MAS LIGTAS NA PINAS !!!” ang ABP party list ay patuloy na magsasagawa ng libreng training para sa bawat komunidad at pamilya sa tamang paghahanda at mabilis na pagtugon sa mga emergency katulad ng sunog, lindol, baha at iba pang kalamidad na ginagawa nila sa pag-ikot sa iba’t ibang lugar sa bansa. ”

Kailangang magkakabuklod ang bawat Pilipino sa pagtugon na may sapat na kaalaman at kahandaan sa mga kalamidad” ayon kay ABP first nominee Jose Antonio “Ka Pep Goitia”.

Sa kanilang  isinasagawang pagbisita ay itinuturo ng grupo ang emergency response drill at tamang paggamit ng fire extinguishers.

Layunin ng ABP na binubuo ng koalisyon ng mga bumbero, fire rescuers at volunteers na makapagbigay ng serbisyong walang kapantay sa pagsagip ng buhay at handang ipagbuwis ng buhay sa pagresponde sa mga sakuna partikular ang sunog. Ipaglaban ang pagkakaroon ng maraming benepisyo, insurance at medical assistance ng mga miyembro nito na sa kasalukuyan ay minimal allowance at walang suweldo na natatanggap kapalit ng serbisyong kanilang ibinibigay sa mamamayan.

Matatandaang umakyat sa pang labing apat na puwesto ang ABP na kinabibilangan ni Ka Pep Goitia, Lenin Bacud, Jose Mari Antonio Goitia, Carl Gene Moreno Plantado at Howie Quimzon Manga sa isinagawang survey mula Pebrero 11-14 ng Tangere samantalang nasa Top 24-25 naman sa OCTA Research isang mapagkakatiwalaang non-profit , independent public research organization. (Gene Adsuara)

Boxing, posibleng pasok pa rin sa 2028 Olympics matapos kilalanin ng IOC ang World Boxing

Posted on: March 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments
Kinilala na ng International Olympic Committee ang World Boxing bilang pansamantalang mamamahala sa mga susunod na international boxing event.
Una nang pinutol ng IOC ang connection nito sa International Boxing Association (IBA) dahil sa ilang financial at ethical issues, kasama na ang ilang problema sa pamamahala.
Ang IBA ang dating namamahala sa amateur boxing sa loob ng mahabang panahon.
Kasabay nito, sinabi ng IOC na nagawa ng World Boxing na ipakita ang kagustuhan nitong pagbutihin ang sistema ng pamamahala at sumunod sa ‘appropriate standards’.

AFC Asian Cup 2027 Qualifiers gaganapin sa New Clark City

Posted on: March 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments
INANUNSIYO ng Philippine men’s football team na sa New Clark City Stadium sa Capas, Tarlac na gaganapin ang AFC Asian Cup 2027 Qualifiers sa Marso 25.
Ito ay sa kadahilanan na ang Rizal Memorial Stadium sa lungsod ng Maynila ay sumasailalim ng renovation.
Taong 2022 ng maghost na rin ang New Clark City ng Philippine Football League habang ito ang unang pagkakataon na maglalaro ang PMFT.
Una ng nakapag-qualify ang Pilipinas sa semifinals ng ASEAN Mitsubishi Electric Cup.
Makakaharap ng Pilipinas ang Tajikistan at Timor-Leste para sa nasabing qualifiers kung saan ito ay nasa final round na at ang top teams sa bawat anim na grupo ay pasok na sa Asian Cup.

Estudyante na wanted sa murder sa Caloocan, timbog

Posted on: March 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments

HIMAS-REHAS ang 20-anyos na senior high school student na wanted sa kaso ng pagpatay matapos madakip ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, isinilbi ng mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU), sa koordinasyon sa District Intelligence Division (DID) ng Northern Police District (NPD) ang isang Order to Take Custody sa akusado na kabilang sa talaan ng mga ‘Most Wanted Person’ sa lungsod.

Ikinasa ng mga operatiba ng DSOU-NPD ang manhunt operation laban sa akusado, kasunod ng inilabas na order ng korte noong February 11, 2025 na nagresulta sa pagkakadakip sa kanya sa M.H. Del Pilar Street, Grace Park.

Ang order ay inisyu ni Presiding Judge Barbara Aleli Fernandez Briones, ng Family Court, Branch 1, National Capital Judicial Region, Caloocan City, na walang inirekomendang piyansa.

Matapos kumpirmahin ng City Social Welfare Department na hindi na menor de edad ang akusado, ay mananatili siya sa kustodiya ng DSOU habang hinihintay pa ang commitment order mula sa korte.

Pinapurihan ni PCOL Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD, ang mga operatiba sa kanilang hindi natitinag na dedikasyon sa pagpapatupad ng batas at kaligtasan ng publiko, na nagpapatibay sa pangako ng puwersa ng pulisya na gawing mas ligtas ang mga komunidad. (Richard Mesa)

Pagtugis sa 2 suspek sa karumal-dumal na pagtay sa Caloocan, pinaigting

Posted on: March 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINAIGTING ng mga tauhan ng Caloocan City Police Station (CCPS) ng Northern Police District (NPD) ang pagtugis sa mga suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa isang lalaki sa Barangay 176, Bagong Silang.

Sa report ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals kay NPD Acting District Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ang mga suspek na sina alyas “Jellou,” 24, tattoo artist, at alyas “Kulot”.

Sa ulat, ala-1:30 ng hapon, noong February 21, 2025, nang madiskubre ang karumal-dumal na insidente ng pagpatay sa 37-anyos na lalaki sa loob ng isang bahay nang pumasok si alyas “Ailyn,”, 45, barangay utility worker, sa inuupahang apartment kaya agad niya itong ipinaalam sa SS12, CCPS.

Lumabas sa pagsusuri ng mga tauhan ng forensic examiners ng Northern Police District Forensic Unit (NPDFU) na nagtamo ng isang saksak sa likod ang biktima, malalalim na sugat sa kanyang leeg, at pinutol ang magkabilang paa, na inilagay sa loob ng asul na cooler.

Sa isinagawang imbestigasyon, natukoy ng pulisya ang mga suspek kung saan ayon sa saksi, huling nakitang buhay ang biktima noong Pebrero 18, 2025, na umalis upang makipagkita sa isang tao ngunit hindi na nakabalik.

Sinabi pa ng saksi na matapos madiskubre ang bangkay, nakipag-ugnayan siya kay alyas “Otching” na umaming nakasaksi sa insidente at itinuro nito si alyas Jellou na responsable sa pagpatay at ipinagtapat pa niya sa kanyang ina na nakita niyang pinuputol ni ‘Jellou’ ang mga binti ng biktima ngunit hindi ito nakialam dahil sa takot.

Dahil dito, pormal ng sinampahan ng pulisya ng kasong Murder sina ‘Jellou’ at ‘Kulot’ sa Caloocan City Prosecutor’s Office habang sumuko si ‘Otching’ at nakikipagtulungan sa mga awtoridad.

Tiniyak ni Col. Ligan sa publiko na ang NPD ay ganap na nakatuon sa pagbibigay ng hustisya sa karumal-dumal na krimen na ito.

Nananawagan naman ang Caloocan police sa sinumang may impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng mga suspek na makipag-ugnayan lang sa CCPS o sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya. (Richard Mesa)

Mangingisda, nagsagawa ng kilos protesta sa Korte Suprema

Posted on: March 1st, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGSAGAWA ng kilos protesta sa harap ng Korte Suprema ang PANGISDA Pilipinas upang tutuluan ang naging desisyon ng Korte Suprema  na nagdedelarang unconstitutional ang probisyon ng Philippine Fisheries Code na nagbabawal ng komersyal na pangingisda sa mga municipal water.

 

Hinaing ng grupo, inaalis ng desisyon ang pagsisikap sa pagpapaunlad ng lokal na industriya  ng pangisdaan.

 

Noong Agosto 19, 2024, kinatigan ng Unang Dibisyon ng Korte Suprema ang desisyon ng Malabon Regional Trial Court hinggil sa petisyon ng Mercidar Fishing Corp. na nagdeklarang unconstitutional ang preferential access ng mga mangingisdang munisipal sa 15-kilometrong munisipal na tubig.

 

Giit ng PANGISDA Pilipinas, pareho ang itinataguyod ng Department of Agriculture–Bureau of Fisheries at Korte Suprema: ang interes ng mga kapitalista at korporasyon.

 

Hinaing pa ng grupo ng maliliit na mangingisda , na hinahayaan  ang mga kapitalista at korporasyon ang patuloy na pagkamal ng dambuhalang tubo  kahit mawasak ang kalikasan at malunod sa dagat ng kahiraoan at gutom ang mga pamilyang umaasa sa likas na yaman ng pangisdaan.

 

Nais ng grupo na papanagutin ang mga ahensya ng gobyerno na may sabwatan sa mga korporasyon na sanhi ng pagkawasak ng pangisdaan at kalikasan. (Gene Adsuara)