• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 6th, 2025

Kelot na wanted sa kasong rape sa Valenzuela, nabitag sa Occidental Mindoro

Posted on: March 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments
HINDI inakala ng 30-anyos na lalaki na wanted sa kaso ng panggagahasa sa Lungsod ng Valenzuela na matunton pa siya ng tumutugis na mga pulis sa kanyang pinagtataguan sa Mamburao. Occidental Mindoro.
Ayon kay Valenzuela Police Chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap sila ng impormasyon na nagtatago sa nasabing lugar ang akusadong si alyas “Jonathan” na kabilang sa mga Most Wanted Person sa lungsod kaya agad siyang bumuo ng team mula sa Warrant and Subpoena Section (WSS) at Station Intelligence Unit.
Nakipag-ugnayan si Col. Cayaban sa 402nd Maneuver Company-Regional Mobile Force Battalion (MC-RMFB), 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) at Mamburao Municipal Police Station sa Occidental Mindoro bilang koordinasyon sa gagawing pagdakip ng kanyang mga tauhan sa akusado.
Dakong alas-6:40 ng umaga nang madakip ng mga tauhan ni Col. Cayaban ang akusado sa tinitirhan niyang bahay sa GCFI Farm II, Brgy Tayamaan, Mamburao, Occidental Mindoro, makalipas magtago ng mahigit 10-taon makarang maharap sa kasong panggagahasa.
Maayos namang naisilbi sa akusado ang warrant of arrest na inilabas noong Enero 9, 2015 ni Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Branch 75, Presiding Judge Lilia Mercedes Encarnacion A. Gepty.
Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ni alyas Jonathan na pansamantalang ipiniit sa custodial facility ng Valenzuela Police Station habang hinihintay ang utos ng korte sa paglilipat sa kanya sa Valenzuela City Jail. (Richard Mesa)

“Ne Zha 2”, The Highest-Grossing Animated Film of All Time Arrives in PH Cinemas

Posted on: March 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments
WITNESS the next chapter in this legendary battle of fire and ice in ‘Ne Zha 2’, the highest-grossing animated film ever.
The wait is over! The highly anticipated sequel, Ne Zha 2, is finally hitting Philippine cinemas on March 12.
This action-packed animated epic has shattered records worldwide, grossing a staggering US$1.9 billion, making it the highest-grossing animated film of all time. It’s also the first non-American, non-English language animated film to achieve this milestone, solidifying its place in cinematic history.
Not only that, but Ne Zha 2 holds the record for the highest-grossing film in a single territory, achieving this feat in under two weeks.
Picking up where Ne Zha left off, the sequel follows Ne Zha and Ao Bing, who, after being struck down by heavenly lightning, survive as spirits. Thanks to Ne Zha’s mentor, Master Taiyi, their physical forms are restored using the Sacred Lotus. But as they recover, a new danger threatens to disrupt the balance of the realms.
As reincarnations of two opposing forces from the Chaos Pearl, Ne Zha and Ao Bing’s destinies are deeply intertwined.
Ne Zha – Born of the Demon Orb, he wields fire-based powers that match his impulsive and rebellious personality.
Ao Bing – Born of the Spirit Pearl, he controls ice-based abilities, reflecting his calm and noble nature.
Together, they must rise to the challenge and face formidable threats that could reshape their world forever.
Experience the breathtaking animation, spectacular action sequences, and rich mythology that have captivated audiences worldwide. Whether you’re a longtime fan or new to the legend, Ne Zha 2 promises an unforgettable cinematic experience.
The battle begins in Philippine cinemas on March 12. Are you ready?
(ROHN ROMULO)

Sobrang happy na naging partner si Jillian: MICHAEL, pinipilit na hindi maapektuhan ng mga namba-bash

Posted on: March 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments
MAGANDA ang pasok ng taong 2025 kay Michael Sager dahil leading man na siya ni Jillian Ward sa ‘My Ilonggo Girl.
Ano ang masasabi niya tungkol dito?
Aniya, “It’s an important reminder to really be thankful for this.
I thank the Lord every day, and I’m grateful, and I don’t want to take it for granted.
“Kasi nga I didn’t expect this po, unexpected itong My Ilonggo Girl, but masaya ako and for me, it’s just a reminder to really give it my all.
“Kasi sayang ang opportunity, I mean, the network entrusted me with such a big project, partner ko pa si Jill.
“So sabi ko, there’s no time to waste na.
“It’s my time to really step up, and do better in my craft. Lahat ng mga comments sa mga past work ko, sa Shining Inheritance, binabasa ko lahat so that I can really improve.
“Kasi kung naba-bash man ako, I don’t want to see it super negatively. I want to see it positively na, okay, that’s where I can improve, and that’s what I want to apply.”
Aminado si Michael na nakakaranas rin siya ng pamba-bash tulad ng ibang artista.
“Meron naman po,” pakli niya.
Ano ang pinakamasakit na pintas ang ipinukol na sa kanya?
“Yung mga pinakamasakit… well, hindi ko naman ina-allow na masaktan ako ng todo. But of course, hindi mo maiwasan, I mean, I’m just human.”
Ano, halimbawa?
“About my acting.
“Siguro that’s something I’m very careful about kasi yung acting ko, iyon yung ginagawa ko, iyon yung craft ko.
So I don’t really take it in such a negative light, I just look at what I have to look at and accept.
“Sinabi rin ni Sir Erickson sa akin, yung manager ko sa Cornerstone, he said, ‘When you look at bashers, para hindi ka ma-stress, yung nababasa mo, if important talaga, it will reach you’, and that really affected me. 
“Kasi siguro, instead of focusing on the negative stuff, minsan madadala ka, e.
“So ako, kung may criticism, yes, and then positive na lang para mas magtuloy-tuloy na lang yung energy.”
Sa ‘Prinsesa ng City Jail’ ay may mga shirtless scenes si Allen Ansay.
Si Michael ay mayroon rin sa ‘My Ilonggo Girl.
Magkaibigan sina Michael at Allen.
“Si Allen, proud ako sa kanya, nakasama ko yun sa All Out Sundays and tuwang-tuwa ako sa kanya, and ako naman po, nagwu-work out ako everyday para sa show na ‘to,” at tumawa si Michael.
 
(ROMMEL L. GONZALES)

Sa pamamagitan ng isang short digital film: COCO, nagpakita ng ‘alagang maaasahan’ kasama ang buong squad

Posted on: March 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments
KAMAKAILAN lang ay nakipagtulungan ang homegrown brand na Astron Appliances sa Primetime King na si Coco Martin at sa kanyang buong squad para sa isang short digital film na tinatawag na “Sa Kamay ng Ala Gang.”
Sa digi-film, gumaganap si Coco bilang pinuno ng Ala Gang, isang grupo ng mga lalaki na dumudukot sa mga tao at dinadala sila sa kanilang lungga na nasa malalim na mga kalye ng Quiapo.
Sa naturang pagkuha ay tila mula sa napakalaking matagumpay na primetime drama “Batang Quiapo”, inilalarawan ng digital film kung paano sineseryoso ng Astron Appliances ang pangangalaga sa mga customer nito sa pamamagitan ng mga aksyon ng sikat na aktor at ng kanyang barkada.
Tulad ng nakikita sa pelikula, gumamit ang Ala-gang ng iba’t ibang appliances sa kusina ng Astron tulad ng mga airfryer, oven, at rice cooker, upang maghanda ng mga masasarap na pagkain para pakainin ang kanilang bihag.
Nag-aalok ang Astron Appliances ng iba’t ibang uri ng mga kagamitan sa pagluluto, sapat na upang gawing kumpleto sa gamit ang bawat kusinang Pilipino pang matugunan ang mga pangangailangan ng bawat pamilyang Pilipino.
Sa short film, nakita rin natin kung paano pinananatiling komportable ng Astron Appliances ang bihag.  Gumamit ang Ala-gang ng iba’t ibang uri ng electric fan at air conditioner tulad ng INV – W150 air conditioner, Astron TCL-MA100 Aircon, Astron Airblade – 16, at Astron Omni Industrial Stand Fan upang matulungan ang bihag na manatiling presko sa buong araw.
Ang Astron ay mayroon ding iba’t ibang uri ng home entertainment na handog. Nagpakitang gilas din ang Ala-gang sa isang song and dance number gamit ang flagship Smart TV ng Astron, na ipinares sa mga Astron speaker na may dB Audio.
Para sa Astron Appliances, ‘Ang Alagang Maaasahan Mo!’ ay hindi lang ang kanilang tagline kundi malaking bahagi din ng kanilang after-sales guarantee dahil mayroon din silang iba’t ibang warranty plan para sa bawat produkto upang matiyak na ang Alagang Astron after sales ay makakadikit.
Ang Astron Appliances ay higit sa 40 taon nang nagsisilbi sa Filipino market gamit ang kanilang abot-kaya ngunit maaasahang mga produkto na tumutugon sa lahat ng pangangailangan sa tahanan ng pamilya.
Maaaring mamili ng kanilang mga pinakabagong produkto sa daan-daang retailer outlet o online sa pamamagitan ng Shopee at Lazada.  Maaari ring bisitahin ang kanilang grand showcase store sa Quiapo, Manila para malaman pa ang tungkol sa Astron Appliances at maranasan ang ‘Alagang Astron.’
(ROHN ROMULO)

Ilan pa sa awardees sina Dingdong, Daniel at Catriona: VICE GANDA, JULIA at KATHRYN, nanguna sa top celebrity taxpayers sa QC

Posted on: March 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments
KINILALA at pinarangalan mismo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga “Top Celebrity Taxpayers of 2024” na kinabibilangan nina Vice Ganda, Julia Barretto, at Kathryn Bernardo.
Ginanap ito Tax Campaign Kick-Off event sa Quezon City noong Martes, March 4.
Sa naturang pagkilala, inihayag ni Vice ang kahalagahan ng tamang paggamit ng tax.
“Tama pong magbayad ng buwis. Obligado tayong magbayad ng buwis. Dapat nating gawin ‘yun. At pagkatapos nating magbayad ng buwis, karapatan din nating obligahin ang hahawak ng buwis na binabayaran natin,” pahayag niya sa kanyang speech.
Dagdag pa ng numero unong taxpayer ng QC, “Hindi madali kung paano natin kinita ang ipambabayad natin ng buwis… tayo ay may karapatang magtatanong saan ang binabayaran nating buwis.”
Sa Facebook page naman ni Vice ay labis itong pasasalamat sa naturang ahensiya ng gobyerno…
“Maraming salamat sa pagkilala sa akin bilang TOP TAXPAYER in BIR Quezon City for 2024. Obligasyon nating magbayad ng buwis, at obligasyon din nating itanong kung saan napupunta ito.”
Sa social media naman Viva Artists Agency, “Julia Barretto receives an award for being the second-highest taxpayer in Quezon City at the BIR Quezon City Tax Campaign Kickoff.”
Sa Instagram post naman ni Kim Chiu, “As responsible citizens, it’s important to understand our tax obligations and how they contribute to nation-building.”
Ang iba pang awardees sa event ay sina Dingdong Dantes, Kim Chiu, Darren Espanto, Daniel Padilla, mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, Allen Dizon, Albert Martinez, Jason Dy, Richard Reynoso at si Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Nagpasalamat si Kathryn sa BIR sa pamamagitan ng isang video message, at si Karla Estrada naman ang naging representative ni Daniel.
Kasama rin sa list of awardees sina Piolo Pascual, Bea Alonzo, Vic Sotto, at Joey de Leon, pero hindi sila nakapunta sa naturang event.
Marami pang celebrities ang nagiging magandang ehemplo sa mamamayan sa pagbabayad ng tamang buwis.
(ROHN ROMULO)

Laure, Bagunas official Ambassadors para sa FIVB world men’s meet

Posted on: March 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments

IPINAKILALA sina Alas Pilipinas standouts Eya Laure at Bryan Bagunas bilang Official Ambassadors sa pamamahala sa bansa sa FIVB Men’s Volleyball World Championship Philippines 2025 sa Setyembre.

Makakasama rin nina Laure at Bagunas sa mga gagawing promotional tours dito at sa ibang bansa ang indie folk-pop band Ben&Ben bilang magiging Official Music Partner sa hosting ng world meet.

“Maraming salamat po dahil dito ay mas nakikilala ang volleyball sa Pilipinas at ngayon, best of the best pa ang magpupunta dito sa atin,” sabi ng 25-anyos na si Laure kahapon sa official launch na pinamunuan ni Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon “Tats” Suzara sa The Vault sa BGC sa Taguig City.

Ang aktibidad ay simula ng isang six-month countdown bago ang makasaysayang event na hahataw sa Setyembre 12 hanggang 28.

“Nagpapasalamat po kami sa PNVF for bringing the world championship here. Sobrang laking bagay po nito sa Philippine volleyball community,” dagdag ng 25-anyos na si Bagunas.

Ang ‘Triumph’ ng Ben&Ben ang magiging official song sa kabuuan ng countdown para sa 32-team world tournament.

Nangako si Suzara na magiging matagumpay ang hosting ng bansa sa world meet katuwang ang Men’s World Championship Local Organizing Committee Executive Board.

“Let’s get it going. We’re 192 days away from history. Tulung-tulong tayo and let’s get the (full preparations) started,” sabi ni Suzara na siya ring executive vice president ng FIVB at presidente ng Asian Volleyball Confederation (AVC).

Nasa official launch din si Presidential son William Vincent “Vinny” Araneta Marcos, ang co-chairman ng LOC executive board at PNVF chairman emeritus kasama sina Senator Alan Peter Cayetano at Senator Pia Cayetano.

“Volleyball is really growing popular here in our country and I really can’t wait to see as we host the world championship,” ani Marcos.

“What we’re doing here is bigger than just volleyball. It’s bigger than one team, one goal and one NSA. It’s whole country effort to show the best of the Philippines,” dagdag ni Cayetano.

Naniniwala rin si Senator Pia Cayetano, miyembro ng LOC executive board, na lalong makikilala ang Pilipinas sa world sports dahil sa FIVB world men’s meet matapos ang matagumpay na 2023 FIBA Basketball World Cup hosting, ang Philippine national women’s football team sa 2023 FIFA Women’s World Cup at ang hosting ng 2025 FIFA Women’s Futsal World Cup

“It took us a lifetime to get here, to where the Philippine volleyball is, now hosting a world championship. This is not a regional or Asian championship but a world championship. This is major. We can make it happen but we have to do it all together to make it the best hosting ever,” sabi ni Cayetano.

White sumungkit ng 12 medals sa Thailand

Posted on: March 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HUMAKOT  ng 12 medalya si Filipino-British Hannah White kabilang na ang pagbasag sa tatlong rekord sa swimming competition ng 2025 Fobisia Games na ginanap sa Pattana Sports Resort sa Chonburi, Thailand.

Nagparamdam ng lakas ang pambato ng ABC International School (ABCIS) na si White sa girls’ 50m butterfly kung saan naitala nito ang bagong rekord na 30.81 segundo.

Muling bumasag ng rekord si White sa 100m Individual Medley nang ilista nito ang 1:12.09 habang bahagi rin ito ng ABCIS team na nagsumite ng bagong marka na 58.80 segundo sa girls’ 4x25m freestyle relay.

Nagkaroon pa ng extra gintong medalya si White dahil binigyan ng parangal ang lahat ng mga nakapagtala ng bagong rekord sa swimming event.

Maliban sa tatlong ginto, may isang pilak pa itong nakuha sa medley relay.

Hindi lamang sa swimming sumabak si White dahil nasilayan din sa aksyon ang multi-talented athletes sa athletics, basketball at football events.

Sa athletics, humataw din ng gintong medalya si White sa girls’ 1,500m run habang may isang pilak ito sa girls’ 800m run at dalawang tanso naman sa girls’ high jump at girls’ 4x100m relay.

Bahagi si White ng girls team na nagkampeon sa basketball event habang nagkasya lamang sa ikalimang puwesto ang kanilang tropa sa football competition

“We would like to thank team captain Hannah White for leading by example and all he ABCIS squad for their hard work and dedication. They showed that if you prepare correctly and are willing to put time in them, anything is possible,” ani Smith.

Nagpasalamat din si White sa mga coaches nito kabilang na kay basketball coach Rob Jessop na nagmamay-ari ng Gators Athletic Perfomance Basketball sa Vietnam.

“It’s been such a long three days of competition as Hannah has to do four different sports like athletics, swimming, basketball and football. Hannah broke three Fobisia Games records in swimming. Thank you Hannah for bringing the very best. We are extremely proud of you,” ani Jenny White ang proud mother ni Hannah.

Si Hannah ay isa lamang sa tatlong White siblings na swimmers.

Naging bahagi ng national junior swimming team ang nakatatanda nitong kapatid na sina Heather at Ruben na kasalukuyang nag-aaral sa Amerika at Great Britain, ayon sa pagkakasunod.

Dating tulak, binaril sa loob ng kanyang bahay

Posted on: March 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINIHINALANG may kinalaman sa droga kaya binaril at napatay ang isang 46-anyos na lalaki sa loob ng kanyang bahay sa Antipolo City Martes ng umaga.

 

Namatay habang ginagamot sa Amang Rodriguez Hospital ang biktima na si Regalado Saddi, 46, binata ng  Jacinto St., Bgy Mambugan, Antipolo City

 

Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa suspek na tumakas matapos ang insidente dala ang ginamit na baril.

 

Sa ulat, nagpapahinga ang biktima sa loob ng kanyang bahay sa Brgy Mambugan, Antipolo City bandang  alas-2:10 kahapon ng madaling araw nang pumasok ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

 

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek habang ang biktima ay isinugod sa Mambungan Hospital saka inilipat sa Amang Rodriguez Hospital kung saan binawian ng buhay.

 

Narekober sa lugar ang apat na basyo ng hinihinalang kalibre 45 kalibre ng baril.

 

Sa rekord ng pulisya, dating naaresto ang biktima noong October 29, 2020 sa kasong paglabag sa RA 9165 kung saan inilipat sa BJMP-Antipolo noong May 12, 2022. Hindi rin umano konektado ang biktima sa mga tumatakbong pulitiko.

 

Paatuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso habang inaalam pa ang pagkakakilanlan sa suspek.

(Gene Adsuara)

PBBM, aprubado ang P700-M funding para sa pagtatayo ng child dev’t centers

Posted on: March 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang P700-million funding para sa pagtatayo ng child development centers (CDCs) sa 4th at 5th class municipalities.

 

 

“Gawin na natin ito. I am thinking the daycare centers can also be CDCs. Ganoon na rin ‘yun eh. You have the same kind of training for the people. The kids are there,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isinagawang sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang kasama ang Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) at iba pang kinauukulang ahensiya ng pamahalaan.

 

 

Ang EDCOM 2, isang national commission ay may atas na magsagawa ng isang komprehensibong national assessment at pagsusuri sa pagganap ng education sector, hiniling sa Pangulo na maglaan ng P700 million sa susunod na tatlong taon para mabigyan ang mga low-income barangay ng access para sa ‘early childhood development initiatives.’

 

 

Nangako naman ang Department of Budget and Management (DBM) na popondohan ang pagtatayo ng CDCs para ngayong taon.

 

 

“The P700 million, which will be coursed through the Local Government Support Fund (LGSF), will finance the development of CDCs for every municipality,” ayon kay Education Secretary Juan Edgardo Angara sa naturang miting.

 

 

Ayon sa EDCOM 2’s Year Two Report, tinatayang 5,800 barangay ang nananatiling walang CDCs sa kabila ng 1990 law kung saan nire-require ang bawat barangay na magkaroon ng kahit man lang isang CDCs. May 229 mula sa nasabing bilang ang kasama sa low-income LGUs.

 

 

Sa naturang pulong, binanggit pa rin na ang EDCOM 2 ay makikipagtulungan sa Commission on Higher Education, Department of the Interior and Local Government, at Early Childhood Care and Development Council para itaas ang bilang ng early childhood education graduates sa mga rehiyon na natukoy na kulang.

 

 

Ito ay nakahanay sa panawagan ng EDCOM 2 na “fix the foundations” ng education system sa pamamagitan ng early childhood education, nutrisyon, at early-grade numeracy at literacy.

 

 

“By fixing the foundations – nutrition, early childhood education, literacy and numeracy by Grade 3- we will ensure that our reforms are strategic, targeted, and enduring,” ang sinabi ni EDCOM 2 Executive Director Dr. Karol Mark Yee.

 

 

Samantala, binigyang diin naman ni Pangulong Marcos ang kahalagahan na tugunan ang mga hamon ng situwasyon.

 

 

“We’ve been talking about economic development, we’ve been talking about inflation, agriculture, et cetera. It’s time to shift focus to education. That’s our only hope for the future,” aniya pa rin.

 

 

Pinasalamatan naman ni Yee si Pangulong Marcos at ang DBM para sa mabilis na aksyon ukol sa ‘funding request.’ (Daris Jose)

PBBM, tinuldukan na ang appointment ni Morales bilang PSC chief

Posted on: March 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TINULDUKAN na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang appointment ni Presidential Security Command (PSC) Commander Maj. Gen. Jesus Nelson Morales.

Sa katunayan, kinumpirma ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro ang pagtatapos ng pagkakatalaga kay Morales bilang pinuno ng PSC.

 

 

Ani Castro, papalitan ni Brig. Gen. Peter Burgonio si Morales, nagsilbi bilang acting PSC commander sa kaparehong araw ng pagtatapos ng appointment ni Morales.

Si Morales sa kabilang dako ay nagsilbi naman bilang pinuno ng PSC noong 2023.

Taong 2023, itinalaga ni Pangulong Marcos si Burgonio bilang commander ng Intelligence Regiment ng of the Philippine Army (PA).

 

 

Ang PSC, dating kilala bilang Presidential Security Group (PSG) ay isang unit sa ilalim ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may mandato na magbigay ng protection escort para sa Pangulo, Pangalawang-Pangulo at sa kani-kanilang immediate families, bukod pa sa nagsisilbi bilang honor guard duties para sa mga bumibisitang dignitaryo.

 

 

Ang PSC ay naka- stationed sa Palasyo ng Malakanyang sa Lungsod ng Maynila, official residence ng Pangulo.

 

 

Sinasamahan din ng mga miyembro ng PSC ang Pangulo sa mga panahon ng domestic at overseas trips. (Daris Jose)