
May koneksiyon pa rin ba sa ipinaliwanag naman na ni Kim Chiu na binasa lang niya ang spiel niya sa It’s Showtime na nabanggit do’n ang salitang “deserved” o “dasurv” na tila ipinagpuputok na ng butse ng mga supporters ni dating Pangulo Rodrigo Duterte.
Nakakulong na ngayon under ICC sa Hague, Netherlands si FPRRD.
So yun na nga, si Kim na celebrity endorser ng isang bakeshop, sa isang branch nito sa Indangan, Davao City kunsaan, alam naman ng lahat na baluwarte ni FPRRD, ang mukha ni Kim sa tarpaulin ay tinakpan. Ang masaklap, sa mismong branch pa ng bakery ha.
Sey ni @ALTA2ZChannel11, “KIM CHIU, BINASTOS NG JULIE’S BAKESHOP NG INDANGAN, DAVAO CITY BRANCH. Sana i-pull out ng Julie’s Bakeshop ang mga branch nila sa Davao.“Alam ng mga tao dito na hindi ako fan ni Kim pero endorser yan na nagpasok ng pera sa establishment niyo. Nakakahiya kayo!”
Ine-encourage naman si Kim ng mga supporters niya at ilang netizens na magsampa na ito ng kaso. Simulan daw ni Kim do’n sa DDS na binigyan ng ibang kahulugan ang spiel niya.
***
UMIYAK si Charlie Flemming pagkatapos siyang kausapin ni Ivana Alawi.Ito ang pinag-uusapan ngayon na tagpo sa loob ng PBB house. May kutob naman kami na posibleng task ito ni Kuya kay Ivana na kausapin si Charlie.Ang isyu raw kasi, parang hindi nabibigyan ng tamang respect ni Charlie ang ilang housemates na ‘di-hamak na mas matanda sa kanya. Isa na rito si Klarisse de Guzman.
Ayon naman kay Charlie, wala naman daw siyang gano’ng intension at naaaliw nga raw siya kay Klarisse na kung i-address niya pa ay “Ate Klang.”
Binasa naman namin ang comment ng ilang netizens at kung ano ang take nila sa naging pag-iyak o reaction ni Charlie. Narito ang ilan sa mga comment as is;
“Gets ko silang pareho esp charlie na may strong and matured personality and si Ivana na talagang ate kung ate kita naman natin yan kay mona.
“Naging problem lang talaga is yung way of communicating sa isat isa, kumbaga yung isa akala is comfy na sa ginagawa nya and yung isa hindi.”
“Iba din tlga feel ko kay charlie nung una palang, tama nmn kasi sila na strong personality nya kahit nga tayong nanonood, and klarise also said na nakakalimutam nya minsan na mas matanda kausap ni charlie the way how she talks, inooveranalyze lang niya ung sitwasyon.”
“Dapat next time kuya ihiwalay niyo ang matatanda sa mga bata haha char joke.”
Sa isang banda, dahil guest housemate lang naman talaga si Ivana, feeling ko, malaking kawalan siya sa show kapag kailangan na niyang mag-goodbye sa mga housemates.
(ROSE GARCIA)