Mayor Isko nagpositibo sa COVID-19
- Published on August 17, 2021
- by @peoplesbalita
Nagpositibo sa COVID-19 si Manila Mayor Isko Moreno.
Ayon kay Julius Leonen, hepe ng Public Information Office, nasa Sta. Ana Hospital na si Moreno, na dinala doon ng ambulansiya ng Manila City Government kahapon.
“Nakararamdam ako ng kaunting ubo, kaunting sipon. Masakit ang aking katawan ngayon,” ani Moreno.
Tiniyak naman ng alkalde na patuloy ang pagpapatakbo ng pamahalaang lungsod lalo na sa mga operasyon laban sa COVID-19 pandemic.
Kamakailan lang ay tinamaan din ng COVID si Vice Mayor Honey Lacuna na kasalukuyan pang nagpapagaling ngayon. (Gene Adsuara)
-
Valenzuela LGU nagbigay ng 63 bagong vans sa mga paaralan
PINANGUNAHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian, kasama si Senator WIN Gatchalian ang pagbabasbas at turnover ng 63 mga bagong WIN Serbisyo Van sa Puregold Dalandanan Parking Grounds para sa mga pampublikong paaralan sa lungsod. Ang naturang mga van ay nagkakahalaga ng P69,293,700, na nabili sa pamamagitan ng pagpopondo […]
-
Saso balik sa world No. 76 ranking
BINAWI ni Philippine rookie professional golfer Yuka Saso ang No. 76 sa Rolex women’s golf world rankings makalipas makihanay sa eighth place sa katatapos na 51st Descente Tokai Classic Aichi 2020 nitong Linggo sa Aichi Prefecture, Japan. Inupuan na dati ang silyang iyon ng 19-anyos na Fil-Japanese na tubong San Ildefonso, Bulacan mula sa […]
-
MRT 4 magdudulot ng 73,000 na trabaho para sa mga Filipinos
Inaasahang magbibigay at magdudulot ng 73,000 na direct at indirect na trabaho sa mga Filipinos ang pagtatayo ng Metro Rail Transit Line 4 (MRT4) na siyang magdudugtong sa Eastern part ng Rizal at Metro Manila. Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa signing ceremony noong nakaraang Biyernes sa Rizal Provincial […]