Obiena sumungkit ng ginto sa Poland
- Published on February 14, 2022
- by @peoplesbalita
NAGPOSTE si Ernest John ‘EJ’ Obiena ng season best 5.81 meters sa pangatlong torneo ngayong taon upang mahagip ang gold medal sa men’s pole vault event ng Orlen Cup sa Poland Biyernes (Sabado sa ‘Pinas).
Sinilat ng 26 na taon, may taas na 6-2 Pinoy mula sa Tondo, Maynila ang training partner at 2016 Rio de Janeiro Olympic champion na si Thiago Braz ng Brazil.
Pero hindi sumali rito sina world record holder at 2020+1 Tokyo Olympics gold medalist Armand Duplaintis ng Sweden at KC Lightfoot ng USA na mga nagpahinga pagkawagi sa unang dalawang torneo sa kasalukuyang taon.
Ineklipsehan ni Obiena ang dalawang pinosteng 5.70m sa ISTAF Indoor sa Berlin, Germany kung saan saan siya pumang-apat, at sa Beijer Stavhoppsgala Uppsala 2022 sa Uppsala, Sweden na rito’y pumangwalo siya.
Nagsumite si Braz ng 5.71m para sa silver at gaya ring taas si Piotr Lisek ng host country upang mapasakamay ang bronze medal.
Pang-apat hanggang pampito sina si Matvey Volkov ng Belarus (5.61), Pole Paweł Wojciechowski (5.61), Bokai Huang ng China (5.51) at local bet Robert Sobera (5.41). (CEC)
-
Biktima ng mail order bride, nasabat sa MCIA/NAIA
NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babae na biktima ng pekeng marriage scheme na biyaheng China ang nasabat sa Mactan International Airport (MCIA) . Kinilala ang biktima na isang 23-anyos na babae na hindi pinangalanan alinsunod sa anti-trafficking laws. Ang babae na nagsabing pupunta siya ng China upang umano’y bisitahin ang kanyang asawa […]
-
Libreng Sakay 24/7 operations sa EDSA Busway magsimula sa Dec. 1
INANUNSYO ng Department of Transportation (DOTr) na ang 24/7 na operasyon para sa libreng sakay sa EDSA Busway ay magsisimula sa Disyembre 1, 2022. Sa una, ang 24/7 na operasyon ng Libreng Sakay ay naka-iskedyul noong Disyembre 15. Sa isang pahayag, sinabi ng DOTr na inatasan ni Sec Jaime Bautista ang […]
-
Manggagawa ng POGO, alis na- BI
SINABI ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na lahat ng manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) and Internet Gaming Licensees (IGLs) ay kinakailangan ng umalis sa bansa sa loob ng 60 na araw. Ang hakbang ay bunsod sa direktiba ni President Ferdinand “Bong Bong” Romualdez Marcos, Jr.na ipagbawal na ang […]