• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 28th, 2020

Ads February 28, 2020

Posted on: February 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

DRUG TEST SA DRAYBERS

Posted on: February 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

‘DI mapuksang mga drug addict. Kahit pa madugo ang kampanya ng pamahalaan laban sa drug traffickers, patuloy pa rin ang pagkalat ng shabu at ka-bilang sa mga nalululong dito ay ilang jeepney dri-vers na namamasadang kargado ng shabu at lubhang delikado sapagkat nananagasa sila ng mga tumatawid na pedestrians at mga naghihintay na pasahero.

 

Wala na silang control sa manibela sapagkat lumilipad ang isip at huli na bago malaman na nakapatay na siya ng mga tao. At kapag nahimasmasan sa nangyaring kasalanan, saka magbibigay ng rason na walang solidong batayan.

 

Ang malagim na pangyayari sa iba’t ibang kalsada ang naging daan para magsagawa ng random drug testing ang Land Transportation Office (LTO) sa mga jeepney drivers na bumibiyahe sa lungsod.

 

Iba’t ibang lugar ang pinuwestuhan ng mga pulis at LTO at sorpresang pinara ang mga jeepney at isinailalim sa drug test ang drayber. Pitong jeepney drivers ang nagpositibo sa paggamit ng shabu. Idinetain sila sa Makati police station habang iniha-handa ang kaso.

 

Nararapat na ang pagsasailalim sa mga jeepney drivers sa drug testing dahil kung hindi isasailalim sa prosesong ito ang mga jeepney dri-vers, nasa panganib ang mga pedestrians at ma-ging mga pasahero.

 

Nararapat na maparusahan ang mga addict na driver. Hindi sila dapat magmaneho. Walisin sila sa kalsada.

“Bigtime pusher” dinamba sa P220K shabu sa Pasay

Posted on: February 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Arestado ang isang bigtime drug pusher sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng Pasay City Police kahapon Pebrero 27 ng madaling araw sa isang hotel sa Pasay.

 

Hindi na nagawang makapalag ni Jomark Andres alyas “Jopaks”, walang trabaho at nakalista sa drugwatch list ng pulisya nang masakote sa aktong nagbebenta ng shabu sa isang poseur buyer sa Sogo Hotel sa Elwood St. Brgy 144 Zone 15, Pasay City dakong 3:30, madaling araw ng Huwebes.

 

Ikinasa ng mga operatiba ng SDEU Pasay ang buy bust makaraang makumpirmang nasa hotel ang suspek.
Makaraang maibigay ang senyas ng poseur buyer na hawak na ng suspek ang marked money para sa bentahan ng shabu ay sumugod na ang mga operatiba.

 

Nakuha sa pag-iingat ni alyas Jopaks ang marked money na isang libong piso at ang walong piraso ng plastic sachet na may lamang shabu na tinatayang umaabot ang halaga sa P221,680.

 

Sa ulat ng pulisya, isinagawa ang inventory ng mga nakuhang ebidensya sa harap ng mga halal na barangay officials ng Bgy. 144 Zone 17 bago dinala sa SPD Crime Laboratory para sa chemical analysis.

 

Samantala, nakaditine ngayon ang suspek na si alyas Jopaks sa SDEU Custodial Facility habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso sa piskalya. (Daris Jose)

Negosyante, 3 pa, timbog sa P 180K marijuana

Posted on: February 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO ang apat kabilang ang isang negosyante matapos makuhanan ng nasa P180K halaga ng marijuana nang inguso sa mga pulis ng concerned citizen ang kanilang iligal na gawain sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ng bagong hepe ng Caloocan City Police na si P/Col. Dario Menor ang mga naarestong suspek na si Paul Andrew Decena, 30, negosyante, ng Orchid St., Natividad Subd., Phase 2, Brgy. 168 Deparo, Wifredo Verzosa, 29, ng Bagumbong, Brgy. 171, John Erick Pedelino, 27, ng 2031 Elias St., Brgy 352, Zone 32, Sta. Cruz, Manila, at Abegail Torres, 22, Orchid St., Natividad Subd,, Phase 2, Brgy 168, Deparo.

 

Sa report ni P/Col. Menor kay Northern Police District (NPD) PBGEN Ronaldo Ylagan, alas-7 ng gabi, nakatanggap ng tawag ang mga tauhan ng Caloocan Police Community Precinct (PCP)-6 sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Maj. Harold Aaron Melgar mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na transaksyon ng iligal na droga sa Lot 0033, Blk 4, Orchid St., Natividad Subd., Phase 2, Brgy. 168, Deparo, ng lungsod.

 

Kaagad namang nirespondehan ng mga tauhan ng PCP-6 ang naturang lugar kung saan naaktuhan ng mga ito ang mga suspek na naging dahilan upang pagdadamputin ang mga ito.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t-kumulang sa 1.5 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may tinatayang P180,000 ang halaga, isang timbangan, at ilang drug paraphernalia.

 

Kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Caloocan City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Fajardo, 2 iba pang higante ‘tambay’ muna

Posted on: February 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

LIBAN ang tatlong higante sa 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020, pero tiyak na hindi maglalaho ang kasabikan sa pagbukas nito sa Marso 8 sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

 

Sila ay sina five-time Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel Beer, Gregory William Slaughter ng Barangay Ginebra San Miguel at Raymond Almazan ng Manila Electric Company (Meralco.)

 

Tinataya out sa buong season si Fajardo na may shin injury, si Almazan na may injured foot at ilang linggo pang mawawala.

 

Nagpasya naman si Slaughter na magbakasyon muna sa paglalaro matapos mag-expire ang kontrata nitong Enero.
Maski wala ang 7-foot slotman na si Slaughter, maganda ang preparasyon ng Gin Kings.

 

“We’re doing okay,” bulalas ni Ginebra governor/team manager Alfrancis Chua. “Nagpa-practice lahat, so far, so good. Our rookies are good. It depends na lang kay coach Tim (Cone) kung sino ila-lineup.”

 

Nanghinayang ang 12 governors o board representative na wala si Fajardo sa edisyong ito ng propesyonal na liga.
“I want to see the adjustment na gagawin ng San Miguel,” hirit ni Chua. “Nawalan sila ng June Mar, tignan natin ano gagawin.”

 

Ang five-peat ng Beermen sa all-Filipino, kinopo sa pamumuno ni The Kraken. (REC)

Ice hockey player, tulog sa suntok

Posted on: February 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MALAMIG ang pinaglalaruan pero mainit ang naging eksena sa American Hockey League nang magsuntukan ang dalawang magkalaban sa gitna ng yelong rink.

 

Sa ikalawang yugto ng laro ay makikitang nagkainitan sina Hershey Bears center Kale Kessy at Charlotte Checkers D-man Dereck Sheppard matapos nilang hubarin at bitawan ang kanilang sticks at gloves at saka nagsuntukan.
Tila #MAYPAC ang naganap na senaryo kung saan tuluyang bumagsak si 27-anyos Kessy sa pinakawalang solidong suntok ni 25-anyos Sheppard.

 

Agad namang sumugod ang mga referee. Pati ang nagpabagsak na si Sheppard ay nag-aalala at sumenyas ng tulong sa medical team.

 

Sa naunang report, halos 10 minutong walang malay si Kessy at kumalat sa ice rink ang dugo nito.

 

Sa ngayon ay kinumpirma naman ng Bears head coach na si Spencer Carbery na nasa mabuti nang kalagayan si Kessy.

Cimatu urges youth to join efforts to prevent biodiversity loss

Posted on: February 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

THE Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy A. Cimatu has called on the Filipino youth to take part in the concerted effort to protect the country’s rich biological resources against destruction and loss.

 

Cimatu said the young people, who constitute a large part of the country’s population, could play an active role in protecting and improving the environment for their own future and that of the succeeding generations.

 

“The youth must do their share in protecting our environment, as it is the lifebloood providing us food, shelter, clothing, medicine and other ecological services essential to our survival,” Cimatu said in a speech read by DENR Undersecretary Jonas Leones during the recently concluded ASEAN Biodiversity Heroes’ Forum held in Makati City.
Cimatu said the youth of today are in a better position to protect their future from environmental crises, including depletion of resources and biodiversity loss.

 

“No one will be forever in this Earth, but our actions as global citizens are indispensable in our battle to save the environment,” Cimatu told the audience, mostly students from St. Scholastica’s College, Araullo High School and Far Eastern University.

 

For her part, BMB Director Crisanta Marlene Rodriguez said everyone in the Philippines and the ASEAN has the “power and responsibility” to ensure that the gift of rich biological diversity is protected and sustainably used.

 

The symposium was the second leg of the ASEAN Biodiversity Forum, which featured ASEAN Biodiversity Heroes from Cambodia, Indonesia and the Philippines. The first leg was held in Vietnam and the third and final leg will be held in Brunei Darussalam later this year.

 

The forum aims to further increase public awareness on the values and conservation of biodiversity. It also seeks to inspire people to take action for biodiversity by sharing with them the noteworthy stories of ASEAN Biodiversity Heroes, and promote awareness of the value of biodiversity among various audiences in the region.

 

Last year, the ASEAN Centre for Biodiversity recognized 10 biodiversity conservation advocates representing the grassroots, government, academic and business sectors during an awarding ceremony held in the country as part of the country’s hosting of the ASEAN Summit.

 

Former DENR Secretary and National Scientist Dr. Angel Alcala was named as among the 10 ASEAN Biodiversity Heroes for his notable works in promoting the importance of coastal and marine resources protection.

 

The ASEAN Biodiversity Hero Award was designed to celebrate the heroism of oustanding individuals from ASEAN member states who have contributed significantly to biodiversity conservation and advocacy efforts in their respective countries. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Snatcher timbog sa alerting enforcer at parak

Posted on: February 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

WALANG kawala ang isang umano’y notoryus na snatcher matapos masakote ng isang alertong pulis at traffic enforcer makaraang sikwatin ang gintong pulseras ng isang 65-anyos na lola sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

 

Nahaharap sa kasong robbery snatching at illegal possession of deadly weapon ang suspek na nakilalang si Carlo G. Buitizon, 39, ng Carisma St., Panghulo, Malabon City.

 

Sa natanggap na report ng bagong hepe ng Valenzuela City Police na si P/Col. Fernando Ortega, nasa tapat ng sangay ng Philippine National Bank (PNB) sa McArthur Highway, Brgy. Karuhatan, ng lungsod ang traffic enforcer na si Erick John Fajardo nang mamataan niya ang biktimang si Elena Cerbito na humihingi ng saklolo habang hinahabol ang suspek na tumangay sa kanyang gintong pulseras.

 

Kaagad namang hinabol ni Fajardo ang suspek hanggang sa makorner ito sa tulong ni PCpl Moore A Ugalde ng Valenzuela City Police Community Precinct (PCP)-9.

 

Nang kapkapan, nakumpiska sa suspek ang isang patalim at nabawi naman ang pulseras ng biktima na nagkakahalaga ng P6,000. (Richard Mesa)