• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 4th, 2020

PAG-APIR, AUTOGRAPH NG NBA PLAYERS BAWAL MUNA

Posted on: March 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINAYUHAN ng NBA ang mga player ng liga na iwasan muna ang pag-apir sa fans at pag-autograph sa mga item ng fans para sa kaligtasan ng bawat isa mula sa coronavirus outbreak.

 

Naglahad ng 10 rekomendasyon ang NBA para matiyak na ang kanilang manlalaro ay hindi mahahawa sa COVID-19 at kabilang dito ang pag-iwas na hawakan ang mga ballpen, markers, bola at jerseys mula sa mga nais magpa-autograph na kanilang ibinahagi sa mga team.

 

Ibinahagi rin ng NBA sa mga teams na komukonsulta ang mga ito “with infectious disease experts, including the Centers for Disease Control” at infectious disease researchers sa Columbia University sa New York.
Unang ni-report ng ESPN ang nilalaman ng memo.

 

“We are also in regular communication with each other, NBA teams including team physicians and athletic trainers, other professional sports leagues, and of course, many of you,” bahagi ng memo ng liga para sa mga team, sa kanilang physicians at athletic training staffs.

 

“The coronavirus remains a situation with the potential to change rapidly — the NBA and the Players Association will continue to work with leading experts and team physicians to provide up-to-date information and recommended practices that should be followed to prevent the spread of the coronavirus,” sabi pa sa memo.
Iminungkahi rin ng liga sa mga player na tiyakin na sila ay “are up to date with all routine vaccinations, including the flu vaccine.”

 

Ilan naman sa mga player katulad ni CJ McCollum ng Portland Trailblazers at Bobby Portis ng New York Knicks ay nagbigay paalala na rin para maiwasan ang virus.

 

Tiniyak din ng pamunuan ng NBA na may ugnayan ito sa Centers for Disease Control at sa infectious disease researchers sa Columbia University sa New York.

 

Ito ay para masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga manlalaro at staffs.

Ads March 4, 2020

Posted on: March 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Guwardiya ng Immigration, P7.8M ang net worth!

Posted on: March 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINASASAILALIM ng Senado sa lifestyle check ang isang security guard na diumano’y sangkot sa kontrobersiyal na “pastillas” scheme dahil sa pagkakaroon nito ng net worth na aabot sa P7.8 milyon.

 

Sa pagdinig ng Senate committee on women, children, family relations ang gender quality, inusisa ni Senadora Risa Hontiveros si Fidel Mendoza, security guard ng Bureau of Immigration (BI), kung bakit P7.8 milyon ang net worth nito.

 

“Security guard pero P7.8 milyon ang net worth n’yo?” tanong ni Hontiveros kay Mendoza.

 

Si Mendoza ay isa sa mga kanang kamay diumano ni dating BI Deputy Commissioner Marck Red Marinas na nauna nang inakusahan ni Immigration Officer Allison “Alex” Chiong na nasa likod diumano ng “pastillas” money-making scheme.

 

Ayon kay Mendoza, salary grade 5 lang siya sa BI at may buwanang suweldo na P11,000 subalit umaabot umano sa P31,000 ang kabuuan niyang tinatanggap dahil may augmentation allowance na P20,000 kada buwan.

 

“Salary Grade 5 po Mam, P11,000 plus augmentation pay na P20,000, total na P31,000 a month,” sagot ni Mendoza sa tanong ni Hontiveros.

 

Dahil hindi kumbinsido sa paliwanag ni Mendoza, inirekomenda ni Hontiveros na isailalim ito sa lifestyle check.
Pinabulaanan pa ni Mendoza na naging chief of staff siya ni Marinas noong panahon na BI Deputy Commissioner pa ito subalit naging ‘trusted man’ umano siya nito.

 

“Hindi po (naging chief of staff). Staff niya po ako, lahat ng mino-monitor mga staff sa Port Operations Division, kasama po niya ako sa meetings,” lahad ni Mendoza.

 

“Hindi ko masabing kanang kamay. Malaki siguro ang tiwala niya sa akin, pag may mga ganoon po kasama niya ako palagi. Basta katiwala ganun po, trusted man,” sambit pa nito.

 

Unang ibinunyag ni Chiong na isa si Mendoza sa mga tao ni Marinas na nagpapatakbo diumano ng ‘pastillas’ scheme sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

 

Ang iba pa ay sina Erwin Ortañez, Glenford Comia, Bien Guevarra at Den Binsol.

 

Iginiit naman ni Mendoza na wala siyang alam tungkol sa sinasabing “pastillas” raket ng ilang tiwaling immigration officer ng BI.

2020 Thunderbird Challenge, ilalarga

Posted on: March 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ITATAMPOK ang mga matagumpay at bagong sumisikat na mananabong ng North Luzon at Metro Manila sa Thunderbird Pampanga Challenge 2020 na nakatakda sa Porac Cockpit Arena sa Mayo 20.

 

Lahat ng maging regional qualifier ang mga hahamon sa Thunderbird National Endorser na kinabibilangan nina Abraham Mitra, Sonny Lagon, Nene Abello, Eddiebong Plaza, Nestor Vendivil, Paolo Malvar, Rey Briones, Joey Sy, Kano Raya, Engr. Sonnie Magtibay, Marcu del Rosario, Mayor Jesry Palmares, Dennis de Asis, Jo Laureno, Mayor Baba Yap, Bebot Monsanto, Bernie Tacoy, Winnie Codilla, Tan Brothers (Jun, Bobot & Bong), Evan Fernando, Mariano Brothers (Tol & Lino), Manny Dalipe, Bentoy Sy at iba pa.

 

May tatlong yugto ang North Luzon Qualifiers 5-Bullstag Derby sa Pangasinan Coliseum sa Marso 29; Jaycee Clay Sports Complex, Isabela sa Abril 08 at Porac Cockpit Arena sa Abril 13.

 

Magpapatuloy sa Mar. 6 sa Dasmariñas Coliseum, Cavite, Marso 17 sa Texas Cockpit, Antipolo, Marso 21 sa Tagaytay Cockpit, Marso 28 sa La Gallera De Tanza, Cavite, at Abril 2 sa Roligon Mega Cockpit, Paranaque.

 

Ang 3-cock final ay gaganapin sa RMC din sa Abr. 16. Ang registration fee para sa dalawang qualifier ay P3,500 plus empty pack ng Thunderbird Enertone at ang minimum bet ay P5,500. (REC)

Labor issues na binanggit ng sekyu na hostage taker, iimbestigahan ng DOLE

Posted on: March 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IIMBESTIGAHAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang labor issues sa mall sa Greenhills San Juan.

 

Ito ay kasunod ng mga pahayag ng hostage taker na si Archie Paray na naglabas ng hinaing sa mga problema nilang security guards.

 

Iniutos na ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang pag-iinspeksyon sa mga mall sa Greenhills para matiyak na sila ay sumusunod sa labor standards at occupational and health standards.

 

Bago mangyari ang insidente kamakalawa, sinabi ni Bello na may mga reklamo na silang natanggap dahil nagkaroon umano ng sibakan nang mag-take over ang Ayala sa Greenhills management.

 

Hindi naman binanggit ni Bello ang kumpletong detalye sa take over.

 

Pinatitingnan din ni Bello ang labor practice ng security agency na sangkot sa usapin.

 

Binanggit din ni Mayor Francis Zamora na inooperan daw ng security agency ng 1 milyon si Paray para kumalma at maayos na ang kanilang problema

 

“ “Yung security agency was offering P1 million pero hindi niya tinanggap kasi hindi pera ang kailangan niya eh.
“Ang kailangan niya marinig lang ‘yung hinaing. Napakasimple kaya binigay natin,” pahayag ni Zamora.

 

Samantala, iginiit ng Philippine National Police na kahit pinabayaan nilang magsalita ang hostage taker ay nakahanda naman sila sakaling may gawin itong masama.

 

Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, nakaantabay ang kanilang mga sniper unit para kay Paray.

 

“Hindi natin nakita na naging mapanganib dahil concealed umano ‘yung baril at nakita naman natin na free ang kamay niya at nakaantabay doon ‘yung mga snipers natin,” ayon kay Banac.

 

“Sa pagbibigay ng decision habang nagpo-progress ‘yung situation crisis, lahat ng posibleng paraan na maaaring gawin para magkaroon ng early, peaceful resolution,” aniya pa. (Daris Jose)

Cayetano kay Velasco: Kung gusto ni Duterte, magiging speaker ka

Posted on: March 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IGINIIT ni House Speaker Alan Peter Cayetano na wala nang dapat pang pag-usapan sila ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco dahil tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang maaaring sumira sa napagkasunduang ‘term sharing’ ng speakership sa Mababang Kapulugan ng Kongreso.

 

Makaraang ituro si Velasco bilang nasa likod nang planong coup d’ etat laban sa kanya, pinayuhan din ito ni Cayetano na magtrabaho na lamang sa halip na magsiraan at mag-intrigahan.

 

Muli rin niyang ipinahayag na paniniyak na handa siyang tumalima sa nabuong kasunduan, kaya kung tutuusin ay walang dapat na ikatakot si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na siyang kanyang kahati sa speakership dahil kung ito naman ang gusto ng Pangulo ay walang magiging hadlang ng kanyang pag upo.

 

“Huwag kang (Velasco) matatakot na hindi ka magiging Speaker kasi kung ‘yan talaga ang gusto ng Presidente, he is the head of our coalition, mangyayari ‘yan,” ayon kay Cayetano.

 

Samantala, bumuwelta naman si Cayetano sa mga reklamo na kung bakit hindi ibinigay sa House Committee on Energy na hawak ni Velasco ang pag-iimbestiga sa P100-bilyong utang ng mga power producer sa PSALM.

 

Iginiit ng lider ng Kamara na pinili ni Velasco na maging chairman ng House Committee on Energy pero tumanggi naman itong dinggin ang mga utang sa PSALM kaya pinahawak na lamang ito sa House Committee on Public Accounts at Good Government and Public Accountability.

 

Kung tinanggap lang daw sana ni Velasco ang alok niya dati pa na maging senior deputy speaker ay kasali din sana siya sa lahat ng nga pagdinig tulad ni Majority Leader Martin Romualdez. (Ara Romero)

PSC: Praktis ng atleta, ‘di apektado ng COVID-19

Posted on: March 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HABANG wala pang pormal na anunsiyo buhat sa International Olympic Committee (IOC) kung itutuloy o hindi ang 2020 Tokyo Olympics sanhi ng coronavirus o Covid-19, tuloy ang ensayo at training ng mga national athletes na sasabak dito at ang mga atletang malaki ang tsansa na makapasok dito.

 

Ito ang ipinahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “ Butch” Ramirez sa isang panayam.
Ayon sa PSC chief, mas makabubuti umano na naghahanda ang mga atleta habang naghihintay ng anumang pahayag buhat sa IOC, hinggil sa kasalukuyang sitwasyon sa buong mundo.

 

“Our position is to await a formal announcement from the IOC but we have prepared for the worst (scenario),” ani Ramirez.

 

Nakatuon din umano ang pansin ng nasabing ahensiya sa mismong training ng mga atleta kung kaya naman minabuti nila na piliin Ang mga bansang walang kaso ng nasabing virus upang gawing ensayuhan.

 

Bukod pa dito ay siniguro din ng PSC chief na protektado ang mga atleta lalo na pagdating sa medical na aspeto upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga ito.

 

“Our elite athletes are training with strong medical provisions,” aniya.

 

Sinabi pa ni Ramirez na buhos ang suporta ng gobyerno lalo pa nga at naglaan ng kabuuang P100 milyon si Pangulong Rodrigo Duterte para sa preparasyon ng mga atleta patu going Olimpiyada.

 

“We have the P100 million budget of the President (Rodrigo R. Duterte) to focus on our target of 20 Filipino athletes for the Olympics,” ani Ramirez.

 

Kabilang sa mga pambato ng bansa na kasalukuyang naghahanda para sa Tokyo Olympics ay sina pole vaulter Ernest John Obiena at gymnast na si Carlos Edriel Yulo, pati na Ang weightlifter na si Hidilyn Diaz.

 

Bukod pa sa mga nabanggit na mga atleta na my malaking potensyal sa Olimpiyada ay sina judoka Kiyomi Watanabe, taekwondo jin Pauline Lopez, skateboard athlete Margielyn Didal at si Nesthy Petacio at iba pa.

 

Target ng PSC na makapagpadala ng 20 atleta para sa Olimpiyada, habang sa kasalukuyang ay sina Obiena at Yulo pa lamang ang may sigurado nang tiket.

 

Samantala, nakatakda namang tumanggap ng parangal bilang Executive of the Year si Ramirez para sa gaganaping SMC-PSA Annual Awards Night ngayong Biyernes sa Centennial Hall ng Manila Hotel. (REC)

242 na mga dayuhan pinagbawalang pumasok sa bansa

Posted on: March 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINAGBAWALAN ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na makapasok ng bansa ang may 242 na mga dayuhan na pinaghihinalaang illegal na magtratrabaho.

 

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang pagbabawal ay kasunod nang pagbabalasa ng ilang opisyal sa NAIA mula sa kanilang kasalukuyang puwesto dahil sa nabulgar na “pastillas” scheme.

 

“79 were excluded at NAIA 1, 33 were excluded at NAIA 2, and 130 were excluded at NAIA 3. Some were Cambodians, Vietnamese, Indonesians, Myan-mars, Malaysians, and Chinese,” ayon kay Morente kung saan nasabat ang mga ito mula Feb. 21 hanggang Feb. 28.

 

Sinabi naman ni BI Intelligence Chief Fortunato Manahan, Jr., na kanilang napuna ang pagpasok ng mga illegal na manggagawa na makapasok sa Pilipinas sa pamagitan ng ilang port of entry.

 

“We see this as a cause for concern,” ayon kay Manahan.. “Our frontliners will heighten our efforts in screening these aliens. We are in close coordination with our foreign counterparts in ensuring that no aliens with bad records enter the country. But if they are already in the country before we receive information about their crimes, we will immediately send them out,” dagdag pa nito.

 

Samantala, ipinangako ni Morente na palalawakin pa nito ang pagsisiyasat sa
Pastillas scheme, kasunod ng pahayag ng whistle-blower na Allison Chiong na nagpapatuloy ang nasabing modus “until recently”.

 

“I have ordered all NAIA heads replaced, and reshuffled all frontline personnel to break any possible collusion among them, this revamp affected around 800 officers,” ayon kay Morente. “We have likewise placed the Travel Control and Enforcement Unit and the Border Control and Investigation Unit under the control and supervision of the Intelligence Division to serve as an external check and balance to monitor airport operations,” dagdag pa ng BI Chief.

 

Binalaan naman ni Morente na ang sinumang mapapatunayang kasama sa pastillas scheme ay mahaharap sa administrative at criminal cases. (Gene Adsuara)