• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 10th, 2020

National bowler, handa na para sa ‘new normal’ na paglalaro

Posted on: June 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Sinang-ayunan ng ilang mga national bowlers ang ipapatupad na mga pagbabago kapag nasimulan na muli ang mga laro ng bowling sa bansa.

 

Sinabi ni Philippine Bowling Federation secretary-general Olivia “Bong” Coo, na mayroon na silang ginawang mga panuntunan para sa “new normal” na pamamaraan ng paglalaro.

 

Bagamat aminado ito na mahirap ang maglaro ng naka-facemask ay kaniya pa rin itong gagawin dahil ito ang isinasaad sa kanilang panuntunan.

 

Ilan sa mga dito ay ang pagbabawal na magkaroon ng physical contacts ang mga manlalaro.

 

Ang nasabing guidelines aniya ay nabuo sa ginawang onilne meeting sa pamumuno ni PBF board president Steve Robles , PBF chairman Senate President Tito Sotto na isa ring bowler , kabilang ang mga national coaches at advisers.

 

Sinang-ayunan naman ni national bowler Merwin Tan ang nasabing bagong protocols na ipinapatupad.

Pac-Pres: Pacquiao, tatakbong Presidente ng Pilipinas sa 2022 – Arum

Posted on: June 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Tatakbo sa pagka-presidente ng Pilipinas sa 2022 si boxing champ at senator Manny Pacquiao, ayon kay Top Rank promoter Bob Arum.

 

Sa isang video na inilabas ng talksport.com, sinabi ni Arum na si Pacman ang magiging kauna-unahang boksingerong magiging presidente ng isang bansa.

 

“The first president I think we’ll get as a fighter is little Manny Pacquiao, who told me, once again, I did a Zoom telephone call with him, “Bob, I’m gonna run in 2022 and, when I win, I want you there at my inauguration,’ pahayag ni Arum.

 

Si Pacquiao, ay isang bagitong senador na nanalo nitong 2016 elections. Nakatakdang magtapos ang kanyang unang termino sa 2022. 

Anti-terror bill, pirmado na nila Sotto, Cayetano

Posted on: June 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ipinadala na sa Malakanyang kahapon, Hunyo 9, Martes  ang panukalang Anti-Terrorism Act, ayon ito kay Senate President Vicente Sotto II .

 

Kinumpirma nitong pinirmahan na niya ang panukala. Maging si House Speaker Alan Peter Cayetano ay lumagda na rin kagabi.

 

“Alan signed last night. Sending it to President Rodrigo Roa Duterte this morning,” ani Sotto sa isang mensahe.

 

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Sotto na “as good as passed” ang kontrobersiyal na panukala matapos itong sertipikahang urgent ni Pangulong Duterte.

 

Tinanggap ng Kamara ang bersyon ng Senado ng panukala at inaprubahan ito sa ikatlo at panghuling pagbasa noong Hunyo 3.

 

“The DOJ can interfere by advising the President to veto the bill altogether because, remember, this is not a revenue measure nor it is a budget measure, so there is no line item veto here,” ani Lacson.

 

“It’s either the President vetoes the bill in whole, not in part, or he approves it,” dagdag pa niya. (Daris Jose)

$750M loan deal para sa COVID-19 response, nilagdaan ng Pilipinas at China-led AIIB

Posted on: June 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Lumagda sa isang kasunduan ang Pilipinas sa China-led Asian Infrastructure Bank (AIIB) para sa $750 million na loan para gamitin sa COVID-19 response ng pamahalaan.

 

Pinagtibay ng $750-million loan accord na ito ang commitment ng AIIB na maging katuwang ng Asian Development Bank (ADB) sa pag-finance sa COVID-19 Active Response and Expenditures Support (CARES) program ng Pilipinas.

 

Sa isang statement, sinabi ni Finance Sec. Calors Dominguez III na makakatulong ang inutang na pera mula sa AIIB para sa funding requirements na kinakailangan upang tugunan ang malalang epekto ng COVID-19 hindi lamang sa mamamayan ng bansa kundi maging sa ekonomiya rin.

 

“On behalf of the Philippine government, we thank the AIIB and President Jin Liqun for committing with the ADB to support the CARES program, which will go a long way in helping our people get back on their feet, and our economy recover and emerge stronger after the crisis,” ani Dominguez.

 

Umaasa ang DOH na nitong buwan ay makakamit ang full disbursement ng $750 million na utang mula AIIB.

 

Ang utang na ito ay may maturity periord na 12 taon at may grace period pa na tatlong taon.

 

Noong Mayo, mababatid na lumagda rin si Dominguez ng kasunduan sa ADB para naman sa $1.5 billion budgetary support para gamitin din ng pamahalaan sa CARES program. (Daris Jose)

‘Tuition hike, asahan sa mga unibesidad at kolehiyo sa bansa’ – CHEd

Posted on: June 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inilatag ni Commission on Higher Education (CHEd) Commissioner Aldrin Darilag ang posibleng kaharapin na hamon ng mga estudyante at kanilang mga magulang dulot ng coronavirus pandemic.

 

Ito’y dahil na rin sa biglang pagbaba ng mga estudyanteng nag-enroll sa susunod na semester pati na rin ang malaking pagkalugi ng mga private higher education institutions.

 

Sa isinagawang Senate committee hearing on Sustainable Development Goals, bukod pa sa mga nabanggit na problema ay maaari ring tanggalin ang mga part-time at non-regular faculty members.

 

Nababahala rin umano si Darilag kung papaano mapapanatiling konektado ang guro at kaniyang mga estudyante upang makapag-aral maging ang gagastusin para mapanatili ito.

 

Malaking adjustment din para sa magkabilang-panig ang biglang transition sa flexible learning modalities tulad ng technology-mediated at blended learning.

 

Hindi raw kasi kasama sa pondo ng CHED ang kahit anong capital outlay at hindi rin maisasama sa kanilang request ang pagbili ng mga ICT-related outlay maging ang mga learning equipment tulad ng Brightspace o Blackboard.

 

Dahil dito ay umapela si Darilag sa Senado na tulungan ang ahensya na matugunan ang kinakailangang financial requirement.

 

Una nang kinumpirma ni President Rodrigo Duterte na inatasan nito ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na makipagtulungan sa Department of Education (DepEd) at CHEd para sa pamimigay ng libreng WiFi sa mga eskwelahan. (Daris Jose)

HOUSING FEES SA NAVOTAS, DI MUNA BABAYARAN

Posted on: June 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAGPASA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng ordinansa na hindi muna pababayaran ang maintenance fee sa pabahay at renta sa mga pasilidad nito.

 

Sa City Ordinance No. 2020-29, hindi muna magbabayad ang mga residente ng NavotaAs Residences sa Brgy. San Roque at NavotaAs Homes 1 at 2 sa Brgy. Tanza 2 ng P300 buwanang maintenance fee ng kanilang housing unit hanggang June ngayong taon.

 

Libre rin munang magagamit ang mga stall sa NavoKabuhayan at ang tatlong multi-purpose hall sa NavotaAs Homes 1 at 2 hanggang June.

 

Ang mga bayad na ibinigay para sa March hanggang June ay ituturing bilang kabayaran sa July 2020 at sa susunod pang mga buwan.

 

“Hindi na pinabayaran ang mga fee na ito noon pang March hanggang May 2020 base sa nakasaad sa City Ordinance No. 2020-12. Kinailangan naming mag-adjust ng validity period sa polisiyang ito dahil pinalawig ang Enhanced Community Quarantine sa Navotas hanggang May 31,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

“Maraming mga pamilyang Navoteño ang naghihirap dahil sa pandemya ng COVID-19. May mga nawalan ng trabaho, may mga hindi na nakapasok dahil sa iba ibang rason. Hangad namin na mapagaan ang kanilang pasanin at makatulong sa pagharap nila ng krisis na ito,” dagdag niya. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Pagdami ng fake FB accounts, ‘very unusual’: NPC chief

Posted on: June 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Sinabi ng National Privacy Commission (NPC) na mapanganib ang umano’y proliferation ng mga pekeng Facebook account lalo pa at ginagamit ito ng walang awtorisasyon.

 

Sa panayam, sinabi ni NPC Commissioner Raymund Liboro na “very unusual” ang nangyaring ito.

 

“Sa karanasan ng NPC, unusual ‘to. ‘Yung mga impostor account, dummy account, ‘yan ay bahagi na ng buhay sa loob ng Facebook. Pero ‘yung ganitong bugso ng mga reports, very unusual,” lahad ni Liboro.

 

“Kapag may mga fake o hindi awtorisadong mga accounts na lumalabas sa social medIa, may panganib na magagamit ‘yan na hindi awtorisado,” babala pa nito.

 

Asked about the possibility of utilizing the fake account to plant evidence against a person, Liboro said the NPC has not encountered a case like this yet. “Kung gagamitin ito, tatamnan ng ebidensya, wala pa tayong nakikitang ganung kaso.”

 

Panatag naman si Liboro na prayoridad ang isyung ito sa Facebook.

Displaced jeepney drivers posiblengkunin contact tracers sa COVID-19

Posted on: June 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pinag-uusapan ng pamahalaan ang posibleng pagbibigay ng trabaho sa mga displaced na jeepney drivers bilang contact tracers para sa COVID-19.

 

Ang pamahalaan ay may planong gumastos ng P11.7 billion upang mag-hire ng mga contact tracers sa loob ng tatlong buwan.

 

Sila ang mag-identify ng mga taong nagkaroon ng close contact sa mga taong infected ng Corona virus upang sila ay mahiwalay sa mga walang sakit.

 

Ito ay habang hindi pa sila pinapayagan pumasada ang mga PUJs dahil sa quarantine restrictions habang ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay nasa ilalim ng GCQ.

 

“Allowing jeepneys to ply the roads is not in the immediate horizon because it is almost a physical impossibility to observe social distancing when passengers face other,” wika ni Presidential spokesman Harry Roque.

 

Dahil dito kaya naisip ng pamahalaan ng humanap muna ng alternative livelihood para sa mga jeepney drivers.

 

May mga mungkahi na kunin na muna silang contact tracers dahil sa kasalukuyan ay kailangan ng pamahalaan ang mahigit kumulang na 120,000 na contact tracers. Sang ayon ay mayroon lamang na 30,000 na contact tracers ang Department of Health (DOH).

 

Samantala, pinag-iisipan din ng pamahalaan na magkaroon ng complete reconfiguration ang mga jeepneys upang maging compliant ito sa minimum health standards na pinatutupad ng IATF.

 

Kung kaya’t dahil sa mga restrictions, ang mga jeepney drivers na hindi nakakapasada ay umaasa na lamang sa dole-out ng pamahalaan at iba pa ng ay humihingi na lamang ng tulong sa mga lansangan.

 

Kaugnay din dito ay sinabi ni Roque na ang public transportation ay talagang mababawasan dahil sa pinatutupad na social distancing. Sinabi rin niya na maaaring hindi muna bumalik sa 100 percent ang transportation.

 

“Although we have opened the economy and the workforce can come back a hundred percent, it does not mean that we should let them into the work premises a hundred percent because we simply don’t have the capacity yet to provide public transportation if all of our workers are to be compelled to work in sites,” dagdag ni Roque.

 

Samantala, hiniling naman ani Senator Grace Poe sa pamahalaan na kung maaari ay gamitin ang traditional jeepney na compliant sa mga safety protocols upang madagdagan ang fleet ng mga public utility vehicles (PUVs) na nagsasakay sa mga libo libong commuters na pumapasok sa kanilang mga trabaho sa panahon ng GCQ.

 

“I noticed since the start of GCQ, only 90 buses have been plying EDSA as against 3,500 buses running pre-quarantine. With only 25 passengers per trip per unit, only about 20,000 passengers can be accommodated instead of the 250,000 before the lockdown,” ayon kay Poe.  (LASACMAR)

Pacman handa na sa laban

Posted on: June 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ibinida ng kampo ni boxing superstar Sen. Manny Pacquiao na handa ito at hindi na kailangan ang mahabang oras upang magpalakas sakaling muling tumapak sa ibabaw ng ring.

 

Ito ang reaksyon ng Pacquiao camp sa pahayag ni Top Rank big boss Bob Arum na niluluto na umano nito ang bakbakan sa pagitan ng Fighting Senator at ni WBO welterweight champion Terence Crawford.

 

Sinabi ni head trainer-coach Buboy Fernandez na handa si Pacman anomang oras matanggap nila ang petsa para sumabak sa laban ang kanyang alaga.

 

Isiniwalat ni Fernandez na kahit may lockdown,  tuloy-tuloy ang light training ni Pacquiao kaya hindi problema ang pagpapatibay sa stamina nito sa oras na ilabas na ang schedule.

 

Pero ayon kay Fernandez, nasa kanila pa rin ang huling salita kung sino ang gustong sagupain ng Pambansang Kamao.

 

Sa ngayon ay naghihintay umano sila kung may mabubuong kasunduan sa pagitan ng magkabilang panig.

RECORD BREAKING UNEMPLOYMENT SA PILIPINAS

Posted on: June 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Umakyat sa nakalululang 17.7% ang unemployment rate sa bansa o katumbas ng 7.3 milyong indibidwal na walang trabaho mula sa dating 2.3 milyon pagtatapos ng taong 2019.  Ito ang bagong pinakamatas na rekord matapos ang 1998 economic recession sa Pilipinas kung saan umabot sa 10.3% ang kawalan ng hanapbuhay.

 

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, matapos tumama ang Corona Virus Disease-2019 sa bansa at sa mahigit 200 pang lugar sa mundo, inasahan na diumano ang mataas na bilang na ito.

Pinakaapektadong sektor ang mga manggagawa sa transportasyon, construction industry, turismo, private education, entertainment, arts and culture, fashion and beauty, health and wellness, services sector, electronics at maging ang ating Overseas Filipino Workers.

Sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon area, tanging mga manggagawa lamang sa manufacturing na may kinalaman sa pagkain, gamot, at ilang essentials ang pinayagang makapasok sa trabaho,limitadong bilang sa ospital, tanggapan ng pamahalaan at food and beverage.

Ang tinatawag na digital economy lamang ang buhay na buhay na industriya.

Bumagsak naman sa 55.6% ang labor force participation rate mula sa 61.5% noong December 2019.

Ang mataas na bilang ng mga walang trabaho ay sanhi ng pagsasara ng ekonomiya ng bansa dahl sa panganib na dala ng COVID-19 sa kalusugan..

Sa plano ng Department of Education na internet-based education, kakailanganin ang mga Teacher Assistant na puwedeng makatulong sa mga guro na mag-monitor ng mga estudyante sa bawat barangay linggo-linggo.
Kilala naman tayong mga Filipino na matatag at matibay kaya naman mabilis tayong makababangon mula sa pandemyang ito