• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 22nd, 2020

PSA target ang 5-M para sa national ID system

Posted on: June 22nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na makapagrehistro ng limang milyon mga mahihirap na pamilya para sa huling quarter ng taon para sa implementasyon ng national ID system.

 

Sinabi ni Claire Dennis Mapa, national statistician at PSA head, na prioridad nila ang mga mahihirap na pamilya para matugunan ang problema ng mga ito ng kawalan ng valid proof of identity as a Filipino.

 

Malaking tulong din ito para sa mga cash assistance program ng gobyerno.

 

Kapag mayroon na ring ID ang mga ito ay mapapadali na rin ang pagbukas ng mga ito ng kanilang mga bank account.

 

Nakikipag-ugnayan na rin sa Landbank of the Philippines para sa pagsisimula ng registration sa last quarter.

 

Posibleng magsagawa rin sila ng mobile registration sa mga barangay para mapabilis ang pagrehistro. (Daris Jose)

Vanessa Bryant , hiniling sa mga mambabatas na gumawa ng helicopter safety bill

Posted on: June 22nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Hinikayat ng asawa ng yumaong NBA star Kobe Bryant na si Vanessa ang mga mambabatas sa US na gumawa ng bagong helicopter safety bill.

 

Ito ay matapos ang pagkasawi ng Los Angeles Lakers star kasama ang anak nitong si Gianna at pitong iba pa.

 

Ayon kay Vanessa, na ang pagpasa ng panibagong federal law ay para mag-improve ang kaligtasan ng mga nag-ooperate ng helicopter sa US.

 

Naniniwala kasi ito na buhay pa sana ang kaniyang mag-ama kung may nakalagay na safety equipment ang mga helicopter.

 

Ang pahayag ni Vanessa ay kasunod ng pagpapakilala ni Californian Democratic Rep. Brad Sherman ng “Kobe Bryant and Gianna Bryant Helicopter Safety Act”.

 

Hiniling din ni Vanessa na palitan din ang tawag sa black box at gawin itong Mamba 8 Box bilang pagkilala sa tatlong batang Mamba team players at 2 Mamba coaches at tatlong Mamba parents na kabilang sa nasawi.

 

Magugunitang bumagsak ang sinakyang helicopter ni Bryant noong Enero habang patungo ang mga ito sa Mamba Sports Academy sa Thousand Oaks, California.

Panuntunan ukol sa doble o sobrang ayuda na natanggap ng mga benepisyaryo ng 4Ps

Posted on: June 22nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ipinababatid ng DSWD na ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na muling nakatanggap ng ayuda ng Social Amelioration Program mula sa pondo ng DSWD sa pamamagitan ng pamahalang lokal ay magkakaroon ng pagbabago o adjustment sa kanilang buwanang cash grant mula sa regular na implementasyon ng 4Ps.

 

Ang mga benepisyaryo ng 4Ps ay kabilang rin sa benepisyaryo ng Social Amelioration Program o SAP at sila ay nakatanggap na ng ayuda na nagkakahalaga ng P3,650 hanggang P6,650 na karagdagang halaga base sa iminungkahing halaga ng minimum wage para sa bawat rehiyon ng bansa.

 

Halimbawa, sa regular na programa ng 4Ps, ang bawat pamilyang benepisyaryo ay regular na nakatatanggap ng halagang P1,350 kada buwan. Sa panahon ng krisis dulot ng COVID-19 pandemic, kung ang pamilya ay mula sa NCR, ang ayudang matatanggap ng bawat pamilya ay P8,000 para sa isang buwan, ngunit kung ang pamilya ay benepisyaryo ng 4Ps, sila ay tatanggap lamang ng P6,650 na karagdagang halaga sa isang buwan mula sa kanilang buwanang ayuda na P1,350.

 

Kung sakaling nakakuha ang mga benepisyaryo ng 4Ps ng ayuda mula sa pamahalaang lokal ay ibabawas sa halagang nakukuha nila buwan-buwan mula sa regular na implementasyon ng 4Ps.

 

Gayundin, kung sakaling nakatanggap rin ang benepisyaryo ng 4Ps ng ayuda mula sa programa ng iba pang ahensya ng pamahalaan katulad ng Department of Labor and Employment (DOLE) na CAMP (COVID-19 Adjustment Measures Program) o sa programa ng Small Business Wage Subsidy (SBWS) Program ng Social Security System (SSS), kailangan nilang isauli ang ayudang mula sa DSWD o kaya naman ay magkakaroon din ng pagsasaayos o ibabawas din sa grants na mula sa regular na implementasyon ng 4Ps.

 

Bagamat patuloy pa rin ang ginagawang balidasyon sa mga nakatanggap ng first tranche ay sinimulan na rin ang pamimigay ng pangalawang bugso ng ayuda. Partikular ito sa mga 4Ps sa mula lugar na kabilang sa naitalagang bibigyan ng second tranche base sa kasulatan galing sa tanggapan ng pangulo.

 

Karagdagang buses, e-jeepneys papayagang pumasada

Posted on: June 22nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Maaaring maglagay ng karagdagang buses at e-jeepneys sa mga routes na

 

Itinalaga ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) simula sa June 22 habang ang traditional jeepneys naman ay papayagan lamang kung kulangang modern PUJs.

 

“The second phase (of operation) of modern PUVs has been approved, and if they are not enough, the LTFRB might allow traditional jeepneys, provided they are roadworthy,” wika ni Presidential Spokesman Harry Roque.

 

Sa antas ng transport modes, ang traditional jeepney ang pinakahuling papahintulutang  papasada  sa kategorya  ng transportasyon. Mas unang pinayagan ang buses, modern Public Utility Vehicles (PUVs), at tricycles.

 

Sa ngayon ay ginagawa ng pamahalaan ang gradual na paglalagay ng pang publikong transportasyson sa mga lansangan upang magsakay ng mga mangagawa sa Metro Manila.

 

Sinabi naman ng Department of Transportation (DOTr) na may ilan lamang na traditional jeepneys ang kanilang papayagan na tumakbo sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

 

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgrana may 104 rationalized jeepney routes ang bubuksan ng LTFRB kapag naalis na ang lockdown.

 

Noong  nakaraang Huwebes naman ay may tatlong city bus routes ang binuksan. Ito ay ang PITX-Sucat, PITX-Naic at PITX-Cavite City.Sa kasalukuyan ay mayroon ng karagdang 90 buses ang pumapasada sa ilalim ng MRT 3 Bus Augmentation Program.

 

Ngayon GCQ, ang LTFRB ay nagbukas ng 27 na bus routes mula sa kabuuang 31 bus routes sa Metro Manila.

 

Habang ang provincial buses naman ay naka-schedule ng deployment ngayon June 22 subalit pag-uusapan pa rin ng IATF.

 

“For public transportation, there are 18,830 transport network vehicle service (TNVS), 16, 701 taxis at 271 P2P buses in operation under the 28 P2P routes. They are now plying Metro Manila,” dagdag ni Roque.

 

Habang ang buong Luzon ay nasa ilalim ng ECQ, ang lahat ng modes ng transportasyon ay pinahinto noong March upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Nang nagkaron na ng mas relax na GCQ noong June 1, selected public transportation lamang ang pinayagan tulad ng P2P buses, trains, ride-hailing services at bicycles. Subalit limited passenger capacity lamang ang maaaring sumakay dito. (LASACMAR)

Rookie card ni LeBron posibleng maibenta sa $1-M sa auction

Posted on: June 22nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Posibleng umabot sa mahigit $1 million ang presyo sa auction ng pirmadong rookie card ni NBA star LeBron James.

 

Ayon sa Goldin Auctions ang LBJ 2003-2004 Upper Deck Exquisite card ay isa sa 23 nagawa kung saan ito ay pang-14.

 

Mayroong kondisyon ito na 9.5 o tinatawag na “gem mint” at good as new.

 

Pirmado mismo ni James ang card na kulay asul na tinta at bukod pa dito ay mayroong actual patch mula sa jersey nito sa Cleveland Cavaliers.

 

Noong 2003-2004 ay mayroong 21 points per game, 6 assists at 5.5 rebounds ang average ni James at sa taong din yun ay nakuha niya ang Rookie of the Year.

 

Sisimulan ang pag-bidding sa Hunyo 22 sa card na may size na 2.5 inch by 3.5 inch.

 

Inaasahan ng Goldin Auctions na malalampasan ng LBJ card ang ultra-rare card ng baseball great na si Mike Trout na naibenta sa halagang halos $923,000.

ANGKAS at JEEPNEY DAPAT na rin ba PAYAGAN?

Posted on: June 22nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Dalawang mode of transportation ang pinag-aaralan kung dapat na nga ba payagan  pumasada sa GCQ at MGCQ.  At parehong pang masa ang mga nasabing transportasyon – ang motorcycle-taxi at ang jeepney.

 

Marami nang mambabatas at mga lokal na opisyal ang nagsasabi na payagan na ang mga ito pero ang mga transport at health officials ay duda pa at baka raw malagay lang sa panganib ang mga drivers at pasahero dahil nga walang “social or physical distancing” pag ito ang sasakyan ng pasahero.

 

Suriin natin – ang status ng motorcycle-taxi bago mag-lockdown ay tatlong app-based companies ang pinayagan sa ilalim ng isang test run. Nagkaroon ng pandemia at natigil ito. Marahil kailangan i-convene ang taskforce motorcycle-taxi upang mapagusapan na ulit ang mga isyu ukol dito.

 

Sari-saring diskarte na rin ang ginagawa para payagan ang motorsiklo na may angkas na pasahero. Isang paraan ay ang paglalagay ng plastic divider sa pagitan ng driver at backrider. Pero ayon sa mga experto safety hazard ito.

 

Sapat na raw ang helmet at mask. Pero magkadikit ang mga sakay ng motorsiklo kaya marahil kailangan malinaw ang rason kung bakit dapat may distansya at mask. Kapag ba magkaangkas ang driver at pasahero na naka-helmet at protective gear tulad ng PPE ay maaring magkahawaan?

 

Sa ibang bansa gaya ng Indonesia ay pinayagan na ulit ang motorcycle-taxis. At kung sakaling payagan dapat na rin bang payagan ang tricycle na magsakay ng backrider para dalawa na ang pasahero kada byahe?

 

Sa jeep naman, pinagiisipan pa ng LTFRB kung papayagan pumasada ang mga jeep. Higit sa 90 araw nang walang kita ang daang-libong drivers at operators at marami ay nagmamalimos na halos. Ang iba ay kukunin daw na maging contact tracer at delivery service provider – ang tanong sapat ba ang training nila bilang contact tracer at package delivery handlers?

 

Bakit ba ayaw pa rin ng LTFRB na payagan sila makabyahe? Mahirap daw kasi ang isyu ng social o physical distancing.  Pero duda tayo na ito talaga ang dahilan. Sa tingin namin ay sinasamantala ng ibang may “vested interest” ang COVID-19 situation para isulong ang matagal na nilang sinusulong at ito ang jeepney phase out na mas gusto tawagin ng DoTR na jeepney ‘modernization’.

 

Bakit ngayon? Dahil gulantang sa gutom ang transport sector at hindi makapalag? Hindi ba pwedeng pabawiin muna natin ang sektor ng jeepney upang makaahon-ahon man lang ang mga pamilyang dumedepende sa jeepney?

 

Noong wala pang pandemya ay hindi kaya ng mga ito ang milyun-milyong halaga ng “imported from China na jeep”, ngayon pa kaya? At bakit mukhang sa mga bagong ruta ng bus ay pinasok na rin ang mga maiikling byahe ng jeep?

 

Yung mga na dislocate na bus ay bibigyan ng “consuelo de bobo” na ruta at ilalagay sa mga ruta na kakumpetensya ng jeep?

 

Anong connection ng lahat ng ito sa paglaban sa COVID-19? Ano ang  ibang dahilan, ano ang totoong dahilan?  So mga readers balik tayo sa tanong dapat na bang payagan ang motorcycle-taxis at jeep na pumasada o hindi pa? (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Suporta sa atletang sasabak sa Tokyo Olympics, tuloy – PSC

Posted on: June 22nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Siniguro ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner William “Butch” Ramirez na tuloy ang kanilang buong suporta sa mga atletang lalahok sa 2021 Tokyo Olympics.

 

Nangako ang PSC ng buong suporta kahit pa tinapyasan ng gobyerno ang kanilang pondo dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

 

Isiniwalat ng PSC, na aabot sa P1.3 billion ng kanilang pondo ang inilipat ng Department of Budget and Management (DBM) para labanan ng gobyerno ang COVID-19, kungsaan P596 dito ay nanggaling sa National Sports Development Fund at P773 million naman ang mula sa General Appropriations Acts.

 

“It’s a tough situation but we understand the priorities of the national government.  We will do what we can to continue the support we give to our athletes especially those vying for an Olympic slot,” ani Ramirez.

 

Ayon sa PSC  tuloy ang suporta nila kina EJ Obiena ng athletics, Eumir Marcial at Irish Magno ng Boxing, 2016 Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz sa weightlifting, four-time SEA Games champion Kiyomi Watanabe sa Judo, 2019 SEAG double-gold medal winner Margielyn Didal sa skateboarding at multi-titled taekwondo Pauline Lopez at Junna Tsukii ng karatedo.

 

Bukod sa financial support, tuloy din ang online online sports psychology consultations, virtual training sessions, nutrition, physiology, at conditioning webinars sa athlete at coaches ng Medical Scientific Athletic Services (MSAS) at Philippine Sports Institute (PSI) ng PSC

 

Inihirit ng PSC na hangga’t makakaya nila ay susuportahan nila ang mga atleta.Target ni Ramirez na magpadala ng mas maraming atleta na isasabak sa 2021 Olympics.

20 barangay chairmen kinasuhan na dahil sa paglabag sa COVID protocols – DILG

Posted on: June 22nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inaasahan na maraming mga barangay opisyal at mga namumuno sa iba’t-ibang mga siyudad at munisipalidad ang sasampahan ng reklamo Department of Interior and Local Government (DILG).

 

Kasunod ito sa pagrekomenda ni DILG Secretary Eduardo Año sa Office of the Ombudsman na sampahan ng kaso ang nasa 20 barangay opisyal ng Metro Manila.

 

Sinabi ng kalihim na hindi nila palalagpasin ang mga reklamo laban sa mga opisyal ng barangay.

 

Kinabibilangan ang mga ito ng 20 punong barangays kung saan lima rito ay mula sa Caloocan City, lima sa Quezon City, dalawa sa Paranaque City, at tig-iisa sa Mandaluyong City, Las Pinas, Manila City, Makati, Pasay City, Taguig City, Marikina City at Muntinlupa City.

 

Mismong si DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño ang sumulat kay Ombudsman Samuel Martires.

 

Ilan sa mga kasong kinasasangkutan ng mga ito ay ang paglabag sa implementasyon ng physical distancing, pagsasagawa ng sabong, pagsusugal, mahinang implementasyon ng lockdown protocols at negligence of duty at iba pa.

 

Inilapit naman na nila sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group para sa pagsampa ng kaso sa mga anomalya na may kinalaman sa Social Amelioration Program. (Daris Jose)

Slam dunk ni Norwood sa harap ni Scola pasok na sa 3rd round ng FIBA dunk of the decade

Posted on: June 22nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pasok na sa ikatlong round ng FIBA Dunk of the Decade ang poster dunk ni Gabe Norwood kay Luis Scola ng Argentina.

 

Ito ay matapos talunin niya ang entry dunk ni Yi Jianlian ng China.

 

Nakakuha ng 77 percent na boto si Norwood laban kay Yi.

 

Dahil dito ay magiging mahigpit na nitong makakaharap ang entry dunk naman ni Arsalan Kazemi ng Iran noong 2016 FIBA Olympic qualifying tournament.

 

Hangang June 28 na maaaring bumuto ang mga basketball fans.

 

Ang mapalad na mapipiling fans ay mananalo ng official FIBA basketball.

Bulls jersey ni Jordan posibleng mabili sa auction ng $500-K

Posted on: June 22nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inaasahan ng Goldin Auctions na mabibili sa kalahating milyong dolyar magiging presyo ng isa sa pinakahuling Chicago Bulls jersey ni NBA legend Michael Jordan.

 

Ang nasabing jersey ay sinuot ni Jordan noong ’97-’98 finals na siyang huling season nito ng makaharap nila ang Indiana Pacers.

 

Sinuot nito ang jersey noong game 3 and 4 ng series noong Mayo 23 at 25, 1998.

 

Nakapagtala ang NBA star ng 30 points noong game 3 at 28 points naman noong game 4 kung saan nakuha ng Bulls ang kampeonato noon sa game 7.

 

Sinabi ni Ken Goldin na inaasahan na ang nasabing jersey ang siyang pinakamahalagang jersey na maibebenta.