• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 22nd, 2020

Trading card ni LeBron James, naibenta ng halos $2-M sa auction

Posted on: July 22nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nabenta ang kakaibang trading card ni NBA superstar LeBron James ng tumataginting na $1.8-milyon o halos P89-milyon.

 

Ayon sa Golden Auctions, binura ng modern trading card ni LeBron ang naitalang record ni Los Angeles Angels star Mike Trout na umabot lang ang halaga sa $923,000 noong Mayo.

 

Batay sa ulat, lumikha ng 23 kopya ang Upper Deck ng nasabing card na pinirmahan ni LeBron noong rookie season nito sa Cleveland Cavaliers.

 

Nasa “gem mint” condition na may 9.5 grade ang card na nabili ng kolektor na si Leore Avidar.

 

Si LeBron, na naging 16-time All-Star at four-time Most Valuable Player, ay hinahabol ang kanyang ikaapat na NBA title at una kampeonato bilang miyembro ng Lakers.

 

Nasa ikatlong puwesto ngayon ang 35-year-old veteran sa kasaysayan ng liga na may 34,087 points.

METAL BARRIER o BODY SHIELD, KAILANGAN PA BA KUNG ang MAGKA-ANGKAS sa MOTORSIKLO ay MAG-ASAWA o NAGSASAMA?

Posted on: July 22nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Yan ang tanong ng marami sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP). Ayon sa IATF, mukhang ito ang ipatutupad nila para payagan ang angkasan sa panahon ng GCQ. Maski sinasabi pa ng mga eksperto, mga mambabatas at ilang lokal na opisyal, na hindi na kailangan ang barrier sa pagitan ng dalawang magka-angkas sa motor at sapat na, na naka-helmet at may face mask and driver at ang naka angkas.

 

Ang problema ay huhulihin at pagmumultahin ang sinuman na hindi sumunod. Kaya kanya-kanyang diskarte ang mag-asawa na gustong magbyahe nan aka-motor. Ibat ibang “makeshift design” ng metal barrier o body shield ang nakikita natin sa social media – meron na hawak ng naka angkas ang barrier meron naman nakasuot sa driver o naka-install sa motor.

 

Tuloy mas nagiging delikado sa magka-angkas ang pagmomotor. At dahil paborito ng mga enforcers ang panghuhuli at paninita ng mga nakamotor ay diskresyon nila ngayon kung pasado sa kanilang panglasa ang makeshift barrier na diskarte ng isa’t isa – dahil pag hindi ay huli sila.

 

At ang violation – “no divider”. Isa pang nagiging problema sa naka angkas na mag-asawa o mag live-in ay kung anu-ano ang requirements na hinihingi para patunayan na mag-asawa asawa nga sila – gusto pa ng NSO copy ng marriage contract. Meron bibiruin pa raw na halikan mo nga yung ka-angkas mo? Pero ano ba ang polisiya talaga?

 

Simple lang magdala ng identification card ang magka angkas na nakatira sila sa iisang bahay. Matibay ang marriage contract pero hindi mandatory requirement ito dahil may mga mag-live in partners nga na ang ibig sabihin ay nagsasama ng hindi kasal kaya walang marriage contract.

 

Ang LGBT relationships naman basta magkasama sa isang bahay ay pwede rin at hindi pwedeng hingan ng marriage contract. Ang nakikita natin na problema dito ay kapag magka-angkas dalawang bagay ang kailangan patunayan – Una, na mag-asawa o nagsasama bilang magasawa ang magka-angkas o may barrier o body shield sa pagitan nila. Kaya’t asahan ng mga nagmomotor na magka-angkas na mas magiging paborito silang sisitahin ng mga enforcers ngayon.

 

Ang suggestion ng ilang eksperto kung ganun rin lang ay – bakit hindi na lang gawin simple ang polisiya na basta magka-angkas dapat may helmet at face mask pareho at may metal barrier o body shield.

 

Ano man ang relasyon ng magka angkas dahil ligtas at may compliance na sila sa health protocols. Sa private vehicles kahit sino ang magkasakay basta may distansya okay naman, ganun din sa mga public transport ganoon din.  Pero pagdating sa motor maraming arte, ang kumplikado! Dahil ba magkadikit sila? Sa kotse ba hindi maaring magdikit ang nakasakay? Sa public transport na iba-iba ang nakasakay at hindi magkakilala ay ano nga ba ang pagitan?

 

Sa ngayon ay sunod muna at kahit delikado sa pagbalanse sa motor, kanya-kanyang diskarte sa barrier o body shield. Mensahe at pakiusap lang sa mga enforcers – huwag naman mapaghanap ng kung anu-ano pa para masita, mahuli at mapagmulta ang ating mga riders. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Rapid testing ‘di inirerekomenda ng DOH

Posted on: July 22nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Muling iginiit ng Department of Health (DOH) ang hindi nila pagrekomenda sa paggamit ng ‘rapid testing’ na ginaga­mit na basehan bilang clearance sa pagbabalik sa trabaho ng mga manggagawa dahil sa mataas na ‘false positive o false negative’ na mga resulta.

 

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na dati pa namang posisyon ng DOH ang hindi pagsalalay sa resulta ng rapid testing dahil sa mababang ‘accuracy’ nito at mas inirerekomenda ang RT-PCR test o swab testing para matukoy ang virus sa katawan ng tao.

 

“Doon sa return to work, sinabi talaga natin doon, na hindi natin nire-recommend na magkaroon ng mass clearing of employees using antibody rapid tests,” ayon kay Vergeire.

 

Iginiit ni Vergeire na kapag nag-negatibo, nagkakaroon na ng paniniwala ang isang tao na ligtas na siya sa virus ngunit dahil sa mataas na por-syento ng ‘false negative’ ay maaaring nagtataglay pala siya ng virus at nakapanghahawa na sa mga kasamahan.

 

Nitong Abril, hinikayat ng Department of Trade and Industry ang mga kumpanya na magbabalik sa operasyon na isailalim sa COVID tests ang kanilang mga tauhan para makatiyak sa kanilang kalusugan ngunit karamihan sa mga kumpanya ay ang rapid testing ang ginagamit.

Mga exhibition games sa NBA binawasan ang oras

Posted on: July 22nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Binawasan ng NBA ang mga oras sa exhibition games bago ang pagsisimula ng mga laro sa Walt Disney World complex sa Orlando, Florida.

 

Bukod kasi sa dating 12-minuto na kada quarters ay gagawin na lamang itong 10 minuto.

 

Ang pagbabago ay ipapatupad sa unang tatlong exhibition games na lalaruin sa “bubble” games.

 

Isa sa naging rason dito ay may mga ilang koponan kasi na kulang pa ang kanilang manlalaro at para maiwasan din ang labis na pagkapagod ng mga manalalro matapos na matagal na nahinto ang laro mula noong Marso.

 

Pagkatapos ang paglalaro ng exhibition games ay nakatakdang magsimula na kanilang mga laro sa Hulyo 30.

 

Inaayos pa ng NBA kung anong uniporme ang gagamitin nila at kung ilang referee ba ang kanilang kukunin sa bawat laro.

Abueva balik-PBA na

Posted on: July 22nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ikinatuwa ng koponan ng Phoenix Pulse ang balitang inaprubahan na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagbabalik sa liga ng kontrobersyal na si Calvin Abueva.

Ayon sa insider, nagtataka umano sila dahil biglang nagbago ang ihip ng hangin ni PBA Commissioner Willie Marcial na madalas sinasabi na kailangan pang maipasa ni Abueva ang isa pang test na hindi matapos-tapos ng tubong Pampangeno.

Malaki umano ang naitulong para sa maagang pagbabalik ng Phoenix star sa laro nang kumalat ang balitang kinukuha at pipirma na sa Japan B League si Abueva.

Matatandaang unang pumirma si Thirdy Ravena sa team ng Sun En-NeoPhoenix sa Japan, bago operan din ng isang team sa Japan si Abueva para maglaro bilang import.

Bukod kay Abueva, tumanggap din umano ng offer sa Japan bilang import sina Terrence Romeo at Raymond Almazan.

Sinabi rin ng insider na ikinatuwa ni Marcial ang sinabi ni Abueva na mas prayoridad nitong maglaro sa PBA kaysa sa Japan kaya matiyaga nitong hinihintay ang desisyon ng liga sa kabila na mahigit isang taon na itong suspendido.

Pero, nagsalita umano si Abueva na kung hindi na siya papayagang maglaro sa PBA ay tatanggapin na niya ang offer ng Japan B League.

Idinagdag pa ni Marcial na kapansin-pansin na malaki na ang ipinagbago ni Abueva mula sa pag-uugali, pananalita pati na ang pagkilos nito.

Sa katapusan ng Agosto ay mapapaso na ang kontrata ni “The Beast” sa Fuel Master at kung hindi na ito palalawigin ng koponan ay nagkaabang umano ang koponan gaya ng Magnolia Hotshot at Brgy. Ginebra.

NBA ikinatuwa na wala nang naitatalang players na nagpositibo sa coronavirus

Posted on: July 22nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ikinatuwa ng NBA na wala ng nagpositibo sa coronavirus na mga NBA players sa Orlando mula pa noong Hulyo 13.

 

Nangangahulugan aniya ito na epektibo ang ginagawa nilang bubble method.

 

Sa kabuang 346 na mga manlalaro na nasa Disney World campus ay nagnegatibo na ang mga ito.

 

Patuloy din aniya nilang ipinapatupad ang mahigpit na health protocols.

 

Tanging si Sacramento Kings player Richaun Holmes ang nangailan na mag-re-quarantine ng 10 araw matapos na aksidente nitong makalabas sa campus border ng kumuha ng pagkain.

 

Umaasa naman si NBA Commissioner Adam Silver na wala ng magiging problema pa pagdating ng regular season play-in games na magsisimula sa Hulyo 30.

Yorme Isko, pananagutin ang Mga lokal na opisyal na lumalabag sa quarantine protocols

Posted on: July 22nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY na pananagutin ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga lokal na opisyal na hayagang lumalabag sa quarantine protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa katunayan, ayon kay Mayor Isko Moreno ay may barangay chairman na inakusahan na sangkot sa illegal cockfighting sa Tondo at may ilang barangay officials naman ang nahuli na nag-iinuman sa labas ng kanilang bahay.

“Ngayon po mayroon tayong bagong kinasuhan na chairman, nahuli po silang nagsasabong at nakakuha po tayo ng mga testigo na talagang naglaro sila ng sabong during the GCQ sa isang maliit na eskinita sa Tondo,” ayon kay Mayor Isko sa Palace press briefing.

Hindi naman nito pinangalanan ang nasabing barangay chairman.

“‘Yung isa naman ho, kanina may nakita akong video na nag-iinuman sa labas ng kalye, araw na araw, mga barangay officials. So tuloy-tuloy po ‘yung ating pagkastigo sa mga iresponsableng barangay officials while at the same time pinupuri naman natin ‘yung iba,” aniya pa rin.

Nauna rito, sinabi pa ni Mayor Isko na inatasan na niya si Manila Police District chief Police Brigadier General Rolando Miranda at ang local police commanders na palagiang i-monitor ang situwasyon sa 896 barangay sa Lungsod ng Maynila.

Matatandaang, noong nakaraang linggo ay may 34 magulang ng mga menor de edad na di umano’y lumabag sa quarantine measures ang inaresto ng kapulisan.

Napaulat din na may ilang residente ng Lungsod ang nakitang binalewala ang social distancing measures at ang tamang pagsusuot ng face masks sa mga pampublikong lugar sa gitna ng krisis sa kalusugan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

May 7,000 erring motorcycle riders sinita

Posted on: July 22nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Sinita ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit sa 7,000 na motorcycle riders dahil sa hindi pagtupad sa regulasyon tungkol sa backriding na ipinatutupad ng IATF simula ng payagan ng pamahalaan ang ganitong klaseng transportasyon sa ilalim ng GCQ.

 

Marami sa mga backriding couples ay hindi sumusunod sa paglalagay ng barriers sa pagitan ng driver at sakay nito.

 

“Police around the country have flagged down more than 14,700 motorcycle riders as of Sunday and found that 7,091 or almost half of the total attempted to pass themselves off as married or live-in couples,” wika ni PNP deputy chief Guillermo Eleazar.

 

May 6,475 na mga violators ang hindi lamang nahuli dahil sa paglabag bilang mag-asawa kung hindi pati na rin dahil sa hindi paglalagay ng barriers.

 

“With 14,700 motorcycles flagged down, 14,156 riders or 96 percent did not put up barriers while carrying another passenger. This means that 600 riders have used barriers,” dagdag ni Eleazar.

 

Samantalang mayroon naman na 7,680 na riders ang napatunayan na sila ay magasawa subalit wala naman silang nakalagay na barriers.

 

Nalaman din ng PNP na halos lahat ng nahuli nila ay may sakay na hindi mag-asawa kundi mga kamag-anak, kapitbahay, at kaibigan lamang.

 

“For a long time motorcycle riders had repeatedly requested the government to allow at least their partners to backride with them due to limited public transportation. And now that the government finally granted their request, they openly and brazenly disregarded the rules that the government was asking from them in return to ensure their safety from the coronavirus infection,” saad ni Eleazar.

 

Ayon sa datos ng PNP, sa Central Visayas ang may pinakamataas na  nahuling violators kung saan may 1,755 na couples. Kasunod ay ang Bicol region na may 741 na accosted violators, Western Visayas ay may 737, at Central Luzon na may 675 na nahuling hindi tumutupad sa regulasyon.

 

Pinayagan ng pamahalaan ang mag-asawang sumakay na magkasama sa motorcycles simula noong July 10 subalit sila ay kinakailangang mapatunayan na talagang sila ay mag-asawa o di kaya ay live-in partners.  Kasama rin sa pinapayagan ay ang mga hanay ng lesbian, gay, bisexual at transgender community subalit kailangan nilang sila ay nagsasama sa isang bahay lamang.

 

Pinaalalahanan din ni Eleazar na magdala ang mga back-riders na mag-asawa at live-in couples ng kanilang mga identification cards at iba pang dokumento para mapatunayan na sila ay talagang lehitimong mag-asawa at live-in partners na magkasama sa isang bahay.

 

“Those who were accosted were either warned or cited for violation. Our personnel on the ground were instructed to make sure that those accosted would comply with the rules set by the NTF against COVID 19,” wika ni Eleazar.

 

Binigyan pa ng grace period ang pagsunod sa regulasyon dahil na rin sa gagawin pa na consultations sa mga stakeholders at mga figures na kanilang nakalap.

 

Kung kaya’t magsisimulang magbigay ng kaukulang penalty ang PNP sa mga violators simula sa July 27.  (LASACMAR)

PROGRAMA KONTRA POLIO, IPAGPAPATULOY

Posted on: July 22nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IPAGPAPATULOY  ng Department of Health (DOH) sa tulong ng World Health Organization o WHO at United Nationsd Childrens Fund  (UNICEF) ang programa kontra polio upang labanan ang poliovirus outbreak  sa Pilipinas.

Isasagawa sa Mindanao ang susunod na yugto ng programa ng DOH ang  “Sabayang Patak Kontra Polio” campaign na magsisimula sa  ngayong July 20 hanggang  August 2,2020 para sa mga bata mula  edad 5 taong gulang pababa. Mabibigyan din ng polio drops ang mga batang 10 taong gulang pababa.

Samantala, ang bagong immunization campaign  para sa mga batang 5 taon pababa ay magsisimulka  ang yugto  sa Region 3  (Central Luzon)  ngayong araw habang sa Agosto naman sa probinsya ng Laguna, Cavite at Rizal sa Region 4A .

Sinabi ni Health Secretary Francisco  Duque III na ang patuloy  na pagpapatupad ng pagtugon sa polio sa gitna nang nararanasang krisis sa kalusugan  na kinakaharap sa ngayon ay importante upang maiwasan hindi lamang ang epekto nito kundi para mapigil ang pagkalat nito sa panahon ng pandemiya.

“Polio is a vaccine- preventable  disease and we cannot  let our  gains over the years go to waste  by deprioritizing  our polio response. It is  imperative for parents and caregivers to have their  children vaccinated, while strictly adhering  to infection prevention and control protocols ,as we cannot afford to overwhelme our health system  with another outbreak” ayon pa kay Duque.

Ang outbreak ng polio sa bansa ay inanunsyo noong Setyembre 19,2019  kung saan kauna-unahang nakumpirma ang kaso sa isang 3 taong gulang na batang babae mula sa Lanao del Sur. Kasunod nito, 15 pa nakumpirmang may polio mula sa edad na isang taong gulang pababa hanggang 9 taong gulang.

Ang nasabing mga kaso ay natukoy sa Bangsamoro Autonomous Region  of Muslim  Mindanao  o BARMM, Region 12 (Soccsksargen), Region 3 at Region 4A.

 

Ang polio vaccine ay pansamantalang natigil  dahil sa COVID-19 pandemic.