• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 30th, 2020

4 TSINONG MANDARAGAT, DINAMPOT NG MARITIME GROUP

Posted on: July 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INARESTO ng Maritime Group ang apat na Tsinong mandaragat nang mamataan silang bumababa sa kanikang sasakyang pandagat sa Navotas Fish Port Complex.

 

Kinilalani Col. Ricardo Villanueva, hepe ng Regional Maritime Unit-National CapitalRegion Office (RMU-NCR) ang apat na naaresto na si Huang Yongjie, 42; DaiShiwen, 56; Yafeng Zhou, 47; at Tan Riyang, 47, pawang ng Guangdong, China.

 

Ayon kay Col. Villanueva, alas-7:45 ng umaga, nagsasagawa ng foot patrol at policevisibility ang team ni Maj. Rommel Sobrido at Capt. Randy Ludovice Pier 2 saloob ng complex nang mamataan nila ang apat na dayuhan na bumaba sa kanilang vessel at nang wala silang maipakitang kaukulang papeles ng kanilang pagkakilanlan at pakay ay inaresto sila.

 

Sinabi ni Villanueva, dinodoble nila ang kanilang monitoring capability sa gitna ng COVID-19 pandemic upang masuri ang bawat indibidwal, Pilipino man o dayuhan, na pumapasok sa ating katubigan.

 

Inisyuhan ng Task Force Disiplina ng ordinance violation receipt ang apat dahil sa kabiguang magpakita ng quarantine pass bago sila ipinasa sa the Philippine Coast Guard.

 

Nang suriin sa Bureau of Immigration ay nalamang ang apat na Tsino ay halos isang taon na sa kanilang sasakyang pandagat habang hinihintay na ma-renew ang kanilang seafarer’s passport.

 

Nauna rito, dinakip din ng RMU-NCR ang tatlong mangingisda na sakay ng  ‘FBCA Maurene Clarisse’ na si Leonito Estrada Jr., 33; Danilo Bacsal, 47; at Jun de Guzman, 29, pawang mga residente ng Navotas nang mabulagang nangingisda sa restricted area at gumagamit ng ‘active gear’ na ipinagbabawal sa ilalim ng batas. (Richard Mesa)

Mayweather, hindi isinama sina Pacquiao at Ali sa top 5 na pinakamagaling na boksingero niya

Posted on: July 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Hindi isinama ni US retired boxing champion Floyd Mayweather sina Manny Pacquiao at Muhammad Ali bilang top 5 na pinakamagaling niyang boksingero sa buong mundo.

 

Isinagawa nito ang pahayag sa Instagram live ni FatJoe.


Tinanong siya dito na magbanggit ng limang pinakamagaling na boksingero sa buong mundo kasama siya sa listahan.

 

Ilan sa mga binanggit nito ay sina Roberto Duran, Larry Holmes, Pernell Whitaker at Aaron Pryor.

 

Maraming mga boxing fans naman ang nanghinayang dahil hindi naisama sina Mike Tyson, Sugar Ray Leonard, Ali at Pacquiao.

PSC: 300 para-athletes lumahok sa webinar

Posted on: July 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Lumahok ang mahigit 300 national para-athletes at coaches sa katatapos na week-long webinar na pinangunahan ng Philippine Sports Commission (PSC) kaugnay sa pagdiriwang ng National Council on Disability Affairs’ 42nd National Disability Prevention and Rehabilitation Week.

 

Nakipag-tululungan ang PSC sports rehabilitation unit sa Philippine Paralympic Committee (PPC) para sa online seminars ng mga differently-abled.

 

“Our goal is to raise social media awareness about para-sports, para-athletes and persons with disabilities, and recognize their achievements for the country,” ani PSC sports rehabilitation OIC Rico Barin.

 

Lumahok ang mga para-athlete mula athletics, sitting volleyball, football, swimming, chess, archery, wheelchair basketball, cycling, dancesport, triathlon, bowling, powerlifting, badminton, table tennis, goalball at boccia sa week-long program mula July 17 hanggang 23.

 

Pinasalamatan nina PPC president Mike Barreto at secretary-general Walter Torres si PSC chairman William Ramirez at ang sports rehabilitation unit sa kanilang inisyatibo.

 

“We thank chairman Ramirez for making sure that our para-athletes are educated on sports psychology programs like this to reinforce their training and skills,” ani  Barreto.

 

“This tribute given to our para-athletes during the NDPR week is a boost in their morale self-esteem, especially at times like this when the pandemic has resulted in the cancellation of sporting events,” hirit ni Torres.

 

Ilan sa mga paksang tinalakay ay ang body and postural mechanics, at proper mobilization and transfer strategies for para-athletes.

 

Nagkaroon din ng masayang zumba session sa webinar. Ilan sa mga speaker na lumahok ay mga physical therapists mula sa  PSC sa pangunguna nina Arryl Puchero, Maya Angelou Mel, Jaja Antonio, Riggs Poblete, Christine Magtibay, at Fatima Pereyra. 

Ilang mga laro sa MLB kinansela matapos magpositibo ang ilang players

Posted on: July 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Maraming mga laro sa Major League Baseball (MLB) ang kinansela dahil sa pagpositibo ng mga ilang mga manlalaro at staff.

 

Naapektuhan dito ang laban ng Miami Marlins sa Baltimore Orioles sa Florida at ang laban ng Philladpelphia Phillies at New York Yankess sa Pennsylvania.

 

Ayon sa MLB , minabuti nilang kanselahin ang mga laro para mabigyang daan ang mga pagsasagawa ng karagdagang testing.

 

Magugunitang nasa 10 miyembro Marlins ang nagpositibo na kinabibilangan ng walong manlalaro at dalawang coaches.

Digital Sports, ilulunsad ng Milo

Posted on: July 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Mahirap ang walang ehersisyo o aktibidad ang mga bata ngayong panahon ng pandemic at dahil bawal silang lumabas at magsama-sama para man lang makadalo sa mga sports clinic, nakaisip ng paraan ang Milo Philippines na gawing digital ang sports program nila.

 

Sa pamamagitan ng digital platforms, nakatakdang ipaliwanag ni Lester P. Castillo, Asst. VP ng Nestle Phils. Milo ang paglulunsad kung paano mapalalakas ng mga bata ang kanilang mga katawan at manatiling nag-eehersisyo kahit nasa bahay lamang bilang panauhin sa Tabloids Organization in Philippine Sports TOPS Usapang Sports On Air via zoom online.

 

Kasama sina sports partner coach Igor Mella ng Philippine Taekwondo Association at 2019 SEAG gold medalist, 2020 PTA National Online Speed Kicking Champion Pauline Lopez, na siyang magsisilbing MILO ambassador, iaanunsiyo nila ang bagong online sports campaign, MILO Home Court (MHC) na nag-aalok ng iba’t ibang sports program sa mga batang mahilig sa sports, manatiling aktibo habang stay-at-home.

 

Tampok sa kanilang slides at videos ang overview ng kampanya, detalye ng programa, campaign video launch, kasama ang pivoting sports program online ni coach Mella, video ng interactive training sessions at iba pang programa sa ilalim ng MHC campaign, maging ang partisipasyon ni Lopez sa naturang online platform sports para sa mga bata.

 

Inaanyayahan ni TOPS President Ed Andaya ang lahat ng mga opisyal at miyembro ng samahan ng mga mamamahayag ng sports na makipagtalakayan para sa makabuluhang balita na  ihahatid sa ganap na ika-10 ng umaga.

TANGGAPAN NG IMMIGRATION, SARADO PA

Posted on: July 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MANANATILING sarado hanggang ngayon (Huwebes) ang tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros, Maynila para maipagpatuoy ng mga empleyado ng ahensiya na sasailaim sa rapid anti body test para sa COVID 19 virus.

 

 

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente na halos kalahati lamang sa 700 na empleyado ang nakapag-test nitong Lunes at Martes kaya mananatili munang suspendido ang operasyon ng dalawa pang araw (hanggang Huwebes).

 

 

Dagdag pa ni Morente na binibigyan din nito ang kahilingan ng  General Services Section ng sapat na panahon upang magsagawa ng disinfection at  sanitation  sa buong gusali at paligid nito.

 

 

Matatandaan na sinuspinde ang operasyon ng ahensiya sa main building nang tatlo sa kanilang empleyado ay nagpositibo sa COVID 19, gayunman, magpapatuloy pa rin ang operasyon sa kanilang mga satellite at extension offices  sa Metro Manila, particular sa SM Aura mall,  PEZA building sa Taguig City; SM-North mall sa  Quezon City; at  BOI building sa  Makati City.

 

 

“Those who have registered with our online appointment system will be notified or may inquire about their new schedule by contacting our hotlines that can be viewed at immigration.gov.ph,” ayon sa BI Chief.

 

 

Samantala, siniguro naman ni  Manila Mayor Isko Moreno na bukas para sa mga empleyado ng ahensiya ang medical at  quarantine facilities na posibleng nahawaan o suspected sa virus. (GENE ADSUARA)

Death penalty iraratsada ng Kamara

Posted on: July 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Iraratsada na ng Kamara ang panukalang ibalik ang death penalty sa pamamagitan ng lethal injection laban sa mga convicted drug traffickers sa bansa.

 

“The House of Representatives is ready to stand up to the task and pass the priority bills outlined by President Rodrigo “Rody” Duterte in his fifth State of the Nation Address (SONA) on Monday afternoon,” pahayag ni House Majority Floorleader Martin Romualdez.

 

Sinabi ni Romualdez na dahil prayoridad sa listahan ng Pangulo ang death penalty sa drug traffickers ay agad nila itong isasalang sa deli­berasyon.

 

Sa Senado, sinabi naman ni Senate President Vicente Sotto III na malaki ang posibilidad na maipasa ang panukalang pagbuhay sa parusang kamatayan para sa drug related offenses.

 

Nilinaw naman ni Sotto na ang nasabing panukala ay namatay lang dahil sa nag-adjourned ang Kongreso at hindi ibinasura ng mga kongresista.

 

Dahil dito, kaya muli umanong susubukan ang panukala lalo pa nakatutok lang ang panukala sa mga krimen sa ilalim ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 kaya may maganda na itong tsansa na maipasa.

 

Samantala, suportado rin ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva ang panawagan ni Duterte sa Kongreso na buhayin ang ‘death penalty by lethal injection’ para sa mga drug-related crimes sa bansa.

 

Gayunman, paglilinaw ni Villanueva, dapat itong ipatupad para lamang sa mga ‘big-time drug traffickers’ at hindi sa mga street-level drug pushers.

 

Naniniwala rin si Villanueva na ang kawalan nang ipinatutupad na capital punishment sa bansa ang dahilan kung bakit naipagpapatuloy pa rin ng mga nakabilanggong drug suspects ang kanilang illegal drug activities.

 

Sa katunayan aniya, may mga drug transactions na silang nasabat na ang sangkot ay mga convicted na high-profile inmates kahit pa nasa loob na ng national penitentiaries ang mga ito. (Daris Jose)

2 TULAK TIMBOG SA HIGIT P.6M SHABU

Posted on: July 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT sa P.6 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak umano ng illegal na droga na naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela cities.

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Dario Menor, alas-12:50 ng Miyerkules ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo sa buy-bust operation sa kanyang bahay sa 419 Barrio Sta Rita North, Brgy. 188, Tala, Caloocan si Jomel Pineda alyas Kuya, 42, tricycle driver.

 

Narekober sa suspek ang aabot sa 15 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P102, 000 ang halaga, digital weighing scale, at P500 buy bust money.

 

Nauna rito, natimbog din ng mga operatiba ng Valenzuela Police SDEU sa pangunguna ni PLT Ronald Sanchez sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Fernando Ortiga si Ryan Catayna, 37 ng 7051 Avocado St. Comembo Makati City sa buy-bust operation sa Elysian St. Brgy. Marulas, Valenzuela city.

 

Ayon kay SDEU investigator PSSg Ana Liza Antonio, binentahan ng suspek ng isang pack ng shabu na nagkakahalaga sa P16,000 si PCpl Dario Dehitta na nagpanggap na poseur-buyer kaya’t agad itong inaresto ni PSSg Gerry Dacquil.

 

Nakuha sa suspek ang aabot 75 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P510,000 ang halaga, P1000 na nakabugkos sa 15 piraso ng P1000 boodle money, 27 piraso ng P100, cellphone, digital weighing scale at kulay itim na motorsiklo (NI 1560). (Richard Mesa)

ISTRIKTONG MASS TESTING, IPATUTUPAD SA MALABON

Posted on: July 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGPIT na ipatutupad sa Lungsod ng Malabon ang istriktong mass testing kung saan maaaring hulihin at kasuhan ang mga taong ayaw magpa-test, lalo na yung mga nakasama sa contact tracing at natukoy ng mga Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs).

 

Ito ang napagkasunduan ng Malabon City Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (MCTF-MEID).

 

Ayon kay City Administrator at MCTF-MEID Member Atty. Voltaire dela Cruz, dalawang batas ang gagamitin upang istriktong ipatupad ang mass testing. Isa ay “Disobedience to a Person in Authority” o pagsuway sa awtoridad sa ilalim ng Revised Penal Code.

 

Maaari ring kasuhan ang sinumang tatangging magpa-test ng “Non-cooperation” ayon sa Republic Act No. 11332 o “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.” Sa ilalim ng mga nasabing batas, hindi maaaring tumangging makipag-tulungan sa mga kinauukulan ang mga taong natukoy na apektado ng sakit.

 

Ang sinumang lalabag sa parehong batas ay maaaring mag-multa o kaya ay ikulong, batay sa desisyon ng hukuman.

 

Aniya, hindi maaaring gamiting depensa ang “Data Privacy Act of 2012” upang tumangging magpa-test, dahil pinapayagan ng batas ang paggamit ng personal na impormasyon upang tugunan ang isang national emergency, sumunod sa mga pangangailangan ng kaayusan at kaligtasan, o tuparin ng awtoridad ang kanilang tungkulin.

 

Isa ang mass testing sa mga natukoy na epektibong gawain upang masugpo ang pagkalat ng COVID-19. Kasama nito ang contact tracing, isolation, at treatment. (Richard Mesa)

EMERGENCY HIRING PROGRAM NG DOH, INISNAB

Posted on: July 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MISTULANG inisnab ng mga aplikante  ang inaalok na emergency hiring program ng pamahalaan para maging “augmentation” ng mga frontliners sa paglaban sa COVID19 pandemic.

Ayon kay Health Usec Ma.Rosario Vergeire sa ginanap na virtual briefing, sa kabila ng may bakante at pondo pero hindi umano  kinagat ito ng mga aplikante.

“Unfortunately,hirap na hirap na kami,kasi ang daming position ,may pera na ibinigay ang Bayanihan Fund,kaya lang walang takers,walang masyadong kumukuha ng slots na.meron tayo,”ayon kay Vergeire,”.

Ayon kay Vergeire,noong una silang nagpalabas ng volunteers and emergency hiring marami umano ang nag a-apply pero sa kasalukuyan ay pa konti-konti na lang.

“Kung ilalagay natin yan sa graph,pataas dati ngayon nagpa-plateu na siya,”dagdag pa ni Vergeire.

Nabatid na pinag-uusapan na ngayon sa DOH,ang susunod na hakbang na gagawin para mapigil ang transmisyon ng virus. (GENE ADSUARA)