MAY mga kasamahan akong sportswriter na nag-iisip kung paano ko naisip ang pamagat ng aking kolum na lumalabas araw-araw dito sa pahayagang inyong pinagkakatiwalaan – People’s BALITA.
Sabi kasi ng ilan sa kanila dati, na sigurado silang basketbol ang tiyak na magiging paksa ko sa mula Lunes hanggang Sabado.
Pero sabi ko general sports. Kasama lang ang basketball.
Anila, Opensa Depensa e.
Sabi ko, oo puwede sa basketball. Pero maari rin sa pangkalahatang sports.
Pinunto ko na pumupuri at bumabanat ang OD sa magagandang ginagawa ng ating mga sports official, athletes at coaches, pamahalaan, organisasyon at iba.
Bumabatikos din naman kapag sa tingin ko na may palpak ang mga kinauukulan.
Halimbawa sa Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC), National Sports Associations (NSAs), Philippine Basketball Association (PBA), Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), PBA Developmental League (PBADL);
National Collegiate Athletic Association (NCAA), University Athletic Association of the Philippines (UAAP), Women’s National Basketball League (WNBL), National Basketball League (NBL), Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP);
Philippine Paralympic Committee (PPC), sa mga NSA pa rin tulad ng Philippine Cano Kayak Dragon Boat Federation, Philippine Weightlifting Association, Inc. (PWAI), Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) at iba pa.
Gayundin sa Games and Amusements Board (GAB), Philippine Racing Commission (PHILRACOM) at iba pang mga sports organization.