• November 9, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 21st, 2020

Ivana, kumikita sa YouTube kaya ‘di apektado ng pamdemya

Posted on: September 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ISANG buwan na lang ay manganganak na ang Kapamilya star na si Ryza Cenon.

 

Nakapag-baby shower na rin ito virtually.

 

May team siya na kumuha ng mga video messages para sa partner niya na si Miguel Cruz at sa magiging baby boy nila. At sa mga nag-send din ng gifts for their baby.

 

Hindi man physical na magkakasama, base sa mga pic- tures na ipinakita ni Ryza, nairaos din ito na tila gaya ng normal na baby shower talaga.

 

Nakapalitan namin ng messages ang aktres. Aniya, kinakabahan daw siya sa araw na manganganak na siya.

 

Normal naman sigurong kabahan talaga ngayon ang mga babaeng manganganak. Yung walang COVID-19 ay ninenerbiyos na ang isang ina, how much more pa nga ba ngayong may kalaban na hindi nakikita.

 

Unlike other celebrities tulad nina Max Collins at Coleen Garcia na mas piniling manganak sa bahay dahil sa takot na rin sa risk ng virus sa hospital, si Ryza ay sa hospital pa rin piniling mangangak.

 

May hospital na naka-plano si Ryza kung saan niya ide-deliver ang baby niya. Pero, ang ama ng anak niya, obvious na yung the best ang gusto sa mag-ina nito. Kaya posibleng mabago ang hos- pital na pag-aanakan nito.

 

Mukhang finally, nakahanap na nga si Ryza ng tamang lalaki at totoong lalaki na susuklian siya ng tamang pagmamahal. Yung this time, siya naman ang inaalagaan at inuuna talaga.

 

***

 

MGA naninibago ngayon sa pagbabalik taping sina Tom Rodriguez at Lovi Poe.

 

Silang dalawa ang mga bibida sa bagong serye ng GMA Networks na I Can See You: High Rise Lovers.

 

Si Lovi ay na-stuck talaga sa bahay niya ng anim na buwan. Same goes with Tom na nanibago na this time, a new normal taping na hindi naman daw sa zoom.

 

Sabi nga ni Tom, “Lunch break namin ngayon dito sa set ng I Can See You: High Rise Lovers. Grabe sobrang enjoy. It feels great to be working. Kasama ko yung cast at crew. Iba pa rin talaga yung pakiramdam na hindi lang sa Zoom yung trabaho.”

 

Sinabi naman ni Tom na talagang pina-practice raw nila ang social distancing. At limitado na rin ang mga eksena na may physical touching. Kaya hindi na magugulat kung walang kissing scene sa bagong serye na ito ng Kapuso network.

 

Nag-a-adjust pa nga raw siya sa muling pag-arte pagkatapos nga naman niyang mapahinga ng ilang buwan.

 

“Medyo kanina naninibago lang. Parang bagong pasok ulit sa eskwelahan, may kaba. But, I’m happy to be back.”

 

Ang I Can See You ay magsisimula ng mapanood sa Sep- tember 28 sa GMA Telebabad block.

 

***

 

KUNG meron man talagang nangingibabaw na katangian ng sexy star na si Ivana Alawi, ito ay ang pagiging mapagmahal niya sa kanyang pamilya.

 

Given na kung gaano kamahal at protective ni Ivana sa nakababatang kapatid na si Mona Louise Rey.

 

Sa recent vlog niya, ipinakita naman ni Ivana ang surpresa niyang lupa sa kanyang kapatid na si Hash. Walang duda, kahit pa may pandemic at halos anim na buwan na walang trabaho talaga at sa part pa ni Ivana, naudlot pa ang supposedly pagbibidahan niyang serye sa ABS-CBN, tila hindi ito naapektuhan financially.

 

Aba, e sa You Tube na lang niya, konting-konti na lang at sasampa na ito ng 9 million subscribers. Yung latest video na inupload niya na surprise sa kapatid, in 10 hours e, 1.5 million views na agad.

 

Kuwento ni Ivana, gusto raw kasi niya, silang pamilya ay magkakasama pa rin sa isang subdivision. Kaya sa nabili niyang lupa, walang alam ang kapatid na binilhan niya rin ito at kapag nakaipon pa raw siya, tila plano pa niyang patayuan ng bahay.

 

Ang susunod daw niyang bibilhan ng lupa sa same subdivision na may lupa siya ay ang kapatid na si Mona na.

 

Sey pa ni Ivana, “Simple lang kasi si Hash. Hindi siya mahilig sa mga materyal na bagay. Ayaw niya ng rolex, bag. Laptop naman, meron na siya for his games.”

 

Natawa pa raw ito nang tanungin niya kung gusto ng relong rolex. At hindi makapaniwala ang kapatid niya na sinurpresa siya ng lupa ni Ivana. Nang masiguradong hindi siya pina-prank lang, naiyak ito sa tuwa at pasasalamat.

 

Sa naturang vlog, ipinakita rin ni Ivana na next week, sisimulan na ang ground breaking sa 3- storey modern house na ipapatayo at in 10 months, posibleng tapos na raw ang kanilang dream house. (ROSE GARCIA)

FISH PORTER PINAGBABARIL, MALUBHA

Posted on: September 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

AGAW-BUHAY sa pagamutan ang isang fish porter matapos harangin at pagbabarilin ng isa sa tatlong suspek sa Malabon City.

 

Si Gerald Enrique, 20 of 1st Street, Block 28, Lot 7, Brgy. Tanong ay isinugod ng kanyang his live-in partner sa Ospital ng Malabon subalit kalaunan ay inilipat sa Tondo Medical Center kung saan ito patuloy na inoobserbahan sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.

 

Sa follow-up operation ng mga tuahan ng Malabon Police Sub-Station 6, agad namang naaresto si Melvin Perdez, 27 at Nixon Vinluan, 25, kapwa ng C-4 Road, Brgy. Tanong habang ang sinasabing gunman na si Antonio Mendoza, 22, alyas “Oting” ay pinaghahanap pa ng pulisya.

 

Sa report nina police investigators P/Cpl. Archie Beniasan at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, alas1:30 ng madaling araw magtatapon ang biktima ng basura nang harangin ito ng mga suspek sa kahabaan ng C-4 Road.

 

Isa sa mga suspek ang naglabas ng baril saka pinagbabaril si Enrique sa katawan bago mabilis na nagsitakas habang isa sa tinitignan ng pulisya na posibleng motibo sa insidente ay personal na alitan. (Richard Mesa)

Lahat ng sementeryo at Columbarium sa bansa, sarado – Malakanyang

Posted on: September 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Malakanyang na sarado ang lahat ng sementeryo ng bansa simula Oktubre  29 hanggang Nobyembre  4 para maiwasan ang  pagdagsa at pagsisiksikan ng tao sa All Souls Day.

 

Ang Columbarium ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ay sarado rin sa nasabing panahon.

 

Ang pansamantalang pagsasara ng lahat ng sementeryo sa All Souls’ Day, taunang tradisyon ng milyon-milyong Filipino na bumibisita sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay ay inaprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

 

Kaugnay nito, inanunsyo ng Metro Manila Development Authority na sarado ang lahat ng mga sementeryo sa Metro Manila sa All Saints’ Day.

 

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, unanimous ang naging desisyon ng mga alkalde sa Metro Manila kaugnay sa naturang usapin, kung saan ilalatag din ang mga panuntunan para sa pagpapatupad nito.

 

Napag-alaman na si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang unang nag-anunsyo na sarado ang lahat ng mga sementeryo at columbaries mula Oct. 31 hanggang Nov. 3, para sa obserbasyon ng Undas, upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

 

Agad rin na naglabas ng parehong hakbang ang San Juan, Valenzuela, Mandaluyong, Pateros, Malabon, Makati at Parañaque, ganun din ang Cebu City. (Daris Jose)

Eric Bellinger, Inigo Pascual, Sam Concepcion, Moophs, Zee Avi, at Vince Nantes, nag-unite para sa ‘Rise’

Posted on: September 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAGSIMULA na ang worldwide release ng “Rise” thru Tarsier Record s ng ABS-CBN noong Setyembre 18 na kung saan nag- unite ang ilang Asian artists para sa collaboration na ito.

 

Kinabibilangan ito nina Grammy Award-winning R&B artist Eric Bellinger, Filipino pop stars na sina Inigo Pascual at Sam Concepcion, Manila-based pro- ducer na si Moophs, Malaysian singer-songwriter na si Zee Avi, at Black Swan composer, Vince Nantes para sa awiting “Rise”.

 

“Ang buhay mismo ang pangunahing kwento na nag-in- spire sa akin sa pagsulat ng ‘RISE’,” sabi ni Vince na siyang sumulat ng kanta.

 

“From the pandemic to protests, to political differences, to unfair treatment to one another as human beings, it’s a lot for all of us to digest, and I wanted to give people something they can enjoy, emotionally connect to, and believe in,” sabi pa ng songwriter.

 

Sabi ni Mooph ang “Rise” ang pinakamalaking release ng Tarsier Records na may layuning maghatid para sa pagkakaisa laban sa kahirapan.

 

“This song is my answer to 2020. If we look past borders, politics, and skin color and resolve not to be divided, we can overcome anything this year throws at us,” pahayag ni Moophs.

 

Hirit naman ni Zee Avi, kumanta ng “Bitter Heart”, “is such a simple word, yet it’s something that we need to keep reminding ourselves of.”

 

Ang sabi ni Sam, “Dream come true para sa akin ang proyektong ganito kalaki at kahalaga. Naniniwala ako na dahil sa mga mang-aawit na bahagi ng kanta at unifying message nito, maaari itong mapakinggan sa buong mundo.”

 

May dalawang klase ng mu- sic video ang “Rise”, isang ani- mated na ipapakita ang pinagsama-samang singers bilang superheroes na lalabanan ang ‘2020 monster’ at isang kuwento ng mensahe ng pag-asa hatid ng influencers mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

 

Ang Tarsier Records ay bahagi ng ABS-CBN Music na naglalayong ipakilala ang talentong Pinoy sa buong mundo at nagsisilbi ring gateway para sa international artists patungo sa Pilipinas.

 

Puwede ng i-pre-save ang “RISE” sa https://orcd.co/RISE- single at abangan ito sa iba’t ibang digital platforms. (REGGEE BONOAN)

Ads September 21, 2020

Posted on: September 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PAGSASAAYOS NG BAYBAYIN NG MANILA BAY, PINABORAN NG MGA KONSEHAL NG LUNGSOD NG MAYNILA

Posted on: September 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINABORAN ng Konseho ng Lungsod ng Maynila ang pagpapaganda at pagpapaayos sa baybayin ng Baywalk sa kahabaan ng Roxas Boulevard na ipinapatupad ng Department of Environment ang Natural Resources (DENR) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

 

Sa resolusyong inihain at inakda sa Konseho nina  District 4 Councilor Don Juan “DJ” Bagatsing at District 6 Councilor Salvador “Philip” Lacuna, sinusuportahan nila ang DENR at DPWH  ang paglalagay ng beachfront white sand (dolomite)  sa baybayin ng Manila Bay bilang bahagi ng  kanilang rehabilitasyon upang mapaayos, malinis at mapaganda ito.

 

Naniniwala rin ang mga may-akda na ang ginagawang pagpapayos ng dalawang sangay ng gobiyerno ay walang bahid na pagdududa na makakatulong at makakabuti ito sa publiko.

 

Ikinatuwiran ng dalawang Konsehal na ang coastline area ng Manila bay, particular ang bahagi ng Baywalk sa Roxas Boulevard ay maituturing na “crown jewels” ng Lungsod ng Maynila at isang tourist attraction sa buong mundo kung saan makikita  ang pagsikat at paglubog ng araw.

 

Sa kanilang datos, noong December 18, 2008, nang  iniutos ng Korte Suprema ang isang Mandamus sa Manila Bay na linisin, magsagawa ng rehabilitasyon at panatilihin ang tubig ng Manila Bay upang paglanguyan o magamit sa iba’t ibang sport activity ang lugar dahilan upang simulang linisin at tanggalin ang mga basura

 

Hindi rin anila, makatuwiran ang ilang pambabatiklos ng ilang sector at sa social media sa isyu ng kung magkano ang ginastos at pangastos sa panahon ng pandemia at nakakasama sa kalusugan,  gayunman, mismong  ang Department of Health (DOH) ang nagsabi na ang paglalagay ng dolomite sa lugar ay hindi nakakasama sa kalusugan dahil ginagamit din ito sa isang tourist destination sa buong mundo. Maging ang ilang ahensiya ng gobiyerno tulad ng DILG, DOT, MMDA, Presidential Spokesman at ilang Kongresita at iniindorso ang naturang proyekto.

 

Mismong ang Alkalde ng Lungsod ng Maynila na si Mayor Francisco “Isko Moreno Domagoso ay sumasang-ayon sa ginagawang  rehabilitasyon at pagpapaganda sa lugar dahil naniniwala itong magiging isang tourist attraction, nagbibiagy ang trabaho sa ilan at pagsisimulan ng pagbubukas ng negosyo sa lugar.

 

“Now Therefore, Be It Resolved, by the 11th City Council of Manila to Express No Objection, Utmost Support and Appreciation for the National Government’s Manila Bay Rehabilitation and Coastal Beach Nourishment Initiative on the Baywalk Shoreline along Roxas Boulevard in the City of Manila, as currently being implemented by the Environment (DENR) and Public Works (DPWH) Departments.” ayon sa kanilang resolusyon.

 

Bukod sa may-akda, sinang-ayunan din ang nasabing resolusyon ng 34 iba pang mag Konsehal ng Lungsod ng Maynila. (GENE ADSUARA)

CONVICTED CALAUAN MAYOR SANCHEZ, PUWEDE SA GCTA

Posted on: September 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAARING mapalaya si convicted Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez  sa ilalim ng General Conduct Time Allowance (GCTA), ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

 

” He was entitled to GCTA under revised penal code,”ayon kay Guevarra.

 

Nabatid na si Sanchez ay nahatulan noong Marso 14,1995 dahil sa panggahasa at pagpaslang sa magkaibigan na si Eileen Sarmenta at Allan Gomez.

 

Ayon kay Guevarra may bagong GCTA manual na maaring magamit ng Bureau of Correction(BuCor) at maari nang i-print.

 

Ang GCTA law ay pansamantalang nasuspinde noon Agosto,2019 matapos magkaroon ng kontrobersiya sa pagpapalaya kay Sanchez at ilang bilanggo.

 

“Processing was temporarily suspended last year when DOJ, DILG worked on the revised IRR. Now we’ve come up with new rules and regulations which are a lot clearer,”dagdag pa ni Guevarra.

 

Mas malinaw na umano ngayon ang isyu kaugnay sa mga heinous crime sa bagong GCTA manual. (GENE ADSUARA)

ESTUDYANTE, 2 BUSINESSMAN KULONG SA P251-K SHABU

Posted on: September 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang 18-anyos na estudyante at dalawang businessman matapos makuhanan ng higit sa P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Malabon city.

 

Ayon kay Malabon police chief Col. Jessie Tamayao, alas-2:15 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Adonis Aguila ang buy-bust operation sa M. H. Del Pilar Brgy. Tugatog.

 

Nasakote sa operation si Ryan Villanueva, 42 businessman ng Plaridel, Bulacan at Julius Velasquez, 36, businessman ng Lascano St. Brgy. Tugatog matapos bentahan ng P1,000 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng marked money.

 

Ani SDEU investigator PMSg Randy Billedo, nakumpiska sa mga suspek ang abaot sa 25.5 gramo ng shabu na tinatayang nasa P170,000 ang halaga at P1,000 buy-bust money.

 

Nauna rito, alas-5:45 ng hapon nang masakote din ng mga operatiba ng SDEU sa buy-bust operation sa P. Aquino corner Dr. Lascano St. Brgy. Tugatog, Malabon ang 18-anyos na estudyante na si Jastine Galang, ng PNR Compound. Brgy. 73, Caloocan city.

 

Nasamsam kay Galan gang aabot sa 12.0 gramo ng shabu na tinatayang nasa P81,600.00 ang halaga at P1,000 buy-bust money. (Richard Mesa)

VICTIM SWAPS BODY WITH A SERIAL KILLER IN FIRST ‘FREAKY’ TRAILER

Posted on: September 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

FROM the director of the ‘Happy Death Day’ films comes another slasher film with a crazy twist!

 

A body swap that cuts deep. Watch the first trailer of Universal Pictures and Blumhouse’s new horror comedy Freaky starring Vince Vaughn & Kathryn Newton.

 

Prepare to get Freaky with a twisted take on the body-swap movie when a teenage girl switches bodies with a relentless serial killer.

 

Seventeen-year-old Millie Kessler (Kathryn Newton, Blockers, HBO’s Big Little Lies) is just trying to survive the bloodthirsty halls of Blissfield High and the cruelty of the popular crowd. But when she becomes the newest target of The Butcher (Vince Vaughn), her town’s infamous serial killer, her senior year becomes the least of her worries.

 

When The Butcher’s mystical ancient dagger causes him and Millie to wake up in each other’s bodies, Millie learns that she has just 24 hours to get her body back before the switch becomes permanent and she’s trapped in the form of a middle-aged maniac forever. The only problem is she now looks like a towering psychopath who’s the target of a city-wide manhunt while The Butcher looks like her and has brought his appetite for carnage to Home- coming.

 

With some help from her friends—ul- tra-woke Nyla (Celeste O’Connor, Ghostbusters: Afterlife), ultra-fabulous Joshua (Misha Osherovich, The Gold- finch) and her crush Booker (Uriah Shelton, Enter the Warriors Gate)—Millie races against the clock to reverse the curse while The Butcher discovers that having a female teen body is the perfect cover for a little Homecoming killing spree.

 

The film also stars Alan Ruck (HBO’s Succession), Katie Finneran (TV’s Why Women Kill) and Dana Drori (Hulu’s High Fidelity).

 

From the deliciously debased mind of writer-director Christopher Landon (Happy Death Day, the Paranormal Ac- tivity franchise) comes a pitch-black hor- ror-comedy about a slasher, a senior, and the brutal truth about high school.

 

Freaky is written by Christopher Landon and Michael Kennedy (Fox’s Bordertown) and is produced by Jason Blum (Halloween, The Invisible Man). The film is produced by Blumhouse Pro- ductions in association with Divide/Con- quer. The executive producers are Couper Samuelson and Jeanette Volturno.

 

In Philippine cinemas soon, Freaky is distributed by United International Pic- tures through Columbia Pictures. Follow us on Facebook, Twitter and Instagram. Connect with # and tag uipmoviesph (ROHN ROMULO)

Mga taga-MM na pupunta ng Tagaytay City kailangan pa ring kumuha ng travel pass-Malakanyang

Posted on: September 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang mga residente ng  Metro Manila na kailangan pa rin nilang kumuha ng travel pass mula sa  Philippine National Police kung pupunta ng  Tagaytay City.

 

Ang Tagaytay City ang itinuturing na top tourist destination sa Cavite province.

 

Suportado ng Malakanyang ang pahayag ni Joint Task Force COVID Shield commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar,  na iginiit na kailangan ang  travel authority matapos ihayag ng Tagaytay City government  na hindi na ito  requirement.

 

Ang Metro Manila ay kasalukuyan ngayong nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) habang ang  Cavite ay nasa ilalim naman ng modified general community quarantine (MGCQ).

 

“MGCQ to MGCQ travel, hindi kinakailangan ng travel pass but the local government unit may still impose it. GCQ to MGCQ, kinakailangan ng travel pass,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

 

“Mga taga-Metro Manila na nais pumunta ng Tagaytay, kinakailangan n’yo pong kumuha ng travel pass at bago kayo mabigyan ng travel pass ng PNP, kinakailangan mag-presinta po kayo ng medical certificate,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa ulat, unti-unti nang nagsisibalikan ang mga turista sa Tagaytay City matapos ianunsyo ng city government na tumatanggap silang muli ng mga bisita magmula nang isailalim ang lungsod sa modified general quarantine noong September 1.

 

Pinaalalahanan ng City Administrator na si Engineer Gregorio Monreal na kailangang sundin ng mga turista ang minimum health protocols gaya ng physical distancing at pagsusuot ng face mask.

 

“’Yung mga gustong pumunta sa Tagaytay ay hindi natin puwedeng mapigilan, welcome sila sa atin pero kailangan nilang sumunod sa minimum public health standard. Bagamat ang ating guidelines ay nasa quarantine protocols pa rin tayo, pero ‘yung mga gustong pumunta sa Tagaytay ay hindi natin mapipigilan,” ani. Engr. Monreal.

 

Aniya, mayroon pa ring mga checkpoints sa entry at exit points ng lungsod subalit hindi oobligahin ang mga bisita na magprisinta ng travel pass. Ang kailangan lang ay mag-fill-up ng health declaration form.

 

Naglabas ng memorandum si City Mayor Agnes Tolentino noong September 1 para sa guidelines na dapat sundin ng mga establisimyento, mga tanggapan, public transportation, religious groups at mga barangay.

 

Kailangan umanong sundin ang mga health standards at protocols upang maproteksyunan ang mga workers at turista.

 

Pinapayagan ang mga hotel na mag-operate ng hanggang 50% capacity nito. Kailangang kumuha ng certification at accreditation mula sa Department of Tourism ang mga hotel bago makapag-operate.

 

Ang mga pribadong sasakyan ay papayagang maglabas-masok sa Tagaytay kung sinusunod ng mga pasahero nito ang physical distancing.

 

Inaasahan na sa muling pagbubukas ng pinto ng Tagaytay para sa mga turista ay makababawi na ang city government at mga negosyanteng nawalan ng kita dahil sa pandemya. (Daris Jose)