• November 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 25th, 2020

Pagtaas ng kontribusyon ng Pag-IBIG Fund members posibleng sa taong 2022 na

Posted on: September 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

POSIBLENG sa 2022 maimplementa ng Pag-IBIG Fund ang dagdag na P50 sa buwanang kontribusyon ng kanilang miyembro.

 

Sinabi ni Pag-IBIG Fund chief executive officer Acmad Rizaldy na nakausap na niya ang mga stakeholders at pumayag umano ang mga ito.

 

Isa kasing itinuturong dahilan ng pag-antala ng increase ay dahil sa epekto ng COVID-19.

 

Sa orihinal na plano ay sa Enero 2021 na ito ipapatupad at dahil sa patuloy pa rin ang pandemic ay posibleng maantala ito ng isang taon.

 

“We recognize that a number of our members and several businesses are experiencing financial hardships brought about by COVID-19. We understand their plight and we want to help them in any way we can. That’s why we are studying the possible delay of the P50-increase in the members’ monthly savings right now. This is our contribution to the efforts of the administration of President Rodrigo Roa Duterte to alleviate the financial burden of our fellow Filipinos during these challenging times,” una nang inihayag ni Sec. Eduardo del Rosario, ang pinuno ng Department of Human Settlements and Urban Development at ng 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.

6 sangkot sa droga kulong sa P183-K shabu

Posted on: September 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KULONG ang anim na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Norbert Pereira, 33, Jhoemy Galvez, 33, Samuel Checa, 42, pawang ng Brgy. Marulas, Valenzuela city, Saturnino Longcob Jr., 24, Anthony Castillo, 39 at Ariel Christian Ferrer, 23, pawang ng Caloocan city.

 

Sa imbestigasyon ni PMsg. Randy Billedo, alas-4:30 ng hapon nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Venchito Cerillo ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa University Avenue, Brgy. Potrero, Malabon city.

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

 

Nakumpiska ng mga operatiba sa mga suspek ang 19 plastic sachets na naglalaman ng nasa 27 gramo ng shabu na tinatayang nasa P183,600.00 ang halaga, at P500 buy-bust money.

 

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga naarestong suspek sa Malabon City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Glaiza, ‘di itinatanggi na miss na miss na ang bf na si David

Posted on: September 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

BALCONY

HANGGANG ngayon, nasa Baler pa rin si Glaiza de Castro habang ang boyfriend na si David Rainey ay nakabalik na sa bansa nito.

 

Ibig sabihin, may ilang buwan na silang physically separated at through online na lang din ang komunikasyon.

 

Magkasama sila during enhanced community quarantine pa sa Baler. At hindi itinatanggi ni Glaiza na miss na miss na niya ito, lalo pa nga ngayon na dahil sa pandemic, wala pang kasiguraduhan kailan sila ulit makakadalaw sa isa’t-isa.

 

At ramdam din siguro ng mga kaibigan ni Glaiza na nasa Baler ang pagka-miss niya sa boyfriend lalo pa nga’t anniversary nila. Kaya sinorpresa siya ng mga ito. May bisita raw siya pero laking tawa ni Glaiza nang makita ang hinandang tarpauline ng mga kaibigan.

 

Nag-pose rin si Glaiza katabi ang tarpauline ni David habang nakaupo sa may dagat.

 

Aliw rin ang caption ni Glaiza na patuloy pa rin napapanood sa GMA Network sa rerun ng Encantadia. Aniya, “Since I have been dealing with separation anxiety for being apart for a few months now, I chose to do things that make me happy like waking up in the morning to see the sunrise and learn surfing, exercising and cooking amongst other things.

 

“But this morning, someone sur- prised me and I’m so grateful ‘cause he constantly find ways to be there for me. Though not physically for now, I know we’ll be together again but hopefully, soon. LOL.

 

“Maraming salamat at mahal kita.”

 

Nagpasalamat din ito sa mga kaibigang gumising daw ng maaga para sa surprise na yun sa kanya.

 

*****

 

SA September 27 na ang airing ng bagong show ng Asia’s Multi-media Star na si Alden Richards sa GMA Public Affairs na Lockdown: Food Diaries.

 

Close to Alden’s heart ang bagong show dahil isa itong documentary na magpapakita ng iba’t- ibang workers sa food sector at ang katapangan nila at determinasyon kahit at risk ang safety nila and yet, they keep the supply chain running.

 

Ang Lockdown: Food Diaries ang first project ni Alden since the lockdown that involved on-location shoots. Eh, kamakailan lang, si Alden ang hinirang na Department of Health’s Anti-COVID-19 Awareness Campaign Ambassador.

 

Kaya sabi nga niya, “Dati noong nung wala pang COVID, ‘pag aalis ng bahay lagi lang nating sine-se- cure mga dadalhin ‘yung pitaka natin, bag, susi ng kotse. Ngayon, nasanay na tayo na may face mask, face shield, alcohol.”

 

Bilang isang restaurant owner and a food chain franchise owner, inamin ni Alden kung paano nag- suffer ang business niya at kung paano rin sila nag-adapt sa changes.

 

“Nagkaroon lang ng certain adjustments and scheduling. Kasi para sa amin po, mas importante yung tao, yung staff more than income na nage-generate ng mga restaurants namin. Kasi hindi naman po kami kikita kung hindi din dahil sa mga taong nagtatrabaho at naghihirap every day.”

 

Habang ginagawa ang Lockdown: Food Diaries, nakakuha rin daw ng inspiration si Alden.

 

“Saludo po kami sa inyo at binibigyan ninyo kami ng inspirasyon na ‘wag sumuko sa laban ng buhay ngayon. Kasi dun talaga natin makikita na yung mga Pinoy, hindi talaga mapride e. Gagawin natin lahat para magsurvive, para makapagsustento sa mga mahal natin sa buhay.”

 

Sey pa niya, “Ako, ito yung quote ko every day ‘the only difference between a good day and a bad day is your attitude.” (ROSE GARCIA)

PDu30, nanawagan ng kapayapaan sa mga lider na nasa conflict-hit- areas

Posted on: September 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN ng kapayapaan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa lahat ng lider sa mga lugar na apektado ng hidwaan kabilang na ang pinagtatalunang South China Sea.

 

Tinukoy ng Pangulo ang tumataas na geopolitical tensions sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

“I therefore call on the stakeholders in the South China Sea, the Korean Peninsula, the Middle East and Africa: if we cannot be friends as yet, then in God’s name, let us not hate each other too much. I heard it once said, and I say it to myself in complete agreement,” ang pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang naging talumpati sa United Nations General Assembly sa 75th session.

 

Aniya, wala ni isa mang makikinabang sa pagtaas ng global tensions lalo pa’t kapag ang armas ay dinala sa labanan. “When elephants fight, it is the grass that gets trampled flat,” ayon sa Pangulo.

 

“Given the size and military might of the contenders, we can only imagine and be aghast at the terrible toll on human life and property that shall be inflicted if the ‘word war’ deteriorates into a real war of nuclear weapons and missiles,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte.

 

Kaya nga, tinawagan niya ng pansin ang UN member-states na ganap na ipatupad ang Nuclear Non-Proliferation Treaty at ang Chemical and the Biological Weapons Conventions.

 

Hiniling naman ng Chief Executive sa Philippine Senate na ratipikahan ang 2017 Nuclear Weapon Ban Treaty.

 

Kaugnay nito, muling inulit ni Pangulong Duterte ang commitment ng bansa na “do everything and partner with anyone who would sincerely desire to protect the innocent from terrorism in all its manifestations.”

 

Tinukoy nito ang kontrobersiyal na local 2020 Anti-Terrorism Act, sinabi ni Pangulong Duterte na ang pagpapatibay nito ay isinagawa bilang pagsunod sa UN Security Council resolutions at sa counter-terrorism strategy ng global body.

 

“The Marawi siege, where foreign terrorist fighters took part, taught us that an effective legal framework is crucial. Our 2020 Anti-Terrorism Act shores up the legal framework by focusing on both terrorism and the usual reckless response to it,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

“Most importantly, we remain committed to rebuild stricken communities and address the root causes of terrorism and violent extremism in my country,” aniya pa rin.

 

Pinasalamatan naman nito ang mga global peacekeepers, kabilang na rito ang mga Filipino na itinalaga sa Middle East at Africa.

 

Tinapos naman ng Pangulo ang kanyang talumpati sa panawagan na magbigay ng kapangyarihan at palakasin ang United Nations sa pamamagitan ng pagreporma sa komposisyon at proseso.

 

“To defeat the COVID-19 pandemic and other challenges, we must work with seamless unity which demands complete mutual trust and the conviction that we will win or lose together,” anito.

 

“We cannot bring back the dead but we can spare the living; and we can build back better, healthier, and more prosperous and just societies.

 

To this end, we rededicate ourselves to multilateralism. The UN remains humanity’s essential organization. But it is only as effective as we make it. “Indeed, to be ready for the new global normal, it cannot be business as usual for the UN. Let us empower UN – reform it – to meet the challenges of today and tomorrow.” aniya pa rin. (Daris Jose)

100 pekeng accounts na pag-aari ng pulis at military sa Pilipinas, binura sa Facebook

Posted on: September 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

DUMISTANSIYA ang Malakanyang sa naging hakbang ng Facebook kung saan mahigit 100 pekeng accounts ang na-trace na pag-aari ng police at military units ng Pilipinas ang tinanggal dahil sa “coordinated inauthentic behavior” (CIB).

 

“We leave to the sound judgment and discretion of the popular global social networking company,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

Sa kabilang banda, tiniyak naman ni Sec. Roque na kaisa sila sa pagtataguyod sa katotohanan at pagbasura sa disinformation, kasinungalingan at pagkamuhi.

 

“We hope the social media giant would exercise prudence in all its actions to remove any doubt of bias given its power, influence and reach,” ayon kay Sec. Roque.

 

Sa ulat, sa isang online press conference, sinabi ni Facebook cybersecurity policy chief Nathaniel Gleicher na karamihan sa content ng mga pekeng accounts na mina-manage ng mga taong konektado sa iba’t-ibang police at military agencies, ay puro mga kritisismo ng oposisyon, aktibismo, at komunismo.

 

Ayon kay Gleicher, ang domestic network ay binubuo ng nasa 57 Facebook accounts, 31 pages, at 20 instagram accounts.

 

Ang sites ay mayroong mahigit 276,000 followers sa Facebook at 55,000 naman sa Instagram.

 

Aniya, pinaka active ang network simula 2019 noong nasa kasagsagan ng usapin ang Pilipinas tungkol sa Anti-Terrorism Act.

 

Dagdag pa ni Gleicher, ang Philippine-based operation, ang ikalawa sa dalawang networks na engaged sa coordinated inauthentic behavior na layuning makipag-ugnayan sa mga Pilipino sa Southeast Asian region.

 

Habang ang unang network naman ay na-trace na pinapatakbo ng isang grupo ng mga indibiwal sa Fujian province sa China.

 

Ang mga pekeng accounts at pages, ayon kay Facebook head of security policy Nathaniel Gleicher, ay na-trace sa ilang indibidwal mula sa Fujian Province of China.

 

Kabilang sa binura ang mga hindi tunay na accounts at pages na sumusuporta sa Pangulong Rodrigo Duterte at sa posibleng presidential bid ng anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

 

Sinabi ni Gleicher na nagpopost ng mga impormasyon sa mga pekeng Facebook pages at accounts sa wikang Chinese, Filipino at English. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

PBA bubble amenities kumpleto sa libangan

Posted on: September 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TITIYAKIN ng Philippine Basketball Association (PBA) na kumpleto ang amenities ng Quest Hotel sa Clark City sa Angeles City, Pampanga na pagtatayuan ng bubble sa pagpapatuloy ng Philippine Cup sa darating na Oktubre 9.

 

“Tsinek namin, may golf, may water sports,” bulalas kahapon ni Pro league Commissioner Wilfrido Marcial. “Maglalagay din kami ng parang screen para makanood sa gabi. May bilyaran at table tennis.”

 

Asinta ng unang Asia’s play- for-pay hoop na matapos ang all-Pinoy conference ng Disyembre 9 o 11, dalawang buwan tatagal sa bubble ang players na aabot ng finals. Ang mga maagang masisibak pagkatapos ng 11- game eliminations at sa bawat yugto ng playoffs ay puwede nang lumabas.

 

“It’s all about the wellness of the players. Imagine two months ka doon doing nothing,” dugtong ni chairman Victorico Vargas ng Talk ‘ N Text. Hindi na pababalikin ng bubble ang lalabas ng lugar.

 

“Hiling ng players kung p’wede raw tig-isa silang k’warto,” wakas na na sambit ni Marcial. “Pero hindi talaga kakayanin, kaya sharing sila tigalawa sa isang kuwarto.” (REC)

Ellen DeGeneres, nagsalita na sa pinukol na matitinding isyu

Posted on: September 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAG-CELEBRATE ng kanilang monthsary last September 20 sina Barbie Forteza at Jak Roberto.

 

Pero hindi nagkasama ang dalawa sa araw na iyon.

 

Kaya nag-throwback post na lang si Barbie sa kanyang Instagram:

 

“Patunay na ‘di kailangan maging sexy para makasungkit ng sexy… Tiwala lang! Happy monthsary @jakroberto. I miss you so much. I love you.” Nasa lock-in taping kasi Barbie para sa pagbabalik ng primetime series na Anak Ni Waray Vs Anak Ni Biday sa GMA Telebabad.

 

*****

 

PROUD na pinakita ni Iwa Moto ang kanyang baby bump sa social media.

 

“Hello, baby! Mommy just wants to say I love you so much!” caption pa ni Iwa.

 

Second child nila ito ng kanyang partner na si Pampi Lacson. Noong nakaraang July in-announce ni Iwa na siya ay pregnant.

 

Hindi rin tinatago ni Iwa na mas nahihirapan siya ngayon sa ikalawang pagbubuntis niya. Matindi raw ang naging morning sickness niya at hindi siya nakakain ng maayos dahil lagi siyang nagsusuka.

 

Heto ang mga naging post ni Iwa sa Facebook:

 

“Sad… di pa nga ako tapos kumain suka agad.. anak ano ba pinahihirqpan mo na ako”

 

“Hayy anak. Hanggang kelan tayo ganito. Amoy suka ako palagi! Ano ba gusto mong pagkain! Lahat na sinubukan ko!!”

 

Dahil ayaw niyang uminom ng mga gamot, ginagamit ni Iwa ay essential natural oils para maibsan ang mga nararamdaman niya sa kanyang pagbubuntis.

 

“To help me sleep, I use lavender. I mix lavender, cedar wood and a little bit of lemon. These three combos helps me go to sleep. A lot of you guys know that I have insomnia, lagi akong puyat, laging post ko nagse-senti ako.”

 

*****

 

SA pagbabalik ng new season ng talk show na Ellen, kahit na walang audience sa studio dahil pinagbabawal pa dahil sa COVID-19 pandemic, nagsalita na si Ellen DeGeneres sa matitinding isyu na pinukol sa kanya sa mga nagdaang buwan.

 

Kabilang sa in-address ni Ellen ay ang pagiging toxic sa workplace sa kanyang show at ang hindi pagiging “kind” niya sa totoong buhay.

 

“I learned that things happened here that never should have happened. I take that very seriously, and I want to say I am so sorry to the people who were affected.

 

“I know that I am in a position of privilege and power, and I realize that with that comes responsibility, and I take responsibility for what happens at my show. We have made the necessary changes, and today we are starting a new chapter.

 

“There are articles in the press and on social media that said that I am not who I appear to be on TV, the ‘Be Kind’ lady.

 

“I started saying “be kind” after Tyler Clementi’s 2010 suicide as a result of anti-gay bullying. I thought the world needed more kindness, and it was a reminder that we all needed that. And I think we need it more than ever right now.

 

“The truth is, I am that person that you see on TV. I am also a lot of other things. Sometimes I get sad. I get mad. I get anxious. I get frustrated. I get impatient. And I am working on all of that.”

 

“I’ve played a straight woman in movies, so I’m a pretty good actress. But I don’t think that I’m that good that I could come out here every day for 17 years and fool you.

 

“If I’ve ever let someone down, if I’ve ever hurt their feelings, I am so sorry for that. If that’s ever the case, I have let myself down and I’ve hurt myself as well, because I always try to grow as a person.

 

“All I want is for every single one of them to be happy and to be proud to work here. My hope is that we can still be a place of happiness and joy. I still want to be the one hour a day that people can go to escape and laugh. I want to continue to help all the people that we help every day, and I am committed to making this the best season that we have ever had.” (RUEL J. MENDOZA)

Nietes tindero na

Posted on: September 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

RUMARAKET muna sa kanyang maliit na negosyo si dating four-division world men’s professional boxing champion Donnie ‘Ahas’ Nietes lalo pa’t walang laban ngayong panahon ng COVID-19.

 

Ipinahayag kamakalawa ng 38-taong gulang, 5-3 ang taas at tubong Murcia, Negros Occidental ang pinagkakaabalahang trabaho.

 

“Nagtayo muna ako ng kaunting negosyo,”salaysay ni boksingero. “Nagtitinda ako ng chorizo, kimchi at mga gulay at bigas. Iyan ang pinagkakaabalahan ko during the pandemic.”

 

Hinirit pa ni Nietes, “Kasi wala akong ginagawa, walang boxing. So naisip kong magka- income ako,” wakas na saad ng dating kasapi nang nagsarang ALA Boxing Promotions. (REC)

Ads September 25, 2020

Posted on: September 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TRUMP PINAPANAGOT ANG CHINA SA COVID-19

Posted on: September 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SUMIKLAB muli ang tensiyon sa pagitan ng Amerika at China sa ginanap na UN General Assembly sa New York.

 

Ito’y matapos diretsahang sisihin ni US President Donald Trump ang China sa pagkalat ng coronavirus.

 

Giit ni Trump, dapat panagutin ang China sa pandemya.“We must hold accountable the nation which unleashed this plague on to the world – China,” giit ni Trump, sa ulat ng BBC.

 

“In the earliest days of the virus China locked down travel domestically, while allowing flights to leave China and infect the world. China condemned my travel ban on their country, even as they cancelled domestic flights and locked citizens in their homes,” dagdag ng US president.

 

Sa kanya namang speech, sinabi ni Chinese President Xi Jinping na walang intensyon ang kanyang bansa na pumasok sa “Cold War” sa anumang bansa. (Ara Romero)