• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 1st, 2020

US archbishop itinalaga ni Pope Francis bilang bagong papal nuncio sa PH

Posted on: October 1st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSIYO ngayon ng Vatican ang pagpili ni Pope Francis kay Archbishop Charles John Brown bilang kanyang bagong papal nuncio sa Pilipinas.

 

Ang 60-anyos na American diplomat ay nagmula sa bansang Albania na nagsilbi bilang apostolic nuncio mula pa taong 2017.

 

Papalitan ni Archbishop Brown si Archbishop Gabriele Caccia, na siya na ngayong Permanent Observer ng Vatican sa United Nations sa New York.

 

Mula nang magtapos ang tour of duty ni Archbishop Caccia noong December 2019 ay wala pang bagong naitatalaga ang Santo Papa na kanyang kapalit sa bansa.

 

Bilang papal envoy, siya ang kakatawan ng Holy See sa mahahalagang aktibidad sa Pilipinas kung saan siya ang tatayong dean ng diplomatic corps.

 

Mahalaga rin ang kanyang gagampanang papel sa pagpili ng mga obispo sa bansa.

 

Ipinanganak si Brown sa New York at naordinahan bilang pari sa Archdiocese of New York noong May 1989.

 

Noong September 2009 siya naitalaga rin bilang adjunct secretary of the International Theological Commission na siyang tumutulong sa Vatican sa Congregation for the Doctrine of the Faith na nag-aaral sa mga “doctrinal questions” na mahalaga sa simbahan.

 

Noon namang November 26, 2011 hinirang siya ni Pope Benedict XVI bilang Apostolic Nuncio to Ireland na naging daan upang maiangat siya sa pagiging archbishop.

 

March 9, 2017 naman nang ilagay siya ni Pope Francis bilang nuncio sa Albania.

Panukala na gawing mail at postal voting ang sistema ng halalan sa 2022, posible -Malakanyang

Posted on: October 1st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

POSIBLENG idaan sa mail voting at postal voting lalo na sa mga senior citizens at persons with disabilities o PWD’s ang gagawing botohan para sa darating na 2022 national elections.

 

Sinabi ni presidential spokesper- son Harry Roque, baka kailanganin ng bansa na magpatupad ng ganitong pamamaraan ng halalan kung saan ginagawa na rin aniya ng iba’t ibang mga bansa.

 

Hindi naman inaalis ni Sec. Roque ang posibilidad na baka maikunsidera sa kauna-unahang pagkakataon ang panukalang ito.

 

Iyon nga lamang, nakasalalay pa rin sa COMELEC ang pinal na desisyon at hindi ito panghi- himasukan ng Malakanyang.

 

Sa kabilang dako, hindi maaring maging opsyon ng gobyerno ang pagpapaliban ng eleksyon dahil lamang sa may kinakaharap ngayong krisis sa pangkalusugan.

 

Sa kanyang pagkakaalam, hangga’t hindi aniya inaamyen-dahan ng mga mambabatas ang 1987 constitution, mananatiling labag sa batas ang mungkahing temporary postponement ng eleksyon.

 

Inanunsyo na mismo ng Comelec, na sa halip ba ipagpaliban anh halalan ay mas mabuting ipatupad na lamang umano ang modified form of election dahil sa pamamagitan aniya nito ay magiging less o bahagyang mababawasan ang physical contact Ng bawat isa.

 

Sa ilalim aniya ng new normal, malaki ang posibilidad na magkakaroon ng mga pagbabago sa voting system at mga ginagawang pangangampanya ng mga kandidato para sa 2022 election.

Kathryn, labis ang pasasalamat na tuloy ang work sa gitna ng pandemya

Posted on: October 1st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SA gitna ng pademya, tuloy tuloy pa rin ang trabaho para kay Kathryn Bernardo na labis niyang pinagpapasalamat.

 

Kailangan lang ng ibayong pag-iingat kaya’t nasa isang lugar lang sila at bawal ang out- side contact habang may shooting o taping.

 

“Marami pa rin pong projects and right now we really have to stay in a bubble, as in we have to stay in one place para mabawasan yung chances na magka-Covid 19,” pahayag ni Kathryn.

 

“So most of the time I’m away talaga from home. We know it’s for the welfare of everyone so we have to very conscious and compliant with health regulations like washing of hands, wearing masks and social distancing.

 

“I encourage everyone po to please be mindful of the safety of others around you and always practice safety measures sa panahon na ito. Huwag po tayo magpabaya. kakayanin po natin ito,just keep praying and helping our families and friends.”

 

Aminado rin siya na nami- miss na ang bahay niya sa Cabanatuan, pero dahil sa trabaho at travel restrictions ay hindi na siya nakakauwi nitong nakaraang mga buwan.

 

“Nitong past few months nung start ng lockdown, hindi na talaga ako nakakauwi kahit gustong-gusto kong umuwi at miss na miss ko na yung Cabanatuan at saka yung house namin.

 

“Medyo nakakalungkot lang pero blessed pa rin po dahil maraming work na dumarating. Si Papa na lang ang laging lumuluwas to meet us dito sa Manila dahil mabilis na ang byahe ngayon pauwi at papunta ng Nueva Ecija,” kuwento pa ng Phenomenal Box Office Queen.

 

Tulad ng maraming Pilipino ay nag-aalala rin si Kathryn sa kanyang kalusugan. Bukod pa rito ay ang pag-aalala sa mga kababayan niyang sa Nueva Ecija na apektado ng pandemya.

 

“I know it’s difficult to be positive nowadays but we have to persevere for the sake of our loved ones. As I always say, ‘di naman po tayo bibigyan ng pagsubok na di natin kayang lampasan.

 

“But we have to take care of our health, asset po natin yan sa panahong ito,” sambit pa ng labs ni Daniel Padilla.

 

Bilang sikat na endorser ng mga brands ng San Miguel Corporation na tulad ng Magnolia Ice Cream, San Mig Coffee Crema White, at Nutrichunks, natutuwa siya na magtatayo na ang kumpanya ng Manila International Airport at economic zone sa katabing probinsya na Bulacan.

 

Naniniwala siya na makakatulong ito sa ekonomiya ng bansa at maging sa Nueva Ecija.

 

“Marami talagang nawalan ng work nitong pandemic. It breaks my heart to see people losing jobs and unable to pro- vide for their families. If possible nga na magawa na yan agad so we can already attract businesses and give people jobs.

 

“A lot of people really need help right now. In our personal capacity, what we can do is to help the people around us as much as we can. But for the long-term, jobs po talaga ang kailangan,” wika ni Kathryn.

 

Maliban dito ay makakatulong rin ito sa mga negosyante at magsasaka na gumagawa ng pagkain at raw materials.

 

“If you need to transport products quickly or perishable yung goods mo, big advantage yung magkaroon ng accessible na airport like the one sa Bulacan. I’m sure this is a positive sign for many businesses in Nueva Ecija and even as far as the north like Baguio, Pangasinan, and Ilocos.

 

“Mahirap isipin now because a lot of businesses are struggling, but when the time comes na matapos na yung pandemic, then the airport will be ready and we can start and help a lot of people recover.”

 

Mabubuksan rin ang Luzon, kabilang ang kanyang probinsya sa mga turista, lalu-lalong na sa mga taga-ibang bansa dahil mas madali nang makakabiyahe.

 

“From our house in Cabanatuan, it’s either we use Clark or go straight to NAIA to fly out. But in Manila, I always have to brave the traffic going to the airport and it is difficult pag naghahabol ng flight. We all experience this naman po, we have to be there hours before our flight,” kuwento pa niya.

 

“But with the new airport, there’s another better option. And from what I heard, it’s going to be really big, spacious and modern. If sanay ka sa big airports like in Japan, Korea and in Europe, it’s going to be that big and I’m proud to be part of the San Miguel family that is making this happen,” dagdag niya.

 

“Matagal na yung San Miguel, and maganda yung reputation nya so I’m sure like sa TPLEX sa amin sa Nueva Ecija and yung iba pang projects nila ay maganda rin yung quality ng work, like their products that I endorse. “Hopefully, pag maagang matapos yung Bulakan airport at may time at pwede nang magbakasyon, makakasakay rin ako dyan. Just praying and hoping na matapos na po itong crisis para we can live our lives normally like we are used to,” seryoso pang tugon ni Kathryn. (ROHN ROMULO)

Alden at Jasmine, kinakiligan at pinuri ang chemistry

Posted on: October 1st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

THANKFUL ang GMA Entertainment Group dahil nagustuhan ng mga televiewers ang bagong handog nilang drama anthology na I Can See You na ang pilot episode ay ang “Love On The Balcony” na nagtatampok kina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Pancho Magno with Shyr Valdez and Denise Barbacena, sa direksyon ni LA Madridejos.

 

Weekly series ang I Can See You at naging top trending topic nationwide nang mag-premiere sila last Monday, September 28, at pinasok ng maraming TVCs. Sa mga tweets ng mga netizens, pinuri nila ang chemistry nina Alden at Jasmine sa love story nina Gio (Alden) at Lea (Jasmine).

 

Nakakakilig daw at nakaka-good vibes ang romcom na tumalakay sa pagiging nurse na frontliner si Lea na na-in love sa kanya ang wedding videographer na si Gio, na tamang- tama sa pandemic na pinagdaraanan natin ngayon. Pero may nakaraan pala si Gio at ito ang magbibigay ng drama sa story.

 

Ngayong Friday evening na ang finale ng episode. Mapapasaya ba ni Lea si Gio sa pinagdaraanan nitong kalungkutan?

 

Napapanood ito pagkatapos ng Encantadia sa GMA Network.

 

*****

 

MARAMING natuwa nang mag- post na si Kapuso actor Gabby Concepcion na clean-cut na siya, ‘di tulad noong mga posts niya sa Instagram niya na nasa vacation house siya sa Lobo, Batangas.

 

Nasa Manila na siya dahil pangungunahan ni Gabby ang #GrandGathering2020 ng #PLDTGabay Guro2020 na magaganap sa October 3, 3:00 PM.

 

Si Gabby ang magbibigay ng updates. Kailangan lamang mag- register ng mga guro gamit ang Gabay Guro App or visit https:// platform.gabayguro.com/registration/2020.

 

Ilan pang magpapasaya sa mga guro sina Regine Velasquez-Alcasid na siyang umawit ng theme song, with Martin Nievera, Pops Fernandez, Bea Alonzo, Ian Veneracion, Ella Cruz, Rayver and Rodjun Cruz and more special guests.

 

*****

 

DATI pala, naging insecure si Kapuso Global Endorser Gabbi Garcia dahil sa kanyang skin color, ang pagiging morena.

 

Inamin ito ni Gabbi sa kanyang YouTube vlog.

 

“Kasi noong high school ako, parang… I didn’t care that much about skin color. Parang, wala lang siya sa akin. Tapos nung pumasok na ako sa showbiz, doon ko talaga na-figure out na in the industry, maraming mga sinasabi, or people who are gonna say na ‘alam mo, kailangan mo magpaputi, para makakuha ka ng ganito’ or ‘kailangan mas okey kapag maputi ka.”

 

Pero mas natutunan daw ni Gabbi na mahalin ang sarili niya.

 

“Doon ko na-realize the importance of loving yourself and your skin color, na hindi ka magpapa- sway sa ibang tao.”

 

And it seems, ang kanyang skin color ang nagustuhan kay Gabbi sa abroad as endorser ng iba’t ibang products kaya nga tinawag siyang ‘Global Endorser’ at ito ang nagdala sa kanya sa iba’t ibang lugar sa ibang bansa bilang brand ambassador.

 

Sa ngayon, patuloy na napapanood si Gabbi sa rerun ng Encantadia, gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7, at every Sunday, as one of the hosts and performer sa nagbalik-TV nang All-Out Sundays at 12:00 noon. (NORA V. CALDERON)

Sexually transmitted infections, tinawag na ‘silent epidemic’

Posted on: October 1st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS– Sa ikatlong serye ng YouthTube o Youth Talakayan, Ugnayan, Balitaan Etc., tinalakay ang Sexually Transmitted Infections upang matulungan ang mga kabataan na magkaroon ng maalam at tamang pananaw sa pagkakaroon ng malusog na pamumuhay sa ginanap na online na programa kasama ang mga pangulo ng Sangguniang Kabataan sa lalawigan kamakailan.

 

Ito ay bilang tugon na rin sa direktiba ni Gob. Daniel R. Fernando na magkaroon ng mga programa na aabot at makapagbibigay kaalaman sa mga Bulakenyo kahit may pandemya.

 

“We felt this need of educating the youth about having a healthy relationship and life. Social awareness is important not only for ourselves but also to be able to pass on the knowledge to our peers, family and community as active advocate of healthy life,” ani Fernando.

 

Kaugnay nito sinabi naman ni Abgd. Kenneth Ocampo-Lantin, pinuno ng Provincial Youth, Sports, and Public Employment Service Office (PYSPESO) na “We should be comfortable discussing sex and its implications, we should be responsible of our health and the people that could be affected by our choices and actions, we answer not only to ourselves”.

 

Samantala, tinalakay ni Dr. Francis Carlos, HIV/AIDS Core Team Leader-Bulacan Medical Center, ang mga karaniwang STI na maaaring makuha sa iresponsableng pakikipagtalik gaya ng bacteria, virus, protozoa, fungi at skin parasites at mga karaniwang sintomas tulad ng sobrang sakit kapag umiihi, matinding pangangati, kakaiba at mabahong likido at sakit na nararamdaman kapag nakikipagtalik at marami pang iba.

 

Ayon sa datos mula sa Department of Health, sa lahat ng STI, HIV ang pinakakilala at may 78,539 na ang naitalang kaso mula Enero 1984 hanggang sa kasalukuyan na karaniwan nasa edad 15-34.

 

Sa Bulacan, may 2,729 na kaso ang naitala kung saan mula sa Lungsod ng San Jose del Monte ang pinakamataas na may 507, at sa mga ito, pinakamataas na dahilan kung paanong naipapasa ang HIV ang lalaki sa lalaking paraan ng pakikipagtalik na may 60 na porsyento habang 22 na porsyento ang dahilan ng pakikipagtalik sa parehong kasarian.

 

Dagdag pa ni Carlos na kung sa palagay ng isang tao na siya ay na-expose, maaari siyang magpasuri ng libre at ito ay kusang loob at kumpidensyal.

 

Tinapos niya ang presentasyon sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng ABCDE kung paano maiiwasan ang STI na Abstinence, Be monogamous, Correct and consistent use of condom, Do not inject drugs and Educate and early detection.

 

Bukod dito, sinabi ni Bryant Villanueva mula sa DepEd Bulacan na isinasama nila ang adolescent reproductive health program sa mga paaralan at nagtayo ng mga teen center sa mga paaralang pangsekondarya para sa peer to peer discussion bilang tugon.

 

Gayundin, ibinahagi ni Katherine Faustino mula sa Provincial Social Welfare and Development Office na patuloy na nagsasagawa ang pamahalaang panlalawigan ng mga seminar upang talakayin ang isyu at sinabing mayroon silang programa na Teen Talks kung saan maaaring tumawag ang mga kabataan sa kanilang hotline number na 09162348154.

 

Sinabi rin niya na sa kasalukuyan, may pitong aktibong treatment hub facilities sa Bulacan kabilang ang Luntiang Silong sa Bulacan Medical Center na nasa ikatlong palapag, Pay 3 – Room 301 sa Brgy. Mojon; EmbrACE Unit sa ACE Medical Center, Baliwag; Gintong Kanlungan sa Guiguinto RHU II sa Brgy. Tiaong, Guiguinto; Kanaryong Silungan sa Marilao RHU I; Home of Bam- boo sa Lungsod ng Meycauayan RHU I; Villa Ezperanza sa Ospital ng Lungsod ng San Jose Del Monte at Green Clinic sa Santa Maria RHU sa Caypombo, Santa Maria. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Zero allocation para sa gumagawa ng health supplies, PPEs sa ilalim ng 2021 nat’l budget – solon

Posted on: October 1st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

WALANG nakalaang pondo para sa subsidiya sa mga local manufacturers ng health supplies at personal protective equipment (PPEs) sa ilalim ng P4.5- trillion proposed 2021 national budget.

 

Pag-aamin ito ni Bukidnon Rep. Manuel Zubiri plenary deliberations ng Kamara sa proposed budget ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pagtatanong ni Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas.

 

Sa kanyang interpellation, pinuna ni Brosas ang aniya’y “inadequate” response ng pamahalaan sa pandemya at sa epekto nito sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

 

Kung siya lamang umano ang masusunod, nais din ni Zubiri na mabigyan ng subsidiya ang manufacturing sector tulad nang isinasagawa sa iba pang mga bansa sa Southeast Asia, Europe o North America.

 

Maari sanang gamitin aniya ang subsidiyang ito bilang pambayad sa sweldo ng kanilang mga empleyado.

 

Gayunman, sinabi ni Zubiri na titiyakin niyang matutugunan ang concerns ni Brosas pagdating sa mga local manufactureres ng health supplies at PPEs.

 

Sa ilalim ng 2021 National Expenditure Program, ang DTI ay humihingi ng P22.4 billion na budget. (Daris Jose)

Truck driver pinagbabaril sa harap ng kainuman

Posted on: October 1st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NASA malubhang kalagayan ang isang 44-anyos na truck driver matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa harap ng kanyang mga kainuman sa Malabon City, kahapon ng hating gabi.

 

Inoobserbahan sa MCU Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang braso at kanang hita ang biktimang si Rodjie Javinar, 44 ng M Adalia St. Brgy. Longos.

 

Sa imbestigasyon ni PMSg Julius Mabasa, alas-12:10 ng hating gabi, kainuman ng biktima ang kanyang dalawang kaibigan na si Alyas “Toothpick” at alyas “Rolando” sa Adalia St. nang dumating ang suspek at sunud- sunod na pinaputukan ang biktima habang kumarimas naman ng takbo ang kanyang mga kainuman para sa kanilang kaligtasan.

 

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksyon habang dinala naman ng kanyang mga kaanak ang biktima sa naturang hospital.

 

Ani Malabon police chief Col. Jessie Tamayao, patuloy ang follow-up imbestigasyon ng kanyang mga tauhan sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek habang inalaam pa ang motibo sa insidente. (Richard Mesa)

COVID-19 cases sumirit pa sa halos 310,000; new cases 2,025

Posted on: October 1st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

BALIK sa higit 2,000 ang bilang ng mga nadagdag na bagong kaso ng COVID-19 mula sa pagsirit nito sa higit 3,000 kahapon.

 

Batay sa case bulletin ng De- partment of Health, mayroong 2,025 additional confirmed cases ngayong araw. Dahil dito umakyat pa ang total ng COVID-19 cases sa 309,303. Apat na laboratoryo lang daw ang hindi nakapag-submit ng report kagabi. Kabilang dito ang:

 

1. Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital

2. Kaiser Medical Center Inc.

3. Safeguard DNA Diagnostics

4. The Doctors Hospital, Inc.

 

“Of the 2,025 reported cases today, 1,641 (81%) occurred within the recent 14 days (September 16 – September 29, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (540 or 33%), Region 4A (296 or 18%) and Region 3 (239 or 15%).”

 

Ang mga active cases o nagpapagaling pa ay nasa 50,925.

 

Samantala, 290 ang additional sa total recoveries na ngayon ay nasa 252,930. Habang 68 ang nadagdag sa death toll na pumapalo na sa 5,448.

 

“Of the 68 deaths, 49 occurred in September (72%), 12 in August (18%) 4 in July (6%) 2 in May (3%) and 1 in April (1%). Deaths were from NCR (26 or 38%), Region 6 (13 or 19%), Region 4A (7 or 10%), Region 3 (6 or 9%), Region 5 (3 or 4%), Region 9 (3 or 4%), Region 7 (2 or 3%), Region 10 (2 or 3%), Region 12 (2 or 3%), Region 4B (2 or 3%), Region 11 (1 or 1%), and BARMM (1 or 1%).”

 

Ayon sa DOH, 10 duplicates ang kanilang tinanggal mula sa total case count, kung saan apat ang recoveries at isa ang death case.

 

Mayroon din 21 recoveries ang pinalitan ng tagging matapos matukoy sa validation na sila ay mga patay na. (Ara Romero)

NAIS Ni Philippine Weightlifting Association o PWA president Monico Puentevella na kanselahin ang eleksiyon ng Philippine Olympic Committee o POC sa Nobyembre 27 dahil sa ilang isyu sa pribadong organisasyon.

Posted on: October 1st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAIS Ni Philippine Weightlifting Association o PWA president Monico Puentevella na kanselahin ang eleksiyon ng Philippine Olympic Committee o POC sa Nobyembre 27 dahil sa ilang isyu sa pribadong organisasyon.

 

Pero agad siyang binutata ni imcumbent president Abraham Tolentino na isa dalawang tatakbo ng una niyang buong termino sa apat na taon.

 

“Monico asked that the election be postponed,” anang pangulo rin ng Integhrated Cycling Federation of the Philip- pines o PhilCycling na si Tolentino nitong isang araw lang.

 

“Hindi naman ganun ang procedure. You have to amend the constitution, parang sinabi mo na rin na postpone ang constitution. Pag-uusapan and then approve. Hindi popular, kahit ma-extend pa GCQ, by that time MGCQ na, wala na time to approve it,” hirit pa ng Cavite Eight District Representative.

 

Ayon naman sa liting official, mas mainam na huwag munang maghalalan dahil sa pinag-aagawan sa liderato ng ilang national sports associations o NSAs gaya ng kanyang pinamamahalaan bukod sa may isyu rin sa panahon ang pagiging lehitimong miyembro ng ilang botante. (REC)

Janella, walang dudang ‘preggy’ ayon sa netizens

Posted on: October 1st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NITONG Martes ng hapon ay nag-Kumu sina at Markus Paterson at Janella Salvador na kaagad nag-trending dahil napansin ng mga nakapanood ang malaking pagbabago sa mukha at batok ng aktres na isa sa palantadaan daw ng pabubuntis.

 

“Will see you guys maybe in 7 weeks,” ito ang huling pahayag ni Markus sa Kumu livestream nila ni Janella sa Baht Somerset, England kung saan eksaktong nakatira ang aktor kasama ang ama.

 

Ang mga nabasa naming komento mula kina:

@kurtchu02, “Ang taba ng face nya buntis talaga s’ya ganyan ako pag buntis tumtaba ang face.”

@luji30, “pretty preggy.”

@hotmeninthephilippines, “Look at her shoulder and batok, confirmed.”

 

Siguradong nabasa na nina Markus at Janella ang mga komentong ito pero dedma sila, baka nga mag-wait tayo ng 7 weeks ayon sa binata.

 

Pero kung kukuwentahin ang nabalitang ngayong Oktubre manganganak si Janela ay 4 weeks time na lang, kaya posibleng sa Nobyembre pa para sakto sa sinasabi ni Markus na 7 weeks.

 

Anyway, may term of endearment ang mama ng aktor sa kanyang kasintahan.

 

“May bago na siyang nickname, Jay-jay,” nakangiting sabi nito.

 

Tanong naman ng aktres, “Sino nagbigay ng nickname?”

 

“Nanay ko, embarrassing ano? So, guys kapag nakita n’yo si Janella in public, kailangan n’yong sumigaw ng Jay-Jay,” tumatawang sagot ni Markus.

 

Samantala, nagustuhan naman ng dalaga ang sandwich na ginawa ng boyfriend at ikinuwento nitong namali ang pagluto niya na kaya nabasag ang pula ng itlog.

 

‘’I’m a chef, I should start making cooking with you, right? Okay I’m gonna make that,” sabi ni Markus.

 

Anyway, naghihintay na lang kami kung kailan handa ng magkuwento sina Markus at Janella ng kasalukuyang sitwasyon nila ngayon sa UK.

 

*****

 

SA nakaraang virtual presscon ng teleseryeng Walang Hanggang Paalam ay inamin ng buong cast na kahit mahirap ang dinaranas nilang taping para sa new normal dahil sa ipinapatupad na health protocols ay masaya pa rin sila.

 

Dahil may trabaho silang lahat kasama na ang staff and crew sa kabila ng pagpapasara ng ABS-CBN ng Kongreso sa hindi pagbibigay ng bagong prangkisa nito.

 

At dahil sarado nga ang ABS- CBN ay hindi maiiwasan ang ibang Kapamilya stars na tumanggap ng proyekto sa ibang TV network lalo ang mga may pangangailangan sa buhay. Pero may mga nanatili pa rin bilang Kapamilya at isa na si Cherry Pie Picache.

 

Aniya, “Puwede n’yong isara, puwede n’yong patayin, puwede n’yong itigil pero hindi n’yo mapipigilan ‘yung galing ng kumpanyang pinagtatrabahuhan namin.

 

“Ang ABS-CBN, ang Dreamscape at lahat sa mga taong nandito this is just the beginning kahit naging madilim, malungkot, mahirap, we faced the challenge, we all face the challenge and will be a brighter future for everyone.”

 

Kaya kahit walang free TV at magastos ang serye ay lubos na nagpapasalamat si Cherry Pie sa Kapamilya network.

 

“We’re really grateful and blessed to be handed and to be given the opportunity by ABS- CBN and of course Dreamscape kasi, hindi lang sa inaalagaan kami pero, di ba inumpisahan di nila ito. Habang sila rin humarap at humaharap sa isang napaka-difficult na situation,” sabi pa.

 

Samantala, nagsimula ng umere ang Walang Hanggang Paalam nitong Lunes, Setyembre 28 handog ng Dreamscape Entertainment mula sa direksyon nina Darnel Villaflor at Manny Palo. (REGGEE BONOAN)