• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 1st, 2020

16 marino nakulong sa bulk carrier vessel

Posted on: October 1st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HUMIHINGI ng tulong sa gobyerno ang 16 na marino na na trap sa isang Bulkcarrier vessel Angelic Glory na nakalangkla sa Hongkong Port, South China Sea.

 

Sa pamamagitan ng United Filipino Seafarers (UFS),ipinaabot nito sa Departmentof Labor and Employment (DOLE), Department of Foreign Affairs (DFA) atnsa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang paghingi ng tulong ng mga filipinong marino na ang isa ay nakakulong sa loob ng kanyang cabin dahil sa ginawa umanong pamanaksak sa isang kapwa marino.

 

Nalaman na noon Hulyo pa natrap sa Bulkcarrier at hanggang sa ngayon ay wala silang natatanggap ng kompensasyon.

 

Ayon kay Engr. Nelson Ramirez, presidente nf UFS president, isa sa mga marino ay nakilalang si Rico Guarnes, chief cook sa nabanggit na barko ay humungi ng tulong sa kanila dahil siya ay inaresto at ikinulong sa kanyang cabin dahil sa pagsaksak sa isang kasamahan pero ito ay kanuang itinanggi.

 

“He told me that the ship cap- tain ordered his arrest because the captain alleged Guarnes had stabbed his co-seafarer. But Guarnes belied the allegations. He is now detained in his cabin, handcuffed since September 7. Guarnes also told me he is eating while shackled and well- guarded,” ayon kay Ramirez.

 

Sa demand letter sa kanilang manning agency,iginiit nila na ipalabas anf kanilang suweldo noon buwan ng Hulyo,Agosto at Setyembre.

 

Hindi rin nakakatanggap ng allotmwnt ang kanilang mga asawa at nangangamba silansa kondisyon ng kanilang pamilya.

 

Ang demand letter na nilagdaan ng 16 na marino ay naka address sa Angelic Glory Ship Master Konstantinos Triantis, Panthalassa Maritime Corporation, Grimaldi Marine Partners sa Monaco; at Capt. Joselito Navales ng Magsaysay Maritime Corporation,at ipinadala noong Setyembre 1.

 

“Amid pandemic, imagine the stress and anxiety that these sea-farers are experiencing. The detained seafarer told me that her wife was just released from the hospital. I hope the authorities here and their manning agency will be able to rescue or help them,” dagdag pa ni Ramirez. (Gene Adsuara)

Arayi, Lim sa WNBL Draft

Posted on: October 1st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAY dalawang beteranang kasapi ng Philippine women’s basketball team o Gilas Pilipinas women ang nagkumpirma ng kanilang paglahok sa bagong panganak na pro Women’s National Basketball League (WNBL) Draft para sa buwang ito.

 

Ang isa ay si Ewon Arayi, na kasalukuyang coach ng Adamson University sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at dating miyembro ng Perlas Pilipinas na dating tawag sa Philippine quintetsquad .

 

At ang isa pa ay naglalarong import sa Malaysia at naging parte ng Gilas Pilipinas women’s team na nagkampeon sa 2017 Malaysia Southeast Asia Basketball Association o SEABA Championship for Women na si Alyana Lim

 

Kabilang ang dalawa sa mga unang nagpalista sa inaasahang aabot sa 300 kababaihan sa Draft. Didribol naman ang liga sa Enero 2021. (REC)

Sandoval mapalad sa dyowa

Posted on: October 1st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SAGANA sa pagmamahal si Premier Volleyball League (PVL) star Carla Sandoval sa kanya dyowang si Philippine Basketball Association D-League (PBADL) player Mario Emmanuel Bonleon II.

 

Pinangalandakan ito ng 23 taong-gulang, may 5-7 taas na dalaga sa isang social media post niya kamakalawa. Bukod sa maituturing nang bestfriend ay true love pa niya ang kasintahan.

 

“Every girl has her best friend and true love. But you’re really lucky if they’re all the same per- son,” paskil sa Instagram story ng Choco Mucho Flying Titans outside hitter sa litratong kasama ang nobyo na puwedeng langgamin sa matamis nilang pagmamahalan.

 

Maski naman todo-bonding sa kasalukuyan ang magdyowa, hindi naman sila nagpepetiks sa kanilang training/workout bilang pagha- handa sa pagbabalik ng kanilang mga ligang nilalahukan. (REC)

Olympic torch relay isasagawa na sa March 2021

Posted on: October 1st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAY bagong petsa ng napili ang organizers ng Tokyo Olympics sa torch relay.

 

Isasagawa ang nasabing actibidad sa Marso 2021.

 

Ang nasabing aktibidad ay ipinagpaliban ngayong taon dahil sa banta ng coronavirus.

 

Nasa Japan na ang Olympic flame mula sa Greece na isinagawa ito bago pa man ang coronavirus pandemic.

 

Sa bagong petsa, magsisimula ang relay sa Marso 25, 2021 na magsisimula sa Fukushima region ang matinding tinamaan ng nuclear disaster noong 2011 dahil sa lindol at tsunami.

 

Iikot ang flame sa 47 prefectures ng Japan na may slogan na “Hope Ligths Our Way”.

Molecular lab sa Maynila pinasinayaan ni Isko

Posted on: October 1st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINASIMAYAAN kahapon sa pangunguna ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno “Domagoso ang panibagong RT-PCR (real time-polymerase chain reaction) molecular laboratory na kayang mag swab test ng libre hanggang sa 1,000 katao.

 

Kasama ni Moreno si Vice Mayor Honey Lacuna, Sta. Ana Hospital Director Dr. Grace Padilla, Ayala Corporation chief executive officer Fernando Zobel de Ayala at Jaime Augusto Zobel de Ayala sa pagpapasinaya sa ikalawang laboratoryo na itinayo sa 1st floor ng Sta.Ana Hospital at ginastusan ng may P7,7 milyon ng Ayala Corp.

 

Nabatid na ang unang laboratoryo ay nasa ikalawang palapag ng Sta.Ana Hospital na kayang magsagawa ng swab test ng hanggang 200-250 kada araw.

 

Nabatid na ang pinakabagong COVID-19 lab ay ininspeksiyon at inaprubahan ang operasyon ng Department of Health(DOH), World Health Organization at ng Research Institute for Tropical Medicine.

 

Pinasalamatan ni Moreno sina Pangulong Rodrigo Duterte, DOH, Department of Budget and Management at ang Ayala Corporation sa pagtulong para matamo ang layunin na magkaroon ng isa pang laboratoryo sa siyudad

 

Nabatid kay Dr. Grace Padilla, director ng Sta. Ana Hospital, na ang mga bagong mavhine ay kayang mag produce ng 90 teat kada oras.

 

Kaugnay nito,sinabi ni Moreno na bukas sa publiko kahit na hindi taga Maynila ang laboratoryo.

 

Magugunita na noong nakaraang Setyembre 6 ,tumanggap si Moreno, Lacuna at Secretary to the Mayor Bernie Ang ng donasyon na dalawang Sansure Extraction Machines. (Gene Adsuara)

Marcelino sobra na ang sakripisyo

Posted on: October 1st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINAGTAPAT ni Philippine Basketball Association o PBA rookie rookie Jaycee Marcelino ng Alaska Milk na naging mahirap para sa kanya ang pagkakatengga ng ika-45 na edisyon ng propesyonal liga na Philippine Cup 2020 elimination round.

 

Ayon kamakalawa sa basketbolista, may 10 buwan siyang hindi nakapaglaro ng opisyal na basketbol o magbuhat nang yumukod ang Lyceum of the Philippines University sa Colegio de San Juan de Letran 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) 2019 semi- finals bago nag-lockdown nitong Marso sanhi ng Covid-19.

 

“Sa akin sobrang hirap kasi nung na-cancel po ‘yung mga practice saka laro, umuwi po [muna] ako ng probinsya,” litanya ng Aces 17th overall pick sa 2019 PBA Rookie Draft noong Disyembre.

 

Pero maski naman matagal na namahinga siya sa sport, nagpapasalamat pa rin ang collegiate standout lalo’t nakakapag- training via online ang mga maggagatas bilang paghahanda sa PBA bubble simula sa Oktubre 11 sa Clark Freeport.

 

“Pero ang maganda sa team namin nag zu-zoom workout kami at tatlong beses yun sa isang lingo,” wakas na wika ng cager na dalawang taon ang nilagdaang kontrata sa prangkisang Uytengsu. (REC)

Sa kanto: Ang ‘No loading and Unloading’ zones at mga pasaway na driver at pasahero

Posted on: October 1st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MADALAS sa jeep o bus, ang mga bumababang pasahero ang sasabihin pag pumara ay “mama sa kanto lang”. Makikita rin natin na madalas nakaparada ang mga jeep na ito sa kanto dahil nandun ang mga pasahero.

 

May mga tricycle din na ang terminal ay sa mga kanto. Resulta – dagdag sa gipit sa trapiko! Importante na hindi binabarahan ang mga kanto sa mga kalye. Pero lagi na lang natin nakikita na ang mga kanto ang syang madalas lapastanganin ng mga pasaway na drivers at pasahero. Isama na dito ang mga illegal na vendors. Halimbawa, sa kanto ng Katipunan Ave. at Aurora Blvd. patungong Marcos highway.

 

Napakalaki na ng karatulang “no loading and unloading” sa kanto at naglagay na ng mahabang island ang MMDA pero doon pa rin nag-aabang ng masasakyan ang mga pasahero.

 

Kaya tuloy ang mga pasaherong jeep mag-me-menor at babagal ang takbo kapag malapit na sa kanto at yun na ang dahilan ng traffic congestion sa area. Mabuti at pinagtityagaan ng mga tauhan at kawani ng Task Force ng QC na itama naman ang sityasyon at igiya ang mga pasahero sa tamang sakayan.

 

Ginagawa ring illegal terminal ang mga kanto kaya bumabara sa ibang motorista at nagkakaroon pa ng mga illegal na vendors. Isa sa mga problema sa lansangan ay ang hindi pagsunod sa loading and unloading zone.

 

Gusto kasi ng pasahero ay sa tapat na tapat mismo ng kanilang destinasyon ang baba nila. At kapag hindi ginawa ni mamang driver at lumampas na konti ay halos may away agad na mamamagitan. Ang disiplina sa lansangan ay hindi lang para sa mga driver kundi sa mga motorista at mga pasahero rin – sa tamang sakayan at babaan lang.

 

At sa tamang tawiran lang. Sanhi ng matinding traffic ang hindi pagsunod ng mga tao sa batas sa batas trapiko. Kailangan din maging mahigpit sa pagpapatupad ng batas laban sa “jaywalking”.

 

Nababastos ang mga simpleng batas trapiko at tila wala nang sumusunod. Sana ang simpleng pagsunod sa ‘no loading and unloading zones’ ay mapairal ng mahigpit sa ating mga lansangan. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

‘NCR MAYORS, NAIS ANG ‘STABLE DECLINE’ SA COVID-19 CASES BAGO HUMIRIT NG MGCQ’

Posted on: October 1st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAIS umano munang makita ng mga alkalde sa Metro Manila na tuloy-tuloy na ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 bago irekomendang ibaba na ang rehiyon sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

 

Sa ngayon kasi ay pinalawig ng Inter-Agency Task Force ang General Community Quarantine (GCQ) status ng Kalakhang Maynila hanggang sa katapusan ng Oktubre.

 

Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, habang nasa GCQ ay nakakita na raw ng pagbulusok ng mga bilang ng mga nagpopositibo sa virus ang Metro Manila kahit mas maraming mga negosyo na ang binuksan at maraming mga tao na rin ang pinayagang makalabas ng kani-kanilang mga bahay.

 

Sinabi pa ni Zamora, nag- iingat daw ang mga Metro Manila mayors na tumaas muli ang bilang ng mga active cases.

 

Inihalimbawa ng alkalde ang nangyari nang niluwagan ang quarantine status ng Metro Manila mula sa pinakamahigpit na enhanced community quarantine, patungong modified ECQ at sa kasalukuyang GCQ.

 

Una rito, sinabi ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque na kuwalipikado na ang ilang mga siyudad sa NCR na ilagay sa MGCQ.

 

Pero ayon kay Roque, mahirap daw ito sapagkat ang rehiyon ay nasa iisang geographical unit lamang.

 

“Sa data po ng IATF, lumabas na may ilang mga siyudad sa Metro Manila na pupuwede na sanang mag-MGCQ,” wika ni Roque.

 

“Kaya lang napakahirap naman pong mag-MGCQ sa ilang siyudad lamang dahil alam naman po natin na ang Metro Manila ay iisang geographic unit. So kinakailangan, bumoto rin po ang mga mayor na kinakailangan isa lang ang clas- sification ng buong Metro Manila at hindi hiwa-hiwalay,” dagdag nito. (Ara Romero)

2 walang suot na face mask, huli sa shabu

Posted on: October 1st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KULONG ang dalawang katao na nasita dahil sa hindi pagsuot ng face at paglabag sa curfew hour matapos makuhanan ng tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu sa Malabon city, kahapon ng madaling araw.

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na si Rommel Dayao, 34, at Rominick Mirandilla, 31, kapwa ng 53 Del Rosario St. Brgy. Dampalit.

 

Sa imbestigasyon ni PMSg Randy Billedo, alas-3:30 ng madaling araw, nagpapatrulya ang mga barangay tanod ng Dampalit sa kahabaan ng Andal St. Merville Subdivision nang makita nila ang mga suspek na gumagala at kapwa walang suot na face mask na malinaw na paglabag sa city ordenance at sa ipinapatupad ng curfew hour.

 

Inaresto ng mga tanod ang dalawa at nang kapkapan ay nakuhanan ang mga ito ng tig-isang plastic sachet na naglalaman ng .42 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P2,856 ang halaga.

 

Kakasuhan ang mga naarestong suspek ng mga paglabag sa sec 11 Art of RA 9165 at City Odenance “No Face Mask” at “Curfew Hour” sa Malabon City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Game fixing malala sa dalawang liga sa bansa

Posted on: October 1st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SINIWALAT kamakailan ng dating player ng Philippine Basketball Association o PBA na si Gerald ‘Gerry’ Esplana, na malala ang game fixing sa dalawang liga sa bansa.

 

Ito aniya ay sa Maharlika Pilipinas Basketball League o MPBL at sa National Collegiate Athletic Association o NCAA.

 

Naging coach ng Valenzuela City sa MPBL at sa Emilio Aguinaldo College sa NCAA ang 1990 PBA Rookie of the Year tapos huguting second round, ninth overall pick ng Presto Tivoli sa nasabing taong Rookie Draft.

 

Idinagdag ng graduate sa Far Eastern University ng University Athletic Association of the Philippines o UAAP, na isa mga player niya (EAC Generals) ang nabisto niyang nagbebenta ng laro.

 

Pero mas malala aniya ang game fixing sa MPBL na nilipatan niya tapos ng college stint o coaching job sa Aguinaldo.

 

Pero sa dami ng koponan sa semi-professional league, mahirap aniyang mabantayan ang lahat ng galaw ng mga may ari ng bawat team, mga manedyer, coach at lalo na ng mga player.

 

Dinugtong ng 13-year pro league veteran at magsi-54-anyos sa Oktubre 27, na ginawang raket na at kabuhayan ang game fixing at point shaving ng ilang manlalaro sa paliga (MPBL) ni Sen. Emmanuel Pacquiao.

 

Marahil aniya na dahilan na rin sa mababa ang allowances na galing sa liga, kaya napipilitan na humanap ng dagdag na mapagkakakitaan ng mga basketbolista kahit sa iligal na diskarte.

 

Siyempre nais matuldukan ang masamang gawaing ito para sa kabutihan ng sports sa pangkalahatan. (REC)