• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 3rd, 2020

Malakanyang, hindi inaalis ang posibilidad na isailalim ang MM sa MGCQ sa Nobyembre

Posted on: October 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HINDI inaalis ng Malakanyang ang posibilidad na isailalim na sa modified general community quarantine (MGCQ) ang Metro Manila sa darating na Nobyembre.

 

“It is not an impossibility dahil talaga naman po napababa natin [ang COVID-19 cases] pero nasa kababayan pa rin natin ‘yan sa Metro Manila,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque

 

Aniya, alam na naman ng mga mamamayan ang dapat gawin at ito ay ang “mask, hugas, iwas.”

 

Sa ulat, pinaghahandaan na ng Metro Manila Council ang posibleng paglalagay sa Metro Manila sa MGCQ mula sa kasalukuyang GCQ.

 

Ayon kay MMC Chairman at Parañaque Mayor Edwin Olivarez, posibleng ilipat sa lowest quarantine ang NCR sa ilang kundisyon:

 

Kung patuloy ang magiging pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon, pagtaas ng recovery rate at kung patuloy na susunod ang publiko sa mga ipinatutupad na minimum health standards.

 

“Palagay ko po baka itong hanggang katapusan ng October na ito ay matapos natin ang gcq at hopefully with God’s graces itong darating na november baka mag mgcq na po ito sa pahintulot ng ating mahal na presidente.” ani Metro Manila Council| Parañaque City/Chairman, Mayor Edwin Olivarez.

 

Ayon pa kay Olivarez, pinag- aaralan na ng Metro Manila May- ors ang posibleng pagluluwag ng ipinatutupad na curfew sa NCR. Sa kasalukuya ay umiiral pa ang 10pm to 5am unified curfew.

 

“Sa susunod na meeting po namin yan po ang isa sa pinaka main agenda po natin para mabuksan na po natin ang economy po natin.” ani Metro Manila Council| Parañaque City/ Chairman, Mayor Edwin Olivarez.

 

Ngayong buwan ng Oktubre ay nasa ilalim pa rin sa GCQ ang NCR batay na rin sa rekomendasyon ng Metro Manila Council para mapanatili ang pagbaba ng kaso ng COVID-19. (Daris Jose)

Pdu30, nakipagkita kay Cayetano matapos na mag-alok ito na magbitiw bilang House Speaker

Posted on: October 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAKIPAGKITA at nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano , araw ng Miyerkules, ilang oras matapos mag-alok ang huli na magbitiw sa kanyang pwesto bilang House Speaker.

 

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kasama sa meeting ng Pangulo ang asawa ni Cayetano na si Lani at ang kapatid nitong si Senador Pia Cayetano.

 

Kasama rin sa meeting si Rep. Eddie Villanueva, isang religious leader, para i-pray over si Pangulong Duterte.

 

Ayon kay Sec. Roque, naniniwala si Pangulong Duterte na ang speakership issue ay tapos na.

 

Binigyang-diin nito ang pangangailangan na maipasa ang 2021 budget sa takdang oras.

 

Hindi naman idinetalye ni Sec. Roque kung ano ang napag-usapan sa meeting.

 

Nauna rito, pumagitna kasi ang Pangulo kina Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa usapin ng term-sharing dahil siya ang nasa likod ng kasunduan o term-sharing agreement, na ngayon ay ayaw na sundin ng mga kaalyado ni Cayetano.

 

“Nirerespeto ng Presidente ang desisyon ng mga mambabatas because this is a purely internal matter,” giit ni Sec. Roque.

 

Sa ilalim ng kasunduan, uupuan ni Cayetano ang speakership post ng 15 buwan simula ng 18th Congress noong Hulyo ng nakaraang taon.

 

Pagkatapos nito ay iti-take over naman ni Velasco para magsilbi bilang House Speaker ng 21 buwan. (Daris Jose)

Ivana, tinupad ang wish ni Lloyd na maging bus washer

Posted on: October 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ANG laki ng ipinayat ng Kapuso actor na si Paolo Contis!

 

Aba, e, nag-lose lang naman siya ng 30 lbs sa loob ng kulang dalawang buwan.

 

Ang sikreto ni Paolo? Juicing!

 

Dati nang nauso noon ang juicing, pero, masasabing effective talaga ito. Kasi, nakakapag- take ka pa rin ng lahat ng nutrients sa mga plant based na mixed ng isang bote ng juice.

 

Nakausap namin si Paolo, exclusively na yung Pure Jus by Kristal ang tine-take lang niya. At grabe rin ang determinasyon niya dahil 6 days a week, juicing lang siya. Once a week lang daw yung break niya na kumakain siya ng solid.

 

Mas maganda nga talaga ang katawan niya ngayon na feeling ko, na-inspired si Paolo na magpapayat talaga dahil sa magkasunod na pagiging num- ber one niya sa Netflix.

 

Natatawa ito na ang title niya ngayon, Netflix King. Pero sey ni Paolo, “Natutuwa naman ako sa mga ganyan, pero alam niyo, why not, positive lang. Pero sabihin man na Netflix King ako, hindi naman kumita ang pelikula noong 2018! Aminin na natin, hindi kumita ang pelikula.

 

“Pero masaya ko na ngayon, ang daming nakapanood.”

 

Bukod dito, may pinag- uusapan din na ginawa niyang video documentary under the new production, ang V-Roll Media Ventures Productions ni Direk Eboy Vinarao ( anak ni Direk Edgardo Boy Vinarao), ang Ang Pangarap kong Soc. App na mapapanood sa kanyang You Tube channel at sa Facebook.

 

Ibang take ito tungkol sa toxicity ng social media at kung paano, pinaka-aim nila ay ma-call ang at- tention ng mga netizens at ma-build pa rin ang respeto sa online.

 

*****

 

SIMULA pa lang ng enhanced community quarantine sa Metro Manila ay nasa Baler na ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro. Nakasama pang na-lockdown ang boyfriend niya na nakabalik na rin ng America, Pero si Glaiza nag- stay na sa Baler.

 

Makikitang tanned na ang color niya na bumagay naman sa kanya at kitang-kita sa mga video at posting niya ang napakasayang aura niya.

 

Siguro kami, marami sa ibang artista ang posibleng naiinggit kay Glaiza dahil ang ginagawa niya ngayon ay isang luxury na. Yung malayo ka sa city ng mahigit anim na buwan ay hindi basta-basta naa-achieved.

 

Pag-amin naman ni Glaiza, “Sa totoo lang after spending more time here in Baler, ‘di ko na makita sarili ki na maninirahan pa ng long term sa City.

 

“Na-realize o na ito yung lifestyle talaga na gusto ko. Nakakapag-work naman at kahit paano, pero siguro once na mag- start taping, ayun na lang yung reason ng pagbabalik ko do’n.”

 

Sa ngayon daw, inaayos pa lang ng GMA Network ang bagong soap na gagawin niya at wala pa namang date kung kailan.

 

*****

 

KAPANSIN-PANSIN na halos sa umpisa pa lang ng vlog ng nanay ng namayapang vlogger na si Lloyd Cafe Cadena na si Mother Kween kung tawagin, todo na ang pasasalamat ng ina ni Lloyd sa actress/vlogger na si Ivana Alawi.

 

Tila sobra itong na-touch sa ginawa ni Ivana nag-vlog content para sa anak. Tinupad ang wish ni Lloyd na maging bus washer siya. At nagpasalamat din ang ina ni Lloyd dahil sa particular You Tube content na yun ni Ivana, lahat ng kinita sa ads ay dinonate niya sa pamilyang naiwan.

 

Sabi ni Mother Kween, “Maraming-maraming salamat sa ginawa mo. Napakabuti mo at napakalaking tulong nito sa amin.”

 

Itutuloy-tuloy pa rin daw ng ina ni Lloyd na ngayon ay may mahigit 1 million followers na at iba-vlog lahat ng development sa naiwang bahay ng anak.

 

Sa ngayon, nahihirapan pa raw silang tanggapin na wala na ang anak, pero labis itong nagpapasalamat sa lahat ng nakukuhang suporta. Ibinalita rin niya na nasa bahay lang sila, pero hindi sila tumatanggap ng bisita.

 

Na safe naman silang lahat sa pamilya at wala ni isa sa kanila ang naging positibo sa COVID- 19, sa kabila na ito ang naging sanhi ng kamatayan ng anak. (ROSE GARCIA)

Carterruo, 4 na iba pa kasali sa Triple Crown

Posted on: October 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NASA limang batang kabayo ang tinatayang mga mga magpapasiklaban sa 2020 Philippine Racing Commission o PHILRACOM 1st Leg Triple Crown Stakes Race 2020 bukas, Linggo (Oktubre 4) sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

 

Nasa listahan sina Carterruo, Four Strong Wind, Runway, Tifosi at Heneral Kalentong na mga magbabakbakan sa distansyang 1,600 metro.

 

Ito ang panlimang sunod na Linggo pa lang o sapul noong Setyembre 6 na nagbalik ang horseracing tapos matigil nitong Marso dahil sa lockdown sa bansa na hatid ng Covid-19. (REC)

Cardinal Tagle inamin ang ‘fear and anxiety’ habang nagpapagaling sa COVID-19

Posted on: October 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAGSALITA na rin sa unang pagkakataon ukol sa kanyang eksperyensya si Cardinal Luis Antonio Tagle matapos na gumaling mula sa COVID-19.

 

Ginawa ni Tagle ang pahayag nang magsilbi siyang keynote speaker sa pagtatapos ng online conference ng mga Catholic educators.

 

Inamin ng kanyang kabunyian na habang siya ay nag- iisa at nasa isolation, naranasan din niya ang takot at mga pangamba.

 

Kuwento pa ng kanyang kabunyian, kahit daw gumaling na siya mula sa deadly virus, nandyan pa rin ang pakiramdam niya na baka delikado pa siya sa ibang makakasalamuha.

 

Ang 63-anyos na si Tagle na isa sa malapit kay Pope Francis, ang siyang namumuno bilang prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples sa Vatican.

 

“But getting out of the quarantine I realized that for you to really survive, you need a deep sense of interconnectedness,” ani Cardinal Tagle. “Then you feel like maybe it is better to just isolate yourself. But then the isolation also bothers you.”

 

Kabilang din sa tinalakay ng Vatican offical ay ng tema ng Educational Association of the Philippines (CEAP) Congress na “Mission: Dialogue of Faith and Life and Culture Beyond Creed, Beyond Borders, Beyond COVID.”

 

Kung maalala si Tagle ay miyembro rin ng Congregation for Catholic Education at Pontifical Council for Interreligious Dialogue sa Roma.

 

Una nang dumating sa bansa si Tagle noong September 10 na para sana sa family visit pero bigla na lamang itong naging international headlines nang magpositibo siya sa COVID-19.

 

Gayunman nanatili siyang asymptomatic sa loob ng dalawang linggo sa kanyang self-quarantine.

 

Nitong nakalipas na September 23 ay lumabas naman ang negatibong test results.

 

“I’m very grateful to the many many people who prayed, assuring you that you are not alone,” wika pa ng kardinal sa kanyang virtual speech.

Nag-enroll para sa pasukan ngayong school year nasa 22.5-M na – DepEd

Posted on: October 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PUMALO na sa 22.5 million ang mga nag-enroll bago ang pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.

 

Ayon kay DepEd USec. Tonisito Umali, ang naturang bilang ay 99.68 percent na bilang na nakuha mula sa school year 2019 -2020.

 

Aniya, nasa 2.5 hanggang 3.5 milyong estudyente naman ang hindi nakapag-enroll ngayong school year 2020 – 2021.

 

Nasa 400,000 hanggang 450,000 daw ang nag-transfer mula private papuntang public school.

 

Kapag isasama naman ang mga naka-enroll sa private school nasa 24.72 milyon lahat ang kabuuang bilang.

 

Halos 90 percent na ito sa total number ng enrollees sa public at private schools mula naman sa 27.5 milyon noong nakaraang school year 2019- 2020. (Daris Jose)

Game fixing batas lang ang katapat – Duremdes

Posted on: October 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PANGARAP ni Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) commissioner Kenneth Duremdes na masugpo ang matagal nang nagaganap na iba’t-ibang uri ng game-fixing partikular sa sport. Kaya lang, aniya ay sadya mahirap papatunayan at makakuha ng mga ebidensiya laban sa mga sangkot upang mapanagot ang mga may sala.

 

Ayon nitong isang araw sa dating Philippine Basketball Association (PBA) Most Valuable Player at University Athletic Association of the Philippines (UAAP) coach sa Adamson Soaring Falcons, kailangan ang isang mas detalyadong batas na magpaparusa at kakklapiska sa iba’t-ibang uri ng pagbebenta at pagmamanipula sa mga laro ng sinumang player, coach o team owner.

 

“One of the main concerns namin is game-fixing. Very rampant talaga. But the thing is walang actual na nahuhuli. Malaking isyu ito na dapat bigyang pansin ng gobyerno at ating mga mambabatas. Iyong ebidensiya kasi talaga ang mahirap hanapin unless na may magtuturo,” litanya 46 na taong-gulang na hoops official.

 

Dinugtong niya, “Siguro, ang magandang gawin ang Congress natin magbuo ng batas. Hindi kasi natin kilala tulad sa isang text lang, paano kung prepaid SIM card ang gamit, mahirap i-trace dahil walang pangalan.”

 

Pinanapos ni Duremdes na hinihintay na lang ng liga ang resolusyon ng Department of Justice (DOJ)

 

Sa kinasuhan noong Nobyembre ni MPBL founder at chairman Sen. Emmanuel Pacquiao na 21 katao, kabilang ang 11 player ng SOCCKSARGEN.

 

Unang nasambit na rin dito sa OD nina MPBL-Valenzuela coach Gerald Esplana at PBA bench tactician Francisco Luis Alas na may alam sila sa game fixing.

 

Pero tulad ni Duremdes inamin nilang mahirap itong patunayan sa sangkot dahil sa kawalan ng batas upang matigil ang nabanggit ni krimen. (REC)

Bubble slugfest sa Mandaue sa Okt. 7

Posted on: October 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IHAHATAG Cebu-based Omega Sports Promotions sa unang pagkakataon sa bansa ang groundbreaking bubble boxing card sa Miyerkoles, Oktubre 7 sa International Pharmaceuticals Inc. compound sa Mandaue City, Cebu.

 

“We are honored and privileged to be holding this historic boxing card in Cebu. It is a challenge but we are looking forward to it,” namutawi kay Omega Sports Promotions chief Jerome Calatrava nito lang isang araw.

 

May bendsyon ng Games and Amusements Board sa pamumuno ni chairman Abraham Kahlil Mitra ang pagsasagawa ng professional boxing card na una sa bansa sapul nang ihayag ng pamahalaan ang lockdown nitong Marso dahil sa Coronavirus Disease 2019. (REC)

Regine, pabirong pinagbantaan si Jona na ‘wag dadaan sa kanto nila

Posted on: October 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAKATANGGAP ng pagbabanta ang singer na si Jona mula kay Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid pagkatapos nitong awitin ang kauna-unahang single ni Regine na si “Love Me Again” sa ASAP Natin ‘To noong nakaraang Linggo.

 

Ang banta naman ni Regine ay pabiro lang dahil sobra siyang namangha sa rendition ni Jona ng kanyang song. Kaya sa kanyang Twitter, pinost ni Regine na huwag na huwag dadaan si Jona sa kanto na malapit sa bahay nila.

 

“Palakpakan @MsJ0NA wag kang dadaan sa kanto namin ha nako sinasabi ko sayo!!!!!! O ano may magririklamo pa ba dyan????!!!!!” tweet ni Regine.

 

Sumakay naman si Zsa Zsa Padilla sa biro ni Regine kay Jona. Tweet naman ng Divine Diva ay pinauwi na niya si Jona.

 

“Hahaha! Pina uwi ko na nga!!! Sabi ko andyan na car mo!!! Ang galing! Che,” tweet pa ni Zsa Zsa.

 

Nag-reply naman si Jona sa mga tweet nila Regine at ZsaZsa: “Sensiya na po Ate and Ms.Z…… matindi lang po talaga pangangailangan ngayong araw #ResbakerMulaSaAlbay.”

 

Nagagawang mabiro ni Regine si Jona dahil matagal na silang close dahil nagkasama sila ng ilang taon sa dating Sunday musical show ng GMA-7 na SOP. Naging close naman si Jona kay Zsa Zsa nang lumipat si Jona sa ASAP.

 

*****

 

NAGING tahimik lang ang vet- eran actress na si Carmi Martin noong magkaroon ito ng COVID- 19.

 

Ilang tao lang daw ang nakakaalam na nagkasakit siya noong nakaraang September 13.

 

Nagpa-swab test daw kasi siya dahil requirement ito para sa isang gagawin niyang digital series. Nagulat si Carmi nang mag-positive siya sa virus dahil wala naman daw siyang nararamdaman na symptoms ng COVID-19.

 

“I really felt bad because I have no symptoms except for my BP shoot up, and also for not [being] able to do the project since I was so prepared and really was so excited to do it,” sey ni Carmi.

 

Nalaman na lang ng marami ang nangyari kay Carmi nang maka-recover na siya mula sa virus. Two weeks daw siyang nag-quarantine na kung tawagin niya ay “honeymoon with God.

 

Sa tulong daw ng dasal, positive attitude, exercise at pagkain ng tamang pagkain kaya mabilis ang naging recovery ng aktres.

 

“I spent each day with prayers and praying for others, singing beautiful songs for our Lord and listening to excellent preachings each day. Thanking everybody who supported her and took care of her during her trying time, including her family, friends, and the medical frontliners,

 

“Panginoong Diyos Salamat sa pagkakataon na mas lalo akong manalig sa iyo at maging blessing sa ibang tao na may mga pinagdadaang sa panahon ng Covid. PRAISE GOD for I am now Covid free!”

 

*****

 

ANG Hollywood hunk na si Zac Efron ang napiling magbida sa bagong adaptation ng Stephen King novel na Firestarter.

 

Ipo-produce ito ni Akiva Goldman for Universal and Blumhouse at ididirek ito ni Keith Thomas.

 

Unang lumabas ang novel na Firestarter noong 1980 na tungkol sa isang babae na may pyrokinetic abilities o ang maglikha ng apoy sa pamamagitan ng kanyang pag-iisip.

 

Ginawang pelikula ito noong 1984 na pinagbidahan noon ni Drew Barrymore.

 

Sa bagong Firestarter movie, gaganap si Zac bilang ama ng 8-year old girl na may kakaibang superhuman power na gustong gamitin ng isang secret government agency.

 

Despite the pandemic, isa sa pinaka-busy na aktor ngayon si Zac dahil bukod sa Firestarter, natapos niya ang docseries na Down To Earth for Netflix at magbibida rin siya sa remake ng 1987 comedy na Three Men And A Baby for Disney +. (RUEL J. MENDOZA)

1 sugatan, 20 tahanan sa sunog

Posted on: October 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SUGATAN ang isang lalaki matapos na mabagsakan ng kawad ng kuryente habang nadamay ang may 20 bahay ang nadamay sa naganap ma sunog sa isang residential house, kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

 

Isinugod sa pagamutan ang biktima nakilalang si Michael Floranza, 37, na nagkaroon ng sugat sa kaliwang paa matapos umanong mabagsakan ng kawad ng kuryente sa kasagsagan ng sunog.

 

Ayon sa Manila Fire Department, pasado alas-7:00 kamakalawa ng gabi nang magsimulang sumiklab ang sunog sa panulukan ng Galicia at Aranga Streets, sa Sampaloc.

 

Nabatid na ang apoy ay nagsimula sa isang tatlong palapag na tahanan sa 616-F Aranga Street, na pagma-may- ari ng isang Nora Nocedal.

 

Hindi kaagad naapula ang apoy dahil kinapos sa tubig ang mga fire truck at may kalayuan ang fire hydrant sa lugar ng sunog.

 

Alas 11:26 na ng gabi nang tuluyang ideklarang fireout ng mga awtoridad ang sunog, na umabot ng ikatlong alarma.

 

Habang ang mga nasunugan na residente ay nagkanlong sa isang bakanteng lote malapot sa lugar bitbit ang mga naisalbang kagamitan.

 

Sanhi nang naganap na aunog hindi na nasunod ang physical distancing sa pagmamadali ng mga nasunugan na makapagsalba ng kanilang kagamitan.

 

Patuloy naman ang imbestigasyon sa pinagmulan ng sunog kung saan tinatayang nasa P300,000 ang napinsalang ari- arian. (Gene Adsuara)