• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 5th, 2020

Pinas ika-20 bansa na may pinakamaraming kaso ng COVID-19

Posted on: October 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PUMASOK sa ika-20 ang Pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng coronavirus disease (COVID- 19) sa buong mundo.

 

Ayon sa Johns Hopkins University Coronavirus Resource Center, nasa ika-20 ang Pilipinas na may 314, 079.

 

Sumunod naman sa listahan ang Pakistan na mayroong 312,806 na kaso habang nasa ika-19 na puwesto ang Italy na mayroong 314,861 kaso ng COVID-19.

 

Nananatiling ang US sa may pinakamaraming kaso na 7,273,244 kaso ng sakit sinundan ng India na mayroong 6,312,584, at Brazil na nakapagtala ng 4,810,935 na kaso ng sakit.

 

Samantala, naitala sa Metro Manila ang may pinakamaraming naitalang bagong kaso na 930 na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at sinundan ng Cavite na may 238 na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).

Mayweather, papayag lamang na makaharap si McGregor kapag bayaran ng $300-M

Posted on: October 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAGLATAG si US boxing champion Floyd Mayweather ng kaniyang nais na premyo sakaling humirit ng rematch si UFC star Conor McGregor.

 

Sinabi nito na kapag ipilit ng Irish fighter ang muling paglaban nila ay dapat ay bayaran siya ng $300 million.

 

Maging si Khabib Nurmagomedov ay kaniyang hinamon kung saan papayag lamang ito basta bayaran siya ng $300-M .

 

Magugunitang nakaharap na ni Mayweather si McGregor noong 2017 kung saan tinalo niya ito.

2 key players ng Heat posibleng hindi makapaglaro sa Game 2

Posted on: October 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ISANG malaking hamon ngayon para sa Miami Heat ang pagharap nila sa Game 2 ng NBA Finals laban sa Los Angeles Lakers matapos na dalawang manlalaro nito ang kuwestiyonableng ‘di makakapaglaro.

 

Nagtamo kasi ng left foot torn plantar fascia injury si Goran Dragic habang left neck strain naman ang natamo ni Bam Adebayo.

 

Nauna nang lumabas sa playing court si Dragic sa first half ng Game 1 at hindi na bumalik pa matapos matamo ang injury at sinundan naman ni Adebayo.

 

Nagpapasalamat naman si Fil Am Heat coach Erik Spoelstra dahil hindi naging malala ang injury ni Jimmy Butler.

 

Nagtamo kasi ng ankle injury si Butler subalit bumalik sa laro pagpasok ng second half.

 

Gaganapin naman ang second game ng NBA Finals ng dalawang koponan dakong-9:00 ng umaga oras sa Pilipinas.

Rosser pinalitan ni Vigil

Posted on: October 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HINDI nakabalik ng Manila si Matt Ganuelas- Rosser kaya liliban ang Fil-Am sa kampanya ng defending champion San Miguel Beerm sa restart ng 45 th Philippine Basketball Association o PBA Philippine Cup 2020 eliminations sa Bubble sa Clark Frreport.

 

Bago pa magbukas ang edisyong ito ng liga’y ay out na rin si five-time Most Valuable Player June Mar Fajardo na nabalian ng alulod sa isang praktis ng Beermen noong Pebero. May isang taon ang rehabilitasyon at therapy niya.

 

Kaya ipinasya ng SMB na ibalik si Louie Vigil para humalili sa puwesto ni Rosser sa PBA sa propsyonal na liga na magbabalik sa Linggo, Oktubre 10 tapos matengga dahil sa lockdown hatid ng Covid-19 noong Marso.

 

Nasa California pa ang 30- anyos na 6-5 wingman ng serbesa.

 

“He wrote a letter to the management and coaching staff regarding the whole family in the States,” esplika ni coach Leovino Austria nitong isang araw. “Alam naman natin ang California, the past few weeks maliwanag ang kalangitan nila du’n because of the wildfire. Siguro apektado rin sila du’n.”

 

Ipinahiram sa kalagitnaan ng nakaraang Governors Cup ng San Miguel ang 6-3 wing na si Vigil sa San Miguel-Alab Pilipinas team sa ASEAN Bas- ketball League o ABL. Dagdag armas siya sa labas kagaya nina Terrence Romeo, Marcio Lassiter, Von Pessumal. (REC)

GATHER YOUR COVEN FOR ‘THE CRAFT: LEGACY’ TRAILER

Posted on: October 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

THIS Halloween, let the ritual begin. Watch the trailer for Columbia Pictures’ new supernatural thriller The Craft: Legacy, coming to Philippine cinemas soon.

 

In Blumhouse’s continuation of the cult hit The Craft, an eclectic foursome of aspiring teenage witches get more than they bargained for as they lean into their newfound powers.

 

Written and directed by Zoe Lister-Jones, the film stars Cailee Spaeny, Gideon Adlon, Lovie Simone, Zoey Luna, Nicholas Galitzine, with Michelle Monaghan and David Duchovny.

 

Blumhouse and Red Wagon Entertainment are producing the film for Columbia Pictures.

 

The Craft: Legacy will be distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #TheCraft

PSC, POC magba-bubble sa Japan

Posted on: October 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAGTATAYO ng training bubble ang Philippine Sports Commission o PSC at Philippine Olympic Committee o POC sa Japan para sa mga qualified at hahabol mga na atleta para sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo.

 

“Kung open na ang travel, why not join other tournaments,” wika nitong Huwebes ni POC president Abraham (Bambol) Tolentino, sa maaring pagsali ng mga manlalaro ng ‘Pinas sa Asian Indoor and Martial Arts Games o AIMAG at iba pang Olympic Qualifying Tournaments o OQT.

 

Hinirit pa ng pangulo ng rin ng Integrated Cycling Federation of the Philippines o PhilCycling at Cavite Eight District Rep. na “Magiging part pa rin iyan ng exposure para sa Olympics at sa Vietnam SEA Games 2021.”

 

Mas maagang pinahayag ni PSC Chairman William (Butch) Ramirez, na bilang kaligtsan sa Covid-19, nais niya munang manatili ang mga atleta sa kani- kanilang mga lalawigan para agad makapasa kapag sumailalim na ang mga quarantine period at mga swab test na hindi magiging sagabal sa programa at training nila. (REC)

Dingdong, muling ni-reveal ang ‘gift for music’ ni Zia

Posted on: October 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINASILIP ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa kanyang IG post noong October 1 ang evening routine nila ni Zia.

 

Muling ni-reveal ni Dingdong ang ‘gift for music’ ni Zia nang kantahin nito at i-strum sa gitara ang 1961 hit ni Ben E. King na “Stand By Me.”

 

Post ng lead star ng Descendant of the Sun, “Every night before we sleep, this little princess comes to my workspace as i send last minute emails and messages, complete my voice over for Amazing Earth, and pack up my stuff to wrap up the busy day. “Usually, we’d watch a clip in her favorite YT channel, read about her current favorite scary story, or just simply talk about how exciting her day was. Occasionally, she would join me as i struggle to learn new songs on the guitar— as of writing, it’s already 5 months since I started my formal lessons with @yanyuzon — and I haven’t even completed any of the three (3) songs that I have been practicing on!!

 

“But there’s this one song that’s a favorite of mine. And little did i know that someone was always listening closely while I play the song.

 

“Tonight, that little one just walked up to me while i was in the middle of studying ‘I am I Said’ of Neil Diamond. She went behind the guitar, hugged it from my standpoint, and started to strum. She said, “Dad, let’s sing this song.”

 

“She did her thing. She strummed— not yet with chords ha— and sang. In the process of executing each stroke, each breath— i was melting.

 

“She calls this song When The Night…:& Well, she can call it whatever she wants. What’s sure is that i’ll stand by her, even if the moon is the only light we’ll see! Naaakanam!! =”

 

Pinusuan at nag-comment ang mga celebrities at siyempre unang- una na rito ang Mommy Marian Rivera niya na nag-comment ng tatlong smiley face with hearts.

 

Patunay lang na murang edad ni Zia ay multi-talented na ito, na alam na mukhang papasukin din niya ang showbiz industry na darating na panahon. (ROHN ROMULO)

Senator Bong, tinugon ang pangangailangan ng isang estudyante sa Guimaras

Posted on: October 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SA kabila ng nararanasan nating pandemya ngayon, hindi hadlang ito sa mga television networks na magbigay sila ng mga programa para sa mga televiewers.

 

Kung maraming na-hook na mga netizens sa panonood ng bagong drama anthology ng GMA Entertainment Group, ang I Can See You, na pilot episode nila ng four weekly series ang “Love On The Balcony” na tampok sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith, na nag- trending sa nationwide Twitter, simula naman ngayong gabi, October 5, sa second week mapapanood na ang episode na “The Promise” na tampok sina Paolo Contis, Andrea Torres, Benjamin Alves at Yasmien Kurdi sa GMA Telebabad pagkatapos ng Encantadia sa GMA-7.

 

*****

 

NATUWA naman ang mga fans ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na muli nilang mapapanood ang kanilang idolo sa rerun ng Temptation of Wife na sinasabing siyang pinakamagandang Philippine adaptation ng mga Koreanovelang ipinalabas dito.

 

Bukod kay Marian, kasama rin niya sina Dennis Trillo, Glaiza de Castro at Rafael Rosell.

 

Ginampanan ni Marian ang role ni Angeline Santos na nagmahal sa kanyang asawa pero sinaktan lamang siya at pinagtaksilan. Plinano nina Dennis at Glaiza na patayin si Angeline at palalabasing nag-suicide ito, pero nabigo sila dahil buhay si Angeline na nagsimulang magbagong buhay bilang isang mas matapang na babaeng handang maghiganti.

 

Magsisimula nang mapanood ang rerun ng Temptation of Wife ngayong Lunes, at 11:30 a.m. bago ang Eat Bulaga sa GMA-7.

 

Isa pang niri-request ng mga fans ni Marian ang Carmela, na hulinh serye niya bago sila kinasal ni Dingdong Dantes.

 

*****

 

TINUGON naman ni Senator Bong Revilla ang pangangailangan ng isang batang estudyante sa Guimaras na nag-order online ng gagamitin niyang laptop para sa online learning niya, pero sa halip na laptop, bato ang laman ng box na idinileber sa bata. Nakarating naman ito sa online shopper at nabawi ng bata ang Php 24,000. Pero kailangan ng bata ang laptop dahil simula na nga ng classes nila ngayong Monday.

 

Napanood pala ni Senator Bong ang 24 Oras last Thursday evening at noon din ay nagpasabi siya sa magulang ng bata na magpapadala siya agad ng laptop na kailangan ng bata. Sigurado namang makakarating ito sa Guimaras on time sa pagsisimula ng classes ngayong Lunes.

 

Noong birthday ni Senator Bong last September 25, namigay na rin siya ng 1,500 units ng laptop na napili sa pamamagitan ng raffle.  (NORA V. CALDERON)

Traslacion, hindi pahihintulutan ni Yorme hangga’t may COVID

Posted on: October 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHIWATIG si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na hindi nito pahihintulutan na matuloy ang nakagawian ng mga debotong Kristyano na “Traslacion” sa ika-414 taon anibersaryo ng pagdiriwang ng Mahal na Poong Nazareno sa darating na Enero 9, 2021.

 

Ayon kay Domagoso, bagama’t ilang buwan pa bago ang nasabing pagdiriwang ay nagpahatid na agad ito ng mensahe partikular na sa pamunuan ng Simbahan ng Quiapo dahil na din sa kinakaharap na pandemya dulot ng COVID-19.

 

Aniya, hangga’t may panganib dulot ng COVID-19 at wala pang gamot o bakuna laban dito ay hindi nito papayagan ang nakagawiang Traslacion ng Mahal na Poong Nazareno na dinadagsa ng milyun-milyong deboto nito.

 

“I cannot afford to have that kind of situation while I respect, don’t forget I’m a Catholic, and I believe sa Poong Nazareno. Kaya hinihingi ko na ng patawad sa Diyos kung ako’y mali na pangalagaan natin ang kaligtasan ng halos ilang milyong Pilipino na nagpupunta sa Poong Nazareno,” ani Domagoso.

 

“Kapag ganito ang sitwasyon, wag na kayong mangarap, but remember public official ako e, my mandate is the general welfare to protect the general population. I have to set aside my personal belief, so kailangan ang mangibabaw sa akin pang-unawa sa sitwasyon upang ito ay pamahalaanan,” dagdag pa ng Alkalde.

 

Hinikayat naman ni Domagoso na gumawa na ng “contingency plan” ang pamunuan ng Simbahan ng Quiapo lalo na ang komite na namamahala sa prusisyon kung saan sinabi ng Alkalde na maaaring matuloy ang taunang “Traslacion” na makikita ng mga milyun-milyong deboto ang Poon sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya.

 

“Wala kaming nais baguhin sa kultura sa tradisyon , kostumbre, kaligtasan niyo ang mahalaga sa akin,” giit pa ng Alkalde.

 

Samantala, sakaling magkaroon na ng “vaccine” o bakuna laban sa sakit na COVID-19 at depende na din sa sitwasyon ay maaaring payagan ni Domagoso ang Traslacion sa Enero 9. (Gene Adsuara)

DepEd namahagi ng “new normal” handbook para sa mga magulang

Posted on: October 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAMAHAGI ang Department of Education ng “new normal” handbook para sa mga magulang.

 

“We understand that this school year is challenging because we are faced with COVID- 19 pandemic. Despite this, the agency assured that it remains “fully committed to fulfilling our role in upholding your children’s right to access quality education while promoting their health, safety, and overall well-being,” ayon sa DepEd.

 

Ipinaliwanag sa “Parents’ Handbook for the New Normal in Basic Education” ang iba’t ibang paraan ng distance learning na maaaring pagpiliian ng magulang at guro.

 

“It is important that you assess the needs and capabilities of your own child and the quality and quantity of support that you can provide before you decide on the modality that suits your child best,” saad ng DepEd.

 

Nakapaloob din sa handbook ang mga sagot sa mga karaniwang tanong ng mga magulang ukol sa iba’t ibang paraan ng pag-aaral sa distance learning.

 

Kasama rin dito ang pratikal na tips sa mga magulang, positive parenting, at pagdidisiplina habang nag-aaral ang kanilang mga anak sa tahanan na ipinagkaloob ng Save the Children Foundation. (Ara Romero)