• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October, 2020

Ads October 31, 2020

Posted on: October 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PARK SHIN-HYE IS SET TO HEADLINE A MYSTERY THRILLER TITLED “THE CALL”

Posted on: October 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NETFLIX unveiled the trailer for the upcoming film The Call, and it’s enough to keep fans on the edge of their seat.

 

Starring Park Shin Hye, one of OG K-drama leading ladies, famous for her roles in K-drama shows such as “Stairway to Heaven” (2003), “The Heirs” (2013) and “The Doctors” (2016).

 

This time, she won’t be battling zombies like her character in #Alive—she will be figuring out a mystery that’s two decades old.

 

Seo-yeon (Park Shin-hye) comes back home after a long time. She connects an old phone that was in the house and speaks to a stranger named Yeong-sook (Jeon Jong-seo).

 

Seo-yeon realizes Yeong-sook lives in the same house, but they are 20 years apart, and they be- come friends from then onwards.

 

“It’s little things like these that change a person’s life.”

 

Then one day, Seo-yeon and Yeong-sook make a small choice that will change their lives in the time they are in. Yeong-sook saves Seo-yeon’s father, who had previously died 20 years ago, and Seo-yeon tells Yeong- sook her future 20 years later.

 

However, after Yeong-sook finds out her terrible future, she turns reckless and starts to threaten Seo-yeon!

 

If you could change your past, what would you change?

 

In a February 2020 interview, Park Shin Hye revealed why she chose to star in her first thriller film: “This is a genre I haven’t attempted yet, and I chose Call because Seo Yeon’s character was charming. Seo Yeon has a side to her that’s completely different from the righteous characters I’ve portrayed so far, so it felt really new and fun while acting.”

 

Aside from Park Shin Hye and Jeon Jong Seo, Kim Sung Ryung and Lee El are also starring in Call. Kim Sung Ryung plays the mom of Seo Yeon while Lee El plays the mother of Young Sook. It’s Okay To Not Be Okay star Oh Jung Se is also featured in the movie to- gether with Park Ho San, Lee Dong Hwi and Uhm Chae Young as young Seo Yeon. Di- rected by Lee Chung Hyun.

 

The film was scheduled for a March 2020 release in theaters, but it was postponed because of the pandemic.

 

The Call launches globally on Netflix this November 27. (ROHN ROMULO)

Julia, mukhang sineryoso ang sinabi ni Kim kahit katuwaan lang

Posted on: October 31st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SAGOT kay Kim Chiu nga ba ang recent Instagram post ni Julia Barretto?

 

Yun talaga ang pumasok sa isipan namin nang mabasa namin ang caption pa lang niya.

 

At nang mabasa nga namin ang mga comments ng netizen, pareho rin ang naging impression.

 

Ang caption kasi ni Julia, “Out here minding my own business.”

 

Kaya madaling isipin agad ng halos lahat na ito ba ang sagot ng Kapamilya actress sa kapwa Kapamilya actress na si Kim?

 

Nang mabanggit nga ni Kim ang pangalan ni Julia sa It’s Showtime habang pinapa- browse rito ang Instagram account ng dating boyfriend na si Gerald Anderson.

 

Kaya sabi ng mga comments, halatang may “shade” raw ang caption. Si Julia raw ng reyna ng Unbothered Queen.

 

Nagtataka naman ang ibang netizens na kung sina Julia at Gerald naman daw talaga, ano raw ba ang problema at bakit hindi pa umamin?

 

Sabi ng ilang comments pa, “Napaka showbiz ng babaeng to. May paandar nanaman to stay relevant.”

 

“Sineryoso ni Julia ang sinabi ni Kim. Katuwaan lang yun sa It’s Showtime.”

 

At kung totoong minding her own business daw, hirit pa ng isang comment, “Pero business na resort ni Gerald, pino-promote niya.”

 

*****

 

HALOS 99% ng comments sa celebrity stylist na si Liz Uy sa kanyang engagement ay negatibo.

 

Mukhang ang stigma ng “kabit” ay konektado pa rin sa kanya kahit na-annulled na ang kasal ng partner sa original wife nito at kahit hayan nga, pakakasalan na siya.

 

Pero kung dedma o wala na lang sa kanya ang ano mang panlalait at obviously, disgusto ng netizens sa alam nilang pagiging diumano’y kabit muna raw nito at “homewrecker” pa raw, wala lang dito ang mga nababasang comments online.

 

Since nag-post siya sa Instagram account niya na engaged na siya sa ama ng anak na si Raymond Racaza, nabuksan muli ang tila “sugat” sa netizens, kahit di naman sila ang orihinal na mag-ina ng businessman fiance ni Liz.

 

Kung pagbabasehan ang sabi nga namin, halos 99% na hate comments sa kanya, pwedeng sabihin na si Liz ang isa sa most hated celebrity yata dahil sa araw na nag-post siya, nag-top 1 trending pa siya sa Twitter Philippines.

 

Inihahalintulad ang kuwento nila sa korean drama na The World of the Married Couple kunsaan, tungkol din ito sa kabit at nagkataon, doctor rin ang propesyon ng orihinal na asawa sa kuwento.

 

Sa isang banda, ilang kaibigan o kakilala ni Liz ang dumedepensa rin sa stylist. Na hindi naman daw alam ng lahat ng humuhusga rito ang totoong kuwento.

 

*****

 

DAHIL nakakapag-lock-in taping na, masaya ang avid fans at viewers ng GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas matapos ilabas ang teaser ng fresh episodes nito na mapapanood na simula ngayong Nobyembre 9.

 

Matatandaan na nabitin ang viewers sa kahihinatnan ni Lilian (Katrina Halili) na idiniin ni Kendra (Aiko Melendez) sa krimeng hindi naman niya ginawa.

 

Sinubukan nina Mayi (Jillian Ward), Ella (Althea Ablan), at Lenlen (Sofia Pablo) na bisitahin ang kanilang nanay sa presinto ng hindi nagsasabi sa kanilang amang si Jaime (Wendell Ramos) na nagdesisyon namang ituloy na ang kasal nila ni Kendra.

 

Talagang excited na ang viewers ng serye na mapanood ang pagpapatuloy ng kuwento nito. Post nga ng isang netizen, “Sana mabunyag na ang lihim ni Kendra para masaya na ang 3 donnas.” (ROSE GARCIA)

DOH: Pareho ang protocol ng mga ospital para sa confirmed, probable/suspect COVID-19 cases

Posted on: October 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ng Department of Health (DOH) na pareho lang ang protocol na ipinatutupad sa mga probable at suspected COVID-19 cases, tulad ng ginagawa sa mga confirmed o positibong kaso ng sakit.

 

Pahayag ito ng kagawaran sa gitna ng mga ulat na may ilang pamilya raw ang kumwestyon sa responde ng mga doktor sa kanilang kaanak na namatay nang hindi pa sumasailalim sa COVID-19 test.

 

”Most of the time the patient will come in the facility nang medyo malubha na ang kanilang sakit. Hindi sila nakakarating sa facility ng mas maaga, para magamot ng mas maaga.”

 

“Testing post-mortem hindi namin ina-advice kasi wala pa tayong sapat na ebidensya that even in cadavers na mataas pa rin ang load ng virus.”

 

Paliwanag ng opisyal, wala pang ebidensya na mataas pa rin ang “viral load” kahit sa mga namatay nang confirmed case. Kailangan daw kasi ng virus ng “host” o aktibong katawan para kumalat at makapanghawa.

 

Ayon kay Vergeire, protocol ng mga doktor ngayon na ituring bilang confirmed case ang mga darating na indibidwal sa ospital na may sintomas ng pandemic virus.

 

Pati sa mga mamamatay na pasyente nang hindi pa nate-test pero nakitaan ng sintomas, ay maaari na rin daw ituring na positibo sa COVID-19.

 

“Hindi natin dine-delay ang panggagamot kung sakaling wala pang test.. ang ating protocol kasi, kapag ang ating mga doktor ay na-assess nila na ang isang tao ay may COVID-related symptoms maaari silang makonsidera na suspect or probable kahit wala pang test.”

 

“Kung siya ay namatay because he/she is a suspect based on clinical assessment, kailangan kung paano tratuhin ang bangkay ng isang confirmed case pareho rin sa suspect/probable.”

 

Dagdag ng opisyal, tulad ng sa confirmed cases, inirerekomenda rin ang agarang cremation sa mga probable at suspect cases na babawian ng buhay.

2 drug suspects nalambat sa Navotas buy-bust

Posted on: October 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng higit sa P.6 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Navotas Police Chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong mga suspek na si Michael Manalaysay, 41 ng M. Domingo St. Brgy. Tangos North at Jayson Esguera, 40 ng Silahis St. Brgy. Tanza 1.

 

Ayon kay Col. Balasabas, nakatanggap ng report ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa pagbebenta umano ng illegal na droga ng mga suspek sa lungsod kaya’t isinailalim sila sa monitoring at surveillance operation.

 

Nang makumpirma ang ulat, nagsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez ng buy-bust operation sa M. Domingo St. alas-8 ng gabi na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na umaktong buyer.

 

Nakuha sa mga suspek ang aabot sa 101 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P686,000.00 ang halaga, buy-bust money at P500 bill.

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

Tokyo Olympic organizers magtatayo ng sariling disease control centers

Posted on: October 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Plano ngayon ng Tokyo Olympics organizers at mga Japanese officials na maglagay ng infectious disease control center para matiyak na hindi magkakaroong n hawaan ng COVID-19.

 

Papangalanang ito bilang Organizing Committee Infectious Disease Control Center.

 

Magiging trabaho nito ay magkaroon ng testing at tracing ng mga nadadapuan at magsagawa rin ng mga isolation at paggamot sa mga posibleng nadapuan ng virus.

 

Sinabi ni Tokyo 2020 chief executive Toshiro Muto, na may mga nakatalagang mga doktor at mahigpit ang kanilang pagpapatupad ng mga health protocols sa mga athletes village.

 

Ilan sa mga ipapatupad ay ang paglimita ng mga galaw ng atleta at paglalagay ng mga ruta ng mga sasakyan para hindi dumami ang contacts at exposures.

 

Maaari pa aniyang magbago ang nasabing plano hanggang sa mga darating na pagpupulong.

VICTORY PARADE NG LAKERS, APRUB NA SA MAYOR NG LA

Posted on: October 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MISMONG si Los Angeles Lakers star LeBron James ang nakiusap kay LA City Mayor Eric Garcetti na makapagsagawa sila ng victory parade.

 

Ito’y matapos ang kakaibang pangyayari kung saan sabay na nagkampeon ang Lakers sa NBA Finals at ang Los Angeles Dodger sa Major League Baseball (MLB) sa isang conference.

Pumayag naman ang alkalde at sinabing bukas sila sa pagsasagawa ng parade basta pag-ibayuhin lang ang pag-iingat para hindi kumalat ang coronavirus.

Matatandaang kinansela ng Lakers at Dodgers ang kanilang championship parade dahil sa matinding banta ng COVID-19 kaya nagdesisyon noon ang dalawang koponan na isagawa na lamang ang parada kapag normal na ang lahat at wala na ang banta ng pandemic.

Lalamove driver 1 pa, kulong sa P272K shabu at baril-barilan

Posted on: October 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang Lalamove delivery matapos makuhanan ng P272K halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

 

Kinilala ni Valenzuela Police Chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Danilo Gonzalez, 48 at Rodney Modejar, 37, Lalamove Delivery ng Manalo Compd. Dalandanan.

 

Ayon kay Col. Ortega, alas- 12:30 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Robin Santos ang buy-bust op- eration kontra sa mga suspek sa bahay ni Gonzalez sa No. 6-A T. De Gula St., Brgy. Marulas.

 

Habang nagaganap ang buy- bust, nilabas ni Gonzalez mula sa kanyang sling bag ang isang cal. 45 “replica” saka pinagbantaan ang police poseur- buyer na si PCpl Mario Martin ng “Pre baka asset ka ha pag tinimbre mo ako babarilin kita dati akong NPA commander”.

 

Nang matapos ang transaksyon, agad nagbigay ng signal si PCpl Martin sa kanyang mga kasama kaya’t mabilis lumapit ang back up na si PSMS Roberto Santillan at PCpl Francis Cuaresma saka inaresto si Gonzalez at Modejar.

 

Ayon kay SDEU investigator PCpl Christopher Quiap, nakumpiska sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 40 gramo ng shabu na tinatayang nasa P272,000 ang halaga, P300 buy- bust money, P700 bills, 2 cellphones, stainless box, digital weighing scale at cal. 45 replica.

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Illegal Possession of Firearm (gun replica). (Richard Mesa)

Melanie Griffith, may asim pa sa edad na 63 sa suot ng pink lingerie

Posted on: October 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KINASAL na ba sina Lovely Abella at ang kanyang fiance na si Benj Manalo?

 

Sa recent guesting nila Lovely at Benj sa programang Tunay na Buhay, may mga pagbabago na raw sa wedding plans nila sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

Na-engage ang dalawa noong June 2019. Original plan nilang magpakasal sa January 2021. Pero dahil sa mga nagaganap sa mundo ngayon, nag-decide silang agahan ang pagpapakasal.

 

Ayon kay Lovely, nakaplano na ang civil wedding nila ni Benj ngayong October.

 

“Nung dahil din po sa experience ko po doon sa aking COVID journey, ‘yun po ‘yung na-realize ko, at saka siya (Benj) po ‘yung nagsabi na, ‘Tara, babe. Magpakasal na tayo, kahit civil lang.’ Kaya baka po this October po namin itutuloy,” sey ni Lovely.

 

Five years na nagsama ang dalawa bago sila na-engage.

 

“Siya yung naging balancing factor ng pagiging seryoso ko. Parang simula nang makilala ko siya I’ve been in the happiest ever sa buhay ko. So, knowing that I’m just really thankful and hindi ko siya kayang mawala sa’kin,” sey ni Benj.

 

Si Benj pala ay isa sa mga anak ng Eat Bulaga Dabarkads na si Jose Manalo. Noon pa man ay daddy na ang tawag ni Lovely kay Jose.

 

*****

 

NAG-POST ng throwback photo ang aktres na si Teresa Loyzaga sa kanyang Instagram noong nagtatrabaho pa siya bilang flight attendant.

 

“FA Life….and no matter how far or how wide I roam #flightieslife #throwback.”

 

Nagtrabaho bilang FA si Teresa for 14 years. Ito ay noong panahon na iniwan niya ang kanyang showbiz career at nag- migrate sa Australia noong taong 2000.

 

Dahil may dalawang anak na siya noon, nagtrabaho si Teresa sa Australia bilang call center agent at naging bank employee din siya hanggang sa makapasa siya bilang FA sa Qantas Airlines.

 

Bumalik sa pag-arte si Teresa after 17 years. Noong bumalik siya sa Pilipinas, gumawa siya ng mga teleserye sa ABS-CBN 2 at GMA-7. Huli siyang napanood sa I Can See You: High Rise Lovers.

 

*****

 

SA edad na 63, may asim pa rin ang Hollywood actress na si Melanie Griffith at pinagmalaki niya ang kanyang sexy body sa pagsuot ng pink lingerie in honor of Breast Cancer Awareness Month.

 

Tila mas sexy pa raw si Melanie kesa sa anak nito na nagbida sa 50 Shades of Gray film trilogy na si Dakota Johnson.

 

Suot ni Melanie ang Kit Un- dergarments na kabilang sa campaign for Breast Cancer Awareness na may hashtag na #kitstokickcancer.

 

Designed ang Kit Undergarments nila Jamie Mizrahi and Simone Harouche na magdo-donate ng 5% sa kanilang sales to the Women’s Cancer Research Fund. May additional $1 naman na donation sa bawat babae na bibili at ipo-post sa social media na suot nila ang undergarment with the hashtag at ita-tag sila sa @kitundergarments.

 

Bukod kay Melanie, nag-post din in their Kit Undergarments to raise funds sina Kate Hudson, January Jones, Zoe Saldana at marami pang iba. (RUEL J. MENDOZA)

SWAB TESTING COMPANY SA NAIA NA GRABENG MANINGIL DAPAT MAPAALIS SA PALIPARAN -MALAKANYANG

Posted on: October 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KINAKAILANGAN na mapaalis ang swab testing company sa airport na sobra ang hinihinging singil sa mga indibidwal na nagpapa rt- PCR test sa kanila.

 

Tugon ito ni Presidential spokesperson Harry Roque sa harap ng impormasyon na isinawalat ni Senador Richard Gordon na ilang swab testing firms ang naniningil ng beinte mil kada swab test.

 

Giit ni Sec. Roque, hindi dapat na nakapasok sa airport ang ganitong uri ng pananamantala lalo’t isang pribelehiyo ang ibinibigay sa mga may kalakalan sa paliparan.

 

“Well, iyan po ay nanggaling kay Senator Richard Gordon bagama’t alam ninyo naman po ang access sa NAIA ay restricted at in-assure naman po tayo ng NAIA na ang lahat po na pumapasok na mga PCR test personnel ay namu-monitor naman po nila.

 

So minabuti pa rin po na magkaroon ng imbestigasyon diyan pero ang assurance po sa atin, dahil restricted nga po iyang airport, eh mukhang malabo naman daw po iyan mangyari,” ayon kay Sec. Roque.

 

Kaya ang panawagan ni Sec. Roque sa publiko lalo na sa mga nagbayad ng P20, 000 sa kada swab test sa airport ay mangyaring magbigay ng kanilang testimonya.

 

Sa ganitong paraan ayon kay Sec. Roque ay maaaring mapa- alis ang naturang swab testing company na grabe ang ginagawang paniningil sa kada salang sa COVID 19 testing.

 

“Kung mayroon po talagang nagbayad ng P20,000 eh magbigay sana po sila ng testimonya nang sa ganoon eh mapaalis natin sa airport iyan ‘no, dahil iyong mga nagsasamantalang ganiyan po hindi dapat nakakapasok ng airport dahil pribilehiyo naman po iyong binibigay nating negosyo sa kanila kapag sila po ay magbibigay ng PCR testing sa mga bumabalik na OFWs at mga Filipi- nos at iba pang mga dayuhan na pumapasok po sa airport,” lahad nito. (Daris Jose)