• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 6th, 2020

Ginebra tinuldukan na ang dalawang sunod na talo matapos talunin ang Aces 87-81

Posted on: November 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TINULDUKAN na ng Barangay Ginebra ang dalawang sunod na pagkatalo matapos talunin ang Alaska 87-81.

 

Bumida sa panalo ng Gins si Stanley Pringle na nagtala ng 31 points. Nakagawa naman ng tig- 14 points sina Japeth Aguilar at Aljon Mariano.

 

Mayroon ng limang panalo at dalawang talo ang Ginebra habang ang Aces ay mayroong limang panalo at apat na talo.

 

Hawak pa ng Aces ang kalamangan 40-34 sa second quarter subalit nahabol ito ng Ginebra.

 

Nakagawa naman ng tig-14 points sina Japeth Aguilar at Aljon Mariano.

 

Mayroon ng limang panalo at dalawang talo ang Ginebra habang ang Aces ay mayroong limang panalo at apat na talo.

 

Hawak pa ng Aces ang kalamangan 40-34 sa second quarter subalit nahabol ito ng Ginebra.

Ads November 6, 2020

Posted on: November 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Dating kasagupa ni Pacman na si Broner kulong sa US

Posted on: November 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAKAKULONG ngayon ang dating kasagupa ni Filipino boxing champ Manny Pacquiao na si dating four-division world boxing champion Adrien Broner matapos itong hatulan ng korte sa kasong contempt.

 

Ayon sa ulat, nabigo si Broner na bayaran ang mahigit $800,000 sa isang babae na kanyang sinaktan sa isang nightclub noong 2018.

 

Sinabi ni Judge Nancy Margaret Russo na hindi pinansin ni Broner ang ibinigay ng korte na deadlines at extensions sa pagbabayad sa biktima.

 

Sa kabila ng kanyang pagbalewala sa hatol ng korte, nakuha pa ni Broner na ipagyabang sa social media ang kanyang pera na nangangahulugan na kakayahan itong magbayad.

 

Hindi umano makakawala sa kulungan si Broner hanggang hindi nito naibibigay ang valid reason sa kakayahan nitong magbayad, ayon kay Russo.

 

Matatandaang huling lumaban ang 31-anyos na si Broner ng talunin ito ni Filipino boxer Manny Pacquiao noong 2019.

 

Hawak nito ang record na 33 panalo, apat na talo at isang draw na mayroong 24 knockouts.

Piolo, ipinagdiinang ‘Kapamilya forever’ kaya babalik pa rin

Posted on: November 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

BABALIK pa rin si Piolo Pascual sa Kapamilya network.

 

Nagtanong kasi siya sa head ng ABS-CBN creative communication management na si Ginoong Robert Labayen kung kailan ang shoot ng 2020 Christmas station ID ng ABS-CBN base sa panayam nito sa Kumu talk show ni Miss Charo Santos-Concio na ‘Dear Charo’ nitong Nobyembre 2.

 

“So kailan tayo mag-i-SID ulit?” na sinagot naman ng co-host ni Ma’am Charo, ‘Inuumpisahan na,’

 

Trending lagi ang station id ng ABS-CBN lalo na kapag Disyembre sa tagline nilang ‘Bro, Ikaw ang Star ng Pasko’, ‘Star ng Pasko’ at ‘Family is Love, na isa si Piolo sa laging ipinapakitang kumakanta.

 

At dito nag butt-in si ma’am Charo ng, ‘‘Yan ha, sabi ni PJ, kailan daw tayo mag-i-SID. Why not? Kapamilya forever?’

 

Sumagot kaagad ang aktor ng, “Kapamilya forever.”

 

Isa si Piolo sa prominenteng personalidad na nasa Station ID ng ABS-CBN dahil sila ‘yung prime artist’s ng network bukod pa sa pagiging loyal nila.

 

Pero ngayong nasa TV5 na ang aktor para sa programang Sunday Noontime Live ay questionable na ang loyalty niya.

 

Ipinagdiinan naman niya na Kapamilya pa rin siya at nagta- trabaho lang naman siya dahil nga limitado ang nilalabasan ng mga artistang naiwan sa Kapamilya network sanhi ng hindi pagbigay ng bagong prangkisa ng Kongreso.

 

Idinaan sa biro ng aktor ng banggitin ni ma’am Charo na kailangan ng i-update ang “Lupang Hinirang” video ng ABS- CBN na kinunan pa noong 2011 na ipinalalabas sa pagbubukas at pagtatapos ng palabas sa mga sinehan.

 

“Huwag, Tita, ‘pag pinalitan ‘yon, baka mawala ako!” tugon ni Piolo.

 

Tumawang sabi naman ng dating Presidente ng ABS-CBN, “Oo, huwag na. Baka Nangangapit- bahay ka lang.”

 

At ipinagdiinan na ni PJ, “Nagtatrabaho lang po (TV5). But Tita come on, that’s not something we talk about, but napakaliit ng industriya. Nakapaliit ng mundo natin. I guess, tatanda po tayong magkakasama. And I’ll always be grateful for the chance to know people like you, especially you, Tita.’’

 

Muling pinasalamatan ng aktor si ma’am Charo na nagsilbing guide niya sa lahat ng desisyon niya sa buhay dahil kung wala ang executive ay baka namali lahat at pinagsisihan niya ito dahil plano na nitong mag-retiro sa showbiz noong 2014.

 

“If not for your sound advice, siguro, I would have made some choices that I would regret. But you were there, you were always around, you always made yourself available for me whenever I needed it.

 

“It relaxed me, made me feel secure, knowing that I had a home, I had a place wherein I can grow and where I can be myself. So thanks for that,’’ pahayag ni Piolo.

 

Anyway, trulili kaya na pagkalipas ng 6 months’ o 1 year ay babalik na si Piolo sa Kapamilya network? Paano na ang Sunday Noontime Live?

 

*****

 

NAKAHINGA na nang maluwag at nakakakilos na ng walang inaaalalang mga matang nakatingin si Alex Diaz simula nu’ng umamin siyang bisexual siya noong 2019

 

“The more I talk about it, the more I understand myself better. In terms of being mas careful, I feel like before I was so careful and when you are so careful trying to keep yourself from doing anything wrong, when you explode, grabe talaga yung explosion di ba.

 

“Now I’m at this point where watching what I say, watching how I act, watching what I do, grabe I feel like I’m in such a good place where I don’t have to be careful. Now I’m paid to be exactly who I am. So it’s a good feeling,” paliwanag ng aktor.

 

Inamin ni Alex na hirap na hirap siya noong hindi pa siya umaamin ng sexual preference niya kasi nga kailangan niyang mapangalagaan ang kanyang imahe lalo’t maraming pumapasok na product endorsements.

 

Ang management niyang Cornerstone Entertainment ang nakakaalam ng tunay niyang pagkatao at mga kaibigan.

 

‘’Actually, they know naman, it’s the fans na kailangang itago,” sambit ni Alex na sobrang guwapo sa ginanap na virtual digicon para sa iWant 6-episode series na Oh, Mando! produced ng Dreamscape Digital Entertainment at Found Films na idinirek ni Eduardo Roy, Jr.

 

Kaya naman nang i-alok sa kanya ang BL o Boys’ Love series ay talagang natuwa siya dahil unexpected blessing ito para sa kanya na akma pa sa estado ng buhay niya sa kasalukuyan.

 

Noong pumutok kasi ang balitang bisexual siya ay lumipad na siya pa-Canada at walang planong bumalik pa.

 

Samantala, natanong si Alex kung willing siyang gumawa ng BL project kasama ang kaibigang si Tony Labrusca na na-link sila sa isa’t isa noong pareho silang nasa Canada.

 

“I think to dissect the situation; I need to take complete ownership sa lahat ng mga bagay sa buhay natin. In terms of clarification, wala na akong kailangan i-clarify kasi I think naka-ilang interview na ako and I think kami din ni Tony alam namin na kahit anong sabihin namin, you know people will really talk and the issue won’t die because it’s on the internet.

 

‘’To answer the question, alam ko naman na pag nag-project kami ni Tony, maraming manunuod. Papatok siya because of the issue. So if the script is really good, if the script is fantastic, why not?”diretsong sagot ng aktor.

 

Umere na nitong Nobyrembre 5, ang Oh, Mando! sa iWant TFC at bukod kay Alex ay kasama rin sa series sina Kokoy de Santos at Barbie Imperial. (REGGEE BONOAN)

Marian, naniniwala na tinadhana talaga sila ni Dingdong

Posted on: November 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TATLONG taon na ang programang Tadhana.

 

Hindi raw makapaniwala ang host nito na si Marian Rivera na aabutin sila ng tatlong taon.

 

Sa November 7 nga ay ang simula ng month-long special ng Tadhana. Na mula sa mga kuwentong O.F.W. lang dati, ngayon ay mga kuwento ng pag- ibig at pag-asa na ang napapanood.

 

Thankful si Marian sa Tadhana at sa GMA-7 na nagagawa niyang makapag-work from home. Bukod pa sa ang mister niya, ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na ang nagsisilbi niyang direktor.

 

When asked kung naniniwala ba siya sa tadhana, silang dalawa raw ni Dingdong ay example na ng tinadhana.

 

“Nang magsama kami ni Dingdong, parehas kaming may sari-sariling lovelife. Malay ba namin na ang uwi namin ay ganito.

 

“Siguro, kapag nakatadhana sa ‘yo at ibinigay sa ‘yo, kahit anong iwas mo, kahit saan ka magpunta, magmi-meet at magmi-meet pa rin kayo halfway at sa dulo.

 

“Yes, definitely, naniniwala po ako sa tinadhana at sa tadhana.”

 

*****

 

NAGAGANDAHAN kami sa trailer pa lamang ng bagong serye ng Kapamilya network, ang La Vida Lena na magsisimula ng mapanood sa iwantTFC simula sa November 14.

 

Although sa trailer at premise ng kuwento, puwedeng sabihin na napanood na ito sa maraming pagkakataon in the past. Mga pinagsama-sama at pinaghalo- halong proven & tested formula ng isang soap-opera. Pero siyempre, ang aabangan ay ang pag-atake ng cast sa kanya- kanyang character.

 

Marami na rin ginawang chal- lenging roles si Erich Gonzales dati, pero mukhang isa ito sa maituturing niyang “level-up” naman na in-terms of maturity in acting at pagiging daring from her Katorse days.

 

Mahuhusay rin ang support ni Erich na sina Janice de Belen, Agot Isidro, Carlo Aquino at iba pa.

 

Ito ang serye na sana, launching na ng ‘reyna ng You Tube’ na si Ivana Alawi. Napapaisip tuloy kami, wala kayang pagsisisi kay Ivana na nag-back- out siya?

 

Although siyempre, kung monetary ang pag-uusapan, kinikita pa lang niya sa You Tube e, malamang mas malaki kesa sa kikitain niya sa serye. Pero iba lang din talaga yung may nagawa ka ng de-kalidad na drama bilang isang actress. (ROSE GARCIA)

869 na paaralan sa bansa, ginagamit na evacuation center

Posted on: November 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Department of Education na nasa 869 paaralan sa bansa ang ginagamit bilang evacuation center.

 

Ito’y kasunod nang nangyaring kalamidad sa bansa dahil sa bagyong rolly.

 

Sa Laging handa public press briefing ay sinabi ni Education Sec. Leonor Briones na ito ay mula sa 44 na school divisions o katumbas ng 4,367 na mga klasrums.

 

Magkagayunman, umaasa si Briones na magkakaroon talaga ang bawat local govt units ng designated evacuation center upang mailayo sa panganib ang mga mag aaral.

 

Mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na aniya ang nagsabi na hindi dapat gawin bilang evacuation center ang mga eskwelahan.

 

Ang punto ng Kalihim ay hindi maaaring paghaluin ang mga evacuees mula sa mga suspected Covid – 19 positive kaya’t dapat magka- hiwalay ng lugar ang mga ito.

 

Kasunod nito, malaking tulong din aniya ang kawalan ng face to face learning upang maminimize ang pinsala ng bagyo lalo na sa mga mag aaral. (Daris Jose)

NBA BUBUKSAN SA DEC. 22

Posted on: November 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAGSASAGAWA ang NBA team owners at players union ng magkahiwalay na meeting upang maselyuhan na ang nilulutong pagbubukas ng liga sa December 22 para sa 2020-2021 kampanya ng liga.

 

Inaasahang magkakasundo sa gagawin meeting ang National Basketball Players Association at ang liga sa 72 games per club at sa Dec. 22 na pagbubukas ng liga.

 

Ayon sa NBA, kikita ng ha- los $500M hanggang $1B kung masisimula ang liga bago magpasko sa kabila na inaasahang malulugi ito dahil walang spectators ang pwedeng manood bunsod ng COVID-19.

 

Gusto umano ng mga television broadcaster at advertisers ang holiday matchups at iwasan umano ang paglalaro habang may Olympics.

GAME CREATORS REACT TO MOVIE VERSION OF “MONSTER HUNTER”

Posted on: November 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IN bringing Monster Hunter from game consoles to the big screen, writer-director Paul W.S. Anderson sat down multiple times with the game creators Ryozo Tsujimoto and Kaname Fujioka to dial in the look of the monsters.

 

In a recently released video, the creators share their excitement upon seeing how Ander- son remained faithful to the monsters’ original look, if not making them even more menacing.

 

Check out the video below and watch Monster Hunter in Philippine cinemas in 2021.

 

YouTube: https://youtu.be/ TbqJarQi-Wc

 

Based on the global video game series phenomenon, Monster Hunter is written for the screen and directed by Paul W.S. Anderson. The film stars Milla Jovovich, Tony Jaa, Tip ‘T.I.’ Harris, Meagan Good, Diego Boneta, Josh Helman, Jin Au-Yeung and Ron Perlman.

 

Behind our world, there is another: a world of dangerous and powerful monsters that rule their domain with deadly ferocity. When an unexpected sandstorm transports Captain Artemis (Milla Jovovich) and her unit (TI Harris, Meagan Good, Diego Boneta) to a new world, the soldiers are shocked to dis- cover that this hostile and unknown environment is home to enormous and terri- fying monsters immune to their firepower. In their desperate battle for survival, the unit encounters the mysterious Hunter (Tony Jaa), whose unique skills allow him to stay one step ahead of the powerful creatures. As Artemis and Hunter slowly build trust, she discovers that he is part of a team led by the Admiral (Ron Perlman). Facing a danger so great it could threaten to destroy their world, the brave warriors combine their unique abilities to band together for the ultimate showdown.

 

Monster Hunter will be distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with #MonsterHunterMovie and tag columbiapicph (ROHN ROMULO)

Ex-NBA All-Star Eddie Johnson, pumanaw na sa loob ng kulungan

Posted on: November 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PUMANAW sa loob ng kulungan ang dating NBA- All Star player na si Eddie Johnson sa edad 65.

 

Hinatulang kasi habambuhay si Johson noong 2006 dahil sa pang-aabuso sa isang 8-anyos na batang babae.

 

Hindi naman ibinunyag ng mga prison offiicials ang sanhi ng kamatayan nito.

 

May palayaw siya na “Fast Eddie” na naging manlalaro ng Atlanta Hawks mula 1977 hanggang 1986 at dalawang beses na naging bahagi ng NBA -All Star mula 1980-1981.

 

Naglaro din ito sa Cleveland Cavaliers at Seattle Supersonics.

 

Nasangkot sa pagnanakaw, cocaine possession at assault sa mga police officer si Johnson.

 

Dahil dito ay pinatawan siya ng NBA ng lifetime ban noong 1987 dahil sa paggamit ng cocaine.

 

Naaresto siya noong Agosto 2006 ng pasukin niya sa kuwarto ang biktimang 8-anyos na batang babae at doon ginahasa.

Korea umatras na sa FIBA Asia Cup qualifiers dahil sa banta ng COVID-19

Posted on: November 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

UMATRAS na ang Korea sa pagsali sa 2021 FIBA Asia Cup qualifiers na gaganapin ngayong buwan sa Manama, Bahrain.

 

Ayon sa Korea Basketball Association (KBA) na dahil sa pangamba ng COVID-19 sa mundo ay kaya sila nagdesisyon na umatras na.

 

Nakatakda sanang makaharap nila ang Gilas Pilipinas sa Nobyembre 28 at ang koponan ng Indonesia sa darating na Nobyembre 30.

 

Pinangungunahan ni naturalized center Ricardo Ratliffe ang Korea na kilala na ngayon bilang si Ra Gun A.

 

Kasalukuyang nasa Group A ang koponan na mayroong dalawang panalo at wala pang talo ang koponan.

 

Dahil dito ay magkakaroon ng pagbabago ang mga schedule ng laro sa mga ka-grupo ng Korea.