• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 12th, 2020

Cash aid para sa turismo at scholarship, ibibigay na

Posted on: November 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAKAHANDA na ang bilyong-bilyong cash aid para sa turismo at scholarship ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng pandemya.

 

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kabuuang P13 bilyon ang maipapamigay na payout.

 

Kasama na rito ang P3 bilyon para sa sector ng turismo, P bilyon para sa scholar na anak ng mga OFWs na nawalan ng hanapbuhay dahil sa Covid-19 pandemic at P300 milyon naman para sa mga guro na non teach- ing positions.

 

Samantala, ang mga biktima ng bagyong Rolly sa Catanduanes ay napagkalooban na rin ng cash aid ng DOLE sa pamamagitan ng TUPAD program. (Gene Adsuara)

Suspek sa pagpatay sa opisyal ng HPG, nasa Camp Crame na

Posted on: November 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SUMUKO na ang driver ng negosyanteng nakaengkuwentro ng mga tauhan ng Cavite Provincial-Highway Patrol Team na ikinamatay ng isang opisyal at ng suspek matapos silang sitahin dahil walang plaka ang sinasakyang Nissan Terra sa Manila -Cavite Road Barangay 8, Pulo 3, Cavite City.

 

Ang suspek na dinala kaninang umaga ng mga tauhan ng SOD- HPG sa Camp Crame Quezon City sa pamumuno ni PCMS Edison Manocum ng Cavite City-PNP ay kinilalang si Reymundo de Leon Suniga, 34, tubong Barangay Salomague, Bugallon, Pangasinan.

 

Matatandaan na nitong November 6, 2020 habang nagsasagawa ng Anti-Carnapping Operation ang mga miyembro ng Cavite Provincial Highway Patrol Team ay namataan nila ang Nissan Terra ng mga suspek na walang plate num- ber at conduction sticker.

 

Sinita ng mga pulis ang mga suspek at hinanapan ng dokumento ng sasakyan subalit nagpakilalang mga Navy.

 

Nang walang maipakitang dokumento ang mga suspek, kaagad na pinaputukan ng napatay na suspek na si Methusael Brown Cebrian ang mga tauhan ng HPG gamit ang isang caliber 5.56 Bushmaster.

 

Namatay noon din PCMS Julius Arcallas at ikinasugat nina PSSg Emerson Domingo ,P/Capt Eduardo Joy Guadamor at isang bystander na si Eduardo Magbana ng Barangay 8 Pulo 3 Cavite City.

 

Habang kasagsagan ng engkuwentro ay mabilis na tumakas siya.

 

Narekober ang sasakyan ng mga suspek silver gray na Nissan Terra na mayroon nang plaka na F2 G911 matapos abandonahin ng sumukong driver sa Alabang. (Gene Adsuara)

Sa kabila ng pandemya, tradisyon sa pagdiriwang ng Pasko pangungunahan ng mga LGU

Posted on: November 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SA kabila ng kinakaharap na pandemya, tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na handa ang lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na buhayin ang ekonomiya at pasiglahin ang nakasanayang tradisyon ngayong panahon ng Kapaskuhan.

 

Sa ginanap na directional meet- ing kahapon na pinangunahan ni Domagoso kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, inanunsiyo nito na magsasagawa ng tradisyunal na “Simbang Gabi” sa Kartilya ng Katipunan sa tulong ng pamunuan ng Quiapo Church.

 

Napag-alaman naman kay Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM) Director Charlie Duñgo, dakong- alas-8 ng gabi gaganapin ang “anticipated” Simbang Gabi sa Kartilya ng Katipunan na sisimulan sa Disyembre 15 kung saan dadaluhan ito ng mga kawani at opisyal ng mga departamento ng lokal na pamahalaang lungsod.

 

Ayon pa kay Duñgo, nakatakda umano silang mag- organisa ng “coffee festival” na may temang “Kape’t Luntian” sa Bonifacio Shrine Garden sa pakikipagtulungan sa Sagada Coffee.

 

“Let the City of Manila be the beacon of hope during this season. We will not be stopped by the pandemic. Ang gusto ko makita nila is welcome po sila sa Maynila. What is the purpose of government? Government is service, public service,” ani Domagoso. (Gene Adsuara)

ORGANIZERS NG OLYMPICS NATUWA SA BALITA NA MAY COVID-19 VACCINE NA

Posted on: November 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IKINATUWA ng Tokyo Olympics organizers ang balitang mayroon ng coronavirus vaccine pero sinabi nitong tuloy pa rin ang kanilang mahigpit na bio- security planning para sa naunsiyameng Games.

 

Ayon sa Olympic officials, hindi basehan ang pagkakaroon ng COVID-19 para matuloy o maidaos ang Olympics sa 2021.

 

Pero sinabi nito na kung magkakaroon ng epektibong vaccine ay siguradong madadali ang kanilang trabaho lalo pa at ibinalita na ang isang vaccine ay 90 percent na epektibo base sa ginawang trial.

 

“The organizing committee is not disconnected from society… and I heard the vaccine news,” ani Tokyo 2020 Games delivery officer Hidemasa Nakamura.

 

“And the organizing committee is feeling the same as you probably felt, positive sentiment and relief,” dagdag pa nito.

 

Nagkagulo ang global markets matapos sabihin ng US pharmaceutical giant Pfizer na maganda ang resulta ng vaccine at 90 percent itong epektibo sa isinagawang clinical trial sa 40,000 recipients para sa paghahanap ng vaccine.

Suggested prices sa mga noche buena products inilabas na ng DTI

Posted on: November 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INILABAS na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang suggested retail price (SRP) ng mga noche buena products ngayong 2020.

 

Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, napakiusapan nila ang mga manufacturers na ang gagamiting presyo ngayong taon ay parehas din noong 2019.

 

Isa aniya itong paraan para matulungan ang mga consumers na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

 

Maipapatupad ang nasabing presyo sa Disyembre 15 dahil sa nasabing panahon ay doon marami ang namimili para sa kanilang mga handa.

 

Halimbawa lamang sa mga Noche Buena products na kabilang sa DTI SRP list ay mga ham, fruit cocktail, cheese, sandwich spread, mayonnaise, keso de bola, spaghetti pasta, elbow and salad macaroni, spaghetti sauce, tomato sauce, creamer at iba pa.

 

Samantala, mayroon namang inilaan ang ahensiya ng hanggang limang araw para i-adjust ng mga ahensiya ng kanilang mga presyo.

 

Tiniyak din ng DTI na mahigpit nilang babantayan ang mga negosyante kung ito ba ay naipapatupad ng tama.

Sports‘Facilities na ginamit sa 2019 SEAG, posibleng ginamit sa korapsyon’ – Sen. Hontiveros

Posted on: November 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HINDI na nakapagpigil pa si Sen. Risa Hontiveros na tawagin ang pansin ng kaniyang mga kapwa senador tungkol sa sports facilities na itinayo ng gobyerno noong 2019 South East Asian Games.

 

Ayon kay Hontiveros, base sa kanyang pagsisiyasat ay kapansin-pansin umano ang degree of collusion sa pondo at konstruksyon ng proyekto sa New Clark City.

 

Sa isinagawang plenary session ng Senado kahapon, inilatag ng senador ang mga umano’y posibleng dahilan kung bakit kailangan ng full- scale investigation.

 

Naniniwala raw ito na peke ang naging joint venture sa pagitan ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at MTD Capital Berhad, isang Malaysian infrastructure developer. Kinuwestyon dito ng senadora kung Joint Venture Agreement ba talaga ang nangyari sa dalawa dahil dapat daw ay may ambag ang lahat ng kasali rito.

 

Pinasusuri rin nito kung ano ang mga naging ambag ng “partners” na BCDA at MTD Berhad.

 

Kung ang ambag kasi aniya ng BCDA para sa nasabing joint venture ay ang lupang gagamitin para sa proyekto, dapat naman ang sagot ng MTD Berhad ang kapital sa pagpapatayo ng pasilidad dito.

 

Tinatayang aabot ng P8.5 billion ang dapat ilabas ng nasabing Malaysian firm para sa konstruksyon ng proyekto. Subalit, ayon umano sa pagsasaliksik ng kampo ni Hontiveros ay mukhang hindi sa kanila nanggaling ang pera.

 

Ang pera raw kasi na ginamit para sa proyekto ay mula sa Development Bank of the Philippines, na siyang nagpa-utang ng P9.5 billion sa MTD Berhad. Wala na nga raw cash-in ang MTD Berhad ay n dinagdagan pa ng isang bilyong piso ang kanilang proposal.

 

Tinanong din ng senadora kung saan kinuha ng MTD Berhad ang kanilang pambayad sa P9.5 billion nitong utang.

Stevedore binaril sa ulo ng 2 lalaki, patay

Posted on: November 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

DEDBOL ang isang 22-anyos na stevedore matapos barilin ng dalawang lalaki nangingikil at nambabanta sa mga trabahador sa Market 1 nang tumanggi umanong magbigay ng isda ang biktima sa mga suspek sa Navotas Fish Port Complex (NFPC), Navotas city.

 

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, dead- on-the-spot si Roel Batiancila ng BGA Compound, NFPC, Brgy. NBBN sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo.

 

Batay sa imbestigasyon, habang naghahakot ang biktima ng mga batya na puno ng isda sa loob ng St. Joseph Consignacion, Market 1 dakong 1:30 ng madaling araw nang lumapit ang mga suspek na si Justin Morales, 20, at Jayson Caspi, 19, saka humingi ng mga isda sa kanya.

 

Nang tumanggi umano ang biktima, isa sa mga suspek ang naglabas ng baril at binaril si Batiancila sa ulo na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan.

 

Sa hot pursuit operation ng mga tauhan ng Northern Maritime Police Station sa pangunguna ni P/Lt. Erwin Garcia sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Maj. Rommel Sobrido ay natunton ang mga suspek sa loob ng Market 3 subalit, bago tuluyang naaresto ay nagtangka pa ang dalawa na makipagbarilan sa mga pulis.

 

Ani PSMS Bong Garo II, narekober sa mga suspek ang isang caliber .38 revolver na karagado ng tatlong bala at tatlong basyo ng bala sa cylinder. (Richard Mesa)

Liza, nag-reflect kaya nag-break muna sa social media

Posted on: November 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

LAST November 10, muling nag- post si Liza Soberano sa kanyang twitter account pagkaraan ng ilang linggong pananahimik matapos na masangkot sa isyu ng ‘red tagging’.

 

Post niya, “Hi everyone! Sorry I’ve been MIA for a while. Just savoring the time I have with the people most special to me. Smiling face But I do constantly have all of you at the back of my mind and I just want to say thank you so much for all the love and support everyone has been showing me this past month.

 

“It’s honestly been a very trying time for me and I wanted to express how I was feeling with all of you but it was just too soon for me. I needed to take a break and think about life, my goals and what I think my mission is in life.”

 

Agad namang nag-react ang netizens sa kanyang pinost:

 

“Liza deserves the break. Stressful nga naman yung ginawa sa kanya. Ok na ring nag wean off muna sa social media. Focus na lang muna sa studies at paggawa ng content.

 

“Yan ang gusto ni Parade, ang manahimik ang celebrities. So make some noise, Liza!”

 

“In fairness naman sa kanya kahit di sya nag-twet-weet consistent pa rin sya about sa pag like at rt/ig stories ng social issues. I really like her sana more artist like her.

 

“Lesson learned for you Liza. Next time do some research first before you put your thoughts out there. It’s not good to be so focused on social media. Divert your energy on things that matters most like your family, studies and anything to improve yourself.

 

“‘Wag ka ng magpagamit sa Gabriela or any organization na hindi neutral. you can have a voice on your own platform kasi sikat ka naman. may socmed accounts ka. may youtube channel ka. make use of those platforms. in this way, you are apolitical.

 

“Kelangan may paganito pa. Feeling important che.

 

“Important naman talaga si girl kaya nga ni red tag eh.

 

“Tagal na absent, wala naman talaga work.”

 

“Sa social media kasi. Nagbabasa ka ba?”

 

“Habaan mo pa pagrereflect para tahimik buhay mo. Some people just needs to get off social media if they cant keep their mouth shut. Kasi pagka me naririnig na sila nasestress out agad.

 

“Is she feeling that no one is actually longing for her???”

 

“Malalaos nalang si Liza with the non-renewal of abs cbn franchise if she or her management won’t do something about it ngayon palang. Hindi din naman kayo pwedeng i-absorb lahat ng GMA, hindi nila kakayanin. Nuon pa kasi sya sinasabihan na magtry sa hollywood pero ayaw nyo…

 

“Magtry ka mag-audition for roles, hire an agent and magparamdam ka dun tutal taga dun ka naman sa Santa Clara di ba and you’re half-american. Lalo in your case na yung mother mo ang amerikana, hindi pilipina so hindi ka masyadong makakaramdam ng discrimination lalo na sa mga white girls.

 

“Hindi pwedeng antayin mo lang makabalik sa ere ang abs kasi hindi sure kung kelan yun at kung makabalik man sila, hindi na katulad ng dati ang power nila kasi nabasag na.

 

“She’s not in demand. Her exposure is not missed maybe only to her followers. She is not one of those artists that are visibly busy as far as endorsements, shows, movies. But its good to reasses where you are especially when you are not raking in bankable receipts in your craft. Good luck to her and Enrique. Their loveteam is stale. Good looking they are but they lack the curiosity and the enthusiasm of people to enquire about them. Again all the best to them.

 

“next time dont make patol ka stress yan not worth pumatol SILENCE IS A VIRTUE.”

 

“No need for the post Liza. Just go if you’re having a break. No need to announce. Others just go on a break without giving notice. Like your bf, he’s always on absence yet he doesn’t need to announce. Both of you just enjoy your break and just simply come- back whenever you want to. If you want both of you can have “Bongga” comeback or lowkey comeback, don’t stress yourself if you’re really on a break duh…” (ROHN ROMULO)

Phoenix Suns target si Chris Paul

Posted on: November 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KINAUSAP ng Phoenix Suns ang Oklahoma City Thunder sa posibleng pagkuha nila kay All-Star point guard Chris Paul.

 

Maganda umano ang naging pag-uusap ng dalawang koponan pero wala pa umanong namumuong deal, ayon sa source.

 

Matatandaang iniligay din dati ng Thunder sa trade market sina Paul George at Russel Westbrook at ngayon handa na rin itong i- trade si Paul.

 

May mga mahuhusay na young roster sa pangunguna ni Devin Booker at Deandre Ayton ang Phoenix Suns kung saan maganda ang naging performance nito sa NBA bubble sa Orlando.

 

Bukod sa mga mahuhusay na batang manlalaro, ibinida rin ng Suns na malapit nang matapos ang first phase ng ginawang $230 million renovation ng Talking Stick Resort Arena. Target ding buksan ng Suns ang kanilang bagong $45 million state-of-the- art practice facility ngayon buwan.

 

Magkakaroon ng sobrang $20 million sa salary-cap space ang Suns ngayon transaction season na nagbigay sa kanila ng posibilidad na magkaroon ng magandang trade at makahanap ng free agents.