• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 20th, 2020

Ads November 20, 2020

Posted on: November 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pagkuha o pagbili ng Covid-19 vaccine ng Pilipinas mas mapapabilis

Posted on: November 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAS  mgiging madali na para sa bansa ang pumili at bumili ng Covid-19 vaccine.

 

Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte makaraan niyang italaga si Finance Sec. Carlos Dominguez na maging katuwang ni Sec. Carlito Galvez sa pangangasiwa ng bibilhing bakuna sa ibang bansa.

 

Ang paliwanag ng Chief Executive, mahalaga rin ang gagampanang papel ni Sec. Dominguez sa pagbili ng bakuna ng bansa dahil nangangailangan aniya ito ng Budget allocation.

 

Sinabi ng Pangulo na kaya niya itinalaga si Sec. Dominguez na maging katuwang ni Sec. Galvez ay upang matiyak na mayroong sapat na pondo ang gobyerno para bumili ng de-kalidad at epektibong bakuna laban sa Covid-19.

 

Samantala, muli namang sinabi ni Pang. Duterte na mayroon nang nadiskubreng bakuna at nabigyan na aniya siya ng opsyon kung paano makakakuha nito ang Pilipinas. (Daris Jose)

TWG binuo ng DCC subcom upang pagsama-samahin ang mga panukala sa programang “balik-probinsya”

Posted on: November 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Isang technical working group (TWG) ang binuo ng New Normal Cluster of the Defeat COVID-19 Ad-Hoc Committee (DCC) sa kamara para pagsasama-samahin ang limang panukala na naglalayong buuin ang Balik Probinsya Program.

 

Ito ay ang House Bills 6762, 7072, at 7111 na bubuo sa “Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa” Program; HB 6970 na naglalayong gawaran ng mga insentibo ang mga kompanyang magtatayo ng mga bagong negosyo, magpapalawig o maglilipat ng operasyon sa kanilang negosyo sa ilalim ng Balik Probinsya Program bilang pagtugon sa Philippine Recovery and Rural Development (PRRD); at ang HB 7310 na naglalayong itatag ang Balik Probinsya Financial Assistance Fund Program.

 

Sinabi ni RECOBODA Party-list Rep. Godofredo Guya, isa sa may-akda ng HB 7072, na ang mga oportunidad sa mga kanayunan ay limitado, kakulangan sa mga imprastraktura na susuporta sa inaasahang pagdagsa ng mga tao, at maliit o kawalan ng insentibo sa mga taong mahihikayat na bumalik sa kanayunan na maaaring makaakit sa mga tao.

 

Sa mga kadahilalang ito, sinabi ni Guya na dapat lamang na isaayos ang pangangailangang pundasyon sa implementasyon ng Balik Probinsya Program.

 

Para kay Subcommittee Chair at Deputy Speaker Loren Legarda, ang pandemya at ang mga nanalasang bagyo sa bansa at kalamidad ang nagbigay ng pangangailangan upang paunlarin ang mga polisiya at gawin itong pantay at “hindi lamang nakatuon sa NCR.”

 

“Dapat ay magkaroon ng pantay-pantay na kaunlaran sa lahat ng rehiyon – pantay, mapanatili, matatag, at luntiang kaunlaran sa mga rehiyon,” ani Legarda. (ARA ROMERO)

MURDER SUSPEK AT TOP 5 MOST WANTED SA MAYNILA, INARESTO SA CEBU

Posted on: November 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TUMULAK pa sa  Cebu City ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) upang arestuhin ang isang 18-anyos na High School student at Top 5 Most Wanted Person sa Cebu City.

 

Sa bisa ng Alias warrant of arrest na insyu ni Hon. Jose Lorenzo Dela Rosa ng RTC Branch 4, Manila, inaresto si Ivhan Abel Candelario, alias Ivan Candelaria, binata at residente ng Brgy Lataban, Liloan Cebu City sa kasong Murder.

 

Sa ulat, dakong alas-10:45 Martes ng gabi nang naaresto ang suspek ng pinagsanib ng puwersa ng MPD-Station 12 at Liloan Municipal Police Station sa Purok Sunshine, Brgy Lataban, Liloan, Cebu City.

 

Nauna dito, isang informant ang nagsabi na ang suspek ay namataan sa nasabing lugar dahilan upang tumulak ang MPD sa lugar at nakipag-koordinasyon sa Liloan police na siyang nakakasakot sa lugar upang isilbi ang alias warrant of arrest laban sa suspek.

 

Unang dinala ang suspek sa Liloan Municipal Police Station bago ibinalik sa court of origin.

 

Walang  inirekomendang piyansa laban sa suspek. (GENE ADSUARA)

3×3 basketball players ng bansa nasa Qatar na para sa 2020 FIBA 3×3 world tour

Posted on: November 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nasa Qatar na ang Manila Chooks TM squad para sa pagsabak nila sa 2020 FIBA 3X3 world Tour Doha Masters.

 

Kinabibilangan ito nina Joshua Munzon, Alvin Pasaol, Troy Rike at Santi Santillan.

 

Naging pahirapan ang kanilang pagbiyahe dumating lamang ang kanilang bisa anim na oras bago ang kanilang biyahe.

 

Sinabi ni Chooks-To-Go Pilipinas 3×3 league owner Ronald Mascarinas, na gumawa ng paraan sina FIBA 3×3 senior manager Ignacio Soriano at 3×3 event and partners associate Valentina Mattoli para makakuha ng visa ang mga manlalaro kahit na sila ay kasalukuyang nasa Spain.

 

Pagdating nila sa Qatar ay sasailalim sila sa mandatory room quarantine sa kanilang hotels at makakalabas lamang sila kapag natanggap na nila ang resulta ng kanilang RT-PCR tests.

 

Ang mga manlalaro na mula sa Zamboanga City ay nagkampeon noong nakaraang linggo sa Chooks-To-Go Pilipinas 3×3 President’s Cup.

Philippians 2:10

Posted on: November 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

At the name of Jesus, every knee must bend.

Heart, patuloy ang pamimigay ng libreng tablets sa mga kabataan

Posted on: November 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SA pamamagitan ng Big Heart PH project, patuloy na dumarami ang mga estudyanteng naa- abutan ng tulong ng Kapuso star Heart Evangelista sa pamamagitan ng libreng tablets na magagamit nila sa online classes sa isinasagawang distance learning ngayong taon dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.

 

Sinimulan ni Heart ang initiative na ito noong Hulyo para mabigyan ng pagkakataon ang mga underprivileged kids sa iba’t ibang komunidad sa bansa na ituloy ang kanilang pag-aaral.

 

Inanunsyo ng aktres sa kaniyang social media pages na magkakaroon na naman siya ng panibagong batch ng tablets na ipapamigay.

 

“I’m so thankful that I’m given opportunities to give back to those most in need during times like these. For this recent 2nd batch that was launched last Nov. 9, I’ll be tying up with Cherry Mobile to give away another 500 Cherry tablets with free data to more students in need of a device! Just make sure to stay updated with and follow Big Heart PH to find out how you can avail your own Cherry tablet along with free data!”

 

*****

 

BAGO pa man siya manalong grand champion ng ‘The Clash’ Season 2, matagal nang pinapangarap ng Kapuso performer na si Jeremiah Tiangco ang umawit sa Christmas Station ID ng GMA Network.

 

Kaya naman umaapaw ang saya niya nang sa wakas ay natupad na niya ito sa “Isang Puso Ngayong Pasko.”

 

Nakasama ni Jeremiah sa pagkanta rito ang The Clash judges at hosts na sina Christian Bautista, Aiai Delas Alas, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Golden Cañedo, at iba pang The Clash alumni.

 

Sa isang Instagram post, inihayag ni Jeremiah ang kanyang pasasalamat.

 

“Thank you @gmanetwork @artistcenter for this wonderful experience. Parang dati pinapangarap ko lang na makasama sa isang Station ID. Dati, pinapraktis ko lang songs nila para gamitin sa caroling. Hahaha! Ngayon totoo na talaga ‘to!”

 

Kasalukuyang napapanood si Jeremiah sa weekend variety show na All-Out Sundays. Mapapakinggan din ang kaniyang first-ever single under GMA Music na ’Titulo’ sa Spotify, Apple Music, YouTube Music, at iba pang digital streaming platforms worldwide.

 

*****

 

PITONG pelikula mula sa GMA Network ay muling mapapanood sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) Festival mula November 20 to December 13.

 

Ang naturang online film festival ay organized ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

 

Sa Main Feature Film Showcase, 90 full-length features under 12 categories: Premium, Classics, Documentary, Romance, Youth and Family, Genre, From the Regions, Pang-Oscars, Tribute, Bahaghari, PPP Retro, and Special Feature.

 

Ipapalabas ang Moments of Love nina Dingdong Dantes at Iza Calzado; Family History nina Michael V. at Dawn Zulueta; Jose Rizal ni Cesar Montano; Saranggola with Ricky Davao; Sa Pusod Ng Dagat starring Jomari Yllana, Chin-Chin Gutierrez and Elizabeth Oropesa; Deathrow with Cogie Domingo and the late Eddie Garcia; and Muro- Ami starring Cesar Montano.

 

These movies are offered by PPP to paid subscribers through their scheduled livestream screenings in four virtual cinemas in the FDCP Channel online.

 

To register and secure a slot, visit FDCP Channel’s website: https://fdcpchannel.ph/ and check GMA Network’s social media pages for updates. (RUEL J. MENDOZA)

PUSLIT NA SIGARILYO, NASABAT NG COAST GUARD

Posted on: November 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NASABAT  ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kahon-kahong puslit na sigarilyo sa katubigang sakop ng barangay Bato-Bato, Indanan, Sulu.

Ayon sa ulat ng PCG, nagsasagawa ng coastal security patrol ang PCG nang maharang ang motor  na ML FAIDA  sakay ang siyam nitong tripulante.

Dahil wala ang kanilang kapitan at wala silang safety certificate na iniisyu ng PCG sa kabila na may sakay itong 39 master cases ng puslit na sigarilyo kaya agad itong ininspeksyon ng coastal security patrol team na nakipag-ugnayan naman sa PCG Station sa Sulu bago dalhin sa Port of Julu ang nasabing bangka.

Sa Port of Julu, dumating din ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC)  para sa inventory at tamang disposisyon ng mga smuggled goods.

Patuloy ang pagsisikap ng PCG at BOC sa mga border  upang mapighilan ang mga smuggling, customs fraud, human trafficking at iba pang illegal na aktibidad sa mga baybaying sakop ng Pilipinas. (GENE ADSUARA )

P52.1-M relief assistance naibigay na sa mga biktima ng bagyong Ulysses – DSWD

Posted on: November 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Umaabot na sa P52.1 million ang relief assistance ang naipagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan ng bagyong Ulysses.

 

Sinabi ni DSWD Sec. Rolando Bautista, naipamahagi ang mga tulong partikular ang food at non-food items sa regions 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, region 5, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR).

 

Ayon kay Sec. Bautista, sa kanilang Region 2 Field Office ay nakapamahagi na ng P19 million na halaga ng ayuda habang sa Bicol region ay P17 million, sa CALABARZON Field Office ng DSWD ay P11.2 million at sa NCR Field Office ay P7 million.

 

Inihayag pa ni Sec. Bautista na ang mga ibinigay nilang food and non-food item ay bilang augmentation support sa mga local government units (LGUs) na lubos na naapektuhan ng kalamidad at ang mga ito naman umano ay idineploy at ipinamahagi sa mga apektadong residente sa pamamagitan ng land, air at sea assets ng pamahalaan.

 

Maliban sa pagkain, nagkakaloob din ang ahensya ng psychosocial support at stress debriefing sa mga naapektuhang mga residente. (ARA ROMERO)

3 drug suspects huli sa baril at shabu

Posted on: November 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang ginang ang arestado matapos makuhanan ng baril at halos sa P.2 milyon halaga ng shabu sa loob ng isang sasakyan sa Malabon City, kamakalawa ng umaga.

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang mga naarestong suspek na si Edwin Ramos, 37, driver ng San Nicolas 1st Lubas, Pampanga, Mary Jane Susi, 44, fish dealer ng Kataning Hermosa, Bataan at Karen Araniego, 40 Mangan-Baka, Subic, Zambales.

 

Sa imbestigasyon ni PMSg Randy Billedo, habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Malabon Police SS-4 sa pangunguna ni PSSg Raymond Siatrez sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Rommel Adrias sa pamumuno ni Col. Rejano dakong 8:50 ng umaga nang makatanggap sila ng text message mula sa TOC hinggil sa umano’y nagaganap na ilegal drug activity sa loob ng isang nakaparadang sasakyan sa harap ng Multi-Purpose Hall sa Sanciangco St., Brgy. Catmon.

 

Kaagad rumesponde sa naturang lugar ang mga pulis at nang lapitan nila ang naturang sasakyan ay nakita nila si Ramos na may nakasukbit na baril sa kanyang bewang kaya’t agad nila itong inaresto, kasama ang dalawang babae.

 

Nakumpiska ng mga pulis sa mga suspek ang umaabot sa 22.45 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P152,660.00 ang halaga, ilang drug paraphernalias, P100,000.00 cash, digital weighing scale, 3 cellphones, isang cal. 9mm pistol na may isang magazine na kargado 11 bala at isang Toyota Wigo na may plakang (CDI 5383).

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Comprehensive Law on Firearm and Ammunition. (Richard Mesa)