• July 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 9th, 2020

Maging positibo pa rin – Gaston

Posted on: December 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SIYAM na buwan sa buwang ito ang Coronavirus Disease 2019 o Covid-19 na pumerwisyo sa mundo sapul noong Marso ng taong ito.

 

Pero hindi pinanghihinaan  ng kalooban si University Athletic Association of the Philippines (UAAP) volleyball star Pauline Marie Monique ‘Ponggay’ Gaston, 23-anyos, dalaga at may taas na 5-10.

 

Sa Instagram account post niya nitong isang araw lang, rumampa ang Ateneo Queen Lady Eagle sa bubong ng kanilang tahanan, tumingala sa kalangitan at puno ng pag-asang nanalanging bubuti pa rin ang lagay sa daigdig sa mga parating na araw.

 

“Better days are coming,” litanya ng anak na dating Philippine Basketball Association (PBA) player at opisyal ng Games and Amusements Board (GAB) na si Matthew ‘Fritz’ Gaston. (REC)

Tiamzon umayuda sa mga taga-Bicol

Posted on: December 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAGPADALA ng tulong sa isa sa mga sinalantang lugar ng ilang dumaang bagyo sa bansa si Premier Volleyball League (PVL) ace skipper Nicole Anne Tiamzon na nang magpunta sa Bicol.

 

“Tagal ko ng gusto magpunta ng Albay para makita ang Mayon. Pero hindi ko inaasahan na sa unang pagbisita ko sa probinsya ay maghahatid pala ako ng relief goods para sa mga kababayan natin doon,” post ng BanKo Perlas Spikers open hitter sa Instagram niya Linggo.

 

Hinirit ng 25-taong gulang,may taas na 5-6 na dalagang balibolista:

 

“Nakita ko mismo ‘yung mga bahay na mga sinalanta ng bagyo pati ang malalaking bato na gumulong at sumira sa kanilang mga bahay.”

 

Pinapurihan at pinasalamatan naman ni Tiamzon ang mga nakasangga niya sa pagpunta sa naturang lalawigan na kinabibilangan ng Spike and Serve Philippines Inc., Volleyball Community Gives Back at BanKo Perlas Spikers.  (REC)       

Alden, naalala kung paano nahirapan sa umpisa 10 years ago

Posted on: December 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Kahit na ang mga unang taon sa industriya ay hindi naging madali para kay Alden Richards, hindi siya sumuko para marating ang kanyang mga pangarap.

 

Ngayong 2020, 10 years na si Alden sa showbiz.

 

At malinaw pa sa kanya kung paano siya nangarap noon.

 

“When I was starting, ang dami kong panga­rap, ang dami kong gustong mangyari sa buhay ko noon,” the Kapuso homegrown talent recalled. “As I go along the 10 years that I’ve been here, unti-unti siyang natutupad because of the support of the people,” dagdag niya.

 

“My struggles pushed me to work hard para marating ko kung ano man ang narating ko ngayon. That’s what keeps my feet on the ground. Kasi if not for those hardships and struggles, hindi ko mararating kung ano ‘yung narating ko ngayon. So I really owe it to those moments. I don’t regret any of those moments that happened to me in the past.”

 

And 10 years later, binigyan siya ng title ng GMA 7 na Asia’s Multimedia Star.

 

Bukod sa isa sa premier actors ng bansa, tinuturing na rin siyang top celebrity endorser, host, an award-winning performer, a chart-topping recording ar­tist, a record-breaking box office star, at successful businessman na rin.

 

At para i-celebrate at magpasalamat sa mga sumusuporta sa kanyang isang dekada sa industriya na ngayon ay dumadaan din sa krisis dahil sa pandemya, handang-handa na si Alden para sa first ever virtual reality concert – Alden’s Reality – happening tomorrow, December 8, Mama Mary Day.

 

Kasabay nito ang debut of his latest single – Goin’ Crazy na collaboration between Alden, GMA Music, and FlipMusic Productions. “I’ve done a few singles in the past but this is one of my favorites. It’s very timely, especially because we’re all in community quarantine right now. Sobrang chill lang and I enjoyed recording it,” banggit ng actor tungkol sa kanyang bagong kanta.

 

“Malaki po ang pasasalamat ko sa tiwalang ibinigay sa akin at sa suporta ng mga tao throughout my career. I’m really grateful to them kasi I would never reach 10 years without these people. Kasi siyempre ang success is best experienced when you share it with other people who are with you. So doon po ako pinaka-blessed, to have people who encourage me, who give me unconditional love and support,” pagtatapos ni Alden.

 

Joining Alden as special guests sa kanyang virtual concert are brothers Rodjun and Rayver Cruz as well as OPM band December Avenue. The concert is directed by Paolo Valenciano.

 

Meanwhile, Goin’ Crazy will be available for streaming on YouTube Music, Spotify, Apple Music, and across all other digital platforms worldwide beginning December 9.

AstraZeneca, Clover, Janssen vaccines lusot na sa ethics review board: DOH

Posted on: December 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Aprubado na rin sa level ng Single Joint Research Ethics Board (SJREB) ang clinical trial application ng tatlong kompanya na nag-develop ng COVID-19 vaccines, ayon sa Department of Health (DOH).

 

Kinumpirma ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na nabigyan na ng clearance ang aplikasyon ng Janssen Pharmaceutical at AstraZeneca na mula Europe; at Clover Biopharmeuticals ng China, matapos dumaan sa evaluation ng SJREB.

 

“Inaantay na lang natin lahat na matapos ang evaluation nila, but for now we already have two vaccines na nagkaroon ng positive recommendations from vaccine expert panel, at may tatlong bakuna na naka-apruba na ng ethics review board,” ani Vergeire sa isang media forum.

 

Una nang naaprubahan ng Department of Science and Technology (DOST) vaccine expert panel ang aplikasyon ng Clover. Ibig sabihin umusad na sa Food and Drug Administration ang kanilang aplikasyon sa Food and Drug Administration.

 

Ang bakunang gawa rin ng Chinese firm na Sinovac Biotech ang isa pang tinukoy ni Usec. Vergeire na pumasa na sa VEP at naghihintay pa ng approval mula sa ethics review board.

 

Ipinaliwanag ng Health spokesperson na dapat aprubado muna sa parehong level ang mga aplikasyon bago ipasa sa FDA, na siyang magbibigay ng huling hatol kung dapat payagan ang bakuna na mapag-aralan sa mga Pilipino.

 

“Parallel ang pag-aaral (ng vaccine expert panel at ethics review board), kung hindi pa papasa sa kahit isa, hindi pa makakapasok sa FDA process. Kailangan aprubado (ng dalawa) bago makapasok sa FDA. Although (FDA) are gathering initial information about these five vaccines para nauumpisahan na rin nila yung documentary evaluation.”

 

Samantala, kinumpirma rin ni Usec. Vergeire na nagpasa na ng confidentiality data agreement ang American companies na Pfizer at Moderna.

 

“Yung sa Moderna nagkaroon tayo ng pagbabalik ng CDA ng DOST because mayroon tayong comments and we are awaiting for their response on this.”

 

“For Pfizer nakapagpirma na ang DOST through the Philippine Council for Health Research and Development ng CDA at pinadala na natin sa Pfizer ang CDA na ito for their consideration.”

 

Magugunitang lumagda ang private sector at pamahalaan ng kasunduan kamakailan para makapag-angkat ng higit 2.5-billion dose ng AstraZeneca vaccines sa susunod na taon. Ginawa ang paglagda ng tripartite agreement matapos bigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kapangyarihan ang FDA para sa emergency use authorization.

COVID-19 pandemic positibo ang epekto para kay Obiena

Posted on: December 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Kung negatibo ang pagtanggap ng mga tao sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay may ‘positibo’ naman itong epekto para kay Olympic Games-bound Ernest John Obiena.

 

Sa isang episode ng “For The Love of the Game” ay sinabi ni Obiena na binago ng COVID-19 ang kanyang katauhan at kaisipan.

 

“I learned a lot. I grew a lot as an athlete this year and as a person. It’s like you learned to appreciate the small things and kind a take it step by step,” wika ng 25-anyos na pole vaulter.

 

“I think that’s one of the good things that the pandemic brought to each one of us is to actually appreciate the small things that we normally wouldn’t even care,” dagdag nito.

 

Nagbalik na sa kanyang ensayo si Obiena sa kanyang training camp sa Formia, Italy sa ilalim ni Ukranian coach Vitaly Petrov matapos ang one-month break noong Oktubre.

 

Hindi pa nakakauwi ng bansa si Obiena matapos angkinin ang gold medal sa 30th Southeast Asian Games noong Disyembre.

 

Sa anim niyang podium finishes sa walong sinalihang torneo ngayong taon ay kumolekta ang 6-foot-2 Pinoy pride ng isang ginto, dalawang pilak at tatlong tansong medalya.

 

Ang nasabing gold medal ni Obiena ay sa 59th Ostrava Golden Spike competition sa Czech Republic kung saan naglista siya ng 5.74 metro.

Kabisera ng marathon sa Pilipinas

Posted on: December 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

LUMALABAS na ang Lalawigan ng Cebu ang puwedeng kilalaning ‘Marathon Capital of the Philippines’.

 

Nabatid ito ng OD mula sa mga na-Google na impormasyon, ang ilan ay sa mga nakuha ko pang detalye sa pagko-cover ng aking amang marathoner na si Ramil Cruz sa mga marathon sapul noong huling bahagi ng dekada 80s hanggang sa nakaraan lang na taon.

 

Pito nating mga naging Olympian marathoner buhat noong Mexico 19th Summer Olympic Games 1968 hanggang Rio de Janeiro 31st SOG 2016, tatlo ang mula sa Queen City of the South.

 

Sila ay sina Leonardo Illut na tumakbo sa 1984 Los Angeles at Roy Vence na kumaripas sa 1996 Atlanta sa men’s race, at si Mary Joy Tabal na nag-2016 RDJ sa women’s event.

 

Pinakamarami po iyan sa limang probinsya na naprodyus na Olympian marathon runner ng ‘Pinas.

 

Sa Southeast Asian Games, naka-gold medals din sina Vence, 54, ng Bogo City, at Tabal, 31, noong 2001 at 2017 parehong sa Malaysia, ayon sa pagkakasunod.

 

May dalawa pang silver at isang beornze medals sa SERAGames ang nakabase na sa Antipolo City na si Vence. Nag-silver din si Tabal sa 2019 SEAG sa Tarlac.

 

Sa talaan ng National MILO Marathon king and queens mulang unang edisyon noong 1974-42nd nitong Enero 2020, pinakamarami pa rin ang Visayan province na mayroong 14 na kampeonato sa Finals.

 

Nakawalo na si Vence , samantalang may anim si Tabal.

 

Dalawa ring taga-Cebu ang mga nakatakbo na sa Asian Games sa kabuuang apat na mga kumatawan sa ating bansa sa 42.196-kilometer footrace.

 

Si Vence na pumangwalo sa Busan 14th Asiad 2002, at Tabal na lumagay sa ika-11 sa Indonesia 18th AG 2018.

P55-M halaga ng shabu nasabat ng PNP DEG; 2 drug couriers arestado

Posted on: December 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nasa P55-million halaga ng iligal na droga ang nasabat ng tauhan ng PNP Drug Endforcement Group (DEG) sa dalawang drug couriers sa ikinasang buy-bust operation sa Paranaque City noong, December 5,2020.

Ang dalawa ang nasa likod sa pag-transport ng mga iligal na droga mula Metro Manila patungong Mindanao.

 

Kinilala ni PNP DEG Director BGen. Ronald Lee ang dalawang naarestong drug suspeks na sina Marlon Bayan, 32-anyos tubong Camarines Norte at Guimalodin Ebrahim, 27-anyos mula sa bayan ng Talitay sa Maguindanao.

 

Nakuha sa posisyon ng dalawa ang nasa walong kilo ng high grade shabu at ang sasakyan na Ford Ranger na siyang ginagamit sa pag-transport ng illegal drugs.

 

Sa report ni Lee kay PNP Chief Gen. Debold Sinas, naging matagumpay ang operasyon matapos pumayag ang dalawa na bentahan ang police poseur buyer ng malaking halaga ng shabu.

 

Batay sa report ng PDEG ang mga nahuling suspeks ay mga regular couriers ng shabu mula Manila patungong Mindanao. (ARA ROMERO)

Pia Wurtzbach, ‘not engaged & not pregnant’

Posted on: December 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Tinapos na ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang mga ispekulasyon hinggil sa umano’y ikakasal na sa bagong foreigner boyfriend.

 

Ayon sa 31-year-old half German beauty na tubong Cagayan de Oro, marami ang nagbigay-kulay sa nakaraang “5 weeks countdown” ng Venezuelan businessman boyfriend niyang si Jeremy Jauncey.

 

Gayunman, patungkol aniya ito sa kanilang unang Pasko bilang magkasintahan na magkasama at hindi ‘yaong buntis na raw.

 

“He is very matter of fact, it actually meant till Christmas!” natatawang sambit nito sa khaleejtimes.

 

Dagdag nito, “I’m not engaged or anything like that. I’m not pregnant! It’s literally us spending Christmas together. It will be the first time I will be spending Christmas with him and I’m excited to experience that.”

 

Buwan ng Oktubre nang maging palaisipan sa fans ng magkasintahan ang pahiwatig ni Jauncey na mayroon silang malaking rebelasyon ano mang oras o araw.

 

Sa iba’t ibang social media, nariyan ang hula na engaged na ang dalawa, o ‘di kaya ay buntis daw ang pangatlong Pinay Miss Universe, habang may mga nagsabi na baka bagong proyekto lamang ng magkasintahan.

 

Una rito, makabuluhan ang pahayag ni Jeremy Jauncey na maraming dapat ipagpasalamat kabilang ang kalusugan, career, at pamilya, bagay na sinang-ayunan ni Wurtzbach.

 

“Yes my love 😊 exciting times ahead ❤️” sagot ng pangatlong Pinay Miss Universe.

 

Ang 34-years-old na si Jauncey ay lumaki sa Scotland at Chief Executive Officer ng isang multi-platform travel content brand.

Catriona, personal na ipinaabot mga donasyon para sa typhoon victims sa Bicol

Posted on: December 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Kakaiba sa pakiramdam kung ilarawan ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray ang pisikal na presensya sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.

 

Pahayag ito ng 26-year-old half Australian beauty na tubong Albay sa kanyang pagbisita mismo sa Camarines Sur at Catandunates upang ipamahagi ang mga nalikom na donasyon para sa mga biktima partikular ng Typhoon Ulysses.

 

Kabilang sa mga ipinamigay ng pang-apat na Pinay Miss Universe ang mga shelter tool kits at cash grant na mula sa mga donor mula sa bansa at maging sa abroad.

 

“Traveled with @philredcross to typhoon effected areas Cam Sur and Catanduanes  to be present in the giving of Multipurpose Cash Grant and Shelter tool kits. And I just want to say THANK YOU to all of our donors, locally and abroad, who have come together to give to our typhoon-affected kababayans. 🙏 It’s one thing to call for awareness and donations on my platforms, but a completely different thing to be present in person when the aid is given,” saad ni Gray.

 

Kung maaalala, naging “double purpose” ang pagtungo ni Cat sa Colombia kung saan siya ay nagsilbing judge sa pageant doon atdumuog din sa Red Cross Colombia kung saan personal nitong binanggit ang fundraising activities ng Philippine Red Cross.

 

Welcome back Errol Spence — Pacquiao

Posted on: December 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Matagumpay ang pagbabalik-aksyon ni World Boxing Council (WBC) at International Boxing Fe­deration (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr.

 

Naitarak nito ang unanimous decision win laban kay Danny Garcia upang mapanatili ang kanyang dalawang hawak na korona kahapon sa AT&T Stadium sa Arlington, Texas.

 

At walang iba kundi si eight-division world champion Manny Pacquiao ang unang bumati sa tagumpay ni Spence na galing sa ilang buwang pagkakabakante matapos masangkot sa car accident noong nakaraang taon.

 

“Welcome back, Errol Spence Jr. Congratulations on your victory,” ayon sa post ni Pacquiao sa kanyang social media ccount.

 

Nanood si Pacquiao ng laban nina Spence at Garcia.