• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 20th, 2021

Pinas, nakatipid ng $700 million sa pagbili ng COVID-19 vaccine- Galvez

Posted on: January 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKATIPID ang pamahalaan ng $700 million sa pagbili ng COVID-19 vaccines.

Ipinagmalaki ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na nakatipid ang gobyerno sa pagbili ng bakuna dahil sa maayos na negosasyon ng pamahalaan.

Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte , Lunes ng gabi ay sinabi ni Galvez na nakatipid ang pamahalaan ng $700 million sa vaccine deals kung saan ay naibaba nila ng kalahati ang alok na presyo para sa bakuna.

“Noong kinompute ko po lahat ng mga brand, lumalabas po na naka-save po tayo ng $700 million. Meaning, ‘yong kanyang offer price naibaba po natin ng halos kalahati kaya po ang nangyari po ‘yong dati po, ‘yong plano po namin ni Secretary Duque na 70 million doses, umabot po ng 148 million doses,” ayon kay Galvez.

“Doon po napakita na maganda po ang presyo natin na nakuha. Halos lahat po ng prices, advantage po tayo,” dagdag na pahayag nito.

Giit ni Galez, malinis ang COVID-19 vaccine purchase deals dahil mahigpit nilang sinunod ang stringent measures.

Binigyang diin nito na hindi niya hinawakan ang anumang pondo na may kinalaman sa negosasyon sa pagbili ng COVID-19 vaccines.

“‘Yong deal po natin talaga pong sinasabi po natin sa ating mga tao, sa ating mamamayan na malinis po ‘yong deal natin at tsaka… wala po akong hawak na pera,” ang pahayag ni Galvez.

“Wala po tayong hinahawakan na pera. Ang pera ang magbabayad, bangko. Alam po natin na ang transaction ng bangko ay malinis po ‘yan. Hindi po tayo magkakaroon ng tinatawag nating corruption because of the World Bank integrity at tsaka po ‘yong Asian Development Bank,”aniya pa rin.

Aniya pa, kinumbinsi ng World Health Organization ang mga vaccine manufacturers na gawing available ang mga bakuna ng walang tubo.

Pumayag naman aniya ang mga pharmaceutical firms sa “no profit, no loss principle.”

“Yong ginawa po nating negosasyon, napaka-deliberate po at tsaka maganda po talaga. In fact, mapapangako ko po sa ating mahal na kababayan na ang lahat ng mga negosasyon at cost. Meaning, almost no profit,” ani Galvez.

Sa kabilang dako, sa gitna nang pag-aalinlangan sa halaga ng Sinovac COVID-19 vaccine, sinabi ni Galvez na ang presyo nito ay hindinalalayo sa presyo na ibinigay sa ibang bansa.

Ang paliwanag ni Galvez na ang Thailand ay maaaring nakakha ng “cheaper price” para sa Sinovac COVID-19 vaccine dahil maaaring mayroon na itong filling station para sa mga bakuna.

Aniya, ang pagkakaroon ng filling station ay nangangahulugan na ang manufacturer ay magdadala na lamang ng raw materials at ang bakuna ay kaagadd na ilalagay na kumpleto sa filling station.

“May capability po sila (Thailand) ng manufacturing po doon. Most likely, ‘yong kanilang arrangement is may filling station kaya nakamura po sila,” ani Galvez.

Sinabi pa ni Galvez na ang bakuna ay maaaring bilhin ng murang halaga kung ang pamahalaan ang siyang mismong hahawak ng freight at kukuha ng bakuna mula sa manufacturer. (Daris Jose)

Reyes tutumbok sa Enero 23

Posted on: January 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-AARALAN ni Efren ‘Bata’ Reyes at kanyang pamilya na ipatimbog sa mga awtoridad para kasuhan ang nagpakalat ng fake news sa social media nitong Sabado na patay na ang alamat ng bilyar.

 

Nakatakdang sumargo pa ang 66-anyos na, may taas na 5-9 cue artist kapareha si Ronato ‘Ronnie’ Alcano upang kalabanin ang kumpareng si Francisco ‘Django’ Bustamante na tatambal kay Carlo Biado sa Sharks 10-Ball Showdown, isang race-to-25 Scotch doubles sa buwang ito.

 

Tutumbok ang kompetisyon na ieere sa Sharks FaceBook page simula sa alas-3:00 nang hapon sa darating na Sabado, Enero 23. (REC)

DND, pinutol na ang kasunduan sa UP na nagbabawal sa PNP at AFP sa mga campuses nila

Posted on: January 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinutol na ng Department of National Defense (DND) ang 31-taon na kasunduan sa University of the Philippines (UP) na pagbabawal sa mga pagpasok ng mga kapulisan at kasundaluhan sa mga campuses kapag walang koordinasyon sa mga opisyal ng unibersidad.

 

Sa sulat ni DND Secretary Delfin Lorenzana kay UP President Danilo Concepcion, sinabi ito na ang nasabing desisyon ay bunsod sa mga natanggap nilang ulat na may mga komunista ang nanghihikayat umano sa mga estudyante na sumapi sa kanila.

 

Kailangan aniyang isakprisyo ang mahigit na tatlong dekada na kasunduan para mailigtas ang mga mag-aaral sa itinuturing na kalaban ng gobyerno.

 

Isa aniyang hadlang ang nasabing kasunduan para makapagbigay ng seguridad at kaligtasan sa mga mag-aaral.

 

Mayroon aniyang mga UP students na sumasapi sa Communist Party of the Philippines at New People’s Army kung saan ang iba sa kanila ay napapatay sa military operations.

 

“By reason of national security and safety of Up students, this Department intends to remedy this situation by terminating or abrogating the existing “Agreement” in order for us to perform our legal mandate of protecting our youth against CPP/NPA recruitment activities whose design and purpose is to destroy the democracy we have all fought for,” bahagi pa ng sulat. “The Department of National Defense only wants what is best for our youth. Let us join hands to protect and nurture our young people to become better citizens of our great nation.”

 

Ang nasabing kasunduan ay inilunsad noong June 1989 sa ilalim ni dating Pangulong Corazon Aquino na nagbabawal sa mga militar at police na basta pumasok sa mga campuses ng UP ng walang paalam sa university administration. (ARA ROMERO)

JOHN, nagsabing pagbigyan sina DEREK at ELLEN kung happy sila together

Posted on: January 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NATANONG si John Estrada tungkol sa katambal niyang si Ellen Adarna sa isang sitcom na gagawin nila, ang John en Ellen sa TV5 at sa best friend niyang si Derek Ramsay na diumano ay nagkakamabutihan na ngayon ang dalawa.

 

“Derek is like a brother to me.  Kilala ko siya, he is not playboy,” sagot ni John.

 

“I don’t see the problem if he is a playboy, he’s not married yet, anyway, so what’s wrong with that. They are not stepping on anyone’s toes. They can do whatever they want as long as it’s legal, so, let’s give them a break.

 

Kung gusto nilang maging happy together, pagbigyan natin sila, buhay nila iyon!”

 

     ***

 

NAGPASALAMAT si Kapuso actor Juancho Trivino na after 12 years, college graduate na siya.

 

Tinapos ni Juancho ang Bachelor of Science in Entrepreneurship sa De La Salle University last January 16.  Masaya si Juancho kahit matagal siya bago naka-graduate dahil kasabay nito ay ang pagtatrabaho niya bilang isang actor-host.

 

Nagsimula ng college niya si Juancho noong 2009, pero napilitan muna siyang tumigil dahil pinasok niya ang showbiz. After a few years, nag-decide siyang balikan ang studies niya, dahil ayaw niyang masayang ang nasimulan na niya sa tulong ng parents niya.

 

“Pero itinuloy ko pa rin ang pag-aartista ko kaya, naging working student ako, doon ko naranasan na pumasok sa klase na halos walang tulog, umiinom lamang ako ng vendo coffee to make me awake,” kuwento pa ni Juancho.

 

“May time din na galing ako sa malayong probinsiya dahil host ako ng Unang Hirit, didiretso na ako ng school, kung minsan para makarating ako sa classes ko, nag-aangkas ako.

 

“After 12 years, natapos ko na rin ang course ko, at kahit via zoom lang ang graduation ko after all those years of waiting.  Kaya iniaalay ko sa Diyos at sa parents ko ang diploma ko.  Kaya ini-encourage ko rin ang iba, yung gustong makatapos ng college, pwede rin ninyong gawin iyon, tiyaga lamang at pananalig sa Diyos, matutupad din ang inyong pangarap na makatapos.”

 

Tiyak, inialay din ni Juancho sa kanyng wife, si Joyce Pring, na co-host din niya sa Unang Hirit, ang kanyang college diploma.

 

Congratulations, Juancho!

 

***

 

ANG aktres na si Nova Villa o si Novellita Gallegos, ang binigyan ngayon ni Santo Papa (Pope Francis) bilang isang “condecorado” or “Pro Ecclecia et Ponifice,” na ang ibig sabihin ay “para sa simbahan at sa Santo Papa,” na iginagawad sa mga laiko na may nagawa para sa simbahan at pananampalataya.

 

Si Bishop Emeritus ng Novaliches Antonio Tobias ang nag-nomnate sa kanya. Si Nova ay naglilingkod sa San Lorenzo Ruiz Parish sa Novaliches bilang member ng Mother Butler Guild at tumutulong din sa iba pang gawain ng parish.

 

Iginawad kay Nova ang karangalan bilang condecorado last January 14, ni Bishop Robert Gaa DD, kasama pa ang ibang pari.  Dumalo rin ang isa pang condecorado, si Ms. Ai Ai delas Alas.

 

Mapapanood si Ms. Nova Villa sa up-coming romantic-comedy series na Owe My Love na pangungunahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves. (NORA V. CALDERON)

MARAMING MGA TANONG at HAKA-HAKA ang TAUMBYAN TUNGKOL sa mga PRIVATE MOTOR VEHICLE INSPECTION CENTERS (PMVIC)!

Posted on: January 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKARATING sa LAWYERS COMMUTERS SAFETY and PROTECTION (LCSP)  ang ilan sa mga ito at gusto natin i-post dito ang mga damdamin at saloobin ng tao tungkol dito, dahil kailangan malaman ng taumbayan kung ano ba talaga itong PMVIC na ito:

 

Saan nagmula ito? Solution ba talaga ito para raw bumaba ang aksidente sa lansangan? Napag-aralan bang mabuti ito?

 

Samantala, may pending investigation pa sa Committee on Transportation ni Cong. Sarmiento tungkol sa PMVIC! Wala pa nga lang resolution dahil nahinto ang mga meetings dahil sa pandemia;

 

Maraming mga tanong at haka-haka: Wala bang anomalya o corruption sa pagkakabuo nito?

 

Dapat din na ma-imbestigahan ni Cong. Marcoleta ang ibinunyag nya na “garapalang singilan” daw sa LTO patungkol sa mga PMVIC; pero bakit imbes na imbestigahan para may makasuhan at may makulong ay iniutos pa ni Cong. Marcoleta kay Assec. Galvante na agad payagang mag-operate ang mga PMVIC? Bakit?

 

May pending investigation din si Cong. Sarmiento sa P800M na binigay na budget sa LTO para gamitin sa pagpapatayo ng mga bagong MVIS. Nakakapagtaka kung bakit hindi daw ginamit ang budget at bagkus ay ipinasa pa sa mga pribadong negosyante ang pagi-inspeksyon ng mga sasakyan na kung saan namuhan ng P60M (ayon kay Cong. Marcoleta) bawat isa, sa pagpapatayo ng center.

 

Dapat din po malaman ng taumbayan kung sinu-sino itong mga namuhunan ng P60M bawat isang PMVIC, maaring magulat kayo kapag nalaman nyo kung sino ang mga ito!

Kanino ngayon babawiin ang halagang ito na pinuhunan nila? Eh diba sa taumbayan na naman na bugbog na sa gastusin!  Kaya naging napakamahal ngayon ng kailangang bayaran ng mga tao para makapag rehistro ng kanilang mga sasakyan. More or less 450% ang itinaas. Bukod pa ang gastusin sa ipapagawang sira ng kanilang sasakyan na makikita sa PMVIC inspection.

 

Sa haba ng pila sa PMVIC, masasayang din ang isang araw dahil mawawalan ng sweldo ang tao dahil kailangang lumiban sa trabaho.

 

Kailangang imbestigahan ito ng Congreso at Senado.   Nagtataka ang marami bakit tahimik sila tungkol dito!

 

Sa totoo, gustong malaman ng bayan kung sinu-sino ang mga may-ari ng mga PMVIC! (ATTY. ARIEL ENRILE-INTON)

No. 1 most wanted ng NCRPO timbog ng NPD

Posted on: January 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Arestado ang isang tinaguriang No. 1 Most Wanted Person ng National Capital Region Police (NCRPO) sa ikinasang Oplan Pagtugis at Saliksik ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa Parañaque city.

 

Kinilala ni NPD Director PBGen. Eliseo Cruz ang naarestong suspek na si Ronnie Bolista, 37 at residente ng 2 Adelpa St. Tanza 1, Navotas City.

 

Sa report ni BGen. Cruz kay NCRPO Chief PBGen. Vicente Danao Jr., dakong 5:20 ng hapon nang matimbog ng pinalakas na Intelligence Driven manhunt Operation ng NPD DID sa pangunguna PLTCOL Allan Umipig at P/Maj. Herman Panabang ang suspek sa Sto. Niño St., San Antonio Valley 6, Brgy. San Isidro, Parañaque City sa bisa ng warrants of arrest na inisyu ni Judge Pedro T Dabu ng Malabon RTC Branch 170 para sa kasong Double Murder at Frustrated Murder (No Bail).

 

Katuwang ng mga tauhan ng NPD DID-Tracker Team ang NCRPO Intelligence unit RID at RIU sa pinalakas na Oplan Pagtugis laban sa mga Most Wanted Person base sa direktiba ni NCRPO Chief.

 

Kaugnay nito, pinuri ni NCRPO chief Danao ang mga myembro ng operating team na masigasig na nagsagawa ng Oplan Saliksik na nagresulta sa pagkadakip sa suspek.

 

Dinala ang suspek sa NPD-DID para sa proper documentation at disposition.

 

Nabatid na ang insidente ng pagpatay ay naganap sa Lungsod ng Navotas, limang taon na ang nakalipas. (Richard Mesa)

MGA manlalaro ng ABL naglulundagan sa PBA

Posted on: January 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WALANG katiyakan pa kung kailan magbabalik ang ASEAN Basketball League (ABL) kaya napipilitang magtalunan ang player nito sa nakatakdang Online 36th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2021 sa Marso 14.

 

Pinakabagong lumayas sa regional league at nagsumite ng application form nito lang isang araw kasama ang kanilang agent-manager na si Charlie Dy sina Andrei Caracut at Tzaddy Rangel ng kapwa San Miguel Alab Pilipinas.

 

Nagpatala rin si Jun Bonsubre na nasa kwadra rin ni Dy.

 

May minimal minutes sina Caracut at Rangel  sa Alab sa 10th ABL 2019-20 noong isang taon bago nahinto ang liga sanhi ng Covid-19.

 

Nagbaon ang 5-foot-11 na si Caracut ng 9.6 points, 4.1 assists, at 3.0 rebounds sa huli niyang taon sa La Salle  Green Archers sa 82nd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) men’s basketball tournament 2020 rin.

 

May average ang 6-7 na si Rangel na 11 markers at 7.0 boards sa final year din niya sa National University Bulldogs sa UAAP 2020.

 

At nag-Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) naman si Bonsubre sa Mandaluyong El Tigre at sa Zamboanga Family’s Brand Sardines. (REC)

Nadal nakapagtala ng record sa may pinakamatagal na pananatili sa ATP ranking

Posted on: January 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagtala ng panibagong record si tennis star Rafael Nadal.

 

Ito ay dahil siya lamang ang unang manlalaro na pasok sa top 10 ng American Tennis Player sa 800 na magkakasunod na linggo.

 

Nagtala ng panibagong record si tennis star Rafael Nadal.

 

Ito ay dahil siya lamang ang unang manlalaro na pasok sa top 10 ng American Tennis Player sa 800 na magkakasunod na linggo.

Giant company, malabong makabalik sa negosyo kahit bigyan pa ng 5k prangkisa ng Kongreso

Posted on: January 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MALABONG makabalik sa negosyo ang isang giant company kahit bigyan pa ito ng prangkisa ng Kongreso kung hindi naman nito aaregluhin ang tax dues.

“Maski na bigyan ninyo ng limang libong franchise ‘yan, hindi i-implement ‘yan… Just because you gave them franchise, it does not follow that all of their misdeeds in the pasy are condoned,” ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi.

“Wala akong galit, bayaran mo lang ang gobyerno, sasaludo ako sa inyo limang beses,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Hindi naman pinangalanan ni Pangulong Duterte ang nasabing kompanya subalit matatandaang noong Mayo ng nakaraang taon ay ipinag-utos ng National Telecommunications Commission sa ABS-CBN Corporation na itigil ang operasyon ng iba’t ibang TV at radio stations sa buong bansa alinsunod sa expiration ng legislative franchise nito.

Matatandaang, buwan ng Hulyo nang hindi na paboran ng mga kongresista ang pagbibigay ng prangkisa ng ABS-CBN.

Sa resolusyon ng House Committee on Legislative Franchises, iminungkahi nito na hindi bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Mula rito ay nagbotohan ang mga kasapi ng komite kung sila ay pabor o hindi sa naturang resolusyon.

70 mga kongresista ang pumabor na hindi bigyan ng prangkisa ang ABS- CBN habang 11 ang tutol sa mungkahi.

Ang 11 mambabatas na tumutol ay sina:
* Bienvenido Abante Jr, Manila 6th District
* Carlos Isagani Zarate, Bayan Muna party-list
* Christopher De Venecia, Pangasinan 4th District
* Edward Vera Perez Maceda, Manila 4th District
* Gabriel Bordado Jr, Camarines Sur 3rd District
* Jose “Ping-Ping” Tejada, North Cotabato 3rd District
* Lianda Bolilia, Batangas 4th District
* Mujiv Hataman, Basilan
* Sol Aragones, Laguna 3rd District
* Stella Luz Quimbo, Marikina 2nd District
* Vilma Santos-Recto, Batangas 6th District

2 naman ang nag-inhibit habang 1 ang nag-abstain.

Dahil sa desisyon, walang apela na magagawa ang ABS- CBN sa Kamara dahil walang ganoong hakbang sa rules.

Sa susunod na 19th Congress kung saan iba na ang Pangulo at iba na ang Speaker of the House ay maaari muling mag-apply ng panibagong prangkisa ang ABS- CBN.

Nauna nang sinabi ni House Speaker Alan Cayetano na conscience vote ang paiiralin sa pagboto sa franchise.

Samantala, habang nagaganap ang botohan, isang caravan naman ang ginawa ng mga ABS- CBN supporters sa labas ng Batasang Pambasa.

Kabilang sa mga Kapamilya artist na sumama sa caravan sa labas ng Gate 1 ng Batasang Pambansa sina Piolo Pascual at Kathryn Bernardo.

Maaalalang nag-expire ang prangkisa ng ABS- CBN noong May 4, 2020 sa gitna ng nararanasang  banta ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa pamunuan ng ABS-CBN nag-aplay sila ng panibagong prangkisa noong taong 2014 ngunit napending lamang ito sa 16th, 17th, at 18th congress. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Validity ng student permits, driver’s license pinalawig hanggang March 31

Posted on: January 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng student permits at ng licenses ng drivers at conductors kasama ang motor vehicle registration hanggang March 31.

 

Ang extension ay valid para sa mga taong may edad na 17 hanggang 20 years old kasama rin ang mga taong may edad na 60 at pataas.

 

“The student permit and driver’s and conductor’s licenses of these age groups will be extended as they were required to remain in their residences during the pandemic quarantine period,” wika ng LTO.

 

Sa ilalim ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, ang may edad na 15 hanggang 20 at ang mga individual na may edad 60 pataas ay puwede lamang na makalabas ng kanilang tahanan kung may essential travel sa panahon ng pandemic.

 

Ito na ang ikatlong pagkakataon na ang LTO ay nag extend ng validity ng mga ilang nabigay na licenses dahil sa di tiyak na mahabang na restrictions ng COVID-19 pandemic.

 

Noong nakaraang May 2019, ang LTO ay nagsabi na kanilang palalawigin ang validity ng licenses, permits at motor vehicle registrations sa ilalim ng batas hanggang 60 days matapos ang resumption ng work.

 

At noong October, muli nilang pinalawig ang validity ng mga licenses nag hanggang Dec.31 dahil pa rin sa pandemic.  (LASACMAR)