Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
Binuksan noong January 24 ng pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 ang 3 stations na sinarahan dahil sa naganap na sunog noong October 2019.
Ang nasunog na 3 stations ay ang Santolan, Katipunan at Anonas. Ang 3 stations ay sinarahan dahil sa nasunog na dalawang (2) power rectifiers o transformers.
Ang sunog ay nagsimula ng ang transpormer na nakalagay sa pagitan ng Anonas at Katipunan stations ay pumutok at sumabog at dahil ang mga transpormers ay “work in series,” ang transpormer sa Santolan depot ay nasunog din.
Natagalan ang ginawang repairs sapagkat ang mga parts ay kinaha pa sa France, United Kingdom, at Japan. Ang mga parts ay hindi mga off-the-shelf-items dahil kinakailangan pa itong customized sa systems ng LRT 2.
Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) spokesman Hernando Cabrera, naglaan sila ng P430 million upang palitan at ma restore ang LRT 2 sa kanyang full operation capacity. Kasama na rito ang importations, installations at commissioning.
Ibinalita nama ng Department of Transportation (DOTr) na ang LRT 2’s East Extension project na Marikina at Antipolo ay magiging operational sa darating na April 26.
Ang project proponents sa LRT Line 2 Extension ay ang D.M. Consunji Inc. at ang Marubeni Corp. at ang kanilang aid parter ay ang Japan International Cooperation Agency (JICA).
Ang LRT 2 na magkakaron ng karagdagan dalawang (2) stations ay makakatulong upang mabawasan ang travel time mula Recto Avenue sa Manila papuntang Masinag sa Antipolo at ito ay magiging 40 minuto na lamang mula sa tatlong (3) oras na pagbibiyahe.
Kung mabubuksan ang Marikina at Antipolo stations, ito ay makapagsasakay ng ng karagdagang humigit kumulang na 80,000 na pasehero mula sa ngayon na 240,000 na pasahero kada araw. (LASACMAR)
NAGBUNGA ng dalawang kampeonato ng Philippine Basketball Association (PBA) para sa Rain or Shine noong 2011-16 ang pagsasama-sama nina Extra Rice tandem Beau Michael Vincent Belga at Joseph Ronald ‘JR’ Quiñahan, at coach Joseller ‘Yeng’ Guiao.
Pero nagkahiwalay-hiwalay ang tatlo ang tatlo pagkaraan.
Nakapako sa RoS si Belga mula noon hanggang ngayon, si Quiñahan ay na-trade sa GlobalPort na NorthPort Batang Piersa ngayon sa taong 2016 bago napadpad sa sumunod na taon sa North Luzon Expres, na nilipatan din ni Guiao noong 2016 sa paglisan sa Elasto Painters.
Sa pagkawala ng malaki niyang manlalarong si John Paul ‘Poy’ Erram nitong 2020 sa Talk ‘N Text o TNT, kumikilos ngayon si Guiao na makuha si Belga sa RoS para sa reunion nilang tatlo ni Quiñahan sa Road Warriors.
Kung sumablay, nasa radar din ng 61-anyos na veteran coach sina Victorino ‘Vic’ Manuel ng Alaska Milk at Justin Chua ng Manila Electric Company o Meralco.
Hindi nga lang para magpakawala ng key player ang bench tactician makakuha lang ng malaki.
Ani Guiao, gagamitin niya lang ang dalawang first round pick ng NLEX, ang 3rd-4th sa nakatakdang Online 36th PBA Rookie Draft 2020 sa parating na Marso 14.
Sa paniniwala ng former national men’s basketball team, may ibubuga pa ng ilang taon si Extra Rice’ kaya natitipuhan niya.
Makakatulong ito ni Quiñahan sa pandobleng depensa kay six-time pro league Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel Beer.
Abangan po natin ang susunod na kabanata.
Hanggang bukas po uli mg aka-Opensa Depensa. (REC)
Mismong ang superstar at 20-time Grand Slam champion na si Rafael Nadal ang bumati sa Pinay teen sensation na si Alex Eala matapos na magkampeon sa ITF Rafa Nadal Academy World Tennis Tour tournament na ginanap sa Manacor, Spain.
Ipinaabot ni Nadal ang pagbati sa pamamagitan ng social media na Instagram makaraang talunin ng 15-anyos na si Eala ang 28-anyos na si Yvonne Cavalle-Reimers ng Spain.
Ayon Nadal masaya sila sa pagkampeon ng Pinay sa una nitong professional tournament lalo na sa maihahatid nito sa kanyang career.
Si Eala ay nagti-training ngayon sa ilalim ng tennis academy ng world’s No.2 na si Nadal sa Spain.
Ang ina ni Alex ay si Rizza Eala na dating 1985 Southeast Asian Games bronze medalist sa 100-meter backstroke.
Pinsan naman siya ni dating PBA commissioner Atty Noli Eala.
Isang puganti na nagtago nang halos sampung taon dahil sa pagpatay sa kanyang kapitbahay sa Navotas city ang tuluyan nang naaresto ng pulisya sa isang liblib na lugar sa probinsya ng Bataan.
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Roberto Jiongco, Jr. alyas “Jeje”, 32, welder at residinte ng ibinigay niyang address sa Barangay Mountain View, Mariveles, Bataan.
Si Jiongco ay itinuturing na No. 3 Most Wanted Person ng Navotas matapos mapatay nito si Marlon Ramirez noong April 17, 2010 makaraang pagsasaksakin sa iba’t-ibang parte ng katawan habang naglalakad pauwi.
Isang warrant of arrest kontra sa akusado ang inisyu ni Malabon Regional Trial Court (RTC) Judge Zaldy Docena ng Branch 170 matapos siyang tumakas mula sa lungsod makaraan ang pagpatay.
Sinabi ni Col. Balasabas na ang pagkakaaresto kay Jiongco ay nresulta ng ilang linggong intensive surveillance at intelligence operation na isinagawa ng mga operatiba ng Intelligence Unit sa pangunguna ni P/Lt. Luis Rufo, Jr.
Nadakip si Jiongco ng mga tauhan ng Navotas police sa Rodriguez St. Brgy. Cabcaben, Mariveles, Bataan dakong 3:30 ng hapon. (Richard Mesa)
Kulong ang anim na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang tatlong security guard matapos makuhanan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Caloocan city.
Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong alas-2 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo sa Marulas A, Brgy. 36.
Kaagad sinunggaban ng mga operatiba si Ermar Nalda alyas Jojo, 44, ng Tondo Manila, at Joey Espinada, 40 ng No. 292, Marulas St., Brgy. 36 matapos bentahan ng P6,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 20 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P136,000.00 ang halaga at buy-bust money.
Dakong 9:30 ng gabi naman ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Sub-Station 6 sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Brian Ramirez nang isang concerned citizen ang lumapit sa kanila at iniulat ang hinggil sa nagaganap umanong transaksiyon ng ilegal droga malapit sa Jasmin St. Brgy. 161.
Nang respondehan, nakita ng mga pulis sina Edward Manglangit, 32, Joel Opiaza, 38, security guard, Noe Domo, 38, security guard, at Anecito Ordeniza, 30, security guard na nagpapalitan umano ng ilegal na droga dahilan upang arestuhin ang mga ito.
Nakuha sa kanila ang apat na plastic sachets na naglalaman ng nasa 1.5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P10,200 ang halaga.
Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
Wala pang nakikitang dahilan ang Department of Health (DOH) para magpatupad muli ng mahigpit na panuntunan sa pampublikong transportasyon sa kabila ng banta ng mas nakakahawang UK variant ng COVID-19 na nasa bansa na.
Sinabi ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na ang pagbubukas ng pampublikong transportasyon ay para mabalanse ang ekonomiya at ang kalusugan ng mga mamamayan.
Maaari naman umano na hindi mahawa ang mga mananakay ng UK variant o kahit ng normal na uri ng COVID-19 kung mahigpit lamang na susunod sa mga panuntunan at protocols habang dapat rin na mahigpit ang pagpapatupad nito ng mga sangkot na sangay ng pamahalaan.
“I think enforcement at strict compliance to these different protocols would be the key, hindi natin kailangan isarado uli lahat ng mga iba’t ibang sektor ng ating lipunan kung atin lang masusunod ang mga protocols na meron na tayo sa ngayon,” ayon kay Vergeire.
Sa kabila nito, patuloy ang obserbasyon ng DOH sa mga susunod na araw sa pagkalat ng naturang UK variant kung may mga gagawin silang pagbabago sa mga protocols na ipinatutupad. (GENE ADSUARA)
PABOR ang Department of Health (DOH) sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na manatili sa kasalukuyang age groups ang papayagang makalabas ng kanilang mga tahanan.
Ayon sa DOH, ito ay upang mabigyan ng panahon ang kagawaran para sa dalawang cycle ng genome sequencing na may sapat na representasyon mula sa lahat ng mga rehiyon upang matukoy ang lawak ng transmisyon sa mga lugar na may variant..
“The DOH welcomes the President’s directive to retain the current age groups allowed to go out. This will give us time for at least two cycles of genome sequencing with adewquate representation from all regions to determine the extend of the transmission nof the variant of concernm”, ayon sa DOH.
Matapos payagan ng Inter-Agency Task Force ang edad 10 hanggang 14 taong gulang sa mga lugar na nasa MGCQ o modified community quarantine na makalabas na ng bahay o makapamasyal ay binawi naman ito ng Pangulong Duterte.
Ito ay dahil sa posibleng matamaan ng sakit na Covid-19 ang mga bata lalo na at may bagong variant pa ng sakit na kumakalat ngayon sa bansa kung saan karamihan umanong tinatamaan ng bagong variant ay mga bata o kabataan.
MALAKING perwisyo para sa mga atleta ang mag-iisang taon na sa Marso na Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic sa mundo at sa bansa dahil sa kanseladong mga sporting event.
Ilan na rito ang triathlon, swimming, cycling, running at iba.
Kaya naman katulad ng kapwa niya mga manlalaro, miss na ring tumakbo ni Iron Lady-marathoner-blogger Noelle De Guzman (also known as Kikay Runner).
Sa Instagram post ng 36-year-old, 5-foot-3, Parañaque City native pero Pasig City-based na dalagang tapos ng Political Science cum laude at Media Studies Journalism sa UP-Diliman,, isang throwback photo ang pinaskil niya.
“I hope we can race again soon. I miss that feeling of pushing myself to the limit to get across an actual finish line,” bulalas niya.
Pero kahit walang mga karera, nagtitiyada si KR na patuloy na nasa wastong porma ang katawan sa regular workouts niya sa condo unit. (REC)
SA pagiging talent ng GMA Artist Center, mabibigyan ng iba’t ibang roles na gagampanan ang indie actor na si Royce Cabrera.
Inamin ni Royce na ayaw niyang ma-typecast sa mga roles na nagawa niya sa pelikula tulad sa F#*@bois at sa BL series na Quaranthings. Mapapanood din siya sa Ben & Jim Forever kunsaan gaganap siya bilang miyembro ng LGBTQIA+ community.
“Ako natatakot na makahon baka ‘yun lang ‘yung tingin nila sa akin pero sinasabi ko naman din sa kanila na actor ako at trabaho ko lang na gampanan ‘yung role na binibigay sa akin. So kung nagdaan ako sa mga ganitong klase ng trabaho, na malapit sa BL o boys’ love, okay lang.
“Actor lang ako at ginagawa ko lang ‘yung trabaho ko at pinipilit kong maiba-iba din naman yung atake ‘yung bawat role na ginagawa ko para hindi lang iisang character lang ‘yung nakikita nila,” sey niya.
Kaya natutuwa si Royce sa mga projects niya sa GMA na My Fantastic Pag-ibig at ang teleserye na Nagbabagang Luha dahil iba raw ang mga ito sa mga nakasanayan niyang gawin na roles.
***
PROUD na proud si Joyce Pring-Triviño sa mga naging accomplishments ng kanyang husband na si Juancho Triviño.
Kabilang dito ang pag-graduate nito ng college after 12 years. Saksi raw si Joyce kung paano nagsikap si Juancho na makapagtapos ng pag-aaral kahit sobrang hectic ang schedules nito bago magka-pandemic last year.
Post ni Joyce via Instagram: “Guaranteed to be the cutest, tallest guy in any crowd he walks into (at least, in my eyes ) but I’ve to say — there’s so much more to Juancho than just his charisma; he’s also the most dedicated, persevering, and wonderful person I know.
“He was juggling hosting for Unang Hirit, taping for his teleserye, finishing his studies in La Salle – tapos sabi ba naman sakin, gusto pa daw ako ligawan?!? Dami mong time, bro!!! Yan ang sabi ko sa kanya.
“He showed me that if a person is truly dedicated to pursue something (or someone, hehe) he will find and MAKE ways to work things out. He captured my elusive heart, worked on his career, and even, recently, graduated from De La Salle University with a degree in Bachelor of Science in Entrepreneurship.
“Our love story was 5 years in the making, his diploma, a whopping 12 revolutions around the sun… but MY MAN MADE IT. I’m so proud of you my love! You’re the best person I know, and I’m privileged to be your wife, cheerleader, helpmate, and number 1 fan. I love you!!! Happyyyy Graduation!!!”
Sa February ay magsi-celebrate ang Juanchoyce couple ng first wedding anniversary nila.
Dahil graduate na si Juancho at nakalipat na sila sa sariling bahay nila, siguro ang next na pagpaplanuhan nila ay ang magkaroon na ng baby.
***
JULY 2020 nang mabalitang sinilang ng Hollywood actress na si Jessica Biel ang second child nila ni Justin Timberlake.
Pero naging tahimik lang ang mag-asawa at wala silang nilabas na litrato ng new baby sa social media.
Pero kelan lang ay in-announce na officially nila Justin at Jessica ang pag-welcome sa second son nila named Phineas.
Sa show ni Ellen DeGeneres kinumpirma ni Justin ang tungkol sa additional joy ng pamilya nila.
“Phineas is awesome and so cute. Nobody’s sleeping, but we’re thrilled. We’re thrilled and couldn’t be happier. Very grateful,” sey ni Justin.
Enjoy daw sa pagiging big brother ang first born nila na si Silas who is now five years old. (RUEL J. MENDOZA)