• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 28th, 2021

‘All Out Sundays’ nina Alden, waging-wagi pa rin sa ratings kahit nagsama-sama ang Kapamilya stars sa ‘ASAP’

Posted on: January 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WAGI pa rin ang Sunday noontime show ng GMA-7 na All Out Sundays base sa resulta ng ratings na lang noong nakaraang Linggo.

 

 

Nagsama-sama na rin ang mga sikat na Kapamilya sa nakaraang airing ng ASAP Natin ‘To kunsaan, unang beses din itong napanood sa TV5 na. Bukod pa rito, napapanood pa rin sa A2Z channel at mga online and cable channels. Pero siguro, iba talaga kasi kung sa ABS-CBN talaga ito napapanood.

 

 

 

Ang All Out Sundays naman nina Alden Richards ay patuloy na namamayagpag on its time-slot. Pansin din namin, mas interesting din ang mga bagong segment.

 

 

 

Sa AOS naman, mukhang pwede nilang gamitin na ang tagline ng The Clash ngayon na “Isa para sa lahat” sa nangyari.

 

 

***

 

 

BININYAGAN na ang anak ng actress na si Ryza Cenon at ng partner njya na si Miguel Cruz na si Night.

 

 

Sa Christ The King Parish ginanap ang ceremony at sa Lola’s Cafe ang reception.

 

 

Ilan sa mga kaibigang artista na napili ni Ryza para maging ninang ng anak ay ang mga old time friends na rin niyang talaga na sina Chynna Ortaleza, LJ Reyes at Chariz Solomon. Si LJ ay nakarating ng church habang ang mga hindi, sa zoom app nag-join. Talagang ang pinili raw nila, yung alam nila na ano man ang mangyayari, titingnan ang baby nila bilang mga pangalawang magulang.

 

 

Magti-three months old pa lang si Baby Night pero kitang-kita na ang kaguwapuhan nito. Na ayon kay Ryza, pinaglihian daw niya ang South Korean actor na si Gong Yoo dahil 3 beses daw niyang pinanood ang Goblin.

 

 

Sa isang banda, naging sobrang ingat naman sina Ryza at Miguel sa safety protocols. Mula church hanggang reception ay meron itong free antigen swab testing sa lahat ng bisita nila at maging crew sa restaurant. (ROSE GARCIA)

1 compound sa Navotas, 2 linggong ni-lockdown

Posted on: January 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ISANG compound sa Lungsod ng Navotas ang isinailim sa dalawang linggong lockdown matapos magkaroon ng apat na residenteng nagpositibo sa COVID-19.

 

 

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, nagsimulang ipatupad ang lockdown sa compound sa Manalaysay St., Brgy. San Roque alas-8:01pm January 25, 2021 hanggang 11:59pm ng February 8, 2021.

 

 

Layon nito mapigilan ang hawaan ng virus sa lugar kung saan nakapagtala rin aniya ang lungsod ng13.46% growth rate sa mga kaso nito sa pagitan lamang ng dalawang lingo.

 

 

May 13 namang mga close contact na dinala na sa isolation facility ng lungsod habang bibigyan naman ng mga relief packs ang mga residenteng apektado ng lockdown.

 

 

“Mag-iisang taon na po ang problema natin sa COVID-19 pero di po tayo magsasawang magpaalala na dapat sundin natin ang safety measures: pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng mga kamay, pagdistansya ng 1-2 metro mula sa iba, at pananatili sa bahay hanggang maaari. Sa ating pakikiisa, matatapos din ang pandemya”, paalala ni Tiangco.

 

 

Sa ulat ng City Health Office as of January 26, 2021, umabot na sa 5,594 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, 79 dito ang active cases habang nasa 5,342 na ang mga gumaling at 173 naman ang mga namatay sa naturang sakit. (Richard Mesa)

LOVELY, labis ang pasasalamat kay KATHRYN sa bonggang wedding gown; basher, tinawag na ‘user’

Posted on: January 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LABIS-LABIS nga ang pasasalamat ni Lovely Abella kay Kathryn Bernardo dahil sa napakagandang regalo na natanggap niya, dalawang araw bago sila ikasal ni Benj Manalo noong Sabado.

 

 

“Sobrang Thank you My Ga and Ga @janaranilla sa time and effort, Thank you so much @bernardokath sa napakagandang Gift buti na lang naihabol, salamat super @bernardokath  #benly,” post ni Lovely.

 

 

May isa namang walang magawang basher na nag-comment ng,Panay comments sya post ni kath kasi may kaila my ga galawan ng user.”

 

 

Na hindi napigilang patulan ni Lovely, ‘di raw siya galit lalo na sa masasama ang ugali kaya si Lord na bahala at sumabad na rin ang asawa niyang si Benj kaya nasabihan tuloy silang guilty at mayabang.

 

 

Payo naman ng solid fans ni Kath na dedmahin na lang ang bashers at wag ng pag-aksayahan ng oras. Ang iba naman ay nahihiya para kay Kathryn, na totoo talaga kung makipagkaibigan.

 

 

Nagkalapit nga sina Kathryn, Alden Richards at buong cast ng blockbuster film Hello, Love, Goodbye habang nagso-shooting sa Hong Kong at nagkaroon sila ng pact na mananatiling magkakaibigan kahit tapos ang pelikula.

 

 

Pero ang ending, nag-away-away ang mga fans sa kanyang IG account at kung kani-kanino na napunta ang usapan.

 

 

Nag-post uli si Lovely after two days at nang kanyang saloobin…

 

 

“Heto muna ang ipopost ko, before anything else.. Grabe pala ang bashers noh? Nandudurog ng puso, di mo alam kung sino at anong klaseng tao sila para manghusga..

 

 

“Bago ako magsimula sa industriya di ko pinangarap ang sumikat, pinangrap kung buhayin ang Anak ko at pamilya ko dahil breadwinner ako, sadyang mabait nga talaga siguro ako tulad ng sinasabi ng iba kasi lahat ng mababait na tao nakakasama ko, siguro hindi ko hinayaang itago kung ano ang pagkatao ko.”

 

“No filter ako sabi nga nila, kung ano ang ugali ko yun ang totoo kahit sa mga VLOGS namin kaya magsubscribe na din kayo @stephtancouture.”

 

 

Dagdag pa niya, “sabi ko My Ga wag na ako na, pero sabi niya regalo daw niya, wag tayong tumatanggi sa blessings yan ang natutunan ko kasi yan ang way nila to share their blessings at para lalo sila maBlessed kaya sabi ko buti NAIHABOL kasi 2 days na lang kasal ko na.

 

 

“Di ko kailangan magpaliwanag sa inyo, pero gusto ko lang sabhin na tulad ninyo tao din kami, nasasaktan sa panghuhusga ninyo, masakit pero siguro nga kailangan tanggapin dahil nasa industriya ako, pero wag kayong ganun, di niyo alam ang mga kwento kaya wag kayong manghusga..

 

 

“Saksi ang aking mga kaibigan na sina @pernellagonzaga at @kelly.harris_ kung gaano ako inalagaan ni kath para gumanda ako sa mismong kasal ko, siya ang nag detalye ng Gown ko at talagang sinama ni si @janaranilla para icheck lahat kung okay sa akin, salamat sa time and effort Ga, humabol pa yan para lang makita niya kung fit sa akin at maganda sa akin kaya MY GA @bernardokath Thank you for everything, salamat sa mabuti mong PUSO, di ko makakalimutan ang regalo mo at kung di dahil sayo, baka wala akong maisuot.. Mahal kita kayo ni Bal.. #ManalonasiGa #benly.”

 

 

Nagpasalamat si Lovely sa comment ni @mirandaomez888, “Di q alam anung nangyayari. But on behalf of KATHNIEL congrats ga. Deserve moh nah maging friens c Kath. Dito lang kme para sau.”

 

 

Infairness ang ganda ng gown na pina-rush ni Kathryn, kaya muli na namang nagpasalamat si Lovely, “Super Happy ako sa kinalabasan ng Wedding Gown ko, Thank you so much @stephtancouture kahit 2 days lang ginawa super Ganda ang ganda ng fit.. Thank you @bernardokath @janaranilla di ko makakalimutan ang nilaan niyong pagmamahal sakin.. salamat ng marami.. Sobrang bumagay ang Bouquet ko from @ginger_eventstyling, and Thank you @toniaviles naachieve natin ang gusto kung look and @moster_manilyn sa mabilisan nating hair up.. Thank you sobra..” (ROHN ROMULO)

Pag-host ng PH sa FIBA Asia Cup qualifiers, kanselado dahil sa travel ban – SBP

Posted on: January 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kinansela na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pag-host ng Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero dahil sa ipinataw na travel ban ng bansa bunsod ng bagong variant ng COVID-19.

 

 

Nakatakda sanang gawin sa bansa ang mga laro ng Group A at C sa ikatlo at huling window ng qualifiers mula Pebrero 18 hanggang 24 sa Clark, Pampanga.

 

 

Sa isang pahayag, sinabi ni SBP president Al Panlilio na batay sa natanggap nilang tugon mula sa National Task Force Against COVID-19, wala raw magiging exemptions sa umiiral na travel restrictions na inanunsyo ng Department of Foreign Affairs.

 

 

“The SBP wanted nothing else than to be with the international basketball communuty as it attempts to bounce back in 2021 after taking a huge hit during the pandemic,” saad ng SBP.

 

 

“We’ve exerted a lot of effort into our hosting of the upcoming Fiba Asia Cup qualifiers and this is why it is with great sadness that we announced it is no longer going to happen.”

 

 

Kaugnay nito, umatras na rin ang Japan sa pag-host ng continental meet dahil sa pagsasara ng kanilang bansa sa mga banyaga bilang pag-iingat sa bagong strain ng virus.

 

 

Agad namang nag-alok ang Doha na i-host ang mga kinanselang laro sa Group B sa pamamagitan ng Qatar Basketball Federation.

 

 

Habang hindi pa tukoy sa ngayon ang bagong venue ng qualifiers ng Group A at C. (REC)

CLAUDINE, tanggap ang relasyong RAYMART at JODI ‘wag lang pabayaan ang anak nila

Posted on: January 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ANG Borracho Film Productions ni Atty. Ferdinand Topacio ang magpo-produce ng comeback movie ni Claudine Barretto.

 

 

Ito ay ididirek ni Joel Lamangan mula sa script ni Eric Ramos.

 

 

Ang story idea ay nagmula mismo kay Atty. Topacio, na nag-compose pa ng kanta na inawit sa contract signing cum presscon ni Claudine to announce her movie comeback after a six-year hiatus.

 

 

Claudine expressed happiness na finally ay matutuloy na rin ang kanyang pagbabalik sa pag-arte. Ilan ulit na kasi naibalita na may gagawin siyang pelikula pero hindi naman ito natutuloy.

 

 

“Excited ako sa project na ito,” wika ni Claudine who was accompanied sa presscon ng kanyang manager na si Arnold L. Vegafria.

 

 

Makakasama rin ni Claudine sa pelikula ang mahusay na singer na si Gerard Santos, nakakapanalo lang bilang Entertainer of the Year sa Aliw Awards.

 

 

Bukod sa contract signing with Borracho Film Productions, pumirma rin si Claudine ng endorsement contract with Cathy Valencia.

 

 

Sabi naman ni Direk Joel, matagal na niyang gustong makatrabaho si Claudine sa pelikula. Naidirek na niya si Claudine sa teleserye at hanga siya sa husay ng aktres.

 

 

“Hindi siya dapat mag-retire dahil mahusay siyang aktres. Alam ko ang potential niya. Ipinapangako ko na ang pelikulang gagawin ay magiging isang importanteng pelikula na ipagkakapuri ng lahat,” pahayag ni Direk Joel na nagulat na siya pala ang napisil ng Borracho Films to be at the helm of Claudine’s comeback acting vehicle.

 

 

Sa presscon ay natanong si Claudine tungkol sa napabalitang relasyon nina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago.

 

 

Sinabi ni Claudine na okey lang sa kanya kung may relasyon man sina Raymart at Jodi. Pero sana raw ay huwag kalilimutan ni Raymart ang responsibilidad niya bilang isang ama. Ipinaglalaban lang daw ni Claudine what is due her children.

 

 

Nagkausap naman daw sila ni Jodi pero itinanggi niya na tinawagan siya nito, as Jodi said in some of her interviews.

 

 

Siya raw ang tumawag kay Jodi at naging maayos naman ang kanilang pag-uusap.

 

 

***

 

 

HINDI pa rin pinapayagan na magbukas ang mga sinehan pero umaasa pa rin si Atty. Topacio na maipapalabas sa big screen ang Mamasapano film na dinirek ni Lawrence Fajardo para sa Borracho Films.

 

 

Commitment daw niya sa pamilya ng mga sundalo ang pelikulang ito. Gusto raw nilang ilahad ang kwento ng SAF 44 based sa mga news reports at senate inquiry.

 

 

Very factual daw ang kwento kaya nararapat lang daw itong mapanood ng mas maraming tao.

 

 

Bagamat open din siya sa idea ng streaming, mas magugustuhan daw niya na maipalabas sa mga sinehan ang Mamasapano film dahil mas maganda raw na mapanod ito sa big screen.

 

 

Si Edu Manzano ang tanging artista ng pelikula na present sa presscon noong Monday ng tanghali.

 

 

Sa open forum ay sinabi ni Edu na walang pinapanigan ang pelikula. Bahala na raw ang audience ang humusga sa kwento ng movie after nila mapanood ito.

 

 

All star cast ang Mamasapano film. Tampok din sa movie sina Claudine Barretto, Aljur Abrenica, Rey Abellana, L.A. Santos, at Gerard Santos. (RICKY CALDERON)

Ilang milyong trabaho, paglago ng ekonomiya inaasahan sa Cha-cha at pag-apruba sa CREATE Act

Posted on: January 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inaasahang lalo pang lalakas ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas kung maaprubahan hindi lamang ang mga itinutulak na amiyenda sa economic provisions ng Saligang Batas sa ilalim ng House Resolution of Both Houses No. 2 (RBH 2) kundi maging ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.

 

 

Ayon kay House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda, maraming trabaho ang mabubuo dahil sa pagtaas ng capital formation sa Pilipinas sa oras na maging ganap na batas ang RBH 2 at CREATE.

 

 

Sa kanyang tantya, sa loob ng 10 taon, 6.6 million na bagong trabaho ang malilikha bilang resulta sa pag-amiyenda sa economic provisions ng Saligang Batas, habang 1.4 million hanggang 2 million naman sa CREATE.

 

 

Aabot sa P300 million ang inaasahang maidadagdag sa kapital ng bansa dahil sa RBH 2, habang P288 billion halaga ng investments kada taon dahil sa pagpapababa sa corporate income tax rates at pag-rationalize nang fiscal incentives.

 

 

Ayon kay Salceda, ang CREATE ang siyang “sweetener” sa short-term as medium-term investments sa oras na matuloy ang mahahalagang reporma sa ekonomiya ng bansa sa ilalim ng RBH 2.

 

 

Sinabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez na kailangan simulan na ang proseso tungo sa pagkakaroon ng liberal investment regime upang sa gayon ay magsimulang bumuhos na rin ang mga investment papasok ng Pilipinas.

Mayor Tiangco, sinagot ang isinampang katiwalian sa kanya sa Ombudsman

Posted on: January 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sinagot ni Navotas Mayor Toby Tiangco ang inihain na affidavit sa Ombudsman tungkol umano sa mga katiwalian na ginawa niya habang abala ang pamahalaang lungsod sa paghahanda sa mass vaccination laban sa COVID-19.

 

 

“Ayoko na po sanang bigyan pa ito ng panahon ngunit nadadamay po ang dangal ng ating pamahalaang lungsod kaya minabuti ko na po itong sagutin”, ani Mayor Tiangco.

 

 

Kahit sino naman aniya ay pwedeng maghain ng reklamo at hindi naman kailangang totoo ang ihahain na reklamo.

 

 

“Sanay na po ako sa ganitong klase ng pulitika. Hindi po ito makakasira sa ating layunin na gawin ang lahat ng makakaya para masiguro na ligtas ang bawat Navoteño at matulungan ang ating mga kababayan na makabangon mula sa pandemya”, dagdag niya.

 

 

Sa isyu ng korupsyon, ang Navotas ay binigyan ng COA ng limang magkakasunod na “unqualified opinion” ang pinakamataas na marka na binigay nila sa ahensya ng pamahalaan. Sa buong Metro Manila, ang Navotas lang ang may ganyang track record.

 

 

Katiwalian din daw ang hindi niya pag-report sa city hall kaya’t ang paliwanag dito ni Mayor Tiangco ay high risk siya dahil highly asthmatic at pinayuhan siya ng kanyang doctor na manatili sa bahay.

 

 

“Alam po ng pamahalaang nasyonal, kasama na ang IATF na nagtatrabaho po ako sa bahay. Alam din po ito ng ating mga kasama sa pamahalaang lungsod at ng mga barangay na araw-araw, Lunes-Biyerenes ay nakakasama natin sa meeting para pag-usapan ang mga hakbang at maproteksyunan ang ating mga mamamayan laban sa COVID-19 at matugunan ang iba pa nilang pangangailangan”, sabi pa ni Tiangco.

 

 

Aniya, ang COVID response ng Navotas, mula mas testing hanggang sa isolation at treatment ang ginawang halimbawa ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) team para sa iba pang LGU noong nag-ikot sila sa iba-ibang lugar sa bansa.

 

 

“Sa panahon ng pandemya, ang kailangan po natin ay pagtutulungan at pagkakaisa, hindi pamumulitika. Meron na tayong kinakaharap na COVID-19, wag nang dumagdag pa sa mga virus ng lipunan”, pahayag niya. (Richard Mesa)

Ads January 28, 2021

Posted on: January 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Valenzuelanos hinimok magparehistro para sa COVID vaccine

Posted on: January 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hinimok ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor Rex Gatchalian ang mga residente na magparehistro para sa COVID-19 Vaccines Rollout Plan o mas kilala bilang VCVax upang maging “Bakunadong Valenzuelano”.

 

 

Mag-log on lamang sa ValTrace account sa valtrace.appcase.net  at i-click ang “Vaccination Registration” button.  Ang log-in details na gagamitin ay kapareho lamang ng iyong ginamit sa pagkuha ng ValTrace QR Code. Kung wala pang ValTrace account, mag-register.

 

 

Sagutan ang online form at mag-upload ng larawan ng anumang government -issued ID.

 

 

Ang kasunod na hakbang ay pindutin ang checkbox bilang pagsang-ayon sa “Privacy Notice and Data Privacy Consent” at i-click ang “Submit”.

 

 

Susuriin ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang aplikasyon at tatawag o magpapadala ng email upang ipaalam ang iskedyul at lugar ng pagpapabakuna kung saan 18 taong gulang pataas lamang ang maaaring bigyan ng bakuna.

 

 

Nauna nang nagsagawa ang pamahalaang lungsod ng simulation ng vaccination program para bilang paghahanada sa pagdating ng bakuna.

 

 

“Itong simulation na ito is a confidence building exercise. Gusto naming ipakita sa lokal na mamamayan namin na the local government not only purchased [the vaccines] but moreso pinagaaralan natin yung rollout… Ayaw natin na nandiyan na ‘yung bakuna tsaka lang natin pa-planuhin lahat ito,” pahayag ni Mayor Rex. (Richard Mesa)

Mga atletang sasabak sa Tokyo Olympics, SEA Games ipinapasama sa COVID-19 vaccination program

Posted on: January 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hinihimok ni House Deputy Speaker Mikee Romero ang pamahalaan na isama sa mga prayoridad sa COVID-19 vaccination program ang mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo Olympics at 2021 Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Ang mungkahi na ito ni Romero ay nakapaloob sa inihain niyang House Resolution No. 1507, kung saan nananawagan ito sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases at sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na ituring bilang “frontliners” ang mga atleta upang sa gayon ay mapasama ang mga ito sa priority list nang mga mabibigayan ng bakuna kontra COVID-19.

 

 

Magugunita na sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na balak ng pamahalaan na bakunahan ang 50 million hanggang 70 million katao sa loob ng isang taon at masimulan ang pagbabakuna sa Pebrero 20.

 

 

Base sa vaccination roadmap ng pamahalaan, ang mga health workers at frontliners ang siyang unang makakatanggap ng bakuna, na susundan ng mga empleyado sa ilang piling opisina ng pamahalaan at mahihirap na senior citizens.

 

 

Pero sa kanyang resolusyon, sinabi ni Romero na ang mga national athletes ay sasailalim sa qualifying stages ng Tokyo Olympics at SEA Games sa Abril at Mayo 2021.

 

 

Kaya mahalagang maisama aniya ang mga ito sa priority list nang mabibigyan ng mga bakuna sa lalong madaling panahon para makibahagi ang mga ito sa qualifying stages. (REC)