KAHIT na nagpaliwanag na ang socialite at businessman na si Tim Yap sa ginawa niyang party sa Baguio City, tila mas dumarami ang haters niya.
Huwag raw kasing gawing excuse ni Tim na porke’t nakapag-swab at negative ito, may right na mag-party at mag-organize ng mass gathering.
Maraming nagagalit na mga netizens at tinatawag itong napaka-irresponsible at feeling privilege. Na kapag celebrity raw, sinasabing for tourism ang ginagawang pagpapa-party pero kapag mahirap ang nag-party, mga pasaway.
Idinidiin si Tim na dahilan daw sa mga bagong positive cases ngayon sa Baguio na mariing itinanggi ng huli. Na hindi raw sila ang dahilan at lahat sila na nandoon sa party ay tested negative.
Anywway, quiet lang si KC Concepcion sa isyung ito, pero dawit ang pangalan niya dahil isa siya sa naki-party talaga at evident ito sa mga naging social media post niya.
***
NAGSALITA na raw ang dating GMAAC artist na si Lindsay de Vera sa pagkaka-link niya sa Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes at sa isyung buntis ito at buong ningning na itinanggi ito.
Tama lang naman na linawin niya ang isyu kahit na marami rin naman ang hindi naniwala talaga at naisip ang pagiging fake news nito.
Obvious din naman kasi na may gusto talagang sumira sa maayos at masayang pagsasama ng mag-asawang Dingdong at Marian Rivera. Pero yun lang, mukhang mas lalo pang pinatatag ng pandemic ang samahan ng dalawa, along with their two beautiful children na sina Zia at Sixto.
Another thing, although if ever e, good news naman, pero sorry to disappoint din yung mga nag-assume na ang blind-item na may magandang actress na buntis kaya dedma lang silang mag-asawa sa isyu at halos lahat, si Marian ang hula.
For sure, welcome addition ang baby number 3 sa pamilya Dantes. Pero yun nga, false alarm ang hula ng karamihan na si Marian ang tinutukoy sa blind-item.
Busy lang ito ngayon sa pag-aasikaso ng mag-ama niya, sa kanyang businesses at mga endorsements.
***
HALOS mag-iisang taon din na nawala sa ere ang kiddie singing search na Centerstage ng GMA-7.
Natatandaan pa naming na isa ito sa huling show na binisita naming bago ideklara na lock down na ang Metro Manila.
Isa ito sa mga shows ni Alden na huling ginawa niya bago mag-ecq (enhanced community quarantine) na ngayon ay nagawan na ng paraan ng production kung paano magpapatuloy na hindi mako-compromise ang safety, lalo na at mga bata ang involved.
Kaya masaya si Alden bilang host ng show, gayundin ang iba pang kasama niya rito tulad ni Betong Sumaya at mga judges na sina Pops Fernandez, Aicelle Santos at Mel Villanueva sa muling pagbabalik nito.
Alam daw nila na isa sa challenging talaga kung paano makakabalik ang Centerstage dahil mga bata at bawal na bawal pa silang lumabas, much more, mag-taping ang mga ito. Pero sobrang nagulat at na-impress daw ang lahat sa ginawa ng production at sa bagong look din ng show na makikita ng mga manonood once na umere na itong muli sa February 7.
Nakausap nga namin si Alden sa naging zoom media conference at masasabing ito rin ang bago niyang binalikang programa sa 2021.
Kinamusta rin namin siya kung ano na ang mga plano niyang ngayong taon na simula naman ng bagong dekada niya sa career.
“Ako po talaga, gusto ko lang mag-pursue sa career in-terms of acting. Parang yun po ang focused ko this year and hopefully, kung magkaroon ng different opportunities like project with international outfit, yun ang mga kinokonsider ko po.
“Pero for now, naka-focus muna po ako sa mga currently gagawin ko po rito sa atin. Yung TV series po, yung movie rin po at the same time at yung comeback po ng ‘Centerstage’, ‘All Out Sundays’ po at ‘Eat Bulaga’, so tuloy-tuloy pa rin po siya.”
Sinigurado rin ni Alden na gagawa siya ng teleserye this year kaya naisip tuloy namin, mukhang hindi pa rin yata mangyayari na maisisingit nga ni Alden ang lovelife sa kabisihan pa rin niya. (ROSE GARCIA)