• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 13th, 2021

Next na Valdez, Santiago hahagilapin ng PNVFI

Posted on: February 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BUBUHAYIN ni Philippine National Volleyball Federation Inc. (PNVFI) President Ramon ‘Tats’ Suzara ang age-group indoor volleyball upang makatuklas ng mga susunod sa kasalukuyang mga sikat na balibolista.  Ilan sa mga ito ang kagaya nina Premier Volleyball League (PVL) standout Alyssa Valdez, mag-ate na sina Philippine SuperLiga (PSL) veterans Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago at Aleona Denise ‘Dindin’ Santiago-Manabat, Abigail ‘Aby’ Marano at iba pa.

 

 

“Bring back again the age-group championship. Iyong mga inter-elementary championship, inter-secondary, inter-collegiate, national open,” giit ni Suzara sa isang katatapos na weekly sports session sa FaceBoook page.

 

 

Hinirit pa opisyal na hindi na rin solo ng coach ang trabaho sa pagbalangkas sa national team. Sasama na aniya ang mga magiging miyembro sa national selection committee.

 

 

Kababasbas lang kay Suzara at sa PNVFI ng International Volleyball Federation (FIVB), Asian Volleyball Confederation (AVC) at Philippine Olympic Committee (POC) bilang bagong national sports association ng balibol na kasapi sa mga organisasyon. (REC)

‘Yes Day’ Trailer Revealed, Premiering on Netflix This March 12

Posted on: February 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NETFLIX revealed the official trailer to their newest film Yes Day, premiering on the site this March 12.

 

 

The new family-friendly comedy starring Jennifer GarnerEdgar Ramírez, and Jenna Ortega.

 

 

The fun and feisty Netflix original is based on the bestselling children’s book Yes Day, written by Amy Krouse Rosenthal and illustrated by Tom LichtenheldYes Day is directed by Miguel Arteta (The Good GirlDuck Butter) and is written by Justin Malen (Father Figures), who adapted the story from Lichtenheld and Krouse Rosenthal’s book.

 

 

In addition to Garner, Ramírez, and Ortega, Yes Day stars June Diane RaphaelFortune FeimsterNat FaxonArturo Castro, and Molly Sims.

 

 

The trailer for Yes Day is what one might imagine a sugar rush to truly feel like. We’re first introduced to the Torres family. Parents Carlos (Ramírez) and Allison (Garner) frequently spend their days running after their three kids — Katie (Ortega), Nando (Julian Lerner), and Ellie (Everly Carganilla) — and protecting them from doing anything too dangerous. Well, what they deem “dangerous” because the jury is still out on how fatal a waffle volcano spewing oatmeal lava can be. Fed up with all of the “no”s, Katie proposes the Torres’ spend an entire day together and, crucially, Carlos and Allison have to say “yes” to whatever the kids demand. Carlos and Allison go along with the plan and, as a truly wild adventure unfolds over the course of the day, the entire Torres family shares a bonding experience unlike any other.

 

 

Yes Day premieres globally on Netflix this March 12.

 

 

Watch the trailer below: https://www.facebook.com/watch/?v=435078294603871&t=34

 

 

Follow Netflix on FacebookTwitter, and Instagram for updates on this title. (ROHN ROMULO)

‘Ang Dating Daan’ founder Eli Soriano pumanaw na, 73

Posted on: February 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pumanaw na ang Ang Dating Daan founder Bro. Eliseo “Eli” Soriano sa edad na 73.

 

 

Ito mismo ang kinumpirma ng kaniyang grupo sa pamamagitan ng paglabas ng kalatas sa social media.

 

 

Hindi naman binanggit ng grupo ang sanhi ng kamatayan ni Soriano.

 

 

Tiniyak ng grupo na ipagpapatuloy nila ang ginagawang pagpapakalat ng salita ng Diyos ni Soriano kahit na ito ay pumanaw na.

JANE, pinangarap talaga na makapasok sa teleserye ni COCO kaya okay lang kahit maging kontrabida

Posted on: February 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KALABAN ba o kaaway ni Cardo Dalisay (Coco Martin) ang karakter na ginagampanan ni Jane de Leon?

 

 

Dream come true para kay Jane na makabilang sa long-running series na FPJ’s Ang Probinsiyano at napapanood sa Kapamilya Network. She is playing the role of Captain Lia Mante, na isang sniper sa serye.

 

 

Pangarap daw niya talaga na makapasok sa teleserye ni Coco. Noong magsimula siya sa showbiz ay ini-imagine na niya na what if alukin siya ng role sa Ang Probinsyano? Anong role kaya ibibigay sa kanya.

 

 

Jane was only 15 nang magsimula sa ere ang serye ni Coco. Kaya naman laking tuwa niya upon learning na she will be part of the series at maganda ang role na ibinigay sa kanya. May pagka-astig ang role niya bilang Lia Mante.

 

 

Unang nabigyan ng break si Jane sa Halik bago siya napili gumanap bilang Darna. Siya ang gumanap na kapatid ni Jericho Rosales. That was her first ever teleserye. Sa ngayon ay pinag-aaralan niyang mabuti ang role nia bilang Lia Mante.

 

 

Okay lang naman kay Jane na gumanap bilang kontrabida, maging bahagi lang ng isang sikat na programa tulad ng FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

Ayon pa kay Jane, malaking tulong ang Ang Probinsyano para manatili siyang physically fit na kailangan naman niya sa Darna series.

 

 

“Unang una yung endurance ko, kasi matagal ako nag-stay sa bahay, eh. Bawal lumabas so kailangan kong tumakbo ulit, mag-exercise, hindi lang sa pagbubuhat. And siyempre yung pag-aarte ulit, yung kailangan ko mag-explore inside Ang Probinsyano, kung ano yung nabibigay nila sa aking aral na kailangan kong i-develop and puwede kong ibigay sa character.       

 

“Marami akong natutunan sa buhay pa lang ni CM (Coco Martin), dun pa lang sa loob ng set, marami po,” wika pa ni Jane.

 

 

***

 

 

KAHIT na pandemic, in demand si Direk Joel Lamangan.

 

 

Katatapos lang niya i-shoot ang Silab for 3:16 Productions. Ito ang launching film ni Cloe Barreto, na tinatampukan din nina Jason Abalos at ipinakikilala si Marco Gomez.

 

 

Recently shown ay ang Anak ng Macho Dancer for Godfather Productions ni Joed Serrano. Pinag-usapan ang pelikula dahil sa mga maiinit na eksena ng mga bida, led by Sean De Guzman.      

 

Any time soon ay sisimulan din ni Direk Joel ang isa pang movie titled Ang Huling Birheng Beki sa Balat ng Lupa under Heaven’s Best Entertainment Productions.

 

Si Christian Bables ang bida ng obrang ito ni Direk Joel. Baka raw makasama rin sa cast si former Quezon City Mayor Herbert Bautista.                  

 

Sabi ni direk Joel na kailangan din naman niyang kumita ng pera, lalo na ngayong panahon ng pandemia. (RICKY CALDERON)

Chemistry tututukan ni Sotto

Posted on: February 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Desidido si Kai Sotto na makatulong sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers na lalarga mula Pebrero 18 hanggang 22 sa Doha, Qatar.

 

 

Kaya naman nais ng 7-foot-3 na bumuo ng ma­gandang samahan kasama ang mga teammates nito sa Gilas Pilipinas pool para maging maganda rin ang resulta ng kanilang laban.

 

 

Aminado si Sotto na halos lahat ng miyembro ng Gilas pool ay bago lamang nito makakasama sa koponan.

 

 

Ngunit handa ang da­ting UAAP Juniors MVP na gawin ang lahat upang mabilis na makaagapay sa sistema ng Gilas Pilipinas.

 

 

“Gusto ko lang ngayon na makapag-bond ng maayos sa mga magiging teammates ko kasi halos lahat ng mga players sa Gilas, first time ko kasi makakasama halos silang lahat,” ani Sotto sa prog­ramang Puso Pilipinas.

 

 

Ilang araw lamang makakasama ni Sotto sa training camp ang Gilas Pilipinas dahil target ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na umalis ang buong delegasyon bukas (Sabado) patungong Doha.

 

 

May mga agam agam na posible na namang ma-postpone ang third window dahil tumaas ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa Qatar.

 

 

Subalit tiniyak naman ng ilang opisyales doon na maganda ang paghawak ng Qatar sa sitwasyon dahil sa mas mahigpit na pagpapatupad ng batas kumpara sa ibang bansa.

Sec. Roque, nananatiling malusog at wala umanong anumang sintomas ng Covid-19

Posted on: February 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NANANATILING nasa maayos ang pangangatawan at walang nararamdaman na anumang sintomas ng Covid-19 si Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Kamakailan kasi ay nakasalamuha ni Sec. Roque ang kanyang staff na nagpositibo sa covid19.

 

Aniya, tanging precautionary measure o pangangalaga sa katawan ang kanyang pinagtutuunan ng pansin ngayon upang masiguro na nananatiling nasa maayos na kondisyon ang kanyang kalusugan.

 

Subalit, technically aniya ay wala siyang close contact sa kanyang staff na nagpositibo sa virus.

 

Ito aniya ay dahil sa kahit nasa iisang sasakyan lamang sila ng kanyang mga staff sa loob ng halos apatnapung(40) minuto noong linggo, ay lagi naman suot ang kanyang Face mask at face Shield para masigurong ligtas laban sa Covid-19.

WINWYN, may boyfriend na pero ‘di lang makakasama ngayong Valentine’s Day

Posted on: February 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ni Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez may special someone na siya kaya hindi siya single ngayong Valentine’s Day.

 

 

Kaso ay hindi raw sila magkakasama ng boyfriend niya dahil nasa lock-in taping pa si Winwyn ng Owe My Love.

 

 

“I’m not single anymore. So happy. Kahit naman nandito sa lock-in taping, nakukuwento ko din ‘yung story ko, ‘yung nangyari sa akin, ganyan, kung paano nakahanap ng new love with my castmates, and it’s such a refreshing thing kasi ang dami nilang nabibigay na advice.           

 

And hindi ako nalulungkot, siyempre kasi feeling ko nandito na rin siya. So happy naman, happy ‘yung heart ko. Kahit malayo ‘yung loved one ko, okay lang. ‘saka na kami magkikita, after lock-in.”                 

 

Happy rin si Winwyn para sa ex-boyfriend niyang si Mark Herras dahil sa pagkakaroon nito ng baby boy with fiancee Nicole Donesa.

 

 

“I haven’t talked to him since we broke up and wala pa kaming chance to work together or guesting. Pero siyempre if I see him or magkaroon kami ng chance magtrabaho ulit, siyempre I’ll congratulate him.”

 

 

***

 

 

PAREHO raw wala pang plano sa Valentine’s Day sina Sef Cadayona at Andre Paras dahil sabay daw silang manonood ng pilot episode ng game show nila na Game of the Gens.

 

 

Kahit na may non-showbiz girlfriend si Sef, wala siyang sine-share na plans niya sa Araw ng mga Puso.

 

 

“Tututok kami ni Andre sa pilot episode ng Game of the Gens, kaya si Andre siguro date ko!” tawa pa ni Sef.

 

 

Inamin ni Andre na isa si Sef sa hinahangaan niya pagdating sa comedy, kaya proud siyang maka-partner ito sa isang game show.

 

“Sef is one of the great dancer, actor tapos comedian pa. For someone who looks up to people, to comedy also its surreal and we’re thankful na they give us the show, and kasama ko yung isa sa mga idol ko sa showbiz, I am very proud that we’ll be able to make the guests feel at home.”

 

 

Sa first episode nila, si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at ang kanyang daddy na si Mr. Antonio “Tony” Forteza ang maglalaro at makakalaban nila sina Ruru Madrid at Ms. Snooky Serna.  (RUEL J. MENDOZA)

HEART, gusto na talagang mabuntis ‘di lang sila makatiyempo ni CHIZ

Posted on: February 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA latest vlog ni Heart Evangelista – Escudero sinagot niya ang ilan sa ‘craziest rumors’ na pinadala ng kanyang followers sa kanyang IG account.

 

 

Isa nga sa sinagot ang tsikang may pinaretoke siya sa kanyang face particularly sa ilong at eyelid.

 

 

Kaya muling sinagot ng sikat ng fashion icon ng bansa ang tungkol dito.

 

 

“I didn’t, ang kulit. I didn’t nga. I didn’t get it done. It’s not that I have anything against plastic surgery. I’m for it. I have friends that have done it and relatives and I’m super, duper supportive,” pahayag ni Heart.

 

 

Kaya ayaw niya, First, because I started really young in showbiz. So I’m so conscious about changing or altering my image.”

 

 

Habang tumatanda ay talaga namang nagbabago ang itsura ng isang tao lalo na sa face, kaya sasabing baka nga may pinabago ang isang artista.

 

 

“The collagen, you have less baby fat on your face, your face is more contoured. Also when you lose weight, that changes a lot.

 

 

“There are a lot of ways to change the way you look. Age again is one, what you eat, sodium is such a big difference. When you cut that out, the bloating is gone. I really didn’t,” paliwanag pa ng aktres.

 

 

Open naman si Heart na magpa-enhance ng mukha kapag tumanda na siya.

 

 

“I don’t mind getting Botox when I’m older. I don’t mind changing a few things when I’m older. I hope I don’t scar because I scar bad. I’m really for it but I just didn’t have anything done,” sabi pa ni Heart.

 

 

Sa tanong na kaya ayaw na niyang mabuntis dahil ayaw na masira ang kanyang katawan.

 

 

“Although I am very very careful with my body, to be honest I am, because I am 5’2” this is my business. This is my job.  I’m pressured also, so, I’m not gonna deny that.

 

 

“But for me not want to have a baby because of that, parang it’s a no. Hindi naman ganun kagrabe.

 

 

“That was my fear before. But the moment I got pregnant, parang wini-welcome mo siya. I know, it’s not really my issue.

 

 

“I am more scared of the epidural, ganyan. Breastfeeding nga can make you lose weight, di ba?”

 

 

Dagdag pa niya, “That’s if kung nabubuntis ako, ang tagal na ko nang ‘di nabubuntis. Ano ba ‘to?

 

 

“Diyos ko, after na pandemic, mag-o-option C na ako dahil nag-B na ako. C na tayo, wait lang kayo dyan.

 

 

“Bigyan lang natin ‘to ng chance. Kasi nga pag dumarating si Chiz, tapos na yun week na fertile ako, kaya nakakainis.

 

 

“You know, it’s not easy to get pregnant ha. You have only few days, the window is like three to five days, three days max.

 

 

“Eh, pag nagka-bagyo, nandun si Chiz (sa Sorsogon). Selfish ba ako? Pag nandun siya, magda-drive ba siya ng 9 hours para nandito siya the next day sa window na puwede akong mabuntis.

 

 

“Wala talaga, mahirap ang situasyon.  So, after the pandemic guys, hintay na kayo.

 

 

“And stop asking if I’m buntis because I’m not.

 

 

“Sometimes it make me sad, but I’ve accepted it. Because I’m just very grateful with life and it will come in the right time.”

 

 

Marami pang nakaka-intrigang ‘crazy rumors’ na sinagot sa kanyang vlog.  (ROHN ROMULO)

IRR ng child car seat law kinuwestyon ng mambabatas, posible umanong magamit sa katiwalian

Posted on: February 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ibinunyag ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon na mayroong pagkakasunduan sa pagitan ng mga miyembro ng House Committee on Transportation na irekomenda ang suspensyon sa implementasyon ng Republic Act 11229 o ang Child Safety in Motor Vehicles Act, at nais nilang maghain ng panukala para isuspindi ang naturang batas.

 

 

Bagama’t binigyang-diin niya ang pangangailangan na magkaroon ng patakaran at panuntunan upang matiyak ang kaligtasan ng mga bata, nais ni Biazon na maging malinaw ang usapin hinggil sa kung papaano ito ipapatupad ng Department of Transportation (DOTr) at ng Land Transportation Office (LTO).

 

 

“Isang point ang gusto kong i-raise sa implementation ng law, ‘yung nilalaman ng Implementing Rules and Regulations (IRR) na pinatupad ng DOTr at LTO. Specifically ito ‘yung pagbuo ng tinatawag na fitting stations,” ani Biazon.

 

 

Sinabi ni Biazon na ang ‘fitting stations’ ay maaaring lugar o opisina kung saan ay ginagawa ang inspeksyon ng pagkakabit at wastong paggamit ng child seat restraints. Subalit ang pagbuo ng ‘fitting stations’ ay hindi kasama sa batas, ayon pa sa kanya.

 

 

“Ang problema natin diyan, aside from wala kasi ‘yan sa batas, ang sistemang ipapatupad nila ay meron pang accreditation. In other words, meron pang certain number of fitting stations na bibigyan ng accreditation ng LTO para magsagawa ng fitting ng child restraint devices,” punto niya.

 

 

Bukod sa karagdagang pahirap ito sa mga motorista, sinabi ni Biazon na ang akreditasyon ng mga fitting stations ay maaaring magamit sa katiwalian.

 

 

“Kapag may discretion na involved, there is an opportunity for corruption. Alam naman natin na ang motoring sector is one of the most highly regulated sectors at tsaka very prone to corruption kaya isa ‘yun sa mga points na ire-raise ko against sa IRR ng batas,” aniya.

 

 

Tinukoy rin ni Biazon na ang paglikha ng private motor vehicle inspection center ay isa na namang pahirap sa pinansya ng mga mamamayan, na hindi na kinakailangan, at kanyang hinimok na maghanap ng iba pang pamamaraan upang magpatupad ng kaligtasan sa mga sasakyan.

 

 

“Nagawa na ng pamahalaan ang ganitong serbisyo noon, ‘yung evaluating the vehicle as it is being registered. Pardon the suspicion pero ang dating kasi ‘nun, nakakita ng opportunity para makapagnegosyo.” (ARA ROMERO)

BILANG NG MGA NAG-APLAY NG NEGOSYO SA MANILA LGU TUMAAS NG 42%

Posted on: February 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IBINIDA ng Bureau of Permits kay Mayor Isko Moreno Domagoso na tumaas ng 42% ang nag-aplay ng kanilang mga negosyo sa lungsod ng Maynila sa kabila ng kinakaharap na pandemya dulot ng COVID-19 sa bansa.

 

Ayon kay Bureau of Permits Director Levi Facundo, nasa 911 bagong negosyo ang nagpatala ngayong taon 2021 mula Enero 1 hanggang Pebrero 7 para sa aplikasyon at pag-renew ng kanilang mga business permit.

 

Batay sa rekord ng Bureau, nasa 642 lamang ang nagbukas ng bagong negosyo noong taon 2020 habang nasa 480 bagong negosyo ang nag-aplay noong 2019 sa parehong panahon.

 

Gayunpaman, sinabi ni Facundo na bahagyang bumaba ang bilang ng mga nag-renew ng kanilang business permit ngayong taon kung saan umabot lamang ito ng 44,526. Ito ay 10.8% na mas mababa kumpara sa 49,956 na mga nag-renew ng kanilang permit noong 2020, habang ito ay 6% na mas mababa kumpara sa 47,553 na pag-renew sa 2019.

 

Ayon kay Facundo, isa sa mga dahilan sa pagtaas ng nasabing bilang ay ang mga programa na inilunsad ng lokal na pamahalaang lungsod ng Myanila upang suportahan ang mga lokal na negosyong lubhang naapektuhan ng pandemya.

 

“I believe that the more activity we do for the businesses will result to more productivity. Most of these new businesses are fruits from previous events,” ani Facundo. (GENE ADSUARA)