NAKALULULA ang Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta ng basement parking pa lamang ng ipinatatayo niyang bahay, na tinatawag niyang ‘forever home,’ kaya alam mo nang napakalaki ng lote nito at napakalaki rin ng bahay na itatayo dahil aabutin daw ng two years or more bago matapos.
Caption ni Sharon sa video posted last February 11: “Basement parking in our forever home halfway done! It’s under half the whole house. Am so excited that we’re moving forward! Construction started August 1 last year then my workers of course took a Christmas break. My contractor said about two months ago when I asked him when he thought they would finish building that he would try his best to be done in a little over two years.
“I hope tapos na yung “a little over,” pero I know hindi pa! But basta super tibay at magaling ang pagkakagawa at pulido, mabilis lang siguro naman din lilipas ang two years. Sana din wala nang pandemya noon! Galing my workers. Everyone just works and works and in such an organized manner!
“Galing my contractor, Onet Limchoc of @limchoc.construction and siempre my architect @conrad_onglao! (partner ni Zsa Zsa Padilla). Praying all goes well till the end. Kakayanin daw ng bahay namin kahit lindol na intensity 9-10! Thank God talaga!”
***
FEBRUARY is the love month, kaya tamang-tama na ipalabas na sa Netflix Philippines, ang one-of-a-kind drama anthology ng GMA Network, ang I Can See You.
Binubuo ang serye ng apat na mini-series, na tumatalakay sa tales of love and mystery from everyday people, kaya ganoon ang title.
Mauunang mapanood ngayong Monday, February 15, ang “Love On The Balcony” na nagtatampok kina Asia’s Multimedia Star Alden Richards, Pancho Magno at Jasmine Curtis-Smith.
Alamin ang love story nina Gio (Alden, a wedding videographer) at Lea (Jasmine, a frontline nurse) na nagsimula ang pagkikilala nila sa balcony ng unit na tinutuluyan nila, na nabuo sa gitna ng pandemic.
Sa March 1 naman mapapanood ang second episode na “The Promise” nina Paolo Contis, Yasmien Kurdi, Benjamin Alves at Andrea Torres. March 15 naman ang “High-Rise Lovers” nina Lovi Poe, Winwyn Marquez at Tom Rodriguez.
Ang huling episode na mystery romance na “Truly. Madly. Deadly.” nina Dennis Trillo, Rhian Ramos at Jennylyn Mercado ay sa March 29 naman mapapanood.
***
EXCITED na ang mga netizens na sumusubaybay sa afternoon prime drama series na Magkaagaw dahil pagkatapos ng month-long recap ng serye nina Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, Klea Pineda at Jeric Gonzales, simula ngayong hapon, February 15, mapapanood na nila ang mga fresh episodes, na papunta na sa climax ng story.
Ayon kay Sheryl, kakaiba raw ang mga confrontation scenes na ginawa nila, sa lock-in taping nila. Masaya ang buong cast na natapos nila ang taping ontime, salamat sa professionalism ng bawat isang character.
Kay Klea, ang aabangan daw ng mga netizens ay kung mababawi ba niya as Clarisse ang asawang si Jio (Jeric) kay Veron (Sheryl). Nagpasalamat naman si Jeric sa lahat ng mga kasama niya sa serye dahil ito na ang pinakamahirap na role na kanyang ginawa at dito siya nag-grow as an actor.
Napapanood ang Magkaagaw after ng Eat Bulaga sa GMA-7. (NORA V. CALDERON)