AMINADO si Direk Easy Ferrer na nagkaroon siya ng anxiety bago ang airing ng first season ng Ben X Jim.
Kasi naman ang daming successful na BL series na naipalabas at marami pa ang nakalinya na ipalabas.
Pero ayon sa kanya, nagpick-up naman sila after the episodes kaya he felt relieved dahil magandang feedback about Ben x Jim. Kumbaga, worth it lahat ng effort at energy spent sa series.
Sa tingin ni Direk easy, ang pagiging simple at relatability ng kwento ng Ben X Jim ang main reason kung bakit nag click ito.
Kahit na mga ordinaryong tao ay mine-message siya at sinasabi na fan sila ng show. Hindi lang members ng gay community ang audience nila. Mga nanay, straight guys at mga single women ay naka-relate sa kwento ng BL series.
Ano naman amg kakaiba sa second seasom ng Ben X Jim?
“Season 2 will be more grounded, bittersweet reality of love and consequences of fighting for your love. Plus may mas maraming diverse subplots mula sa ibang characters tulad ng discrimination sa workplace, sexual exploration and positivity, gender reassignment and self validation,” kwento ni Direk Easy.
Tatalakayin din sa show ang May- December love affair and maturity issues, cat fishing, social media toxicity and cancel culture.
Pero kahit na magiging diverse at in depth ang political discussion, magiging relatable pa rin ang kwento.
Dahil successful ang unang season, malaking challenge to make season 2 even better.
Pero naniniwala naman si Direk Easy na malaking tulong sa kwento ang mga bagong characters na idinagdag to make the series more interesting. Pinuri ni Direk Easy ang kanyang cast for being competent in their roles.
***
NAKABIBILIB ang ABS-CBN dahil kahit wala silang franchise ay patuloy pa rin sila sa pagpo-produce ng mga shows for their different platforms.
Patuloy din ang kanilang film arm (Star Cinema) sa paggawa ng pelikula tulad ng Hello Stranger na patok sa streaming platforms.
More than just earning money, sinusunod pa rin ng ABS-CBN at Star Cinema ang kanilang layunin na makapaghatid ng de kalidad na entertainment fare sa kanilang mga loyal viewers and supporters.
Wala man silang franchise, ‘di naman nalilimutan ng network ang pagsisilbi sa bayan thru their shows and movies.
Patuloy pa rin tinatangkilik ang well-loved shows nila tulad ng FPJ’s Ang Probinsyano at Ang Lahat Sa Iyo Ay Akin.
***
NASA Megamall kami the other day and napadaan kami sa may sinehan sa third floor.
Nalungkot kami dahil sarado ang sinehan. Mag-iisang taon nang sarado ang mga cinemas sa buong bansa since nagsimula ang Covid-19 last year.
Nakalulungkot ang nangyari dahil ang isa sa paboritong libangan ng mga Pinoy ang panonood ng sine pero up to now ay hindi ito maibalik dahil sa malamyang pagtugon ng gobyerno sa pandemya.
Kainggit ang ibang bansa na nagbalik na sa normal, in a way, ang buhay nila. May vaccine na sila para sa kanilang mga tao at yung ibang bansa ay nagbukas na ang mga sinehan.
Umaasa pa naman ang lahat na noong February 15 ay papayagan na ang pagbubukas ng mga sinehan but it was deferred to March 15.
Ngayon ang sinasabi ng Malacanang ay hindi sila papayag buksan ang mga sinehan kung hindi pa sisimulan ang vaccination.
Ang entertainment business ang labis na naapektuhan ng pandemya. Sarado ang mga sinehan, mga bars, clubs, karaoke joints, sing-along bars, at lahat na may live entertainment na involved. Mahihirapan makabangon lalo ang entertainment business if the government cannot get their acts together at papaplanuhin what is the best way to address the problem at hand.
Pero kahit na ganito ang sitwasyon ay patuloy pa rin ang umaasa ang mga taong apektado na magiging maayos din ang lahat at muling magbabalik muli sa dating nating nakagawian.
Kaya ‘yung mga mahilig manood ng sine ay umaasa na lamang sa live streaming mga bagong pelikula na ipinalalabas.
Pero we remain hopeful na muling magbubukas ang sinehan, kahit na may mga health protocols na dapat sundin (RICKY CALDERON)