• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 4th, 2021

IMMUNIZATION PROGRAM NG DOH KONTRA TIGDAS, IN-EXTEND HANGGANG MARSO 7

Posted on: March 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

UPANG maabot ang target na population na 95%, pinalawig pa ng hanggang Marso 7 ang immunization program ng  Department of Health (DOH) laban sa sakit na rubella, tigdas at oral polio vaccine  Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA).

 

Inulat ng DOH na hanggang noong March 1, 2020, 83.7% o 4,269,423 ang nabakunahan laban sa tigdas at rubella habang mayroong 3,939,677 o 82.4%  ng national target ang nabakunahan laban sa polio.

 

Ang  Luzon,Region III aang may pinakamalaking nabakunahang sanggol at may edad 9-59 buwang gulang  kontra tigdas at rubella  na nasa kabuuang bilang na 881,789 o 91.1%.

 

Habang 1,026,404 o 90.6% na may edad  0-59 months old naman s aoral polio vaccination.

 

Sa National Capital Region (NCR), mayroong  873,532 o 85.7%  ang nakatanggap ng measles at rubella vaccines.

 

At naabot naman ng Region IV-A  ang  79.2% o 1,031,342 ng total  coverage sa tigdas at rubella habang  79.1% o 1,205,345 ang nabakunahan kontra polio.

 

Sa Visayas,  87.7% o 579,319 sanggol at mga bata sa  Region VI ang nmabakunahan kontra tigdas ay rubella  na sinundan ng Region VII na may  78.5% o 544,047, at sa  Region VIII na may  78.3% o 359,394 total coverage.

 

Mayroon namang  85.7% o 660,354 sa  Region VI, 78% o 363,508 sa Region VII, at 76.7% o  411,066 ang nakatanggap ng polio vaccines.

 

Sa pagpapalawig ng immunization program at sa mahigit 800,000 bata na hindi pa nababakunahan sa mga target na rehiyon, muling hinikayat ng DOH ang mga magulang at legal guardians na pabakunahan ang kanilang anak na may edad 0-59 buwang gulang laban sa vaccine-preventable diseases sa ilalim ng  MR-OPV SIA.

 

“Millions of children are saved every year from these diseases through vaccination. Thus, we call on our local government units to continue strengthening our vaccination programs and ensure maximum coverage under the MR-OPV SIA campaign,” ayon kay Health Secretary Francisco T. Duque III .

 

“To our parents and guardians, let us retain our confidence in vaccines and put our trust in science. These vaccines are proven safe and effective. Let us protect our children and not deny them the opportunity to grow into healthy individuals, free from vaccine-preventable illnesses,” hikayat pa ng kalihim. (GENE ADSUARA)

2 MILYON SWAB TEST, NAPROSESO NA

Posted on: March 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT na sa mahigit 2 milyon ang swab test sa buong bansa ang naiproseso ng Phiilippine Red Cross (PRC) sa patuloy nitong pagtulong sa bansa sa paglaban sa Covid-19,ayon kay PRC Chairman & CEO Sen. Richard Gordon 

 

Nagsimula ang PRC na magsagawa ng  COVID-19 swab tests noong  April 2020, na aabot sa  9,000 samples kada araw . Naabot naman ng red cross ang 1 milyon sa loob ng anim na buwan noong October 2020.

 

“The 2-million milestone by 13 PRC Molecular Laboratories nationwide accounts for 24% of the country’s output, and for about 37% of testing in NCR” ayon sa PRC .

 

Sa unang dalawang buwan ng 2021 lamang, sinimulan din ng PRC ang paglabas ng mas mura, non-invasive , ngunit tumpak na mga  Saliva RT-PCR test sa kanilang mga laboratoryo, at sa mga drive-thru na mga site  sa mga mall sa buong bansa. Hindi magtatagal, ang koleksyon ng mga sample ng laway ay magagamit din sa pamamagitan ng mga Angkas bikers upang mas maraming tao ang maaaring makakuha ng mga pagsubok habang mananatiling ligtas sa kanilang mga tahanan.

 

“The Philippine Red Cross remains committed to saving lives and alleviating human suffering. I thank all the researchers, medical technologists, staff, and volunteers who continue to hold our first line of defense against our unseen yet unforgiving enemy,” ayopn pa kay Gordon.

 

Ngunit binigyang diin din ng PRC Chair na hindi ito dapat maging sanhi ng pagdiriwang, ngunit “isang paalala na kailangan pa rin tayong maging agresibo sa pagsubok, pagsunod, at paggamot sa virus.

 

Kailangan nating tuklasin ang virus at panatilihin mapigulan ang pagkalat ng maaga  upang ligtas na  makabalik sa trabaho, bumalik sa paaralan, at muling simulan ang ating buhay.

 

Binigyang diin din ng Public Health Specialist na si Dr. Susan Mercado ang kahalagahan ng pagsubok, na sinasabing “Ang pagsusuri ay palaging magiging haligi o pundasyon ng pagkontrol sa sakit.”

 

Ang parehong swab at saliva  RT-PCR ay magagamit para sa pag-book sa PRC official website   https://book.redcross.org.ph/.

 

Ang PRC Helpline 1158 ay nagpapatakbo din 24/7 upang matugunan ang mga alalahanin na nauugnay sa COVID-19.  (GENE ADSUARA)

Sotto marami pa palang mapaglalaruang mga liga

Posted on: March 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SALTONG makapaglaro si National Basketball Association (NBA) prospect Kai Zachary Sotto sa 20th NBA G League 2021 sa ESPN Wide World of Sports Complex sa Bay Lake, Florida noong Pebrero 10.

 

 

Hindi na rin siya maaaring maging student-athlete scholar sa  83rd United States National Collegiate Athletic Association (NCAA) 2021.

 

 

O makabalik pa sa 84th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2022 ng Setyembre.

 

 

Iyan ay dahil sa mahigpit na panuntunan sa Coronavirus Disease 2019 ng Estados Unidos dahil bumalik pa ng ‘Pinas ang 18-anyos, 7-3 ang taas at tubong Las Piñas kaya hindi na pinapasok sa playing venue para hindi makabalik sa G League.

 

 

Tinanggap din agad ng Ohio-based management firm na East West Private na handler ng Pinoy cage phenom ang insentibong galing sa G League kaya nawala na ang amateur status ni Sotto. Dahil sa pabuyang kinuha ng asungot niya, naging awtomatiko na siyang professional basketball player.

 

 

Patuloy ang pananahimik ng EWP, walang pahayag sa susunod na plano tapos ng tatlong dagok kay Sotto. Pati sa mga tirada ni American coach at ngayo’y nagmamando sa Thailand national team na si Chris Daleo na pinakalas si Sotto sa EWP para sa kabutihan ng binate.

 

 

May busal ang bibig ng handler ni Sotto hanggang kahapon.

 

 

Pero sa pag-aanalisa ng Opensa Depensa, marami pa lang naghihintay para sa ating kababayan na nagpahirap nga ng lang sa landas niya na maging unang homegrown na makaabot sa NBA. Mas maigi at mabailis sana kung nasa G League na.

 

 

Magpakadalubhasa ka na lang muna Kai sa talento sa sa European League. Hindi ba’t interesado dati sa serbisyo mo ang  Spanish clubs Real Madrid, Barcelona, Baskonia, at Estudiantes, pati German team na Alba Berlin.

 

 

Dahil itinuturing na isang pro na, puwede ka na ring pumirma ng kontrata at makapaglaro saan mang parte ng mundo. Naririyan din Sotto ang National Basketball League (NBL)-Australia,  B.League-Japan , China Basketball Association (CBA) ,Taiwan at iba pa.

 

 

Kaya hindi pa katapusan ang lahat para sa iyo Sotto.

Mga atleta sasailalim sa 2 drug test bawat taon

Posted on: March 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PAPASADO na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo’t huling pagbasa ang panukalang magpapalakas sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act 9165) para masugpo ang bawal na gamot sa paggamit.

 

 

Kumikom ng boto ang House Bill 7814 ng 188 ang pabor, 11 ang mga tumutol at 11 naman ang abstention sa sesyon nitong Martes ng gabi sa Batasan Hills, Quezon City.

 

 

Ipinahayag ni House Committee on Dangerous Drugs chairman at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, na isa kabilang sa panukala ang pagpapa-drug test na dalawang beses kada taon para sa mga atleta. (REC)

Torralba nagpaturok na

Posted on: March 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IBINUNYAG ni virtual 36th Philippine Basketball Association (PBA) Draft 2021 aspirant Joshua Torralba na naturukan na siya laban para sa Coronavirus Disease-19 sa Estados Unidos.

 

 

“I actually got the vaccine so I’m more safe,” bulalas ng Rio Grande Volley Vipers trainer at dating manlalaro ng Makati Super Crunch sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL ) sa isang online na panayam nitong Martes.

 

 

Hinirit niya na bago pa siya bumalik ng ‘Pinas, hinintay na niya ang ikalawang dose ng bakuna para sa kanya sa Texas sa Amerika

 

 

“I got the first dose, so I’m waiting for my second dose before I go to the Philippines,” lahad ng 26-anyos, 6-2 ang taas na guard ng De La Salle University Green Archers sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

 

 

Pinangwakas niyang pahayag na isa ang nasabing estado na may mga pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa US kaya ginawa na niya ang pagbabakuna para na rin sa kaligtasan.

 

 

Nais ng Fil-Am cager makapaglaro sa 46th PBA Philippine Cup 2021 sa Abril 9 kapag na-draft sa Marso 14.  (REC)

SHARON, handang ma-bash at sa magiging reaksyon ni Sen. Kiko; may assurance na maganda ang ‘Revirginized’

Posted on: March 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WALA dapat ipag-alala ang mga Sharonians sa gagawing pelikula ni Megastar Sharon Cuneta under Viva Films titled Revirginized.

 

 

Kahit na medyo nakaka-shock ang dating ng title, Sharon gave her Sharonians an assurance na magandang project ang Revirginized at excited siyang gawin ito.

 

 

Wala rin kaso sa kanya na baguhan ang kontrobersiyal niyang director na si Darryl Yap. Ayon kay Sharon, nagustuhan niya ang kwento ng movie dahil it is something different at hindi pa siya nakagawa ng tulad nito.

 

 

Gagampanan ni Sharon ang karakter ni Carmela sa Revirginized na isang babaeng at the age of 16 ay nagkaroon na agad ng anak kaya hindi na-enjoy ang pagdadalaga. Siguradong magiging kontrobersyal na naman ang pelikulang ito ni Direk Darryl at ayon sa Megastar handa naman siyang ma-bash kung saka-sakali.

 

 

Hindi rin natatakot si Shawie sa posibleng magiging reaction ng kanyang husband na si Sen. Kiko Pangilinan kapag napanood ang movie.

 

 

“Well, kapag nanood siya, pwedeng magulat siya ‘tapos sasabihin na lang niya sa akin, tsk… Kiko’s very supportive, sobra. Lahat ng gawin ko, kahit nga yung mga ka-love team ko, eh, mga ex ko, di ba?

 

 

Seriously, he’s very understanding and supportive. I’m very blessed to have a husband like him,” dagdag niyang pahayag.

 

 

Nang tanungin si Sharon kung ano ang reaksyon niya tungkol sa mga celebrities at ibang social media influencers na nagpapabayad para gamitin sa pagpapakalat ng fake news ay dito na naging seryoso si Sharon.

 

 

“Oh my God, ikinahihiya ko sila!” mariing reaksyon ng Megastar.

 

 

“Kasi kunyari pag artista ka, nung kalakasan ko noong araw, may tatakbo kunyari na presidente, o-offer-an ka nang milyun-milyon para sila endorsohin mo.

 

 

“Never ako nagpabayad. Lagi akong… I’d rather go with this one kahit matalo kasi yung prinsipyo or whatever my beliefs were pumapantay,” deklara pa niya.

 

 

Ganito rin daw ang ginagawa niya sa mga product endorsements na tinatanggap niya.

 

 

“Parang sa endorsements, this is a well-known fact in the advertising industry. You can talk to anybody in any advertising company.

 

 

“Sa dami ng endorsement offers na tinanggihan ko over the decades, dahil ang feeling ko, babayaran nga ako pero yung produkto, parang palpak ‘to or yung serbisyong ‘to, hindi ko malunok.

 

 

“Kung pinatulan ko lahat ng endorsements na ‘yon, siguro doble na yung naipon ko sa ipon ko ngayon. It’s the same thing with me, ang feeling ko, kung sa fake news.

 

 

“Alam ko mahirap ang buhay, pero when does it stop? When does the moral high ground come in? Do you even have it? Do you even know it?

 

 

“Kasi di hamak na mas rerespetuhin ko ang isang totoong tao na tapat sa ginagawa kesa dun sa pasimple kang nagpapabayad para mag-spread ka ng peke. Ginagamit mo yung impluwensiya mo sa maling paraan para kumita,” tuluy-tuloy pang paliwanag ni Sharon.

 

 

Despicable din daw at unacceptable para sa kanya ang ganung klaseng gawain.
“Ikinahihiya ko na sabihing kasama ko sila sa industriya,” pagdidiin pa ni Sharon.

 

 

***

 

 

MULING kinilala ang ABS-CBN dahil sa maayos na pamamalakad nito sa kumpanya kasama ang iba pang mahuhusay na organisasyon sa Pilipinas sa ginanap na ASEAN Corporate Governance Scorecard (ACGS) Golden Arrow Awards noong ika-19 ng Pebrero.

 

 

Tulad noong 2018, tanging ang ABS-CBN lang ang media company sa mga organisasyong pinarangalan para sa kanilang magandang pamamalakad base sa isinagawang ACGS noong 2019.

 

 

Ang ACGS ay ginagamit sa anim na bansa na kasapi ng Association of Southeast Asian Nations upang suriin at palakasin ang pamamahala at pagpapatakbo sa mga “publicly-listed” na kumpanya sa Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, at Vietnam.

 

 

Tinitignan nito ang mga karapatan at pagtrato sa shareholders, ang pagiging bukas at tapat ng organisasyon, mga responsibilidad ng board, at iba pa ng mga kumpanya.

 

 

Maliban sa ABS-CBN, pinarangalan din sa Golden Arrow Awards and ibang kumpanya ng Lopez Group. Ito ang Lopez Holdings Corporation at First Gen Corporation.

 

Isinasagawa ang ACGS Golden Arrow Awards ng Institute of Corporate Directors, isang organisasyong may layuning gawing propesyunal ang pamamalakad sa mga kumpanya sa bansa. (RICKY CALDERON)

DepEd, pinalawig ang school year hanggang Hulyo 10, 2021

Posted on: March 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinalawig ng Department of Education ang school year para sa basic education level sa Hulyo 10.

 

 

Sa isang kautusan, sinabi ni Education Sec. Leonor Briones na natukoy ng kagawaran ang mga learning gaps sa mga estudyante matapos ang patuloy nilang pag-monitor sa implementasyon ng distance learning.

 

 

Maliban dito, bibigyan din ng karagdagang instructional time ang mga guro para sa iba’t ibang learning delivery modalities.

 

 

“These learning gaps are attributable to reduced academic opportunities at home and substantial loss of live contact with teachers,” wika ni Briones.

 

 

Sang-ayon sa kautusan, inurong ng DepEd ang third grading period sa Mayo 15 mula sa Marso 22, habang ang fourth quarter ay sa Hulyo 10 mula sa Mayo 17.

 

 

Nagtapos noong Pebrero 27 ang second quarter.

 

 

Orihinal namang itinakda ang pagtatapos ng school year sa Hunyo 11.

 

 

Mula Marso 1 hanggang 12, magsasagawa ang mga paaralan ng intervention at remediation activities para sa mga mag-aaral.

 

 

Sa Marso 15 hanggang 19 naman, dadalo sa isang professional development program na inorganisa ng mga eskwelahan o iba pang mga kaukulang units ng DepEd ang mga guro.

 

 

Saklaw sa bagong polisiya ang lahat ng mga pampublikong elementarya at sekondaryang paaralan sa buong bansa.

 

 

Samantala, ang mga pribadong eskwelahan, technical and vocational institutions, at higher education institutions na nag-aalok ng basic education ay hinihikayat lamang na ipatupad ang guidelines ng ahensya.

 

 

Hindi naman tiyak sa ngayon kung paiiklin ng bagong polisiya ang summer break ng mga estudyante. (Daris Jose)

Pag-aalis ng travel authority, quarantine requirements idinepensa ng DILG

Posted on: March 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Idinepensa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang desisyong alisin na ang ilang requirements at paluwagin ang ilang health protocols ng mga biyahero, kahit pa nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.

 

 

Kasunod ito nang pagbatikos ni Vice Pres. Leni Robredo sa pagtatanggal ng quarantine at testing protocols, dahil maaari aniya itong maging dahilan ng big­lang pagdami ng COVID cases.

 

 

Nilinaw ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na ang RT-PCR test ay hindi kailanman naging requirement mula sa national government, at sa halip ay ang mga local governments aniya ang nag-require nito.

 

 

Hinggil naman sa pagtatanggal ng quarantine requirement, kinonsulta nila ang mga health professionals at iminungkahi ng mga ito na wala nang biyahero ang ire-require na sumailalim sa facility-based quarantine.

 

 

Tanging ang mga biyahero lamang na makikitaan ng sintomas ng sakit sa pagdating sa kanyang destinasyon ang isasailalim sa quarantine.

 

 

Sinabi rin ni Malaya na ang kritisismo ni Robredo ay ‘misplaced’ o wala sa lugar.

 

 

Ipinaliwanag niya na nang sabihin ng bise presidente na ang mga Locally Stranded Individuals (LSIs) ang responsable sa pagkalat ng COVID sa mga lalawigan, ito ay noong mga unang araw pa lamang ng pandemic kung kailan mataas ang infection rates at mababa ang compliance ng mga mamamayan sa minimum health standards.

 

 

Matapos aniya ang isang taon, mataas na ang compliance ng mga mamamayan sa minimum health standards, mababa na ang bilang ng mga aktibong kaso at alam na ng mga mamamayan ang dapat gawin upang protektahan ang kanilang sarili at kanilang pamilya laban sa virus.

Ads March 4, 2021

Posted on: March 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

JOHN LLOYD, balik-alindog na pagkatapos ng pinagdaanan nila kay ELLEN

Posted on: March 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINAGILIWAN ng netizens ang ‘new look’ photos ni John Lloyd Cruz sa kanyang Instagram account.

 

 

Karamihan ay natuwa dahil sa kanyang fresh look at aura, na pansin nila ay nanumbalik na ang kaguwapuhan ni Lloydie matapos nang pinagdaanan nila ni Ellen Adarna na happy na ngayon sa piling ni Derek Ramsay.

 

 

Marami rin excited na muling mapanood ang mahusay na aktor and hopefully matuloy nga ang reunion movie nila ni Bea Alonzo.

 

 

Meron din namang nag-nega, na hindi talaga nawawala sa bawat post ng mga artista sa kanilang socmed.

 

 

Ilan sa mga comment ng netizens sa fashionpulis.com:

“Nice. Hope to watch you again idol.”

“Receding na.”

“un hairline o un career?!”

“Both. Obvious yung hair. Yung career, I think napahaba ang bakasyon ni JL. Marami nang magagaling din ngayon at parang di na sya kawalan after almost 4 years of absence. Parang nawala tuloy ang kinang nya, not so interesting anymore.

“Waaaa gwapo na ulet.’

“Makakabalik kaya ang dating ningning niya.”

“wala na si Mr. M sa Star Magic na tutulong sa kanya pero tingin ko if magcommit siya at bigyan ng chance, with his talent, puwedeng-puwede pero huwag asahan na katulad ng dati kasi madami ng bago at mas bata na magaling rin umarte

“Mas bata yes. Mas Magaling umarte sino?”

“Pwede siya tatay ni Joshua.”

“Agree with you. Almost 4 years of absence is just too long. Marami nang mas bata na kahit hindi sing galing, magaling   at puede pang gumaling. I’m sure makakabalik sya pero di na tulad ng dati ang kinang nya. I’m was a JL-Bea fan too pero nalipasan na rin ng panahon

“Parang siya yung next Joel Torre. He doesn’t need the ningning. His work speaks for himself.”

“salamat sinabi mo. pwede another joel torre, michael de mesa, bembol roco. pinanuod ko ulit yung scene nya w/vilma outside d chapel ang galing nya dun.”

“May pinagdaraanan. Nagpagupit eh. Okay lang yan loydie, masaya naman si ellen ngayon. Magpaubaya ka na.”

“May project siya. Si John Lloyd ang nang iwan sabi ni Ellen bigla nalang umalis.”

“Like. He looks happy & at peace.”

“Shet balik alindog. Gumwapo na ulit sya sa paningin ko.”

“Panutcha!”

“and so? lahat tayo malalagasan ng buhok someday.”

“i bet kapag ikaw napanot di ka pa din kasing gwapo ni lloydie hahahaha.”

“gumwapo at ang bango tingnan ni JL, di gaya before na my gosh skinny and parang walwal na…
“pero pa calbo na ung ulo mo JL. but u look great na u put on some weight.”

“Ahahayyy! Balik-guwapo at mabango na ulit idol ko!!!”

“Yan ang gusto kong look mo idol!!! Yummmyyy!”

“i love u papa jl!!!!!! mwah!!! arrrghhh bat di sila nagkakatuluyan ni bea?”

“Yes! Go john lloyd! Show ellen and derek what u got!”

“Minsan lang ako mag comment sa mga nababasa ko pero all i can say is… you deserve someone better and you still belong sa limelight.”

“Looking good, Popoy!! Glowing!”

“Para syang Bruce Willis ng Pinas!”

“Lapad ng airport! Wala ng appeal..time for a new matinee idol!”

“You won’t forever be a matinee idol naman. But JLC is JLC!”

“Naisip ko tuloy, parang umayos na ulit si JLC maka lampas ng unos ni Ellen. LOL! Basta, I’m rooting for him.”

“Hahaha unos talaga. Parang salot lang ang datingan ha.”

“Nagising n sa pag ka budol ni E.”

“Popoy version 2.0!!! :)”

“Ang gwapo na nya ulit ngayon. Wala ng toxic vibes..”

“Excited na ako sa project mo heehee.”

“With his talent, he can go back anytime. Love yourself, JLC!”

“akala ko si joshua yung unang pic. bumata sya sa haircut nya, guwapo na ulit.”

“may buhok or wala, gwapo pa rin.”

“Naku Baka gayahin na naman yung look niya.”

“sa mga nagsasabing wala nang kinang si JLC, bat konting ibot lang niya naka publish agad s mga entertainment portals.. sa mga basher na nagsasabi nawala silang pake kay JLC pero nagawa pa mag comment at mang bash juicecolored, wala daw pake pero comment ng comment at bash ng bash.. 2021 na, magbago na kayo..
for papa j, you deserve a second chance..
and yes, i’m a fan =)”

“Si JLC yung gwapo na reachable, boy next door talaga at angat ang talent. Hindi yung mala adonis na pang hanapbuhay ang itsura kahit walang talent.”

“Creepy smile. what happened?”

 

“yang ngiti na yan ang ginagaya ni joshua.”

“Joshua G. at 30 years old.”

“Ayan na siyaaaa!!”

“Hope to see you acting again.”

“A little Belo here, a little body toning excercise there, puwede na. Welcome back Lloydie.”

“He reminds me of tom hanks.. too bad he got involved with ellen and now yung bata magsa-suffer sa iba ibang jowa ni mudir.”

“Next time, huwag kasing magsasalita ng tapos. major TO talaga sa akin yung sinabi niya about showbiz. Matapos siyang yumaman, sinisi pa ang showbiz sa naging buhay niya. choice mo yan, boy. ano ka ba kung hindi ka nagshowbiz? ngayon, kakainin mo sinuka mo, balik showbiz ulit.”

“Gwapo pa rin talaga kahit nagmukhang mature na. Mabigyan lang yan ng magandang project ulit, babalik ang kinang nyan ni JLC. Wala namang pumalit sa naiwan nyang pwesto eh.” (ROHN ROMULO)