• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 25th, 2021

‘The Flash’, Meets The ‘Justice Society of America’ After His Accidental Time Travel

Posted on: March 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

AFTER streaming Zack Snyder’s Justice League on HBO Go, fans are now rooting for more DC films.

 

 

As we await their upcoming live-action films in a few months, we can also look forward to the new animated film Justice Society: World War II.

 

 

A new clip was released for the film, and it features the Flash bumping into Wonder Woman at the midst of World War II, seemingly after his accidental time travel with the Speed Force.

 

 

Watch the new clip below: https://www.youtube.com/watch?v=wdH1KWDnbys

 

 

 

Justice Society: World War II finds modern-day Barry Allen – prior to the formation of the Justice League – discovering he can run even faster than he imagined, and that milestone results in his first encounter with the Speed Force.

 

 

The Flash is promptly launched into the midst of a raging battle – primarily between Nazis and a team of Golden Age DC Super Heroes known as The Justice Society of America. Led by Wonder Woman, the group includes Hourman, Black Canary, Hawkman, Steve Trevor and the Golden Age Flash, Jay Garrick.

 

 

The Flash quickly volunteers to assist his fellow heroes in tipping the scales of war in their favor, while the team tries to figure out how to send him home. But it won’t be easy as complications and emotions run deep in this time-skipping World War II thriller.

 

 

Produced by Warner Bros. Animation, DC and Warner Bros. Home Entertainment, Justice Society: World War II stars Stana Katic as Wonder Woman, Matt Bomer as The Flash, Elysia Rotaru as Black Canary, Chris Diamantopoulos as Steve Trevor, Omid Abtahi as Hawkman, Matthew Mercer as Hourman, Armen Taylor as Jay Garrick, Liam McIntyre as Aquaman, Ashleigh LaThrop as Iris West, Geoffrey Arend as Charles Halstead/Advisor, Keith Ferguson as Dr. Fate and Darin De Paul as Franklin Roosevelt.

 

 

The film is directed by Jeff Wamester and will be released digitally on April 27 and on 4K UHD and Blu-ray on May 11.

 

 

Meanwhile, DC’s lineup of live-action films is also getting bigger with the new films that were confirmed during last year’s DC Fandome.

 

 

This includes The Suicide Squad 2 (Release Date: August 06, 2021), The Batman starring Robert Pattinson (Release Date: March 04, 2022), DC Super Pets (Release Date: May 20, 2022), The Flash (Release Date: November 04, 2022), Aquaman 2 (Release Date: December 16, 2022) and Shazam 2 (Release Date: June 02, 2023). (ROHN ROMULO)

400,000 doses na 2nd batch ng Sinovac vaccines nasa Pinas na

Posted on: March 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dumating na kahapon  alas-7:16 ng umaga ang isa pang batch ng ilang daang libong doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac Biotech.

 

 

Lulan ang 400,000 doses ng Sinovac vaccines, dumating kanina sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang Boeing 777 ng Philippine Airlines (PAL) mula Beijing.

 

 

Ito na ang ikalawang batch ng donations mula sa Beijing, kasunod ng unang 600,000 doses na kanilang ibinigay sa Pilipinas noong Pebrero 28, na bahagi ng kanilang ipinangakong libreng 1 million doses ng bakuna.

 

 

Kaagad namang idiniretso sa mga storage facilities ng Department of Health ang mga dumating na bakuna mula China.

 

 

Sa ngayon, mayroon nang higit 1.5 million doses ng COVID-19 vaccines ang Pilipinas, kasama na ang dumating na 400,000 doses ng Sinovac vaccines at ang naunang 525,600 doses na AstraZeneca vaccines mula sa Covax Facility.

 

 

Sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. na darating na rin sa Pilipinas sa Marso 29 ang 1 million doses ng Sinovac vaccine na binili naman ng pamahalaan gamit ang sariling pera nito.

 

 

Bukod dito, mayroon pang paparating na mga 979,200 doses mula naman sa COVAX facility mula Marso 24 hanggang 26.

 

 

Sinabi ni Galvez na aabot sa 140 million doses ng COVID-19 vaccines ang inaasahan nilang darating sa Pilipinas ngayong taon, hindi pa kasama ang alokasyon mula sa COVAX Facility.

 

 

Ito ay matapos na malagdaan na rin ang supply agreements mula sa Sinovac, AstraZeneva, Moderna at Novovax.

 

 

Nabatid na target ng pamahalaan na masimulan ang mass vaccination drive nito sa darating na Mayo pagkatapos na mabakunahan ang 1.7 million healthcare workers sa bansa.

 

 

Sa nakalipas na mahigit tatlong linggo nang simulan ang COVID-19 vaccination program sa bansa, tanging 336,656 pa lang ang nababakunahan.

 

 

Karamihan sa bilang na ito ay pawang mga healthcare workers at ilang mga national government at local officials na hindi sumunod sa priority leist.

 

 

Ang mababang vaccination rate ay sa kabila nang 98% o 1,105,600 mula sa 1,125,600 doses na ng AstraZeneca at Sinovac doses ang naipamahagi na sa 1,623 vaccination sites sa 17 rehiyon. (Daris Jose)

Hidilyn Diaz tanggap na walang manonood na kaibigan at kaanak sa Tokyo Olympics

Posted on: March 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Handang sumabak sa Tokyo Olympics si Filipina weight lifter Hidilyn Diaz kahit na walang manonood na mga kaibigan at kaanak.

 

 

Kasunod ito ng naging desisyon ng Olympic organizers na bawal muna manood ang personal ang mga nasa ibang bansa dahil sa banta pa rin ng COVID-19.

 

 

Sinabi ni Diaz na nalungkot siya sa desisyon ng organizers pero naiintindihan niya ito.

 

 

Marami aniya itong mga kaibigan na nais manood ng makasaysayang kabanata sa kaniyang buhay.

 

 

Target ngayon ni Diaz na ma-improve niya ang kaniyang performance noong Rio Olympics kung saan nakakuha ito ng silver medal.

 

 

Maisasapormal naman na nito ang pagsali sa Tokyo Olympics sa nakatakdang pagsabak nito sa Asian Weightlifting Championsip sa Tashkent, Uzbekistan sa darating na Abril 16 hangang 25.

78% ng isolation facilities sa NCR, okupado na

Posted on: March 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Okupado na ang nasa 78 porsyento ng mga isolation facilities sa National Capital Region (NCR) kabilang ang mga “qua­rantine hotels” at “temporary treatment facilities”.

 

 

Ito ang inihayag ni treatment czar at Health Undersecretary Leopoldo Vega kasabay ng pana­wagan niya na madagdagan na ang mga isolation facilities sa rehiyon.

 

 

“If we have 8,000 new COVID-19 cases and 4,000 are in NCR since 63% of cases are in NCR, with 97% of them mild and asymptomatic, we need an extra number of isolation facilities,” ayon kay Vega.

 

 

Dapat umano ito ang unahin dahil dito dinadala ang napakaraming mga “asymptomatic at mild cases” habang ang mga pagamutan naman ang “last line of defense” na pinagdadalhan ng mga “moderate at severe cases”.

 

 

Una nang sinabi ng OCTA Research Group na kulang ang dalawang linggo na itinakda para sa “NCR plus bubble” para tuluyang maampat ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.  Kasaluku­yang nasa 2.1 na umano ang reproduction rate sa NCR at kailangang maibaba ito kahit sa 1.5 na lamang.

RURU at SHAIRA, ‘di pa iniisip na mag-settle down dahil marami pang gustong ma-achieve

Posted on: March 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT parehong may serious relationships sina Ruru Madrid at Shaira Diaz, hindi raw nila iniisip pa ang mag-settle down dahil marami pa raw silang gustong ma-achieve sa kanilang careers sa showbiz.

 

 

Nauso kasi ang ma-engage at magpakasal last year dahil sa pandemic. Ilang celebrities ang ginawa ito ng palihim at meron namang proud sa pag-share sa social media.

 

 

Para kay Shaira, na eight years na ang relasyon sa aktor na si Edgar Allan Guzman, importante sa kanya at sa pamilya niya ang sagradong kasal.

 

 

“Yung marriage sobrang sacred. Sobrang inu-honor ko ito at madami akong goal bago ako pumasok sa ganun. Gusto ko siguradong-sigurado ako and ayoko ‘yung pabigla-bigla.” 

 

 

Magdadalawang taon pa lang ang relasyon nila Ruru at Bianca Umali kaya hindi pa nila iniisip ang magpakasal dahil pareho silang may goal sa kanilang showbiz careers.

 

 

“Like ako, napaka goal-oriented ko na tao, napakarami ko pang gustong ma-achieve sa life, napakarami ko pang gustong matulungan sa buhay.” 

 

 

Napapanood sina Ruru at Shaira sa pagbabalik ng I Can See You. Ang episode nila ay “On My Way To You”.   Sunod na pagtatambal nila ay sa teleserye na Lolong na magsisimula na ang one month lock-in taping.

 

 

***

 

 

MARAMING natuwa sa balitang buntis na si Beth Tamayo after itong ikasal sa kanyang American fiance na si Adam Hutchinson noong nakaraang March 4.

 

 

Sa tulong ng IVF or In Vitro Fertilization, mae-experience na ni Beth ang mabuntis sa edad na 43. Ang due date niya ay sa September 2021.

 

 

Pinost ni Beth ang photo ng sonogram niya sa social media.

 

 

“Bout time to tell the world that WE ARE PREGNANT! It wasn’t an easy road getting here but boy it was worth it!

 

 

“IVF is never an easy path but so thankful for my “team”! Starting with our doctor – Dr. Aimee or better known as the @eggwhisperer for the hands on guidance and just being there for us every step of the way and advocating what is best for us, ALWAYS! She and her staff are the best!

 

 

“To my hubby @akhutchi for being an awesome partner! From day one, even if he can’t physically go inside the clinic (Covid protocol) to hold my hand and make sure I’m fine, he’s been there for me driving me to all of my appointments and just making sure I’m feeling great. The guy who’ve perfected the “art of giving shots” and cheered me on every night. Telling me that I’m such a badass for going through all of this! Thanks Babe.

 

 

“To my sweetest pooch @lilywhitesocks for being momma’s bestie. She knows when to give me space and needed to rest and sleep. She naps with me and never leaves my side (ever). She’ll be the best Big sister for sure!

 

 

“To my family and closest friends, (you know who you are) who prayed with us and who have been rooting for our little family from day one, THANK YOU and we love you so much!

 

 

“To the #ivfcommunity and to all the warriors out there, thank you for always spreading love, hope and positivity all day, everyday! Reading your stories only makes me feel proud to be a part of this community! You are all awesome, brave and amazing! (I know this announcement might be a trigger to some of you who are still ttc and waiting for their bundle of joy. I see you, we see you and we are praying for you! Hang in there!)”

 

 

***

 

 

INAKUSAHAN ng isang babae ang Hollywood actor na si Armie Hammer ng mental, emotional, and sexual abuse.

 

 

Ayon sa babae na nagngangalang Effie, nagkaroon sila ng 4 year relationship ng aktor. Pero naging bayolente raw ito at inakala ni Effie na papatayin siya ng aktor.

 

 

Kuwento niya sa Variety: “I thought he was going to kill me. On April 24, 2017, Armie Hammer violently raped me for over four hours in Los Angeles. During which he repeatedly slapped my head against a wall bruising my face. He also committed other acts of violence against me to which I did not consent.”

 

 

Dagdag pa ni Effie, binugbog daw ng aktor ang mga binti’t paa niya para raw hindi ito makatakas.

 

 

“He would beat my feet during the rape, so they would hurt when I walk. He wouldn’t let meget away.”

 

 

Pinabulaanan ni Hammer ang bintang na rape sa kanya ni Effie. Ayon sa kanyang lawyer na si Andrew Brettler, of Lavely & Singer: “From day one, Mr. Hammer has maintained that all of his interactions with [Effie] — and every other sexual partner of his for that matter — have been completely consensual, discussed and agreed upon in advance, and mutually participatory.”

 

 

Sa Facebook daw nagkakilala sina Effie at Armie. Noong magkaroon sila ng relasyon, ginamitan daw ng aktor si Effie ng clear manipulation tactics.

 

 

“He would often test my devotion to him. He abused me mentally, emotionally, and sexually.”

 

 

Iniimbestigahan ng Los Angeles Police Department ang kasong sinampa ni Effie kay Hammer. Bukod kay Effie, may isa pa raw babaeng nag-file ng sexual assault case sa aktor.

 

 

Dahil sa kaso, inalis na si Hammer sa pelikulang Shotgun Wedding with Jennifer Lopez. Pinalitan siya ng aktor na si Josh Duhamel.  (RUEL J. MENDOZA)

500K hanggang 1 milyong vaccination kada linggo

Posted on: March 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TARGET ng pamahalaan na mabakunahan ang 500,000 hanggang isang milyong indibidwal bawat linggo simula sa buwan ng Abril.

 

Ito’y dahil na rin sa inaasahang pagdating ng mas maraming mga bakuna sa nalalapit na pagsapit ng 2nd quarter.

 

“So ang targeted vaccination natin by April and May, hinahabol  namin na magkaroon tayo ng 500,000 to 1 million per week.

 

Sa ngayon, medyo mabagal tayo dahil kasi po ang ating binabakunahan ay mga healthcare workers, at talagang ang ginagawa  natin pine-phase  natin talaga dahil kasi iniingatan po natin na mabakante ang mga hospital lalo na  ngayon na umaangat po ang ating mga kaso,” ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.

 

Tatlo aniya ang pagkukunan ng pamahalaan na mga bakuna para sa ikalawang bahagi ng 2021na pawang manggagaling sa Sinovac, Gamaleya at COVAX.

 

Tinatayang aabot aniya sa 11.5 million doses ang inaasahan nila para sa April deliveries habang may paparating pang bakuna sa susunod na linggo na isang milyong doses na binili sa Sinovac bukod pa sa 4 na raang libong donasyon nito sa bansa.

 

“Iyong sa second quarter delivery natin, ‘yong tatlo  ang pagkukunan po natin: ‘yong Sinovac, Gamaleya at saka COVAX.

 

Dahil nagkaroon na  ng EUA ang ano, Emergency Use Authorization ang Gamaleya, puwede na  tayong bumili . And then ‘yong Sinovac, March 29, ay 1 million  ang atin matatanggap. Ito ‘yong nabili  natin na ide-deploy nila at kukunin  ng Philippine Airlines in two shuttles this coming ano March 29 po,” anito.

 

Sa kabuuan aniya ay umabot sa 2. 379 million doses ang parating na bakuna para sa 1st quarter.

 

“So ang total doses na darating  ngayong ano ngayong first quarter is 2.379 million doses. At sa ngayon po mayroon na po tayong activated na 1,523 na vaccination site. Sa April deliveries naman po, magkakaroon tayo ng more or less 11.5 million doses,” ang pahayag ni Galvez.  (Daris Jose)

FACE SHIELDS, BARRIERS, ROADBLOCKS, CURFEW SA PANAHON ng PANDEMYA, ATBP.

Posted on: March 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinatupad na sa public transport ang “no face mask, no face shield, no ride” policy. Sa mga mangagawa ay ipinagutos na rin ang pagsuot ng face shield. May ilang business establishments na may polisiya na rin ng “no mask, no face, shield no entry.

 

 

Kaya naman nagsisiguro na ang ating mga mamamayan na magsuot ng face mask at face shield para sigurado na nga naman! Yun dating “encouragement”o paghikayat na magsuot ng face shield ay mukhang naging “requirement”na.

 

 

Dahil dito ay namigay ng sariling gawang faceshield ang Lawyers for Commuters Safety and Protection(LCSP) at ‘Ang Bumbero’ng Pilipinas sa mga pasahero at manggagawa. Ilang LGU at NGO na rin ang sumunod at namigay na rin ng libreng face shields.

 

 

Samantala, inalis naman ng IATF ang polisiya na gumamit ng barrier sa mga family-used motorcycles kapag ang rider at naka-angkas ay ‘members of the samehousehold.  Matatandaang pinalagan natin ang polisiyang ito mula pa nung una.  Ito ang panukala noon pa ng LCSP!

 

 

Pero itinuloy pa rin ang nasabing polisiyang kaya imbes matuwa ay binatikos ito ng mga may-ari ng motorsiklo dahil sa gumastos na sila tapos babawiin rin pala.

 

 

Ganyan ang mga polisiyang hindi gaanong pinagaralan bago ipatupad.   Ang isa pang dapat alisin ay ang mga road barriers sa mga kalye. Mistulang mga pang-gyera ang mga ito na humaharang sa daloy ng trapiko.

 

 

Kung ang objective nito ay para walang makapasok na ibang tao o sasakyan ay hindi rin nangyayari dahil may nadadaanan din namang iba para makakapasok sa kalyeng sinarahan.

 

 

Piliin na lang talaga ang kalyeng dapat isara at huwag gawing pahirap sa mga residente at motorista ang mga barriers.  Ang curfew naman ay mananatili dahil sa nakatutulong din ito sa pagbaba ng krimen at umuuwi sa bahay ng maaga ang mga tao.

 

 

Maraming salamat sa mga sumusunod sa pagtulong sa paggawa at pamimigay ng libreng faceshields – ‘Ang Bumbero ng Pilipinas’ sa pangunguna ni Chairman Leninsky Bacud, Robert Garcia, Squidpay, Marvin dela Cruz at Riverforest Development Corporation at mga LCSP at ABP volunteers. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Pamahalaan, ipag-uutos na ipasara ang simbahang Katoliko

Posted on: March 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KAAGAD na ipag-uutos ng pamahalaan ang pagpapasara sa mga Simbahang Katoliko na tututol sa naging direktiba ng Inter-Agency Task Force (IATF) na nagbabawal sa religious gathering sa panahon ng National Capital Region (NCR) Plus bubble mula Marso 22 hanggang Abril 4 sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

Ito ang naging tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa naging tagubilin o Pastoral Instruction ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na nagsasabing ang mga religious worship ay gagawin sa loob ng simbahan na may 10% capacity simula Marso 24—araw kung saan magsisimula ang unang araw ng Holy Week na gugunita sa paghihirap at kamatayan ng Poong Hesukristo.

 

“That will be contrary po to the decision of the IATF and we ask Bishop Pabillo not to encourage, iyong disregard of IATF rules. Ito naman po ay para sa kabutihan ng lahat,” ayon kay Sec. Roque.

 

“In the exercise of police powers, we can order the churches closed. Huwag sana pong dumating doon, Bishop Pabillo. Wala po tayong makakamit na kahit anong objective if you will defy and you will force the state to close the doors of the Church,” dagdag na pahayag nito.

 

Giit ni Sec. Roque ang magiging hakbang ng pamahalaan ay hindi paglabag sa probisyon ng Saligang Batas hinggil sa “separation of church and state.”

 

“This goes beyond freedom to believe and the prohibition to endorse a religion. That will be an enforcement of police powers to protect the public good,” ani Sec. Roque.

 

“We understand po that this is Holy Week, but a Christian myself, as a practicing Christian, I have a relationship with God. At kasama din po sa obligasyon ng estado ay sumunod din doon sa mga talaga ng Panginoon na mamuno,” aniya pa rin.

 

Nauna rito, napaulat na nilabag ng IATF ang religious freedom at separation of church and state dahil sa paglalabas ng kautusan nang walang konsultasyon.

 

Tiniyak ni Bishop Pabillo na ipagpapatuloy ang mga pampublikong misa at mga gawaing simbahan ngayong Semana Santa maging ang pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay.

 

Sa IATF restrictions,  kasama sa pagbabawal ang mga religious mass gatherings dahil sa pagtaas ng kaso ng iba’t ibang variants ng novel coronavirus.

 

“So, dyan mali na sila at hindi dapat tayo sumunod sa ganiyang pamamalakad na walang konsultasyon and it somehow breaks the separation of church ang state, sila ang nagse-separate ngayon. Sila na ang tumatanggi sa separation at yan ang sinasabi na hindi pwedeng pagbawalan ng state ang religious activities within their own ambient,” ayon sa pahayag ni Bishop Pabillo sa programang Barangay Simbayanan Apostolic visit on-air ng Radio Veritas.

 

Ayon sa Obispo, tuloy tayo ang mga activities ngunit limitado at may social distancing pati ang online activities ay tuloy din.

 

“Ini-encourage natin pero kung sinong faithful na gustong um-attend within our limits at tayo ang maglilimit sa loob ng simbahan natin hindi sila, ipagpapatuloy natin,” ayon kay Bishop Pabillo.

 

Base sa inilabas ng kautusan ng IATF, 10 katao lamang ang papayagang makapagsimba sa mga parokya sa ilalim ng General Community Quarantine na umiiral sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal o tinawag na NCR.

 

Iginiit ni Bishop Pabillo, tuloy ang mga pagdiriwang sa mga parokya at sa pamamagitan ng online activities para sa mamamayan na nais na tumanggap ng Eukaristiya.

 

Tiniyak din ng obispo na itatakda rin ng simbahan ang mga nararapat na limitasyon at safety health standard para na rin sa kaligtasan ng publiko mula sa nakakahawang sakit.

 

“Dapat magsalita tayo at saka we believe religious services are essential services, they may not be essential economically but they are very essential to our well-being,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

 

Dagdag pa ni Bishop PAbillo, “Wala tayong inorganize na activities outside the church, ‘yan sa loob ng simbahan lang. At yan ay mahalaga para sa atin, we have to serve our own faithful, if the faithful feel they need to be in touch with God lalung-lalu na sa komunyon sa banal na misa sa mga activities na ito within the limit that we set at hindi sila.”

 

Sa nakalipas na malakihanng pagdiriwang ng simbahan tulad ng simbang gabi at traslacion ay lumabas sa pag-aaral na hindi ito naging dahilan sa pagtaas ng bilang ng mga nahawaan ng virus. (Daris Jose)

PAOLO, inamin na may ‘herniated disc’ dahil nasa lahi nila

Posted on: March 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA Instagram account (@pochoy_29) ni Paolo Ballesteros, may isang netizen na nagtanong sa isa sa host ng Eat Bulaga sa kapansin-pansin na posture niya.

 

 

Comment ni @irmabaylen78, Hi, Pao! I always watch eat bulaga. Stress reliever ko kayong lahat. Medyo bothered ako sayo Pao. Napansin ko kse yun likod mo. May scoliosis ka ba? Seryoso ha. Wag ka sana magalit. Nag aalala kse ako sa posture mo.

 

 

Na sinagot naman ni Paolo, @irmabaylen78 ay meron po herniated disc. Pero onti pa lang hehe. Lahi namen eh. sister at brother ko meron bakal sa leeg at lumbar.

 

 

     Sagot naman ng netizen na nagtanong, @pochoy_29 awww. So sorry to hear that. Kami naman scoliosis kaya nung napansin ko yun likod mo, nag alala ako. My cousin had to go through braces pero wala din nangyari. Wala ka ba nararamdaman na pain?”   

 

 

Nagpakita naman ng concern at pag-aalala ang kanyang mga followers:

 

 

“kuyaaa magpagaling ka po. Isa po kayo sa lagi kung inaabangan sa eat bulaga ei. Kapag walang Paolo, di ganun kasolid. Sending our prayers to you kuya Pao.”

 

 

“hope and pray everything goes well. Masaya kami when you’re around (eat bulaga) sending hugs and.”

 

 

“will be praying for you Pao. Hope to meet you soon, together with the Eat Bulaga Fam. Number 1 fan here. Take care ❤”

 

 

”Stay safe po kuya sana hindi na po lumala at sana gumaling na po. ingat po kayo lagi, love u kuya pao!”

 

 

“Get well soon po. Bawal po jhan ang matagal sa pag tayo. May ganyan ako ka work dati. Nag leletter “S” ang kanyang spinal. We will pray for you po.”

 

 

“pagaling kpo isa ka po sa nagpapasaya sa aming mga dabarkads.”

 

 

Samantala, kuwelang-kwela pa rin ang mga segments ng Eat Bulaga tulad ng ‘Bida Voice, Shy Singing Competition’, ‘Bawal Judgmental’, Social Dis-Dancing’ at ‘Juan For All All For Juan Agad-Agad’.

 

 

Magsisimula na rin ang online search para sa ‘Little Miss Philippines’ na napapanood sa youtube channel ng EB ng M-W-F tuwing 5 p.m. (ROHN ROMULO)

LIZA, nagdurugo ang puso para sa mga Pinoy na apektado ng pandemya; may sagot sa pumuna sa kanyang tweets

Posted on: March 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SIGURO nga, expected na yung mga DDS o loyalista ng Pangulo ng bansang Pilipinas ay against sa naging tweet ni Liza Soberano.  

 

 

Pero mas marami ang saludo sa Kapamilya actress. Mas marami ang nagsasabing “sana all” ay Liza Soberano.

 

 

Hindi lang siya beauty at talents, may brain at may compassion talaga para sa bansa at sa mga mamamayan.

 

 

Partida pa na si Liza, hindi pa purong Filipino citizen, pero nagiging boses ng maraming Pinoy ngayon na wala na rin magawa at nakakaramdam ng kawalan ng pag-asa sa takbo ng gobyerno.

 

 

Magkakasunod ang naging tweets ni Liza sa kanyang Twitter account. Mga tweet na nagtatanong.

 

 

Ayon kay Liza, dahil nga sa lockdown at mga bagong restrictions na ini-impose ngayon dahil sa pag-surge na naman ng COVID-19, after almost a year, nagdurugo raw ang puso niya sa mga Pinoy na walang trabaho, walang makain, hindi maka-afford na mag-stay at home lang.

 

 

    “My heart bleeds for all the people who cannot afford not to go out and work. They literally have to choose between dying of starvation or dying of covid. Is our country really this poor to no be able to provide stimulus?? Genuine question lang po.”

 

 

Hindi rin niya naiwasang maikumpara ang bansa sa America kunsaan, marami na ang nabakunahan at tapos na ang iba sa second phase ng vaccine.

 

 

Aniya, “America has received 2 rounds of stimulus already, waiting on the 3rd. Covid testing is free, vaccination is free. Where is the support for the poor in our country? Madali lang naman po mag stay at home if everyone has food on the table and money to pay the bills.

 

 

    “Hayy I honestly don’t even know if my tweets/ my voice is actually doing anything. We can only pray for compassion now. Good night everyone! God bless all of you. Stay home if you can.”

 

 

May nag-comment kay Liza na tipong huwag daw nitong ikumpara ang Pilipinas sa Amerika. From 1st world to 3rd world country.

 

 

Na sinagot ni Liza nang, “So what do we do? Just sit back and wait for a miracle to happen? Pray that covid just disappears. I believe God works wonders but I believe that he gives us the instruments to make that happen. Sad thing is the instruments/decision making are not in our hands.”

 

 

***

 

 

SIMPLENG statement lang mula kay Teddy Boy Locsin Jr., pero walang-duda na naipakita nito ang pagmamahal kay Kris Aquino.

 

 

Pagkatapos nga ng emosyunal na outburst ni Kris sa kanyang social media accounts, ni-re-tweet ni Teddy Boy ang isang tweet ng netizen. Obviously ay sinang-ayunan din niya.

 

 

Sabi ng netizen tungkol kay Kris, Kris Aquino is someone who is always misunderstood but that girl has a very big heart! She is someone who has the guts to face everything that life throws at her! I admire her for that!”

 

 

Tinawag ni Teddy Boy na “basura” o social trash daw ang mga critics or bashers ni Kris. Na-misinterpret lang yata ng iba nang sabihin niya sa dulo na “next” na akala ng ibang netizens, wala siyang paki sa emote ni Kris ngayon.

 

 

Lumabas sa isang broadsheet kaya sinagot ni Teddy Boy sa pamamagitan naman ng kanyang Instagram account . Nakalagay kasi sa headline na “Locsin skips ‘serious’ tweets to defend Kris Aquino from online bashers.”

 

 

Sabi nito, “No, I didn’t skip “serious” tweets; my tweet to Kris is my most serious tweet since I started on Twitter. That girl was put under my protection by her mother and that obligation outlived her.”

 

 

At para kay Kris, na idinaaan sa lyric ng kanta ang reaksiyon o pasasalamat kay Teddy Boy, kung may isa man daw kaibigan na puwedeng matira sa kanya, si Teddy Boy na raw ang pipiliin niya.

 

 

“If I had only one friend left, I’d want it to be YOU… Thank you.” (ROSE GARCIA)