MARAMI ang nalungkot at naawa para kay Miss Universe Myanmar 2020 Thuzar Wint Lwin dahil hindi na raw ito makababalik sa kanyang bansa pagkatapos niyang magsalita tungkol sa mga nagaganap sa kanilang bansa sa US media.
Nakahanda na raw ang arrest warrant niya kapag dumating siya sa Myanmar.
Kabahagi si Thuzar sa mga nagpoprotesta laban sa military coup kaya ang national costume niya ay may kasamang banner na “Pray for Myanmar”. Ito ang nagpanalo sa kanya as Best National Costume. Nakapasok din siya sa Top 21.
Nag-disguise daw siya para makatawid sa immigration para makarating sa US. Pero pagdating sa US, nawala lahat ng pina-check-in niyang bagahe, kasama na ang national costume.
Tinulungan siya ng mga kababayan niya sa US sa replacement ng national costume na isang ethnic Chin origin. Kaya laking tuwa niya na siya pa ang nanalo ng National Costume Award.
Kasama na rito ang pagkuwento niya sa media ng mga nangyayari sa kanyang mga kababayan.
“The soldiers patrol the city every day and sometimes they set up roadblocks to harass the people coming through…In some cases, they fire without hesitation. We are scared of our own soldiers. Whenever we see one, all we feel is anger and fear,” kuwento niya sa New York Times.
Dagdag pa niya: “Thousands have been arrested and violence increased as security forces used water cannons, rubber bullets, and live ammunition to disperse protesters. Over 300 individuals have reportedly been killed and the youngest victim was a seven-year-old little girl.
“Our people are dying and being shot by the military every day. I would like to urge everyone to speak about Myanmar. As Miss Universe Myanmar since the coup, I have been speaking out as much as I can.”
***
SA pamamagitan ng kanyang programang Wowowin-Tutok To Win, nakalikom ang TV host na si Willie Revillame ng higit sa P8 million na ido-donate sa nasunog na Philippine General Hospital.
Nalungkot si Willie nang mapanood niya ang video kunsaan maraming mahihirap na pasyente ng PGH ay kunsaan-saan lang nakapuwesto. Merong sa may parking lot, sa may kalsada at sa corridor. Kabilang na rito ang mga sanggol na may sakit at kailangang operahan.
Ilan sa mga ito nga ay COVID-19 patients na wala pang mapaglagyan dahil sa nasunog na parte mg building ng PGH.
Kaagad na nagbigay ng P1 milyon si Willie para sa PGH. Sunod ay tinawagan niya ang tatlong kaibigan niya na sponsors ng kanyang programa. Mabilis na nagbigay ang mga ito ng tig-isang milyong piso para sa mabilis na pagbangon ng PGH.
Pero naliitan si Willie sa P4 million na donation nila sa PGH kaya ginawa niyang P5 million ang donasyon ng ‘Wowowin’ kaya umabot sa P8 million ang total donation sa PGH.
Nais ni Willie na bumalik agad sa normal ang operasyon ng PGH dahil maraming mga matatanda at bata na umaasa sa serbisyong medical ng naturang ospital.
***
MAGIGING tatay na ang Riverdale star na si KJ Apa dahil buntis na ang kanyang girlfriend na si Clara Berry.
Pinost ng aktor sa Instagram ang hazy picture noong Wednesday, May 19, kunsaan nasa sofa silang dalawa at kita ang pregnant belly ni Clara.
Matagal nang nagsasama sina KJ at Clara simula noong maging official ang relasyon nila noonv February 2020. Sumunod pa si Clara sa Vancouver kunsaan nagsu-shoot si KJ ng Riverdale.
(RUEL J. MENDOZA)