• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 29th, 2021

Japan naghigpit sa mga atleta na mula sa mga bansang may mataas na kaso ng COVID-19

Posted on: June 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hinigpitan ng Japan ang ilang atleta na manggagaling sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19.

 

 

Kinabibilangan ito ng mga atleta na galing sa India, Nepal, Pakistan, Sri Lanka, Maldives at Afghanistan na may naitalang mataas na kaso ng Delta variant.

 

 

Nakasaad sa plano na kailangan na mag-swab test ang mga ito ng araw-araw sa loob ng pitiong araw.

 

 

Dati kasi ay dalawang beses lamang sila magpa-swab test bago ang kanilang pagpunta sa Tokyo.

 

 

Isinagawa ang paghihigpit matapos na magpositibo sa Delta variant ang isang atleta mula sa Uganda.

Kumalat na pagtakbo ni KRIS next year bilang Pangulo, isang malaking ‘fake news’

Posted on: June 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa pagkamatay ni former President Noynoy Aquino, kumalat sa social media ang balita na tatakbo raw na presidente si Kris Aquino next year.

 

 

Siyempre fake news iyan. Noon pa man ay sinabi na ni Kris na wala siyang balak pumasok sa politics.

 

 

If we know Kris, hindi siya tatakbo dahil wala naman siyang balak maging politico.

 

 

Isa pa, marami siyang health issues so we believe na mas gugustuhin niya na alagaan ang kanyang sarili at maging healthy para sa kanyang dalawang anak.

 

 

Besides, hindi man siya pumasok sa politics, pwede pa rin naman siyang makatulong sa mga Pilipino in her own capacity bilang celebrity.

 

 

     ***

 

UNANG project ni Erich Gonzales under Dreamscape ang La Vida Lena which started airing last night sa Kapamilya Channel.

 

 

Ito rin ang unang project ni Erich ginawa niya under the new normal – na naka-lockdown ang taping nila sa isang location. It is a new experience for her at inamin naman ng dalaga na medyo nanibago siya sa set-up.

 

 

“Siyempre aware naman kami na dapat kaming sumunod sa safety protocols. Naka-face mask at face shields kami pag walang take. We also practice physical distancing. Nakakapanibago noong una pero ngayon ay sanay na rin kami,” sabi pa ng lead actress ng La Vida Lena.

 

 

Every role is a challenge kaya pag may bagong serye siya, Erich makes it a point to study her role well and strive to make it different from the last role that she did.

 

 

Tungkol sa revenge itong serye pero kahit na nagawa na niya ang ganitong tema in the past, kailangan may bagong input na maibabahagi si Erich sa kanyang role.

 

 

“Malaking tulong ang aking mga director in fleshing out the character that I am portraying.

 

 

Tinatalakay din ng La Vida Lena ang karma kaya tinanong si Erich what is her view on karma.

 

 

     “What goes around comes around. Mas maganda na gumawa ka nang mabuti. It is best to plant seeds of goodness. You reap what you sow. Mag-focus ka sa mga bagay na positive ang dating at yung mas makatutulong,” pahayag ng dalaga.

 

 

First time ni Erich na makatrabaho ang kanyang mga leading man na sina Kit Thompson, Carlo Aquino at JC De Vera. Naging maganda naman ang working relationship nila on the set.

 

 

***

 

 

KUNG fan kayo ni Arjo Atayde, pagkakataon na ninyo mapanood ang much-talked series niya sa iWant na Bagman.

 

 

Ipalalabas na kasi sa Netflix ang seryeng prinodyus ng Dreamscape for iWant simula July 9.

 

 

Ang series na ito sa iWant ang nagbigay kay Arjo ng award as Best Actor sa Asian Academy Awards (AAAs) 2020 last December 4.

 

 

Ang kanyang portrayal bilang barber-turned-henchman-turned-governor sa social-political statement piece, tinalo ni Arjo ng mga kalaban na sina Luo Jin (China), Manoj Bajpayee (India), Miller Khan (Indonesia),  Bront Palarae (Malaysia), Anthony Wong (Hong Kong),  Kha Ra (Myanmar), Zhang Yao Dong (Singapore), Prin Suparat (Thailand) at Ching-Ting Hsia (Taiwan).

 

 

Bago napiling best in the region, si Arjo ang napili as national winner sa Pilipinas by AAA’s jury members sa Best Actor Category.

 

 

Arjo was also submitted for consideration by ABS-CBN’s Dreamscape Entertainment and iWant, now known as iWantTFC, in the local race.

 

 

Ito ang unang panalo ng Pilipinas sa AAA. Chance ninyo na ito para mapanood ang award-winning performance ni Arjo sa Netflix.

(RICKY CALDERON)

14 KABABAIHAN NASAGIP, 4 ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

Posted on: June 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASAGIP  ng mga ahente ng  National Bureau of Investigation- Special Task Force (NBI-STF) ang 14 kababaihan at arestado naman ang  apat na indibidwal na sangkot sa human trafficking sa Lipa City Batangas .

 

 

 

Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang mga naarestong suspek na sina Wilson Ebreo, Alora Almoguera, June Derilo, Robin Señar.

 

 

Nag-ugat ang operasyon sa impormasyon na ibinigay ng Destiny Rescue Pilipinas Inc. (Destiny), isang Non-Government Organization (NGO) na nakikibahagi sa paglaban sa human trafficking.

 

 

 

Ayon sa impormasyon, ang  mga suspek  ay sangkot umano sa human trafficking ng mga  kababaihan, menor de edad  at maging ang kanilang sariling menor de edad na anak.

 

 

 

Inaalok umano ng mga suspek ng P 3,500.00 hanggang  P6,000.00 ang  mga babae.

 

 

 

Nagsagawa ng survellaince ang NBI-STF at isa sa nagpanggap na seafarer at poseur costumer na  nagresulta ng pagkakaaresto ng mga suspek .

 

 

 

Sa mga nasagip na biktima, tatlo rito ang menor de edad.

 

 

Kasama rin sa nasagip ang siyam na buwang gulang na sanggol na  kasama ang kanyang ina sa mga biktima.

 

 

 

Kinasuhan ng Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 na may ugnayan sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na may kaugnayan naman sa R.A.10175 o Cybercrime Law.

(GENE ADSUARA)

Eleazar pinagtanggol ang balak na pag-aarmas sa mga civilian volunteers

Posted on: June 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ipinagtanggol ni PNP chief General Guillermo Eleazar ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-armas sa anti-crime civilian volunteers.

 

 

Sinabi nito na ang nasabing hakbang ay para sa volunteerism at hindi vigilantism.

 

Pagtitiyak nito sa Commission on Human Rights (CHR) na hindi maaabuso ito ng mga sibilyan.

 

 

Dadaan daw sa mahigpit na rules and procedures para sa pagproseso ng pagdadala ng baril ang mga sibilyan.

 

 

Ilan sa mga ito ay ang pagkakaroon ng License to Own and Possess Firearms (LTOPF) at ang Permit to Carry Firearmss Outside Residence (PTCFOR).

 

 

Magugunitang kinontra ng CHR ang nasabing plano ng pangulo dahil kung saan nakasaad sa probisyon sa 1987 Constitution na dapat ang gobyerno ay magmantine lamang ng isang national police force. (Gene Adsuara)

Ads June 29, 2021

Posted on: June 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

CHRISTIAN, aware na maraming dating Kapuso na hindi na ni-renew ang kontrata kaya very grateful sa GMA

Posted on: June 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MULING pumirma ng network contract si Christian Bautista sa GMA-7 noong June 24.

 

 

Siyempre, masaya si Christian na tuloy-tuloy pa rin ang tiwala at suporta sa kanya ng network.

 

 

Aware si Christian na unlike him, marami rin dating Kapuso na hindi na ni-renew ng Kapuso network.  Pero sabi nga ni Christian, kaibigan daw niya ang mga ito at alam niya ang feeling ng nagta-transfer.

 

 

Para sa kanya, usually raw, after meeting and some thoughts, minsan may ibang plans or direction na rin ang artist kaya minsan hindi na natutuloy.

 

 

Pero aniya, sa part niya, nakaka-humble raw na feeling at very grateful siya sa GMA.

 

 

Nang tanungin namin ito if he will remain to be a loyal Kapuso na, as long as he’s still needed daw ng network.

 

 

Sa ngayon, napapanood pa rin si Christian bilang regular ng All-Out Sundays at magsisimula na  ngang muli ang The Clash season 4 at ginagawa rin nila ang VIU original na Still kasama si Julie Anne San Jose.

 

 

***

 

 

MAGKASUNOD lang halos ang birthday ni John Lloyd Cruz at ang anak naman niya kay Ellen Adarna na si Elias Modesto.

 

 

     Ika-3rd birthday na ni Elias. Three days apart lang ang birthday ng mag-ama. At sa birthday ni Elias kasama ang kanyang daddy John Lloyd, present din sa celebration ang ngayo’y manager na ni Lloydie na si Maja Salvador at ang boyfriend nito na si Rambo Nuñez.

 

 

Si Maja ang nagpu-post sa kanyang Instagram ng mga naging ganap sa birthday ni Elias at sa bawat picture at video, makikita kung gaano ka mapag-alaga at gaano kasaya si John Llloyd bilang Tatay.

 

 

Ang mommy naman ni Elias na si Ellen ay hindi rin nagpahuli, meron din itong sariling selebrasyon para sa birthday ng anak, kasama siyempre ang kanyang fiancée na si Derek Ramsay.

 

 

Parehong Spiderman ang theme ng intimate birthday party ni Elias kaya walang duda na at 3 years old, into Spiderman ang hilig ng bagets.

 

 

At least, sa ipinapakita nga nina John Lloyd at Ellen, may kanya-kanya man silang buhay ngayon, pero hindi nila pinapabayaan ang anak at masuwerte rin si Elias na ang daming nagmamahal dito.

 

 

***

 

 

HINDI lang yung kuwento ng pagiging batang ama since at 17 naging tatay na si Buboy Villar sa panganay niyang anak.

 

 

Yung ang aga-aga niyang nakipag-live-in sa ina ng mga anak niya na isang Amerikana.

 

 

May mga tumaligsa rin sa kanila noon, lalo na kay Buboy na sinasabi ngang hindi magandang ehemplo, lalo na sa mga bata o kabataan.

 

 

Pero ang maganda rito, napanindigan niya ang lahat ng pinasok na situwasyon. At ngayon, magkahiwalay man sila ng nanay ng mga anak na si Angilyn Gorens, nagta-trabaho lang daw sila para sa future ng mga anak nila.

 

 

At inamin ng ani Buboy na pinaka-masakit na pinagdaanan ang paghihiwalay nila.

 

 

    “Siyempre, masakit. Yun ang pinaka-masakit na nangyari,” sey niya.

 

 

     “Siya ang nanay ng mga anak ko. Mag-aapat na taon kami. Siya ang pinaka-matagal na relasyon ko.  Minahal ko siya ng sobra-sobra. Pero siyempre, bata pa nga kami. Marami pa kaming mga dapat pa na matutunan.”

 

 

     Nagpapasalamat pa rin daw siya dahil kung hindi raw nangyari sa kanya yung chapter niya sa ina ng mga anak, hindi rin daw niya alam kung ano ang eksena ng buhay niya ngayon.

 

 

     “Kaya tine-take ko po lahat ng nangyayari sa akin good or bad, thank you pa rin. Mas natuto ako.”

 

 

Ang daming mapupulot na magagandang learnings at insight sa interview na ito ni Toni Gonzaga sa kanyang You Tube account kay Buboy.  Lalo na ang mga young father o kahit sinong magulang.

 

 

At ngayon daw, kung ano ang hindi niya na-experience dati sa kanyang tatay, yun ang ipinararanas niya sa dalawang anak, na present siya sa mga ito.

 

 

Lumaki raw si Buboy na alcoholic ang tatay niya. Nabubugbog sila at at nanay niya halos gabi-gabi. To the point na lumulusot ang ulo ng ina niya sa wall na kahoy dahil sa natatamong gulpi sa ama.

 

 

Galit daw siya dati sa tatay niya pero na-forgive niya raw ito ng maging isa na rin siyang ama.

(ROSE GARCIA)

Federer tatapusin muna ang Wimbledon bago magdesisyon kung sasabak sa Olympics

Posted on: June 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tatapusin muna ni Swiss tennis star Roger Federer ang Wimbledon bago magdesisyon kung sasabak ito sa Tokyo Olympics.

 

 

Sinabi nito na titignan niya muna ang kaniyang laro sa Wimbledon dahil kung hindi naging maganda ang kaniyang performance ay hindi na siya sasabak sa Olympics.

 

Mag-uusap muna sila ng kaniyang koponan para sa nasabing pagsabak sa Tokyo Olympics.

 

 

Naunang umatras ang 39-anyos na si Federes sa French Open dahil sa problema sa kalusugan.

 

 

Magsisimula kasi ang men’s singles match sa Olympics sa darating na Hulyo 24.

Pacquiao tutulak na sa Amerika

Posted on: June 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tutulak na pa-Amerika si eight-division world champion Manny Pacquiao sa susunod na linggo upang ipagpatuloy ang pukpukang ensayo sa Wild Card Gym sa Hollywood, California.

 

 

Nakatakdang umalis si Pacquiao sa Hulyo 3 para makasama sina Hall of Famer Freddie Roach at strength and conditioning expert Justine Fortune sa training camp doon.

 

 

Isa’t kalahating buwan na lamang ang nalalabi bago ang inaabangang bakbakan nito kay reig­ning World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr. sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) na gaganapin sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

 

 

Nais ni Pacquiao na maagang magtungo sa Amerika upang hindi na ito mahirapan pang mag-adjust sa weather doon at ang body clock nito.

 

 

“Ngayong July 3, para pagdating ko doon hindi na ako mahihirapang mag-adjust,” ani Pacquiao sa prog­ramang Power and Play.

Gilas Pilipinas ensayo agad!

Posted on: June 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Matapos lumabas ang negatibong resulta ng swab test, diretso ensayo agad ang Gilas Pilipinas para paghandaan ang dalawang matinding laban na pagdaraanan nito sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia.

 

 

Agad na sumalang sa pukpukang training ang Gilas Pilipinas para pagpagin ang kalawang sa mahabang biyaheng pinagdaanan nito patu­ngong Belgrade.

 

 

Ikinasa agad ni Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin ang magiging game plan ng kanyang bataan laban sa host Serbia at Dominican Republic na parehong bigating koponan.

 

 

Masaya si Baldwin sa itinatakbo ng kanyang prog­rama sa Gilas Pilipinas.

 

 

Ngunit alam nitong masusubukan ng husto ang kanyang bataan sa Belgrade.

 

 

Nilinaw din ni Baldwin na wala pang plano kung mananatili ito bilang head coach ng Gilas Pilipinas.

 

 

“This is a program, and we’re happy right now. It feels good after winning, but this thing, we’re gonna hit speed bumps and when we do, we have to assess: How do we conquer the next mountain?,” ani Baldwin.

 

 

Handa rin itong magsakripisyo sakaling magkaroon ng pagbabago sa coaching staff gaya ng sakripisyong ginagawa ng mga players na hindi napapasama sa Final 12 ng koponan.

 

 

“And if that means a coaching change, then I have to make the same sacrifice as Jaydee Tungcab and Javi Gomez De Liano made. They have to step aside when they’re called to do that, while I will have to do the same thing,” ani Baldwin.

 

 

Matagal nang nasa Pilipinas si Baldwin at naitanim na sa puso nito ang bandila ng Pilipinas.

1,000 pulis idineploy sa libing ni ex-President Noynoy

Posted on: June 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nasa 1,000 pulis ang naatasang idineploy sa funeral procession ni dating Pa­ngulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III kahapon.

 

 

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar unang nagpakalat ng mga pulis sa  Ateneo de Manila  University sa  Quezon City  kung saan isinagawa ang misa sa dating Pangulo hanggang sa  procession route sa C5 Road at South Luzon Expressway, hanggang sa huling hantungan nito sa  Manila Memorial Park sa Parañaque City.

 

 

Bukod pa ang nagbantay na mga tauhan ng pulisya sa tahanan ng pamilya Aquino sa Times street sa Quezon City.

 

 

“Almost 1,000 personnel initially na deployment at mga area security,” ayon pa kay Eleazar.

 

 

Bukod dito, nag-deploy din ang  Metropolitan Manila Development Authority ng may 120 nilang tauhan.

 

 

Una nang nakiusap si Eleazar sa mga taga-suporta ng dating Pangulong   Aquino, lalo na ang mga nakakatanda na to manatili nalang sa bahay at dahil sa COVID-19 ang isinagawang live coverage ng funeral procession sa  telebisyon  at iba pang social media platforms. (Gene Adsuara)