• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 17th, 2021

US mas maraming isasabak na babaeng atleta sa Tokyo Olympics

Posted on: July 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mas marami pa ring mga atletang babae ang isasabak ng US sa Tokyo Olympics.

 

 

Sa kabuuang 613 na atleta ay mayroong 329 na babae dito.

 

 

Ang nasabing bilang na 613 ang siyang pangalawang pinakamalaki sa kasaysayan ng US Olympics na sumunod noong taong 1996 na mayroong 648 na atleta silang ipinadala.

 

 

Ang US rin ang pang-apat na may pinakamalaking koponan sa kasaysayan kasunod ng France noong 1900, Great Britain noong 1908 at US noong 1996.

 

 

Pinakamatandang sasali naman sa mga laro ay si equestrian Phillip Dutton sa edad na 57.

 

 

Ito ang pang-pitong Olympics na kaniyang sasalihan.

Noong 2016 Rio Olympics ay naiging pinakamatandang US Olympian si Dutton na nagwagi ng medalya.

Pacquiao mas malakas kay Floyd — Paul

Posted on: July 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Di hamak na mas malakas si eight-division world champion Manny Pacquiao kumpara kay undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr.

 

 

Ito ang pananaw ni YouTuber Logan Paul matapos bumisita sa training camp ni Pacquiao sa Wild Card Gym sa Hollywood, California.

 

 

Personal na nakita ni Paul ang lakas ng kamao ni Pacquiao.

 

 

Kaya naman, tama ang naging desisyon nito na si Mayweather ang nakaharap nito imbes na si Pacquiao dahil ayaw nitong maranasan ang bagsik ng kamao ng Pinoy pug.

 

 

Ibinahagi pa ni Pacquiao ang naging pagbisita ni Paul sa kanyang social media account.

 

 

“After watching me work out, he said he was glad he fought Mayweather instead of me. Honored to have @loganpaul come by Wild Card gym today,” ani Pacquiao.

 

 

Matatandaang nagtuos sina Paul at Mayweather sa isang exhibition match noong Hunyo sa Hard Rock Stadium sa Miami, Florida.

 

 

Maliban kay Paul, bumisita rin sa training ni Pacquiao si Filipino-American Jalen Green na isa sa tinututukang magiging top pick sa NBA Annual Rookie Draft.

 

 

Nasa puspusang paghahanda si Pacquiao para sa laban nito kay reig­ning World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr. sa Agosto 22  Manila time sa Las Vegas, Nevada.

“Too late” na ang Pinas na magpatupad ng travel ban laban sa Indonesia, pinalagan ng Malakanyang

Posted on: July 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINALAGAN ng Malakanyang ang pahayag ng mga kritiko ng administrasyong Duterte na “too late” na o nahuli na ang Pilipinas sa pagpapatupad ng travel ban laban sa Indonesia na napaulat na may maraming kaso ng COVID-19 sa nakalipas na mga araw.

 

“Hindi naman po too late ‘yan kasi meron naman po tayong datos ng mga dumarating na mga pasahero galing Indonesia,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

“Unang-una wala po tayong turismo at wala rin po tayong business visas except for the long-term investor’s visas na in-issue natin,” dagdag na pahayag nito.

 

Nauna rito, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang 14 days travel ban ng mga manggagaling sa Indonesia at may travel history sa nabanggit na bansa.

 

Ang travel ban ay epektibo sa 12:01 a.m. ng July 16, 2021 at matatapos sa 11:59 p.m. ng July 31, 2021.

 

Ang mga nasa biyahe na aabutan ng pagsisimula ng travel ban bago sumapit ang 12:01 a.m. ng July 16 ay papayagang makapasok sa bansa pero kailangang sumailalim sa full 14-day facility quarantine at magpakita ng negative Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) result.

 

Samantala, sinabi ni Sec. Roque na mayroong 724 byahero mula Indonesia ang nakapasok sa Pilipinas mula Abril hanggang Hulyo ngayong taon.

 

“So maliit po ‘yan at lahat po ‘yan ay dumaan naman po sa 10 araw na facility quarantine, aniya pa ri.

 

“So hindi naman po [too late] dahil limitado din talaga yung mga pumasok galing Indonesia,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa ngayon, umabot na sa 2.6 milyon ang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa Indonesia, na pinataas nitong nakalipas na mga araw sa pagdami ng hawahan.

 

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na inirekomenda ng IATF ang travel ban bilang tugon sa sitwasyon sa Indonesia.

 

Nauna nang nagpatupad ng travel restriction ang Pilipinas sa mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates at Oman, na pinalawig hanggang July 31 dahil din sa COVID-19 pandemic. (Daris Jose)

3 laro ang magbubukas sa PBA Philippine Cup

Posted on: July 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TATLONG sultada ang magtataas ng kurtina sa 46th Philippine Basketball Association Philippine Cup 2021 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City sa Biyernes Hulyo 16.

 

 

Sinapubliko ng professional hoop league Huwebes ang skedyul makaraang walang magpositibo sa Covid-19 base sa RT-PCR tests ng 10 team at mga tauhan ng liga na ginawa noong Martes.

 

 

Alas-11:00 nang umaga ang pambungad na seremonya na pangungunahan nina Commissioner Wilfrido Marcial at chairman Victorico Vargas ng Talk ‘N Text.

 

 

Binyagan agad sa alas-12:30 nang tanghali ang Alaska Milk at Blackwater, sa alas-3:00 nang hapon ang Rain or Shine at North Luzon Expressway, at sa alas-6:00 nang gabi ang Manila Electric Company at NorthPort.

 

 

Tututukan sa Aces si veteran Jeron Teng at ang mga bagitong sina Ben Adamos at Taylor Browne, habang sa Bossing sina rookie Rey Mark Acuno, Joshua Torralba at Andre Paras.

 

 

Sina Kiefer Isaac Ravena, Kevin Louie Alas at rookie Calvin Oftana ang mamumuno sa Road Warriors sa Elasto Painter na gigiyahan nina Beau Belga, Gabe Norwood, Javee Mocon, James Yap at Rey Nambatac, at bagong saltang si Santi Santillan.

 

 

Mangunguryente naman sa Bolts sina Aaron Black at Chris Newsome, newbie Alvin Pasaol at sa Batang Pier si Gregory William  Slaughter.(REC)

Pacquiao ‘welcome’ na presidential bet sa 1Sambayan

Posted on: July 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Posibleng maging presidential candidate sa 2022 elections ng 1Sambayan si Sen. Manny Pacquiao.

 

 

Sinabi ni Fr. Albert Alejo, isa sa convenors ng coalition na kung mayroong mga kaibigan si Pacquiao na magno-nominate sa 1Sambayan ay welcome ito.

 

 

Kung may mag-no­minate man sa senador ay tatanungin siya kung handa siya na sumailalim sa selection process ng 1Sambayan at kung pumayag si Pacquiao ay saka siya iinterbyuhin at sasailalim sa scree­ning ayon sa criteria ng kanilang grupo.

 

 

Nauna nang sinarado ng grupo ang kanilang pintuan sa posibilidad na maging nominado ang mambabatas sa pagka-presidente o bise Presidente.

 

 

Matatandaan na ma­ging si retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ay nagsabi na kulang si Pacquiao sa kakayahan dahil sa palagi itong absent sa kongreso at hindi maaaring ikonsidera para sa 2022 national elections dahil kaalyado rin siya ng administrasyong Duterte. (Gene Adsuara)

MMDA naglagay ng lay-by area para sa mga bikers

Posted on: July 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naglagay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga lay-by area para sa mga motorcycle riders sa EDSA na kanilang maaaring gamitin kung may malakas na ulan.

 

 

Ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos na ang mga motorcycle riders ay puwedeng gumamit ng mga lay-by area upang magpahinto ng ulan upang hindi sila maging sagabal sa highway.

 

 

“We understand the plight of motorcycle riders when they have to stop in the middle of the road while waiting for the rain to stop. It is very risky for them because they might get into a road accident.  At least with the emergency lay-by, they can take cover during heavy rains,” wika ni Abalos.

 

 

Ang nasabing lay-by area ay nakalagay sa ilalim ng Quezon Avenue flyover na may nakalagay na pasukan at labasan na signages.

 

 

Subalit nilinaw din ni Abalos na ang lay-by area ay puwede lamang gamitin kung umuulan at hindi maaaring gamitin ng mga motorcycle riders upang gawing parking area at kung magkanon man sila ay bibigyan ng violation ticket.

 

 

Maglalagay pa rin sila ng iba pang lay-by area sa ilalim ng flyovers sa EDSA, C-5 Road, Roxas Boulevard, Alabang Road, Paranaque-Sucat Road at Chapel Road kapag naalis na ang mga nakabalakid sa mga nasabing daraanan.

 

 

Dagdag pa rin ni Abalos na maglalagay din sila ng mga pocket gardens sa ilalim ng mga flyovers upang gumanda ang mga lansangan sa Metro Manila. Makakatulong din ito upang mabawasan ang air pollution.

 

 

Samantala, giniit din ng MMDA sa mga motorista na dumaan sila sa mga mabuhay lanes sapagkat inaasahang dadami na ang mga sasakyan na gagamit ng EDSA dahil sa ang Skyway 3 ay nagsimula ng mangolekta ng toll fee.

 

 

Maglalagay ng mga directional road signages ang MMDA sa mga lugar na kung saan may mabuhay lanes.

 

 

“Motorists who are coming from the northern part of Metro Manila and will travel southbound, and those who might want to avoid EDSA can take mabuhay lanes as alternate routes. We want to give them options on their travel without being stuck in traffic,” saad ni Abalos.

 

 

Maraming mabuhay lanes routes na galing mula EDSA, North Luzon Expressway, Quezon City at Manila. Sinabihan ni Abalos ang mga pitong (7) lokal na pamahalaan na may mabuhay lane routes upang alisin ang mga nakalagay ng mga balakid sa mga nasabing lansangan.

 

 

Dagdag pa rin ni Abalos na kahit na may pagtaas na ang bilang ng mga motoristang dumadaan sa EDSA, hindi pa rin kailangan muling ibalik ang number coding scheme sapagkat ang trapiko ay “still manageable” pa rin. (LASACMAR)

CHINESE NATIONAL, BINARIL SA LOOB NG ELEVATOR, PATAY

Posted on: July 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGSASAGAWA ngayon ng manhunt operation ang Manila Police District (MPD) sa suspek na bumaril at pumatay sa isang 50-anyos na negosyanteng Chinese national sa loob ng elevator ng isang gusali sa Binondo, Manila kamakalawa ng hapon

 

 

Namatay noon din  ang biktima na si Wen Dun Chen, 50,  negosyante at nakatira sa Mandarin Square, 777 Ongpin St., Binondo, Maynila

 

 

Sa ulat ng MPD, dakong ala- 1:45 ng hapon ng naganap ang pamamaril sa Sunjoy building 525 Lvazares St., Binondo, Maynila.

 

 

Ayon naman sa testigong si Freddie Boy Yacob, elevator operator, inilarawan ang suspek na  nakasuot ng itim na t-shirt, maong pants at may taas na 5’6 hanggang  5’7 , katamtaman ang pangangatawan..

 

 

Sa inisyal na imbestigasyon ng MPD, sinabi ni Yacob na nasa ikalawang palapag na sila ng gusali ng biktima nang paputokan ang suspek sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan.

 

 

Matapos ang pamamaril, mabilis aniyang tumakas ang suspek

 

 

Patuloy ang isinasagawang  imbestigasyon ng MPD homicide section sa insidente. (GENE ADSUARA)

Pondo ng NTF-ELCAC para sa PNP nuong 2020, ‘di napunta sa anomalya – PNP chief

Posted on: July 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na hindi napunta sa anomalya ang hindi masyadong nagastos na pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Fund para sa Pambansang Pulisya noong 2020.

 

 

Ito ang paglillinaw ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar matapos ang puna sa kanila ng Commission on Audit sa low disbursement ng budget para sa anti-communist insurgency projects.

 

 

Batay sa COA report, nasa P86.57 million lamang ang nagastos ng PNP sa kanilang anti-communist programs.

 

 

Ibig sabihin may balanse pa ang PNP na P482.1 million mula sa P722.9 Million na pondo na inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) noong 2020.

 

 

Ayon kay Eleazar, dahil sa pandemya, na-i-release lamang ang pondong umaabot sa kabuuang P722.955 million sa PNP noong Oktubre 26, 2020 at hindi pa ito puwedeng gastusin lahat sa natitirang dalawang buwan ng 2020 dahil sa mahigpit na alituntunin ng batas sa paggastos ng pondo ng taumbayan.

 

 

Pagtitiyak ni Eleazar sa COA at publiko wala ni isang sentimo sa pondo ng PNP ang nawawala sa korapsyon dahil ito ay buwis ng taumbayan na dapat pangalagaan at hindi pag-interesan.

 

 

Siniguro din ng PNP na palalakasin pa ng PNP ang kanilang kampanya laban sa insurgency.

 

 

“Makakaasa ang ating mga kababayan na sa aking pamumuno, wala ni isang sentimo sa pondong ito ang mawawala sa korapsyon dahil ito ay buwis ng taumbayan na dapat pangalagaan at hindi pag-interesan,” pahayag ni Gen Eleazar. (Daris Jose)

Ads July 17, 2021

Posted on: July 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ERIN OCAMPO, tinutukoy na third party sa hiwalayang ALJUR at KYLIE

Posted on: July 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SI Erin Ocampo ang diumano’y tinutukoy na third party raw sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

 

 

Hindi na kami magtataka kung isang araw, magsalita ito.

 

 

Isang malapit kay Erin ang nakausap namin at nakakaalam ng totoong pangyayari sa totoong naging dahilan daw ng hiwalayang Kylie at Aljur.  Alam din nito kung bakit na-involve ang pangalan ni Erin sa isyu ng mag-asawa.

 

 

Ang isa sa katotohanan, nagkaroon ng konek sina Erin at Aljur dahil nagpatulong daw si Aljur kay Erin sa business na pinagsamahan nila. At sina Erin at Kylie ay nagka-usap na rin daw at ang siste, pinayuhan pa raw ni Erin si Kylie na ayusin ang pagsasama nila.

 

 

Last year pa raw nangyari ang lahat ng ito kaya tila nagtataka ang source namin bakit biglang may mga ganitong isyu ngayon at may third party talaga na itinuturong dahilan.

 

 

From our source rin, si Erin daw ay happy sa kanyang relationship kunsaan, muli itong nakipagkabalikan sa kanyang ex-boyfriend.

 

 

***

 

 

NAGING positibo ang paghingi ng public help ng Kapuso star at isa sa cast ng seryeng Legal Wives na si Abdul Raman.

 

 

Sabi nga, basta ang magulang para sa kanyang anak ay gagawin ang lahat, gayundin naman ang isang anak sa kanyang magulang.  Ganito nga ang ginawa ni Abdul na hindi na nahiya na gamitin ang kanyang social media para makahingi ng tulong pinansiyal.

 

 

Binigay nito ang kanya GCash at nagsabing sana nga raw, ito na ang una’t-huling beses niyang gagawin yun dahil sa pagkakasakit ng nanay niya na kinailangan niyang isugod sa hospital.

 

 

Bukod kay Abdul, ang kanyang co-star sa serye na si Andrea Torres ay naging supportive rin dito. Nire-repost ni Andrea ang mga post ni Abdul at ang pinaka-recent update nga, nagpapasalamat ito dahil mukha ang mismong GCash niya ay sumuko na sa rami raw ng mga nagpapadala.

 

 

Aniya, “Andami pong nagpapadala di na po tinatanggap ng GCash ko, I am so grateful for everyone na nag participate and mag paparticipate pa lang.

 

 

 

“Please po if di na po pumapasok sa GCash ipadala niyo na lang po sa Metrobank ko po. Thank you po!”

 

 

At saka niya ibinigay ang detalye ng kanyang bank account.

 

 

***

 

 

SIMULA ngayong gabi, July 17, ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento na ang mapapanood sa GMA-7.

 

 

Prequel ito ng kuwento ng cast, lalo na siyempre ang mga bida na sina Pepito Manaloto at Elsa na Elsa dela Cruz pa noong 80’s at gagampanan ngayon nina Sef Cadayona at Mikee Quintos.

 

 

Kaya pansamantala munang hindi mapapanood ang mga regular cast ng show. Pero ipinaliwanag naman ni Michael V. na pansamantala lamang ito.

 

 

At ini-explain din daw niya ito sa cast at hindi maiwasan na naging very emotional ang lahat.

 

 

      “Very, very emotional,” saad ni Bitoy.

 

 

     “Actually, hindi ko nga sila maharap noong una. Hindi ko alam kung paano sasabihin. Pero, nanggagaling ako sa ano kasiI’m coming from a place of care. 

 

 

“Ayokong ma-compromise ang health nila ng dahil sa akin. And I feel sort of responsible na baka kapag pinilit kong mag-trabaho sa location e, unfortunately magkasakit o may magandang hindi mangyari. I don’t want that responsibility on my shoulder.

 

 

“Kaya sabi ko, if you’re all agreeable to this, babalik naman tayo. All we have to do is wait for a few months, basta ang importante for me is safety and ini-assure ko naman sila na hindi naman mawawala ang show.”

 

 

At kung sakali man na mag-click ang bagong cast na nasa prequel, na-foresee na rin daw nila na if ever, pwedeng magsabay ang present at past time ng Pepito.

 

 

So it means, in time, everybody happy pa rin.

(ROSE GARCIA)