• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 16th, 2021

Pdu30, walang paki sa Pharmally

Posted on: September 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WALANG pakialam si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung banatan man ng Senado ang kompanya na sumasailalim ngayon sa sinasabing nag-suplay ng overpriced medical goods sa gobyerno nang pumutok ang COVID-19 crisis noong nakaraang taon.

 

Pilit kasing hinahanap ng mga senador ang namamagitang ugnayan sa pagitan nina dating economic adviser to the president Michael Yang at Pharmally Pharmaceuticals Corp., na nakasungkit ng P8.6 bilyong pisong kontrata kabilang na ang iba pang mga may kinalaman sa suplay ng sinasabing overpriced anti-COVID masks at face shields noong nakaraang taon.

 

Sa kanyang Talk to the People, araw ng Martes ay sinabi ng Chief Executive na ang pandemic deals ng pamahalaan ay ginawa alinsunod sa itinatadhana ng batas at maging ng pagpe-presyo.

 

“Para sa akin, tapos na kami. Iyang Pharmally ninyo, pati droga, bahala kayo, wala akong pakialam n’yang Pharmally… You can crumple Pharmally, wala kaming pakialam d’yan,” ani Panglong Duterte.

 

“Ang pakialam namin, nag-order kami, dumating, tama ‘yong order, ta’s ang presyo negotiated,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa kabilang dako, kumbinsido naman ang Pangulo na habambuhay na mawawala ang kredibilid ni Gordon dahil sa pakikinig sa sinibak na si policeman Eduardo Acierto, na nag-ugnay kay Yang sa narcotics trade.

 

“Gordon is in cahoots with criminals and ‘yong fabricated stories,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

“I would just like also to remind Senator Gordon na I will campaign against you for being unfit to be a senator of this republic,” aniya pa rin.

 

Samantala, giit ng Pangulo, kailangan na kumuha muna ng clearance mula sa kanya ang mga opisyal ng pamahalaan bago dumalo sa Senate probe.  (Daris Jose)

Proseso sa pagbili ng PS-DBM ng PPEs, face mask wastong nasunod; walang ‘overpricing’ – COA

Posted on: September 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nilinaw ng Commission on Audit (COA) na walang iregularidad sa proseso nang pagbili ng PS-DBM ng mga personal protective equipment (PPEs) sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

 

Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sinabi ni COA chairman Michael Aguinaldo na hindi inikutan ng PS-DBM ang procurement laws sa pagbili ng mga PPEs noong nakaraang taon.

 

 

Binili kasi aniya ang mga PPEs na ito sa pamamagitan ng emergency procurement dahil sa Bayanihan 1.

 

 

“There is a provision that was cited by Deputy Ombudsman Lliong earlier that said the President can do the procurement without regard or as an exemption to the provisions of RA 9184 and I think related laws, ang sinasabi lang is ang most advantagous to the government ang i-procure. That said, theres a GBPP Resolution No. 1-2020 which was issued on April 6 2020. Ang subject po nito are guidelines for emergency procurement under the RA 11469 or the Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan Act 1 po,” ani Aguinaldo.

 

 

“Despite the fact that the President could have authorized the procurement without regard to 9184, this issuance shows that the DBM actually decided na “hindi we will still apply the emergency rules and procurement subject to the contents of the circular.” So iyon po ang sinunod,” dagdag pa nito.

 

 

Ayon kay Aguinaldo, sa bisa ng Bayanihan 1, ang hinihiling lamang sa PS-DBM ay tiyakin na mabibili ang mga PPEs sa “most advantageous” price at ma-deliver ang mga ito sa lalong madaling panahon.

 

 

Malinaw din aniya sa Bayanihan 1 na pinapayagan ang negosasyon kahit sa iisang kompanya lamang at hindi ang nakasanayan na tatlong kompanya.

 

 

Nilinaw naman din ni Aguinaldo na hindi sinabi ng COA na ang pagbili ng mga pandemic supplies ng PS-DBM ay “overpriced”.

 

 

Samantala, nilinaw ni Overall Deputy Ombudsman Warren Lliong, dating director for procurement ng PS-DBM, hindi totoo ang alegasyon na mayroong “ghost deliveries” ng mga face masks mula sa kompanyang Pharmally.

 

 

Lahat aniya ng 100 million pieces na binili nila sa Pharmally ay natanggap na ng pamahalaan, at makakapagpatunay aniya rito ang Department of Health (DOH) at IATF sapagkat sila mismo ang namahagi ng mga ito.

 

 

Pinabulaanan din nito ang alegasyon na may paunang bayad sila sa Pharmally sa P8.8 billion na kontrata nito noong 2020 at karagdagang P2.9 billion kontrata sa kasalukuyang taon.

 

 

Ayon kay Llion, hindi nila pinapaburan ang Pharmally sa mga kontratang ito dahil sa compliant naman ang mga ito sa parameters na kanilang sinusunod sa pagpili ng mga suppliers.

VILMA, marami pang dapat i-consider sa balitang pagtakbo bilang Senador

Posted on: September 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MATAGAL na namin itong gustong itanong kay Alden Richards pero wala lang kaming chance.  

 

 

Wala kasing event si Alden na pwede naming siyang puntahan para tanungin.

 

 

Hindi talaga namin ma-reconcile na Alden Richards, who has a very wholesome image, is endorsing an intoxicating drink.

 

 

Hindi lang naman siya ang wholesome actor na nag-eendorse ng alak pero dahil siguro we’ve always pictured Alden as someone wholesome, hindi talaga namin ma-gets ang idea na nag-e-endorse siya ng alak.

 

 

Tanggap naman namin na in his private moment ay pwedeng umiinom ng alak si Alden pero to see him as an endorser ng inuming nakalalasing ay parang ‘di naman bagay, kasi nga we see him as somebody wholesome.

 

 

Kapag kinuha kang endorser ng isang product, ibig sabihin naniniwala ang kompanya sa iyo na capable ka to help the company grow. Siyempre added income for Alden ang endorsement, kahit na anong product pa iyan.

 

 

Pero sana ang pag-e-endorse ng inuming nakalalasing ay nakatulong to boost Alden’s image, hindi nakasisira.

 

 

Pero baka kami lang naman ang hindi pabor sa pag-e-endorse ni Alden ng inuming nakalalasing. Baka naman tanggap ito ng kanyang mga fans.

 

 

Pero we’d rather see Alden endorsing products na wholesome and for the whole family. Tulad ng ice cream at gatas, mga food products na hindi nakakaapekto sa ating kalusugan.

 

 

***

 

 

PURO speculations lang naman ang mga lumalabas na chika na tatakbo for a higher position si Deputy Speaker and Lipa City Congresswoman Vilma Santos Recto.

 

 

May mga nagsasabi na tatakbo raw na Senador si Ate Vi. May mga political parties na nagsabi na balak nilang kunin si Ate Vi para tumakbong senador sa kanilang ticket.

 

 

Maganda naman kasi ang track record ng aktres bilang politician. Wala siyang issue ng corruption at maayos ang kanyang panunungkulan bilang mayor, governor at congresswoman.

 

 

Kaya mabango ang pangalan niya. Kaya hindi naman nakapagtataka kung may mga political parties na gusto siyang ligawan para isali sa senatorial line up nila.

 

 

Wala pa naman kumpirmasyon na nanggaling mula sa kampo ni Cong. Vi pero tiyak na ikakatuwa ng kanyang mga fans at constituents if ever matuloy na tumakbong senador ang Star for All Seasons.

 

 

Dahil friend naman namin si Ate Vi sa Facebook kaya nagpadala kami ng message sa kanya and asked about her plans for next year. We were hoping na sumagot siya at hindi naman kami nabigo.

 

 

Ito ang sagot ni Ate Vi sa amin, “Hi Ricky! Nothing is final. May run for Senate or retirement from politics. Regarding the partido, I am under NP. Marami pang dapat i-consider. Iba na panahon ng eleksyon ngayon plus kampanya na nakataya ang health sa covid !!! Praying for the right decision.”

 

 

Nag-remind din si Ate Vi na manatili tayong safe amidst the pandemic.

(RICKY CALDERON)

HEART, biglang nag-iba ang mood nang matanong sa pagkakaroon ng anxiety attack

Posted on: September 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAG-WORRY ang maraming netizen na nanonood ng Instagram Live ni Heart Evangelista-Escudero dahil bigla itong nag-hyperventilate.

 

 

Dahil nakaramdam ng biglaan anxiety si Heart, pinutol nito ang kanyang IG Live at nagpahumanhin sa mga nanonood sa kanya.

 

 

“I think I have to go. I need to calm down. I don’t like talking so much about… I have to go. Guys, thank you so much. I try to be as positive as possible and when I have a little bit of like, anxiety attack, I try to calm down so I’m gonna try to calm down. Sorry, I have to cut it,” huling mga sinabi ni Heart.

 

 

Nag-IG Live si Heart sa lock-in taping nila ng teleseryeng I Left My Heart In Sorsogon. Masaya naman daw si Heart sa simula at sinasagot niya ang mga tanong ng netizens.

 

Noong tanungin siya tungkol sa pagkakaroon niya ng anxiety attack, doon na raw biglang nag-iba ang mood ni Heart.

 

 

Nasabi ng aktres: “Two days ago, I had a really, really, bad attack, it’s the first time I experience that. Hindi ko alam kung bakit, wala naman akong problema. I felt like I was carrying a vault like my whole body, my arms were heavy. My leg, my feet, it was so hard to walk, I felt like I was getting almost paralyzed.

 

 

“I don’t want to talk about it, bad experience. I don’t want to talk about that part because it was new, I can’t handle it. Ayoko na. See? Just talking about it just gives me…” at doon na nagsimula na mahirapang magsalita si Heart at tila init na inti na ang katawan niya.

 

 

Bago pa mag-alala ng sobra ang netizens, nag-post agad si Heart ng mga bagong photos noong nasa Los Angeles siya. Sign siguro ito na okey na ang pakiramdam ni Heart. Hindi nga naman biro ang magkaroon ng anxiety attack at dapat umiwas muna si Heart na mag-live hanggang hindi pa stable ang mga emotions niya.

 

 

***

 

 

TAPOS na ni Direk Perry Escano ang shooting ng pelikulang Caught in the Act na pinagbibidahan ng Gen Z stars na sina Joaquin Domagoso at Pinoy Big Brother Connect 2nd Big Placer Andi Abaya.

 

 

Naghihintay na lang daw si Direk Perry kung ano ang mangyayari sa film industry sa darating na mga buwan. Intended kasi na maging official entry sa 2021 Metro Manila Film Festival ang Caught in the Act.

 

 

“We’re just waiting sa mga puwedeng mangyari. Kasi kung kaming mga producers at directors ang tatanungin, gusto naming maipalabas na sa mga sinehan ang pelikula namin, lalo na kapag MMFF, ‘di ba? 

 

 

“Yun nga lang, may mga health protocols pa kailangan sundin natin kaya wala pang mga bukas na mga sinehan sa ngayon. Marami na rin ang nakaka-miss na manood sa big screen. Iba pa rin kasi ang sinehan kumpara sa nagsi-stream ka online,” sey ni Direk Perry.

 

 

Last year daw kasi, hindi gaano kalaki ang kinita ng mga naging entries ng 2020 MMFF dahil sa online streaming. Naging risk pang ma-pirata ang mga pelikula dahil walang kontrol ang mga producers sa mga nanonood sa kanilang mga bahay.

 

 

Anyway, naging maayos naman daw ang lock-in shooting ng cast. Wala raw naging positive sa kanila sa COVID-19 dahil sinunod nila ng maayos ang safety and health protocols sa set.

 

 

Maglalabas naman ng original movie soundtrack ang Caught in the Act on September 30. All original songs ang laman ng soundtrack na composed ni Bro. Alvin Barcelona at Henry Ong. Ire-release ito sa ilalim ng ABS-CBN Film Productions sa lahat ng digital platforms tulad ng Spotify, YouTube and Apple.

 

 

Ilang sa mga songs ay “Nariyan Ka Lang Pala and Tanging Hiling” by Andi Abaya; “Sabihin Ko Na Ba?” by Bamboo B.; “Huwag Muna Ngayon” by Jhassy Busran at “Huli Ka & Ako Muna” by Bro. Alvin Barcelona.

 

 

***

 

 

AFTER ma-engage ni Britney Spears sa kanyang boyfriend of five years na si Sam Asghari, inabisuhan ang 39-year old singer na magpagawa na ng prenuptial agreement para maprotektahan ang kanyang mga assets.

 

 

May net worth na $60 million si Britney at dahil pumayag nang bitawan ng kanyang amang si Jamie Spears ang conservatorship nito sa kanyang anak after 13 years, hawak na ni Britney ang pera nito at sana raw ay i-consider nitong magpagawa ng prenup para protektado siya at ang mga mamanahin ng dalawang anak niya.

 

 

Nagbiro pa ang 27-year old fiance ni Britney sa media na dapat daw ay siya rin ay magpagawa ng prenup para hindi mawala ang kanyang jeep at ang collection niya ng sapatos!

 

 

Nasubukan na raw ni Britney na magkaroon ng prenup noong pakasalan niya ang second husband niyang si Kevin Federline in 2004. Walang nakuha si Federline na kalahati ng pera ni Britney noong mag-divorce sila in 2007. Binigyan lang siya ng spousal support dahil kay Kevin ipinaubaya ng korte ang dalawang anak nila habang nasa rehab noon si Britney dahil sa public meltdown nito.

 

 

(RUEL MENDOZA)

Ads September 16, 2021

Posted on: September 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Enrollment ngayong school year mas marami

Posted on: September 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Labis na ikinatuwa ng Department of Education (DepEd) ang mas mataas na bilang ng mga nag-enroll para sa School Year 2021-2022 kumpara noong nakaraang school year.

 

 

Ayon sa DepEd, sa ngayon ay mayroon nang 26,308,875 o 100.3 percent ng mga estudyante ang nag-enroll kumpara sa 26,227,022 na nag-enroll noong nakaraang taon.

 

 

Pero mas mababa pa rin ito kumpara sa enrollment bago pumutok ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic noong School Year 2019-2020 na mayroon 27 million enrollees.

 

 

Ang mga lugar na nalagpasan ang enrollment noong nakaraang taon ang Ilocos, Cagayan, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Western Visayas, Northern Mindanao, Soccsksargen, Caraga at Cordillera.

 

 

Ang rehiyon namang mayroon pinakamaraming enrollees ang Calabarzon na mayroong 3,440,205, Central Luzon 2,579,984 at National Capital Region na mayroong 2,415,663.

 

 

Ayon sa DepEd nasa 20,029,767 students ang nag-enroll sa public schools mayroon 1,668,489 sa private schools at 53,292 sa state universities at colleges maging sa mga local universities at colleges.

 

 

Patuloy pa rin naman ang enrollment para sa kasalukuyang school year at magtatapos ito sa September 30.

Giit na walang nangyaring plundemic sa govt funds: Sec. Roque, niresbakan si Senador Pacquiao

Posted on: September 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KAAGAD na binutata ng Malakanyang ang tila pinauuso ni Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao na salitang “plundemic” o plunder sa public funds habang patuloy na nakikipaglaban ang pamahalaan sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

 

Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, walang nangyaring pandarambong sa public funds sa panahon ng covid-19 pandemic.

 

Sinabi kasi ni Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao, sa pagpapatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee hearing na ang paggasta ng pamahalaan sa Covid-19 funds, ay isang uri ng “plundemic,” o plunder sa panahon ng pandemiya.

 

Tila ipinamukha ni Sec. Roque kay Pacquiao ang ipinalabas na paglilinaw ng Commission on Audit (COA) ukol sa natuklasan nitong “deficiencies” sa pamamahala ng Department of Health (DOH) sa pandemic funds ay hindi kapani-paniwalang may bahid ng korapsyon.

 

“Well, nagkaroon na po ng paglilinaw dito ang COA. Sa kaniyang report po sa DOH, hindi po niya ever sinabi na ever nagkaroon ng pandarambong. So, wala pong ‘plundemic’ na sinasabi ,” anito.

 

Idinaagdag pa ni Sec. Roque na ang COA’s 2020 audit report sa DOH ay nagbibigay diin lamang sa kabiguan ng departamento na hawakan P67.32 bilyong piso na Covid-19 response funds.

 

“Ang sinasabi nga po ng COA, nais nilang magkaroon ng linaw kung bakit ‘yung ilang mahahalaga pong salapi na ibinigay sa DOH ay hindi nga po ginastos ,” aniya pa rin.

 

Kahapon, araw ng LUnes ay sinabi ni Pacquiao sa isang panayam na “mismanaged” ang Covid-19 response efforts ng gobyerno bunsod na rin ng patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus.

 

Naniniwala si Pacquiao, na ang Covid-19 pandemic ay hindi pa nareresolba dahil na rin sa patuloy na paglala ng situwasyon sa bansa.

 

Ang buwelta naman ni Sec. Roque, hindi nakakagulat ang pahayag ng senador lalo pa’t malapit na ang halalan sa bansa.

 

“Hindi po ako nagtataka na iyan ang kaniyang pakiramdam dahil panahon na po ng politika,” anito.

 

Nag-ugat ang hind pagkakaunawaan sa pagitan nina Pacquiao at Pangulong Duterte nang sabihin ng una ang kanyang alegasyon na may korapsyon laban sa ilang opisyal ng pamahalaan.

 

Nagpahayag din si Pacquiao ng hangarin nitong tumakbo sa pagka-pangulo sa Eleksyon 2022.

 

Tila tinuruan naman ni Sec. Roque si Pacquiao, nang sabihin niya rito na ang presensiya ng maraming nakahahawang Delta coronavirus variant ang naging dahilan kung bakit sumirit ang Covid-19 infections.

 

“Ang totoo po niyan, ang problema, si Delta variant because it is five to eight times more infectious. So talagang dadami po ang mga kaso natin  diing pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)

LOOKOUT BULLETIN, INISIYU KAY MICHAEL YANG AT 8 IBA PA

Posted on: September 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INILAGAY ng Bureau of Immigration (BI) sa lookout bulletin si dating presidential adviser on economic affairs Michael Yang.

 

 

Si Michael Yang, o kilalang Yang Hong Ming, ay kabilang sa iniimbestigahan ngayon sa Senado dahil sa maanomalyang pagbili ng mga health supplies nitong pandemic.

 

 

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente  na ang Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO)ay inisyu kasunod ng kautusan mula sa Department of Justice (DOJ) sa kahilingan ni Senate blue ribbon committee Chairman  Senator Richard Gordon.

 

 

“This matter is of national interest. We have made the proper arrangements, and our immigration officers are now on the lookout for the possible departure of the suspect personalities,” ayon kay Morente.

 

 

Matatandaan na nauna nang naisyuhan ng ILBO si Atty. Lloyd Christopher Lao, Hepe ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) dahil sa kautusan ng DOJ na may petsang September 7.

 

 

Bukod sa dalawa, inilagay din sa lookout bulletin sina Overall Deputy Ombudsman Atty. Warren Rex Liong at Pharmally Pharmaceutical Corp.’s executives Twinkle Dargani, Huang Tzu Yen, Krizle Grace Mago, Justine Garado, Linconn Ong, at Mohit Dargani.

 

 

Pero klinaro ni Morente na ang ILBO ay monitoring lang sa kanilang galaw na posibleng lumabas sila ng bansa.

 

 

“An ILBO is issued for prudence to double check if there are any pending arrest warrants against the subjects, or monitor their itineraries and whereabouts, should they attempt to leave the country’ ayon kay Morente. GENE ADSUARA 

ANGEL, nagpapasalamat sa mga patuloy na nagdarasal sa kapamilya na nagka-COVID-19

Posted on: September 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NOONG Linggo, pinost nga ni Angel Locsin na feeling helpless siya dahil sa pagkakaroon ng COVID-19 ng kanyang 94-year-old father.

 

 

Pero hindi lang ang ama na bulag ni Angel ang na-infect sa nakamamatay na virus.

 

 

Sa IG stories na dinagsa ng mga dasal ay sinabi ng premyadong aktres na sampu pang miyembro ng pamilya nila ang nahawa.

 

 

“Thank you for the prayers. I’m going to take my post down because this is something I don’t want to remember.

 

 

I just needed to airout yesterday. 10 members of the fam from separate houses got covid.

 

 

Thank you everyone for being a ray of sunshine to me and my family.”

 

 

Last April lang na-convince ni Angel ang ama na magpa-bakuna, dahil sinabi niya dati na anti-vaxx talaga ito.

 

 

Reaction naman ng netizens sa deleted post na ngayon ni Angel:

 

 

“I sympathize with Angel because my grandmother also got hospitalized and I felt so helpless and feared for the worst. All I could do was pray and pray that everything will be okay.”

 

 

“Don’t bash me ha. Sa tingin ko lang naman ito. May mga kapamilya rin ako na nagpositive at lahat sila sa bahay lang nag-quarantine at nagpagaling. Yung isa medyo severe pa nga eh. At hindi lang mga kapamilya ko, ilan din na mga kilala ko sa bahay lang din sila. Parang mas gumagaling pa nga kapag nasa bahay ka lang.”

 

 

“Mahirap din magsalita pero thankfully mga kakilala ko rin only had to quarantine at home and complete the 14 days.”

 

 

“That depends on your oxidation level, kung 70-80 percent need na talaga iadmit sa hospital. Kung 85-94 you will still need an oxygen tank and take coscoteroids to make it to normal level na 95 to 100. Death is possible kapag nagbelow 70 ang oxidation mo. Napakahalaga ngayon ng oximeter.”

 

 

“Depends rin. Un ibang quarantine facility kasi walang ventilation so parang di rin safe but some people really need hospitals. Kaso lang puno na mga hospitals sa amin.”

 

 

“Girl, hindi lahat kaya sa bahay. Initially naka home quarantine din family ko and after a few days pa nagstart mahirapan huminga dad ko and in the hospital na ICU pa sya. If kaya mo sa bahay lang then you cant claim na severe covid yan. You don’t even know how severe covid can be.”

 

 

“Somehow I agree. I tested positive and thankfully asymptomatic ( no cough, no fever only a bit of sore throat ). But out of consideration for my housemates ( we were sharing bathroom ) I agreed to confine in a government facility with other patients who is coughing 24 hours coughing.

 

“The facility is really good ( free food, free meds, nurse and doctors ) except that windows were closed all the time. No fresh air or sunlight coming in. After a few days in facility I got migraine and body pain for just staying in bed most of the time.

 

“My point is, SUNLIGHT, FRESH AIR and exercise are essential to boost our immune system which is still our best defense againts the unseen enemy.”

 

 

 

“lahat naman tayo may kanya kanyang posts sa ating mga social media account. Do not single out Angel. May freedom of speech. Ano ang kaibahan ng post niya sa post ninyo?”

 

 

“Hindi na bago yan. Halos lahat ng pamilya may covid na. Kami nga lahat sa bahay nahawa na buti nalang home quarantine lang kami kasi fully vaccinated at mild lang ang symptoms.”

 

 

“Sabi nga we are not in the same boat pero same storm. Kanya kanya tayo ng pinagdadaanan. Kung okay sa family mo, eh di mabuti. Pero iba kase sa family nya, lalo na tatay nya na matanda at bulag pa.”

 

 

“Isipin mo naman yung tatay nya na 95 yo na. At hindi na talaga bago, napakatagal na ng covid pero yung progress natin dito kahit man lang maayos na management e wala pa rin.”

 

 

“kami din, lahat nagka covid parang nagkalat sa bahay namin. Na vaccinate naman na kaming lahat kaya mild lang ang tumama. Hanggang ngayon quarantine pa rin muna sa bahay.”

 

 

“I-share ko lang ang observation ko. Sa loob kasi ng bahay (kahit sa sarili naming bahay), mapapansin mo ang pagiging careless ng bawat isa. Kakain ng walang serving spoon, uubo at babahing na di manlang tatakpan ang bibig. Magshe-share ng drink.”

 

 

“Reminder po sa lahat, pandemic po ngayon. Kahit sa loob ng bahay, observe proper hygiene and protocol.

 

 

“Seriously, hindi talaga gagamit ng serving spoon?? Hindi talaga magtatakip ng bibig pag uubo?
“Huwag ‘one for all, all for one’ pag dating sa covid.”

(ROHN ROMULO)

DND iba-validate ang babala ng Japan sa ‘terrorist threat’ sa Southeast Asia kabilang ang Pilipinas

Posted on: September 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Iba-validate ng Department of National Defense (DND) ang inilabas na babala ng Japan ukol sa umano’y bantang terorismo sa ilang bansa sa Southeast Asia, kabilang ang Pilipinas.

 

 

Ito ang inihayag ni DND Spokesperson Arsenio Andolong kaugnay ng inilabas na travel advisory ng Japanese Foreign Ministry sa kanilang mga mamayan sa anim na bansa sa Southeast Asia na umiwas sa mga matataong lugar dahil sa posibleng suicide bombing.

 

 

Ayon kay Andolong ang lahat ng mga ulat tungkol sa kaligtasan at seguridad ng mga komunidad ay dumadaan sa proseso ng validation.

 

 

Sinabi ni Andolong na kasunod ng Marawi Rebellion, ang DND at AFP ay palagiang nasa “heightened alert” sa galaw ng mga terorista.

 

 

Aktibo aniya silang nakikipagtulungan sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan, kabilang ang Anti-Terrorism Council upang I-assess ang lahat ng posibleng banta ng terorismo.

 

 

Una naring inihayag ng AFP na sineseryoso nila ang babala ng Japan, bagamat sa panig ng militar ay wala silang na-monitor na banta at nasa “moderate threat Level” lang ang bansa.

 

 

Una ng sinabi ni AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala na patuloy ang kanilang kampanya para labanan ang terorismo sa bansa partikular na sa Mindanao.

 

 

Pinalakas din ng AFP ang kanilang intelligence monitoring lalo na duon sa mga posibleng maglunsad ng suicide bombing.

 

 

Dagdag pa ni Zagala, ipagpapatuloy ng AFP ang kanilang pakikipaglaban sa terorismo sa pamamagitan ng intensified internal security operations.