ISINIWALAT ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na tutol ang China sa planong repasuhin o rebyuhin ang 70-year-old defense treaty sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ito kasi ang nagbibigkis sa Estados Unidos na ipagtanggol ang Maynila mula sa pananalakay kabilang na ang pinagtatalunang South China Sea.
‘While the US welcomes the idea of revisiting the MDT, an outside party does not. When I first broached the idea of revisiting the MDT, the former Chinese ambassador came to me and said, ‘Please do not touch the MDT. Leave it as it is,’” ang naging pahayag ni Lorenzana sa virtual forum habang ipinagdiriwang ang ika-70 anibersaryo ng Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Hindi naman pinangalanan ni Lorenzana ang Chinese envoy. Nang maupo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagka-pangulo noong 2016, ang China’s ambassador to the Philippines ay i Zhao Jianhua.
“One thing is clear: The Chinese are not in a hurry for any resolution that is not in its favor,” ani Lorenzana sabay sabing “China knew that any aggression will trigger the MDT.”
Ang Pilipinas at China ay kapuwa sangkot sa “years-long territorial disputes” sa South China Sea, partikular na sa southern part na tinatawag na Spratlys.
Inulit naman ni Lorenzana ang kanyang posisyon para sa komprehensibong pagrerepaso sa MDT, tinukoy nito ang bagong regional security challenges at ang malawak na territorial claims ng China sa katubigan kabilang na ang lugar na pag-aari ng Pilipinas.
“Amending the defense pact, would ensure that the Philippines and the US could better respond to China’s “grey zone” and “cabbage” tactics of aggressively pressing its claims over the waters, where Chinese maritime militia have been intimidating smaller claimants,” ayon sa Kalihim.
Maliban sa Pilipinas, ang iba pang gobyerno gaya ng Vietnam, Malaysia, Brunei at Taiwan ay umaangkin din sa maliit na bahagi ng katubigan.
Matatandaang napanalunan noong Hulyo 12, 2016 ng Pilipinas ang makasaysayang arbitration case nito kontra sa dambuhalang China sa United Nations-backed Permanent Court of Arbitration (PCA) sa The Hague, Netherlands.
Pumanig ang PCA sa Pilipinas at base sa kanilang hatol, eksklusibo sa bansa ang lahat ng yamang-dagat na matatagpuan sa West Philippine Sea.
Ibinasura din nila ang hirit ng Beijing na ito ang may-ari ng aabot sa 90 porsiyento ng South China Sea sa ilalim ng umano’y “9-dash line.”
Lumabas ang hatol sa pagpasok ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, at simula noon ay nag-iba ang ihip ng hangin at tila naging mas mabait pa ang gobyerno ng Pilipinas sa China. (Daris Jose)