• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 23rd, 2021

Ads November 23, 2021

Posted on: November 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Alamin: Sinu-sinong immunocompromise ang prayoridad sa 3rd dose ng COVID vaccine?

Posted on: November 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inilabas ng Department of Health (DOH) ang listahan ng mga immunocompromised conditions na bibigyan ng prayoridad sa pagkuha ng pangatlong doses ng bakuna laban sa COVID-19.

 

 

 

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang listahan ng mga immunocompromised conditions ay pinagtibay mula sa rekomendasyon ng World Health Organization’s Strategic Group of Experts on Immunization (WHO’s SAGE).

 

 

Dagdag pa nito na very specific sila na naglalagay ng mga guidelines dahil ito ay adopted sa recommendations ng WHO SAGE at nakapaloob din sa EUA (emergency use authorization).

 

 

Sinabi ni Vergeire na ang mga uunahin sa pagbibigay ng ikatlong doses ay ang mga sumusunod:

 

– ang mga nakakatanggap ng aktibong paggamot sa kanser para sa mga tumor o kanser sa dugo
– nakatanggap ng organ transplant at kumuha ng immunosuppressive therapy
– nakatanggap ng stem cell transplant sa loob ng huling dalawang taon o kumukuha ng immunosuppressive therapy
– may katamtaman o malubhang pangunahing estado ng immunodeficiency
– may advanced o hindi nagamot na impeksyon sa HIV
– pagtanggap ng mga aktibong paggamot na may corticosteroids o iba pang mga gamot na maaaring sugpuin ang immune response
– mga pasyente ng dialysis
– mga taong nabubuhay na may sakit na autoimmune at paggamot na may mga partikular na immunosuppressive na gamot
– diagnosed na may mga kondisyon na itinuturing na may katumbas na antas ng immunocompromised ayon sa payo ng kanilang manggagamot
– mga taong may bihirang sakit

HERBERT, nag-apologize na kay KRIS dahil sa kanyang ‘di tamang ‘TOTGA’ post na burado na rin

Posted on: November 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAG-APOLOGIZE ang aktor at dating mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista dahil aminadong hindi tama ang kanyang pinost na lumalabas na patungkol kay Queen Of All Media Kris Aquino.

 

 

Burado ang naturang post pero marami na nakapag-screenshot kaya patuloy itong kumalat

 

 

Post ni Bistek na kumakandidatong senador,

 

 

“Mr. President Ping @iampinglacson, na-inspire din tuloy akong mag-propose. Kaso, sayang, may napili na po sya. (broken heart emojis).”

 

 

Kasama ang hashtags na “#KungMaibabalikKoLang” at “#TOTGA”

 

 

Kaya nag-post agad siya ng apology kay Kris: “I’ve already taken down the post on Twitter of which my loose remark unjustifiably hurt feelings.

 

 

“It was certainly inappropriate and a mistake. My profuse apologies to Kris.”

 

 

Tweet pa ni ex-mayor, “I’m so sorry.

 

 

“I failed to see it coming, until it was too late.

 

 

“Alam kong maaalagaan ka nya, and I can see that you’re happier now.

 

 

“Aminado ako, I know I have not been good enough.

 

 

“Still regretting the chance I didn’t take. You deserve better.”

 

 

Hindi pinalampas ng soon-to-be husband ni Kris na si Mel Senen Sarmiento, kaya naglabas ito ng kanyang statement na ipinost din ni Kris.

 

 

Say ng former secretary of Interior and Local Government, “Although Mayor Herbert Bautista has already taken down his post which obviously referred to Kris, I just wish that this would serve as a reminder that talking about past flames in public is improper and ungentlemanlike.

 

“As a former public servant now seeking a seat in the Senate, he should know better than dragging other people to get public attention.

 

 

“Hindi po showbiz ang Senado. People would  appreciate it more if he would talk about his credentials to woo our people’s votes.

 

 

“Mas magandang accomplishments niya bilang public servant ang ilahad niya sa publiko sa halip na ang mga nakalipas niyang karelasyon.”

 

 

Burado na rin ang naturang “sorry” post ng actor politician pero agad naman itong na-screenshot ng netizens.

 

 

Pahayag naman ni Kris, irespeto raw sana ni Herbert ang relasyon nila ni Mel dahil nagkaroon naman sila nang maayos na closure sa kanilang relasyon noong May 12, 2021.

 

 

Sabi pa ni Kris, “July 21, bilang respeto – sana naman natatandaan mo yung sinulat ko sa birthday/goodbye gift letter na personal kong inabot sa yo nung May 12, 2021 nasabi ko dun ‘we both deserve our versions of ME AFTER YOU’ kaya nung alam na ng puso ko that it was Mel, i messaged you to ask if we could talk.

 

 

“Right away ikaw ang tumawag. Magaan ang usapan BUT i did tell you, BEFORE i told anybody else, that my version of ME AFTER YOU had already begun.

 

 

Pagbubuko pa niya, “It’s common knowledge that you’re now in a new relationship with a beautiful girlfriend… so if you need to talk about your love life, please talk about your present, not your present, not your past.”

 

 

Malaki naman ang pasasalamat ni Kris dahil natagpuan niya sa fiance ang pagiging “#betterman.”

 

 

Sa IG post ni Kris, “when I woke up beside him this morning, i really thanked God and thanked my kuya up in heaven for reconnecting me with the “#betterman

 

 

“Thank you babe… Nobody has stood up & fought for me the way you have consistently been doing.

 

 

“You have never blamed me for my past, instead you have just loved me for me.”

 

 

Dagdag pasasalamat pa niya, “I really thank God because my beloved bunso both loves & trusts you. #family.”

(ROHN ROMULO)

RABIYA, baka umasa kung naging aware sa tsikang magiging leading lady ni JOHN LLOYD

Posted on: November 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGLULUKSA ang mga taga-Philippine television industry dahil sa biglang pagpanaw ng veteran television director na si Bert de Leon.

 

Pumanaw si Direk Bert ngayong November 21 dahil sa kumplikasyon sanhi ng COVID-19.

 

Kilala si Direk Bert sa mga TV shows na kanyang hinawakan at karamihan dito ay top-rating at tumatagal ng ilang taon sa ere, tulad noontime show na Eat Bulaga na kaka-celebrate lang ng ika-40th year sa telebisyon; ang gag show na Bubble Gang na nag-celebrate ng kanilang 25th anniversary; at ang comedy series na Pepito Manaloto at ang spin-off nito na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento na 11 years nang umeere.

 

Si Direk Bert din ang director ng ilang sitcom na pinagbidahan ni Vic Sotto tulad ng Okay Ka, Fairy Ko mula 1987 hanggang 1997; 1 For 3 with Ai-Ai delas Alas, Rosanna Roces and Charlene Gonzales, Daddy Di Do Du with Danica Sotto, Maxene Magalona and Isabela de Leon,  Ful Haus with Pia Guanio, at The Jose and Wally Show.

 

Nasubukan ding magdirek ng pelikula ni Direk Bert at ito ay ang Okay Ka, Fairy Ko: The Movie noong 1991.
Noong nakaraang October lamang ay nanawagan ang komedyanteng si Michael V. para sa isang virtual fundraising event para matulungan ang pamilya ni Direk Bert sa malaking babayaran nila sa ospital kunsaan naka-confine ang batikang direktor simula pa noong September ng taong ito.

 

Noong nakaraang July 2021 naman ay dumaan sa maraming pagsubok sa kanyang kalusugan si Direk Bert, kabilang na rito ang ma-heart attack siya at dumaan siya sa isang angioplasty procedure.

 

Matatawag na isa sa mga haligi ng Philippine Television industry si Direk Bert de Leon tulad ng mga nauna nang namaalam na sina Direk Al Quinn noong October 2020 at Kitchie Benedicto-Paulino noong August 2021.

 

***

 

INAMIN ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na insecure siya noong kabataan niya at ngayon lang daw umapaw ang self-confidence niya.

 

Noong nakaraang 25th birthday niya last November 14, nag-post siya ng mga sexy pictorials niya sa social media para i-celebrate ang kanyang pagkababae.

 

“When I was 15, I was so insecure. I was dark, payat ako, as in hindi mo ako mapapansin. But every year, I make it a point na may mababago sa akin. Hanggang dumating na nga sa buhay ko ang manalo ako and to represent the Philippines sa Miss Universe pageant.

 


      “Yung mga pinost ko ring mga photos ay message ko rin to other girls to come out of their shell because there will be big changes sa buhay nila be it physically, mentally or spiritually. Kailangan lang nilang unti-unting ilabas ang inner confidence nila,” sey ni Rabiya na pumirma na ng kontrata with GMA Network.

 

Naikuwento rin ni Rabiya na looking forward na siya sa mga sisimulan niyang projects with GMA. Kabilang na rito ang Agimat Ng Aguila with Senator Bong Revilla na ang lock-in taping nila ay sa November 26 na.

 

Sa naunang balitang siya ang magiging leading lady ni John Lloyd Cruz sa sitcom nito sa GMA, hindi raw naging aware si Rabiya sa balitang iyon. Pero kung sakaling nakarating daw sa kanya iyon, baka raw umasa siya ng bonggang-bongga. Pero wala nga raw leading lady si JLC sa kanyang sitcom.

 

***

 

 

OFFICIALLY na may relasyon na sina Kim Kardashian at Pete Davidson.

 


      Namataan ang dalawa sa isang public display of affection sa isang Los Angeles parking lot noong nakaraang Thursday.

 

Naka-gray sweatpants and sneakers si Kim samantalang naka-oversize t-shirt, pajama pants at blue cap si Pete.

 

Noong mag-celebrate ng kanyang 28th birthday si Pete, ang ina ni Kim na si Kris Jenner ang nagbigay ng party sa Palm Spring mansion nila.

 

Nagsimula ang lahat noong mag-host ng SNL (Saturday Night Live) si Kim at nagkaroon sila ng kissing scene ni Pete sa isang sketch ng show.

 

Marami ang nakaalala na sa SNL din unang nakilala ni Pete si Ariana Grande noong mag-promote ito ng album noong 2018. Hindi nagtagal ay na-engaged sila pero limang buwan lang inabot ang engagement nila.

 

Anyway, naiintriga raw 41-year old reality star sa SNL comedian-writer kaya pumayag itong nag-date sila sa Knott’s Scary Farm noong Halloween. At lalong natuwa si Kim noong mag-arrange ng dinner si Pete sa hometown nito sa Staten Island kunsaan sa rooftop ng isang restaurant sila nag-dinner date.

 

Nasa gitna pa rin ng isang divorce si Kim sa estranged husband niyang si Kanye West.

 

Si Pete naman ay break na sa ex-girlfriend niyang si Phoebe Dynevor noong nakaraang August.

(RUEL J. MENDOZA)

INDAY SARA: PROTEKTAHAN NATIN SI BBM!

Posted on: November 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINIMOK ni vice presidential bet Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang kanyang milyun-milyong supporters na protektahan si presidential aspirant Bongbong Marcos at ang mapagkaisa nilang tambalan na BBM-Sara Uniteam.

 

 

“Anong magagawa ninyo? Tayong lahat? Anong magagawa natin? Sa ating suporta para masigurado natin, maipakita natin na hindi lang para sumuporta lang tayo pero walang mangyayari sa pangarap nating inaasam-asam. Anong mgagawa nating lahat? Kailangan masigurado natin na maprotektahan ang ating pagsuporta, protektahan natin ang ating kandidato, protektahan natin si BBM,” ito ang naging pahayag ni Inday Sara sa kanyang talumpati sa Tagum City sa okasyon ng ceremonial kickoff ng BBM-Sara Uniteam nationwide synchronize unity ride.

 

 

Sinabi ni Inday Sara na tiwala siya na ang mga karanasan ni Bongbong na nagsilbi bilang gobernador, kongresista at senador ang mga mapaghuhugutan niya para sa pagsisilbi bilang pangulo ng Pilipinas.

 

 

“Bakit si Bongbong Marcos ang pinili ko na makapartner? Unang-una he is a former governor, hindi natin maitatanggi o kailangan pagtalunan ‘yung karanasan niya bilang governor, parang ako, local chief executive, pangawala, meron din siyang experience sa House of Representatives naging congressman siya at naging senador siya, pinili niyo at binoto niyo kaya naniniwala ako na . . .  I confidently believe na ‘yung mga karanasan niya bilang governor, congressman at senador ‘yan ang tutulong sa kanya para magawa niya ang trabaho sa pagkapangulo ng Pilipinas,” pahayag pa ng alkalde ng Davao City.

 

 

“Often times in life we find ourselves to be the leader, but sometimes in our lives, we need to stand behind another leader,” sabi pa ni Inday Sara

 

 

Si Bongbong at Sara ay patuloy na nangunguna sa lahat ng pormal (methodological) at “random, real-time man on the street” presidential at vice presidential preferential survey sa buong bansa.

 

 

Samantala, sa nasabing okasyon ibinida naman ni Bongbong na ang “BBM-Sara Uniteam” nationwide synchronized caravan ay isang “positively-charged, voluntary mass action” para sa pambansang pagkakaisa, kapayapaan at progreso.

 

 

“Napagtagumpayan ng Pilipino ang digmaan, ang mga bagyo, ang mga sakuna, ang mga krisis dahil sa pagkakaisa,” pahayag ni Marcos. “Mapagtatagumpayan natin ang pandemya sa pamamagitan ng pagkakaisang ‘yan na likas sa atin. Sama-samang babangong muli ang mga Pilipino!”

 

 

Bukod sa Davao City, Tagum City at Davao del Norte, milyon-milyong supporter ng BBM-Sara Uniteam ay nakilahok din sa “unity ride” sa may 15 lalawigan at 30 mga siyudad sa Mindanao, Bicol Region, Calabarzon, Metro Manila hanggang Abra at Northern Luzon.

Alert level system ipinairal na nationwide

Posted on: November 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Simula kahapon Lunes, Nobyembre 22, ay ipinairal na sa buong bansa ang COVID-19 alert level system na unang ipinatupad sa National Capital Region (NCR).

 

 

“Simula sa Lunes, buong bansa naka-alert level system,” ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III.

 

 

Nauna rito, inaprubahan ni Pang. Duterte ang nationwide implementation ng alert level system sa pagtukoy sa mga restriksiyon dahil sa banta ng COVID-19.

 

 

Sa ilalim ng Executive Order 151, ang bagong Alert Level System ay umiiral na ngayon sa NCR, Regions 3, 4A, 6, 7, 10 at 11 at unti-unting ipatutupad sa Regions 2, 8 at 12 para sa Phase 2; Regions 2, 5 at 9 para sa Phase 3; at Cordillera Administrative Region (CAR), Regions 4B at 13, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa Phase 4.

 

 

Sinabi pa ni Densing na ang community quarantine COVID-19 response ay aalisin na sa Disyembre at papalitan ng granular lockdowns at iba pang alert level system, na higit na mas epektibo.

 

 

Sa ngayon ang NCR pa lamang ang rehiyon sa bansa na kuwalipikadong maibaba sa Alert Level 1 sa susunod na buwan.

 

 

Paliwanag niya, naging posible ito dahil nakamit na ng Metro Manila ang minimum requirement na mabakunahan ang 70% ng mga elderly at persons with comorbidity population, gayundin ang mismong 70% ng adult population. (Daris Jose)

LeBron James posibleng makapaglaro na laban sa Boston Celtics

Posted on: November 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Posibleng makabalik na sa paglalaro si NBA star LeBron James matapos ang abdominal injury nito.

 

 

Inaasahan kasi ng Los Angeles Lakers na makakasama na nila si James para sa pagbisita nila sa Boston Celtics.

 

 

Itinuturing na mahalaga na makasama nila ang 17-time All-Star sa itinuturing nilang basketball rivalry sa kasaysayan ng NBA.

 

 

Dahil sa nasabing injury ay lumiban ng walong laro si James na nagsimula noong Nobyembre 2.

 

 

Sa apat na magkakasunod kasi na laro ng Lakers ay mayroong tatlong laro silang hindi nagtagumpay.

 

 

 

Sa kasalukuyan ay mayroong walong panalo at walong talo ang Lakers habang ang Celtics ay mayroong pitong panalo at walong talo.

“MALIGNANT” EXPLORES HORROR ROOTS IN TWO NEW FEATURETTES

Posted on: November 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WARNER Bros. Philippines has just released two featurettes of its new horror-thriller “Malignant” that highlight the film’s horror roots.  

 

 

Check-out the videos below and watch “Malignant” only in Philippine cinemas starting November 24.

 

 

Horror Roots Featurette: https://youtu.be/QYvjzuXzez8

 

 

It’s All in Our Head Featurette: https://youtu.be/aCrTlOgWf28 

 

 

About “Malignant”

 

 

“Malignant” is the latest creation from “Conjuring” universe architect James Wan (“Aquaman,” “Furious 7”).  The film marks director Wan’s return to his roots with this new original horror thriller.

 

 

In the film, Madison is paralyzed by shocking visions of grisly murders, and her torment worsens as she discovers that these waking dreams are in fact terrifying realities.  

 

 

“Malignant” stars Annabelle Wallis (“Annabelle,” “The Mummy”), Maddie Hasson (YouTube’s “Impulse,” TV’s “Mr. Mercedes”), George Young (TV’s “Containment”), Michole Briana White (TV’s “Black Mafia Family,” “Dead to Me”), Jacqueline McKenzie (“Palm Beach,” TV’s “Reckoning”), Jake Abel (TV’s “Supernatural,” the “Percy Jackson” films) and Ingrid Bisu (“The Conjuring: The Devil Made Me Do It,” “The Nun”).

 

 

Wan (“Aquaman,” “Furious 7”) directed from a screenplay by Akela Cooper (“M3GAN,” upcoming “The Nun 2”), story by Wan & Ingrid Bisu and Cooper.  The film was produced by Wan and Michael Clear, with Eric McLeod, Judson Scott, Bisu, Peter Luo, Cheng Yang, Mandy Yu and Lei Han serving as executive producers.

 

 

New Line Cinema Presents, In Association With Starlight Media Inc. and My Entertainment Inc., An Atomic Monster Production, a James Wan Film, “Malignant,” will be released November 24 in Philippine cinemas and distributed by Warner Bros. Pictures.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #MalignantMovie

MMDA: Number coding maaaring ibalik muli

Posted on: November 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

            Tinitingnan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMA) ang posibleng pagbabalik ng pagpapatupad ng unified vehicle volume reduction program (UVVRP) o ang tinatawag na number coding kung magpapatuloy pa rin ang lumalalang vehicular traffic sa Metro Manila.

 

 

 

Ang nasabing number coding ay sinuspende simula ng nagkaron ng pandemya noong nakaraang taon at maaaring ipatupad muli sa rush hours mula 5:00-7:00 ng umaga at mula 5:00 hanggang 7:00 ng gabi.

 

 

 

Ayon naman kay Chairman Benhur Abalos na ang travel time sa ngayon ay manageable pa rin subalit kailangan pa rin na obserbahan bago magdesisyon kung talagalang sususpendihin pa rin ang number coding.

 

 

 

Noong wala pa ang pandemya, may 405,000 na mga sasakyan ang pumapasok at lumalabas ng Metro Manila. Nitong mga nakalipas na araw, naitala ng MMDA na may 399,00 na sasakyan ang dami na pumapasok at lumalabas sa kalakhang Maynila.

 

 

 

Dagdag pa ni Abalos na dati rati ang travel time mula Monumento papuntang Roxas Boulevard ay 11 kilometers kada oras bago pa ang pandemya. Subalit nang nagkaron na ng pandemya ito ay naitala sa 23 kph. Sa ngayon, ito ay 19 kph na lamang.

 

 

 

“During the pandemic, it became 23 kph. Right now, it is 19. It slowed down a bit but still substantial from 11 kph. There are also other factors to consider in bringing back the UVVRP, among them that public transport is not yet normal in the sense that capacity is only 70 percent and you could even observe the long queue during peak hours for buses and other public utility vehicles,” wika ni Abalos.

 

 

 

Sinabi rin ni Abalos na kung ibabalik ang number coding scheme sa loob ng isang araw na katulad noong wala pang pandemya, ang mga mamayan na may isa lamang na sasakyan ay mapipilitan na sumakay sa mga pampublikong sasakyan na siya naman na magdudulot ng pagsisikip sa mga transport terminals.

 

 

 

Dahil ang COVID-19 ay isa pa rin na threat hanggang ngayon, ang sasakyan ang siyang nagsisilbing “personal health bubble” ng isang commuter.

 

 

 

“We have to balance these out because of this we are thinking of third option. We can implement the number coding but only during rush hours,” saad ni Abalos.

 

 

 

Sa ngayon, ang MMDA ay naghahanap ng middle ground upang ang isang tao na may isa lamang sasakyan ay magagamit pa rin niya ito.

 

 

 

“You will be forced to go to work early and get home late, but still use your car. At the same time, we spread out the traffic,” pagtatapos ni Abalos. LASACMAR

DA umaapelang madagdagan ng hanggang P10-B ang kanilang 2022 budget

Posted on: November 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Umaasa ang Department of Agriculture (DA) na mapagbibigyan ang kanilang hiling na madagdan ng P8-10 billion ang kanilang P91-billion 2022 budget.

 

 

Ayon kay DA Asec. Noel Reyes, nakakalungkot para sa Pilipinas na mas malaki pa ang pondong inilalaan ng mga kalapit na bansa tulad ng Thailand at Vietnam sa kanilang agrikultura.

 

 

Kung tutuusin ay ang Pilipinas pa nga ang nagturo sa naturang dalawang bansa sa pagsasaka pero sa ngayon ay mas maunld na ang mga ito.

 

 

Nabatid na ang P231 billion proposed 2022 budget ng DA ay binawasan sa P91 billion na lamang.

 

 

Ayon kay Reyes, kung maari ay madagdagan man lang ng kahit 5 percent ng national budget para mapondohan naman ang mga gastusin ng ahensya.

 

 

Ngayong mayroong pandemya, mas nakita pa nga ng taumbayan ang kahalagahan ng food security kaya marami sa mga tao ngayon ay naging “plantitos at plantitas” na.