TINUKOY ni Commission on Population and Development (POPCOM) officer-in-charge Executive Director Lolito Tacardon na ang masigasig na pagbabantay ng publiko at ang coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic ang mga dahilan kung bakit bumagsak ang bilang ng teenage pregnancies na naitala sa bansa.
Tugon ito ng POPCOM sa ipinalabas ng University of the Philippines Population Institute (UPPI) na resulta ng 2021 Young Adult Fertility and Sexuality Study (YAFS5), nagpapahayag na ang proporsyon ng mga kabataang kababaihan na may edad na 15 hanggang 19 na naitatalang kagyat na nabubuntis ay bumaba mula 13.7% noong 2013 sa 6.8% ngayong 2021.
“The notable decline in the proportion of young women who have started childbearing can be considered a result of the continuing and collective advocacies, as well as initiatives, of all stakeholders from the national down to the local levels,” ayon kay Tacardon sa isang kalatas.
“While the study was conducted during the pandemic, the reduction in teenage pregnancy numbers implies that young people can make informed and responsible decisions about their sexuality, given an enabling environment,” winika pa nito.
Sinang-ayunan naman ni Tacardon ang natuklasan ng YAFS5 na ang pagbaba sa teenage pregnancies ay maaaring dahil sa pagbaba ng premarital sex engagement, at maging ang pinahusay na paggamit ng contraceptives.
Gayunman, sinabi ni Tacardon na ang Covid-19 pandemic ay nakapagpakita ng extraordinary circumstances nang ang mga kabataan ay napilitan na manatili ng ilang buwan sa loob ng kanilang tahanan at nilimitahan ng gobyerno ang kanilang galaw matapos na magpatupad ng lockdowns dahilan na rin upang maging limitado ang inter-aksyon sa kanilang mga ka-edaran at partners.
Sa kabila ng pagbaba ng bilang ng teen pregnancy at childbearing figures sa iba’t ibang panig ng bansa, sinabi ni Tacardon na mahalaga na ikunsidera na mahigit sa kalahati ng rehiyon ang nakapagtala ng higher rates kumpara sa national average.
Ang Davao ay nakapagtala ng 13.6% habang ang Bangsamoro Regions naman ay mayroong 10%.
“We should not let our guards down, as they gradually return to their normal activities. It should give us more resolve to strengthen and sustain our efforts in providing age-appropriate comprehensive sexuality education and information, as well as access to reproductive health services among adolescents, which we deem will sustain, or further accelerate, the decline in adolescent pregnancy percentages,” ayon kay Tacardon.
Tinawagan naman ng pansin ni Tacardon ang kinauukulang sektor na paigtingin ang kanilang “level of monitoring, vigilance, and actions to keep the causes of pregnancies among teenagers in check.”
Hinikayat naman nito ang mga institusyon at stakeholders na palakasin ang “collective efforts” sa ilalim ng Executive Order No. 141, s. 2021 upang matugunan ang ugat na itinuturong dahilan ng adolescent pregnancies sa pamamagitan ng whole-of-nation approach. (Daris Jose)