• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 16th, 2023

Ang ama at ina ang kanyang superheroes: SARAH, ‘di nakalimutan batiin si Mommy DIVINE noong ‘Mother’s Day’

Posted on: May 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA Instagram post ni Popstar Royalty na si Sarah Geronimo noong Mother’s Day, ‘di nakalimutan ng mang-aawit na magbigay-pugay sa mga magulang, lalo na sa kanyang Mommy Divine.

 

 

Kasama ang dalawang larawan, may caption ito ng, “Superheroes ng buhay ko. I love you nanay at tatay ko.”

 

 

“Happy Mother’s day po mama. Walang hanggan po na pasasalamat para sa walang katumbas na pag-aaruga at pagmamahal,” dagdag pa ng asawa ni Matteo Guidicelli.

 

 

Komento naman ng mga netizens…

 

 

“You are so kind ang genuine. i hope one day in God’s perfect time mayakap mo uli ang mga magulang mo. Nanay ako at alam ko na kahit anong mangyari na walang nanay ang kayang tiisin ang mga anak. God bless you always Ms. Sarah G patuloy ka ibe-bless ni Lord dahil napakabuti mo.”

 

 

“Praying for healing and reconcillation. Napakabait ni Sarah. Sana naman po Mommy Divine buksan niyo na ang puso niyo. Mahal na mahal kayo ni Sarah.”

 

 

“Tbh ang swerte ni Mommy D that Sarah G honor her parents kahit ganyan ang trato sa kanya. Some kids will go no contact with their parents because of the emotional manipulation or toxicity.”

 

 

“Ayun naman pala sya mismo ang nagsabi o wlang katumbas na pag-aaruga at pagmamahal daw.”

 

 

“Always grateful naman si Sarah eh. Yung parents ang matigas pa sa bato.”

 

 

“Tuwing may show na lang saka maglalabas ng sama ng loob sa magulang para palabasin na mabuti syang anak at masama ang magulang,di na lang iprivate, galing din ng strategy.”

 

 

“Bakit ba dinadanas ni Sarah ang ganito? Di nya deserved to. Napakabuti ng puso nya. I know medyo off mag-wish ng baby for a couple kasi pressure pero I genuinely hope na magkababy na sila ni Mateo. Yan lang talaga ang nakikita kong paraan para maging malambot na puso ni Mommy Pinty. I love you Sarah.

 

 

“Mommy Divine po. Wag mo panguhan timeline ng mag asawa. Whether Sarah decides to have a child right away or not is none of our business.”

 

 

“Anong kinalaman ng pagkakaroon ng baby? Kung panget talaga ang character ng nanay ni Sarah, panget talaga. A baby won’t change that. Stop your backwards na mindset.”

 

 

“How i wish kasing lambot ng puso mo lahat ng anak sa mundo.”

 

 

“Sobrang bait na anak ni SG talaga wala ako masabi. Sya na ang ginawan ng masama sya pa ang naghahabol at nagpapakumbaba.”

 

 

“Grabe na Kaya ng magulang tiisin wag kausapin anak nila no? They are getting old na ganyan pa rin sila. Dapat stress free na sila and worry free. Haay!”

 

 

“Ang alam ko ang anak kaya tiisin ang magulang. Pero ang magulang ndi kayang tiisin ang anak.. tindi ng magulang nya lahat na nga binigay sa kanila ano pa ba!”

 

 

“True naman sila ang superheroes mo sarah.. kasi kung di sa kanila kay G palang noon nadapa ka na. Truly they know best.”

 

 

“Kelan nila balak kausapin si Sarah? Life is too short. Di nyo po pagaari ang anak nyo. She’s not a property. She is your daughter for crying out loud. Have mercy on her.”

 

 

“Naalala ko pa nag phone patch kapatid nga and ang taray ng accent kse sa London nya pinag araw habang c sarah g puro work lang. Tapos nung time na gusto nya naman magkaroon ng sariling buhay itinakwil na ng magulang…. ibang klase.”

 

 

“Buti hindi na-mana ni Sarah sa parents nya ang pagiging ma-pride at matigas ang puso.”

 

 

“Hanga ako sa pagtahimik lang ni mommy D at ng buong pamilya. Take lang nila na sila ang bad maski hindi alam ng tao ang tunay na dahilan, napahiya siguro sila ng husto nung araw na iyon, give them peace and their own time, ipilit hindi ok, sincere sa panahon na ibigay ng Diyos. Walang perfect kundi ang Diyos.”

 

 

“Hayaan mo na sila Sarah. Life is short. Magulang mo lang sila pero di nila hawak ang buhay mo.”

 

 

Hanggang ngayon ay marami pa rin ang umaasa na isang araw ay magkakaayos-ayos din ang buong pamilya, lalo na sina Mommy Divine at Sarah.

(ROHN ROMULO)

Isang araw bago ang Mother’s Day: VALERIE, kinumpirma na buntis at ipinakita ang baby bump

Posted on: May 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ni Valerie Concepcion na buntis siya sa kanyang asawang si Francis Sunga, isang araw bago ang Mother’s Day.

 

 

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Valerie ang ilang larawan na hawak niya at ni Francis ang ultrasound, pati na rin ang kaniyang baby bump.

 

 

“One is great, two is fun, so why not add another one? ????” caption ng “The Seed of Love” actress.

 

 

Ikinasal sina Valerie at Francis noong 2019; may panganay na anak si Valerie sa dati niyang nobyo na si Jeremy Carag na si Heather Fiona Galang na nag-debut last year.

 

 

May anak na babae rin si Francis sa dati niyang relasyon. Ipinaabot naman ng mga kaibigan ni Valerie sa showbiz ang kanilang pagbati sa aktres sa kaniyang magandang balita.

 

 

“Yaaaayyy congratulations @v_concepcion woohoooo??????” sabi ni Pokwang.

 

 

“YEHEEEEEYYYYY!!!!!! Ninang ako te ?????? haha” biro sa kaniya ni Herlene Budol.

 

 

“Woohooooooooo congratulations!!!! @v_concepcion” pagbati ni Gelli de Belen.

 

 

“Congratulations, Val!!!” sabi ni Carla Abellana.

 

 

***

 

 

NILINAW ni Heart Evangelista na hindi niya inisnab si Dra. Vicki Belo noong pumunta sila sa Italy para sa Milan Fashion Week.

 

 

“Hindi ko siya nakita,” pagklaro ni Heart tungkol sa naturang usapin sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes.

 

 

Dagdag ni Heart, nakatuon ang kaniyang pansin niya noon sa mismong show.

 

 

“I’m not there to chitchat. I’m there to immerse myself,” saad ng Kapuso fashion icon.

 

 

“Sa mga hindi nakakaintindi, but it’s art, and you appreciate art. And for me ‘yun talaga ang hilig ko eh. So talagang nagfo-focus ako,” paliwanag niya.

 

 

Ayon kay Heart dumalo siya sa isang event na tampok ang mga modelong puro mga kambal.

 

 

“Siyempre wala ka nang makikitang ibang tao. It’s such an experience and sometimes everything else is a blur,” dagdag niya.

 

 

Nauna nang nilinaw ni Dra. Vicki na hindi sila inisnab ni Heart, at dahil hindi umano alam ng aktres na pumunta rin sila ni Alex Gonzaga sa event.

 

 

“How could she [Heart] snub us when she didn’t even know we were there? And we never ever saw each other,” sabi ni Dra. Vicki.

 

 

“If you watch the Vicki Belo vlog, you will see that Alex and I were just kidding and joking around,” dagdag pa ng doktora.

 

 

***

 

 

TILA naging kasama ni Maxene Magalona sa biyahe habang nasa Grab car ang namayapang ama na si Francis Magalona dahil pinapatugtog ang banayad na awitin ng Master Rapper na “Cold Summer Nights.”

 

 

Sa video na ipinost ni Maxene sa Instagram, madidinig ang pagsabay ng aktres sa awitin ng kanyang ama.

 

 

Sabi ng Grab driver kay Maxene, “Idol na idol ko po papa niyo.”

 

 

“Awww, salamat kuya,” tugon naman ni Maxene. “Nagpaparamdam siya sa ‘tin.”

 

 

Sa pagsabay ni Maxene sa awitin, pinalitan niya ang bahagi ng liriko nito at sinabing, “I miss you papa, I need you here.”

 

 

Saad naman ni Maxene sa caption ng kaniyang post, “Salamat sa solid sound trip, kuya! Hello, Papa!”

 

(ROMMEL L. GONZALES)

58% ng POGO-related crimes sa PH sangkot sa human trafficking – Sen. Gatchalian

Posted on: May 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KARAMIHAN ng mga krimen may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ay sangkot sa human trafficking ayon kay Senate way and means committee chair Senator Sherwin Gatchalian.

 

 

Sa ipinadalang sulat ng Senador sa National Bureau of Investigation (NBI), sinabi ng mambabatas na nasa 65% o 68% ng 113 POGO-related cases na naitala mula Nobyembre 2019 hanggang Marso 2023 ay dawit sa human trafficking.

 

 

Maliban pa sa 65 kaso ng human trafficking, sinabi din ng NBI na nasa 33 kaso ng international operations, 7 dito ay mga kaso ng cubercrimes, 4 ang anti-organized at transnational crimes, 3 ang mga kaso ng fraud at isang kaso ng paglabag ng anti-violence against women and childresn na may kinalaman sa POGO.

 

 

Kaugnay nito nagpahayag ng pagkaalarma ang Senador na maaari aniyang magdulot ng seryosong implikasyon sa seguridad ng bansa. (Daris Jose)

Motorsiklo nabangga ng kotse, rider todas

Posted on: May 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang isang rider matapos mabangga ng kotse na nag-counter flow ang minamaneho niyang motorsiklo sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Quezon City Medical Hospital sanhi ng tinamong pinasala sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Mhark Asentista Sales, 37, chief mechanic at residente ng 72 Ph 9 Blk 2 Payatas Quezon City.

 

 

Nahaharap naman sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Property ang driver ng Mitsubishi Mirage na may plakang (NEE-3447) na si Jerric Ampalo, nasa hustong gulang ng 277 Carriedo St., Muzon San Jose Del Monte Bulacan.

 

 

Batay sa report ni PCpl Joemar Panigbatan kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Mc-Arthur Highway sakay ng kanyang Suzuki raider patungong Monumento Circle, Caloocan City.

 

 

Pagsapit sa kanto ng Calli Kwatro Brgy. 78, dakong alas-2:00 ng madaling nang mabangga ang biktima ng kotse na minamaneho ng suspek na dapat ay patungong Monumento Circle subalit, nag-counter flow umano ito.

 

 

Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima sa simentadong kalsada na naging dahilan upang agad na isinugod ng rumespondeng ambulansya ng Caloocan DRRMO sa Caloocan City Medical Center (CCMC) subalit, inilipat din ito sa QCM Hospital kung saan siya binawian ng buhay.

 

 

Sumuko naman sa pulisya ang driver ng kotse na dinala sa CCMC para sa medical at physical examination at base sa kanyang medical certificate ay positibo siya sa alcoholic breath. (Richard Mesa)

Ads May 16, 2023

Posted on: May 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Proteksyon ng OFWs, tiniyak ng Taiwan

Posted on: May 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng gobyerno ng Taiwan ang pagbibigay ng proteksyon sa mga Pilipino na nagtatrabaho sa kanilang bansa sakaling sumiklab ang tensyon sa pagitan ng Taiwan at ng China.

 

 

Sinabi ni Manila Economic and Cultural Office Chairman Silvestre Bello III na tiniyak sa kaniya ng National Police Agency of Taiwan na handa silang magbigay ng matutuluyan sa 89,000 OFWs na nasa kanilang bansa sakaling umatake ang Beijing.

 

 

“I met with the Director General together with the head of the home Civi­lian Defense of Taiwan and they assured us that they will also protect our countrymen there,” ayon kay Bello.

 

 

Nasa 160,000 OFWs ang kabuuang nagtatrabaho sa Taiwan kung saan 90% ang nasa manpower services. Ang iba ay mga guro, magsasaka, at nasa hospitality industry.

 

 

Ito ay sa kabila ng tensyon na dinaranas din ng Taiwan mula sa China na nagpalakas ng mga military drills sa karagatang nakapaligid sa bansang isla. Ito ay kasunod ng mga pagbisita ng matataas na opisyal ng Estados Unidos umpisa noong 2022.

 

 

Nagkaroon ng agam-agam sa kundisyon ng mga OFWs sa Taiwan makaraang maglabas nitong nakaraang buwan si Chinese Ambassador Huang Xilian ng abiso laban sa pagsuporta ng Pilipinas sa ‘independence’ ng Taiwan kung pinahahalagahan umano ng ating gobyerno ang kapakanan ng mga manggagawa sa ibayong dagat. (Daris Jose)

Mag-amang top 5 at 6 most wanted ng Navotas, nasukol sa Masbate

Posted on: May 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NALAMBAT ng pinagsanib na puwersa ng Navotas police at Masbate Provincial Police Office ang mag-ama na kabilang sa Top 5 at Top 6 Most Wanted Person ng Navotas City makaraang matunton sa kanilang lugar sa lalawigan ng Masbate.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang nadakip na si Judy Arizala, 68, at ang anak niyang si Reynan, alyas “Kaka” 31, kapuwa residente ng Claveria, Mababang Baybay, Masbate City na mahigit apat na taon ding nagtago sa batas.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ponce Rogelio Peñones, Jr, sinabi ni Col. Umipig, nakatanggap sila ng impormasyon sa kinaroronan ng mag-amang Arizala na matagal ng tinutugis ng batas kaya bumuo siya ng team mula sa Intelligence Section na pinamunuan ni P/Capt. Luis Rufo, Jr at Warrant and Subpoena Section na pinangunahan ni P/CMSgt. Ronnie Garan na tutungo sa lalawigan upang dakpin ang mag-ama.

 

 

Pagdating ng team sa Masbate, nakipag-ugnayan sila kay P/Maj. Joenel Moratalla, hepe ng Claveria Police Station, pati na kay P/Capt. Jose Franco Silo, Jr. ng Regional Intelligence Unit ng Sorsogon, Bicol Region upang maging maayos ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa mag-amang Arizala sa kanilang tirahan sa Claveria.

 

 

Alas-7 ng gabi nang isilbi ng mga pulis sa mga akusado ang warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Ronaldo Q. Torrijos ng Navotas City Regional Trial Court (RTC) Branch 288 noon pang Hulyo 15, 2019 para sa kasong Murder at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantala nilang paglaya.

 

 

Maayos namang naisilbi ang arrest warrant laban sa mag-ama na kaagad ding ibiniyahe pabalik ng Navotas City at ngayon ay pansamantalang nakapiit sa Custodial Facility ng Navotas Police Station habang hinihintay ang commitment order ng hukuman para sa paglilipat sa kanila sa Navotas City Jail. (Richard Mesa)

Tiangco brothers nagbigay ng ayuda sa mga nasunugan sa Navotas

Posted on: May 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG nasa pitong pamilya ang nawala ng tahanan matapos sumiklab ang isang sunog sa Navotas City.

 

 

Nabatid na sumiklab ang sunog sa mga kabahayan sa A. Santiago St. Brgy. Sipac at mabilis na kumalat apoy kaya kaagad rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at mga fire volunteer saka pinagtulungang apulahin ang sunog.

 

 

Sa ulat, umabot sa pitong pamilya o 35 katao ang naapektuhan ng sunog na inaalam pa ng BFP ang tunay na dahilan ng pagsiklab ng apoy habang pansamantala namang nanunuluyan sa basketball court ng barangay ang mga apektadong pamilya.

 

 

Kagaad namang nagtungo sa naturang lugar si Mayor John Rey Tiangco upang kamustahin ang kanyang mga kababayan na naapektuhan ng sunog at nagbigay ng tulong na mga pagkain, inuming tubig at hygiene kits, kasama si Cong. Toby Tiangco na nagbigay din ng ayuda sa mga pamilyang nasunugan.

 

 

“Lubos tayong nagpapasalamat sa ating mga bumbero at mga volunteer, at sa lahat ng mga rumesponde para tumulong na maapula ang sunog”, pahayag ni Mayor Tiangco.

 

 

“Kasama si Cong. Toby nabigyan na po natin ng mga pangunahing pangangailangan at ayuda ang mga pamilyang apektado. Mag-ingat po tayo parati para manatiling ligtas sa anung sakuna”, paalala niya. (Richard Mesa)

DepEd, lumikha ng task force para suriin ang SHS program

Posted on: May 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAG-ORGANISA ang  Department of Education (DepEd) ng  national task force na susuri sa implementasyon ng senior high school (SHS) program.

 

 

Base sa memorandum na nilagdaan ni  DepEd Undersecretary Gina Gonong na may petsang Mayo 11, ang task force ay nilikha  “to address the emerging challenges in the implementation of the SHS program in both DepEd and non-DepEd schools.”

 

 

Ang task force ay nagsumite ng  report ng accomplishments at outputs kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte, sa pamamagitan ng Undersecretaries of the Curriculum and Teaching and Operation Strands, “on or before May 12, 2024.”

 

 

Kabilang sa mga responsibilidad ng task  force ay rebisahin ang umiiral na  program policies “to ensure consistency, responsiveness, and relevance” para sa pangangailangan ng mga mag-aaral at  stakeholders; at palakasin ang kasunduan sa  private sectors at iba’t ibang industriya sa  national at regional levels para mapahusay ang  SHS employability.

 

 

Inaasahan din na made-develop ang mga polisiya at plano  base sa program implementation review results at inaasahan na  future needs; at pakikipagtulungan sa mga mahahalagang tanggapan gaya ng  state universities at colleges, at public at private schools, para i-develop ang isang SHS database kabilang ang “policies, program offerings, and private school data.”

 

 

“As the nation strives for economic recovery and growth, it is becoming increasingly important for SHS graduates to have greater access to employment, entrepreneurship, advanced education, and training,” ang nakasaad sa memorandum.

 

 

Noong nakaraang Enero, sinabi ni Duterte na  nakatakdang suriin ng DepEd  ang  K to 12 curriculum sa layuning makapag-produce ng mas maraming job-ready at responsible graduates.

 

 

Sinabi ng DepEd na ang  task force ay kinabibilangan ng Secretariat na magbibigay ng administrative support para sa epektibong implementasyon ng  SHS Program Standards and Support Systems “by addressing logistical concerns and convening the members of the SHS NTF when needed.”

 

 

Samantala, itinalaga ng departmento ang  Assistant Secretary for Curriculum and Teaching, Curriculum Development, Learning Delivery, and Learning Resources bilang chairman ng  task force, at  Assistant Secretary for Operations bilang co-chair. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Pinas nakapagtala ng 2 milyon international arrivals – DOT

Posted on: May 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGTALA ang Pilipinas ng kabuuang 2,002,304 dayuhang turista mula Enero 1 hanggang Mayo 12, 2023 na higit pa sa target na 1.7 milyon noong nakaraang taon, ayon sa Department of Tourism (DOT).

 

 

“Notwithstanding our challenges and difficulties that our country has faced, a pandemic and the various calamities that come into our shores the good news is that this has done nothing to break the Filipino spirit or to diminish the beauty of the Philippines,” paha­yag ni Tourism Secretary Christina Frasco  nitong Linggo.

 

 

Una nang nagtakda ng goal ang DOT na maabot ang 4.8 milyon na international arrival para sa 2023 bilang bahagi ng National Tourism Deve­lopment Plan (NTDP) nito.

 

 

Nangunguna ang South Korea, na may 487,502 arrivals; sinundan ng US, 352,894; Australia, 102,494; Canada, 98,593; Japan, 97,329; China, 75,043; Taiwan, 62,654; United Kingdom, 62,291; Singapore, 53,359; Malaysia, 36,789.

 

 

Nagtala rin ang DOT ng P168.52 bilyon sa mga inbound visitor receipts noong Abril, higit sa pitong beses ang halagang nabuo sa parehong timeframe noong nakaraang taon.