• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 18th, 2023

Pagsisikapan pa ring maabot sa totoong buhay: Pangarap ni JO na maging lawyer, natupad na sa legal drama-serye

Posted on: May 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINDI naiwasan na maitanong kay Matteo Guidicelli ang tungkol sa usap-usapang sigalot sa kanyang asawa na si Sarah Geronimo at sa matagal na nitong backup dance group na G-Force ng choreographer na si Teacher Georcelle.

 

Sa 20th anniversary concert ni Sarah, kapansin-pansin na wala ang G-Force, at may mga bagong choreography sa kanyang mga awitin ang pop star royalty.
Nangyari ang pagtatanong tungkol dito sa guesting ni Matteo sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’.

 

“Sarah and Teacher have been together for 16 years. Sarah wanted to work with G-Force, different dancers, different choreographers and just have this synergy of greatness together,” paliwanag ni Matteo kay Tito Boy nitong Lunes.

 

 

“I guess things just didn’t pan out,” saad pa ng aktor na balik-Kapuso na.

 

 

Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye si Matteo tungkol kina Sarah at Teacher Georcelle, pero nilinaw niya na wala siyang kinalaman tungkol dito.

 

 

“I don’t push Sarah, I stand beside her,” giit ng aktor na bahagi na ngayon ng morning show sa GMA na “Unang Hirit.”

 

 

“It would have been nice to have G-Force there also but maybe on another time. Whatever discussion and whatever little things here and there will be mended kumbaga,” dagdag niya.

 

 

Sa kabila ng mga lumalabas na isyu, pinasalamatan at ipinahayag ni Sarah ang pagmamahal niya sa G-Force sa concert nito.

 

 

Sa inilabas na pahayag ni Teacher Georcelle, tinawag niya na “artistic differences” ang usapin tungkol sa kanila ni Sarah. Gayunman, sinusuportahan umano niya ang creative freedom ng singer-actress.

 

 

****

 

 

PANGARAP ni Jo Berry, natupad!

 

Bibida ang Kapuso star na si Jo sa upcoming legal drama serye na ‘Lilet Matias: Attorney-at-Law’.

 

Sa story conference ng naturang serye ay ibinahagi ni Jo kung gaano siya kasaya nang malaman niyang siya ang gaganap sa karakter ni Lilet Matias, ang maliit ngunit mabagsik na abogada na may malaking pangarap para sa mga naaapi.

 

Aniya, “Yung papa ko po talaga ‘yung may pangarap na maging lawyer ako and nasabi ko talaga sa kanya na ‘ito na yun pa’ Sisimulan ko na agad ngayon pero sa role lang muna. Nandun pa rin naman po ‘yung kagustuhan ko na maging lawyer in real life pero nauna lang talaga yung role ngayon.”

 

 

Binanggit din ng Sparkle star na may plano pa rin siyang tuparin ang kanyang pangarap na maging isang abogada sa totoong buhay.

 

 

“Naalala ko, bata pa lang ako, number one na siya sa gusto kong gawin nung nag-aaral pa lang ako and alam ko na ‘yun ‘yung gusto ng papa ko for me so hindi talaga siya nawawala.

 

 

“Pagsisikapan ko pa rin pong maabot. Alam kong mahaba-haba pa ‘yung pagdadaanan pero hindi po siya nawawala nandun pa rin po siya sa goals ko,” saad niya.

 

 

Makakasama ni Jo Berry sa legal drama serye ang award-winning young actor na si Joaquin Domagoso, Sparkle beauties na sina Zonia Mejia at Hannah Arguelles, mga batikang aktres na sina Sheryl Cruz, Glenda Garcia, at Teresa Loyzaga, Sparkle heartthrobs na sina Jason Abalos at EA Guzman, at komedyante na si Ariel Villasanta.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Pangulong Maros pinalawig ng 15 taon ang Malampaya gas field contract

Posted on: May 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NILAGDAAN  ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Renewal Agreement para sa Malampaya Service Contract No. 38 (SC 38).

 

 

Ginawa ang ceremonial signing kahapon sa Malakanyang.

 

 

Nakasaad sa kontrata ang panibagong 15 taon o hanggang 2039 sa patuloy na produksyon ng Malampaya para sa kuryente sa bansa.

 

 

Nabatid na ang Ma­lam­paya gas field ay nagsu-supply ng 20 porsyento ng power requirement ng Pilipinas.

 

 

Bukod sa pagpapatuloy ng mga operasyon sa produksyon, ang SC 38 Consortium ay kinakaila­ngang magsagawa ng minimum na work program na binubuo ng geological at geophysical studies at ang pagbabarena ng hindi bababa sa dalawang deep water well sa panahon ng Sub-Phase 1 mula 2024 hanggang 2029.

 

 

Ang nasabing firm work program ay inaasahang magbubukas ng potensiyal sa kasalukuyang gas field at mga karatig na prospect areas.

 

 

Ayon sa Department of Energy, ang pagtuklas ng mga karagdagang reserba sa Malampaya gas field ay magpapa­lakas sa paghahanap ng bansa para sa seguridad ng enerhiya.

 

 

“As we renew Service Contract (SC) 38, we optimistically look forward to the continued production and utilization of the remaining reserves of the Malampaya gas field, as well as further exploration and development of its untapped potential,” ani  Marcos.

 

 

Ang Malampaya Deep Water Gas-to-Power Pro­ject ay gumagamit ng state-of-the-technology para kumuha ng natural gas at condensate mula sa kailaliman ng Palawan basin. (Daris Jose)

Estate Tax Amnesty, palawigin

Posted on: May 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IPINASA ng Kamara sa ikatlong pagbasa ang panukalang magpapalawig sa ipinatutupad na Estate Tax Amnesty ng dalawang taon o hanggang 2025.

 

 

Layon ng panukala na mabigyan ng sapat na panahon sa mga taxpayer para mabayaran ang kanilang tax obligations.

 

 

Base sa Republic Act no.11569 na inamyendahan ng RA 11213 o ang Tax Amnesty Act, inaasahang magtatapos na ang implementasyon nito sa June 14, 2023.

 

 

Inaasahang malaking tulong ang pagsasabatas ng panukalang ito lalo na’t marami pa rin ang patuloy na bumabangon mula sa dagok ng pandemya na dinagdagan pa ng kalbaryo sa tila walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

 

 

Karamihan din sa mga kababayan na nasa mga lalawigan ang hindi na natutukan ang pagbabayad ng estate tax, kaya’t tumataas ang kanilang multa.

 

 

Pinarerebyu ng isang mambabatas sa Bureau of Fire Protection (BFP) ang terms of reference (TOR) at specifications sa bidding ng firetrucks upang maiwasan ang alegasyon ng iregularidad sa proseso ng pagbili ng ahensiya.

 

 

Naniniwala rin si Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan na sa pamamagitan ng rebyu at pagpapatupad ng pagbabago sa loob ng BFP ay makakatulong para maresolba ang backlog sa bilang ng firetrucks sa bansa.

 

 

“Panahon pa namin 2006 ng ako nasa DILG,  hanggang ngayon, may backlog pa rin tayo.  Bakit di natin ma-resolve ‘yun? And at the same time, laging may ganitong issue, laging issue natin ay overprice, laging issue natin may favored bidder.  Dapat mawala na yun. Magkaroon na tayo ng maayos na TOR sa lahat ng bagay, sa specs na susundan ng lahat ng suppliers ,” ani Yamsuan.

 

 

Hiniling ng mambabatas sa pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety na pinamumunuan ni Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez, sa BFP na magsumite ng documents listing at procurement plan nito ngayon taon.

 

 

Ang pagdinig ay bunsod na rin sa inihaing House Resolution 724 nina ACT Teachers Party-list Rep. France Castro,  GABRIELA Women’s Party Rep. Arlene Brosas at Kabataan Party-list Rep. Raoul Danniel  Manuel para imbestigahan ang umano’y restrictive at kuwestiyonableng procurement process ng BFP sa pagbili ng firetrucks na bahagi ng modernization program ng ahensiya.

 

 

Bukod sa isyu ng firetrucks, nakuwestiyon din ang pagkakasama ng personal protective equipment (PPE) sa binili ng ahensiya.

 

 

Base sa dokumento na isinumite sa komite, ang BFP ay nakabili ng 562 firetrucks na nagkakahalaga ng P7.2 billion simula 2018. (Ara Romero)

At 81, gumawa ng history ang lifestyle guru: MARTHA STEWART, oldest cover model ng Sports Illustrated Swimsuit Issue

Posted on: May 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HUMATAW sa TV ratings ang pagsisimula ng groundbreaking live-action adaptation ng GMA na “Voltes V: Legacy!”

 

 

Maliban diyan, kaliwa’t kanan din ang papuri ng diehard at new generation fans para sa megaserye! Marami ang humahanga hindi lang sa world-class visual effects nito kundi pati na rin sa mas pinalalim na kuwento ng bawat karakter.

 

 

Komento ng ilang viewers sa “Voltes V: Legacy” Facebook page, “Solid fan ako ng Voltes V pero nasosorpresa pa rin ako sa mga kakaibang twist na ginagawa ng GMA! Sobrang detailed lahat at ang ganda ng shots. I believe pinag-isipan nila at binalikan nang napakaraming beses on what is the BEST way to present Voltes V: Legacy to the audience.”

 

 

Kabi-kabila rin ang mga nagre-request na mapanood sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang “Voltes V: Legacy.” Sa ngayon, ipinapalabas din ang livestream ng programa sa YouTube channel ng GMA Network pero limitado pa ito sa viewers sa Pilipinas.

 

 

Samantala, napansin ng netizens noong May 15 na 30 minutes late ang pag-ere ng katapat na programa ng “Voltes V: Legacy.” Nagpalit na nga kaya ito ng timeslot para makaiwas sa biggest primetime series ng GMA Network?!

 

 

Subaybayan ang “Voltes V: Legacy,” Lunes hanggang Biyernes tuwing 8:00 p.m. sa GMA Telebabad, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits.

 

 

***

 

 

MABAIT na madrasta si Ara Mina dahil sa pagsama nito sa kanyang mister na si Dave Almarinez para um-attend ng debut ng anak nitong si Kirsten sa Vancouver, Canada.

 

 

Kung tutuusin ay puwede namang hindi na sumama si Ara dahil affair iyon ng first family ng kanyang mister at ayaw niyang mang-agaw ng eksena. Pero dahil gustong maging mabuting stepmother ni Ara sa anak ni Dave, sumama ito at okey naman sila ng ex-wife ni Dave na si Erish.

 

 

Birthday wish pa ni Ara kay Kirsten: “We so proud of you, and we can’t wait for you to be our beauty queen lawyer. Enjoy your birthday, enjoy your celebration tonight! We all love you, God bless you, and we wish you all the good things in life. Nandito lang kami ng daddy mo, and nandito lang din ako for you. Stay what you are, and again, I love you so much.”

 

 

Noong May 5 naganap ang debut ni Kirsten at suot nito ay mala-Disney princess pink gown na gawa ng Filipino designer na si Leo Almodal.

 

 

***

 

 

SA edad na 81, gumawa ng history ang lifestyle guru na si Martha Stewart noong gawin siyang cover model para sa 2023 Sports Illustrated Swimsuit Issue.

 

 

Si Martha ang oldest-ever cover model ng naturang magazine na nag-launch sa ilang mga kilalang supermodels ngayon tulad nila Tyra Banks, Heidi Klum, Gisele Bunchen at marami pang iba.

 

 

Suot ni Martha sa cover ay one-piece white Monday Swimwear na may orange cover-up by Torso Creations. Nagpakita ng confidence si Martha na mag-pose seductively para maging inspiration siya ng mga kababaihan na kaedad niya.

 

 

Noong i-launch sa Today show ang pag-unveil ng cover ni Martha, natuwa ito sa kinalabasan ng pictorial session nila.

 

 

“I like that picture. But it was odd to be photographed in swimwear in front of all those people, but it turned out okay. When I heard that I was going to be on the cover of Sports Illustrated Swimsuit, I thought, ‘Oh, that’s pretty good, I’m going to be the oldest person I think ever on the cover of Sports Illustrated. And I don’t think about age very much, but I thought that this is kind of historic.”

(RUEL MENDOZA)

VP Sara Duterte, magsisilbing ‘game changer’ kontra communist terrorist group – NTF-ELCAC

Posted on: May 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIYANSA ang National Task Force to end local communist and armed conflict na magsisilbing ‘game changer’ si Vice President Sara Duterte para sa magiging transition ng kanilang stratehiya sa paglaban kontra sa communist terrorist group sa Pilipinas.

 

 

Ito ay matapos na italaga ang Bise Presidente bilang Co-Vice Chairperson ng NTF-ELCAC na malaki aniya ang magiging papel sa pagtupad sa kanilang mandatong labanan ang mga komunistang teroristang grupo sa bansa.

 

 

Ayon kay Assistant Director General Jonathan Malaya, inaasahang isa sa mga mahahalagang papel ni VP Duterte ay ang pagbibigay ng guidance sa mga ahensyang nasa ilalim ng NTF-ELCAC mula sa kaniyang mga naging karanasan bilang alkalde noon ng Davao City na isa sa mga insurgency free places ngayon sa Pilipinas.

 

 

Bukod dito ay muli ring binigyang-diin din ng opisyal na malaking bagay din ang maitutulong ng pagiging kalihim ni Duterte bilang kalihim ng kagawaran ng edukasyon para mapalakas ang proteksyon at seguridad sa mga paaralan sa bansa upang mapigilan na ang ginagawang recruitment activities ng mga miyembro ng New Peoples Army sa mga eskwelahan.

 

 

Kung maaalala, una nang inanunsyo ng NTF-ELCAC na magpapalit sila ng estratehiya mula sa dating warriors of peace tungo sa pagiging bringers of peace, alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Na mas mapayapa at nagkakaisang pagtugon sa communist terrorist groups sa bansa.

 

 

Dahil dito ay mas paiigtingin pa ng naturang task force ang kanilang barangay development program at retooled community support program sa tulong ng iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan sa bansa para sa mga dating rebelde na magbabalik loob muli sa gobyerno. (Daris Jose)

Pag-angkat ng 150K metric tons ng asukal, kailangan para matugunan ang posibilidad ng kakulangan – PSA

Posted on: May 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGPALIWANAG ang sugarcane regulatory Administration sa pangangailangang mag-angkat ng asukal mula sa ibang bansa.

 

 

Kahapon nang opisyal na inaprubahan ni Pangulong Marcos ang pag-angkat muli ng 150,000 metrikong tonalada ng asukal dahil sa posibilidad ng kakulangan sa mga darating na buwan.

 

 

Ayon sa SRA, magkakaroon ng negative ending stock ang bansa ng hanggang sa 552,835 metrikong tonelada pagsapit ng Agosto 2023. Ito ay kasabay na ng pagtatapos ng milling season.

 

 

Kung hindi mag-aangkat ang bansa ng sapat na supply ng asukal, tiyak umanong kukulangin na ang supply nito sa merkado.

 

 

Batay sa pagtaya ng SRA, maaaring abutin lamang sa 2.4 Million metric tons ang local production ngayong taon, na pinapaniwalaang kukulangin para tugunan ang pangangailangan ng mga consumer sa bansa.

 

 

Paliwanag ng SRA, ang 150,000 metriko tonelada ng asukal na aangkatin ay maaaring madamit upang pantustus sa anumang kakulangan ng supply nito sa mga merkado.

Pinayuhan na ‘wag basta-basta magpapadikta: PIA to MICHELLE: ‘Bring the Philippines with you yes, but still be YOU’

Posted on: May 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LAST Saturday, May 13, itinanghal na Miss Universe Philippines 2023 si Michelle Marquez Dee, na magiging pambato natin sa Miss Universe sa gaganapin sa El Salvador bago matapos ang taon.

 

 

At ilang araw, pagkatapos nang pinag-usapan na pagkasungkit ng korona, nag-post si Michelle ng winning moment photos, na kung saan in-explain kung bakit niya napiling irampa ang black gown na gawa ng pamosong fashion designer na si Mark Bumgarner sa coronation night ng beauty pageant.

 

 

Panimulang caption ni Michelle, “Mark said it best: An evening gown with restraint.

 

 

Pagpapatuloy pa niya, “In pageantry, every queen’s goal is to stand out and wow the crowd. One of the best ways to do that is to wear a gown that looks and feels like the ‘winning look’ for the night, full of anything that would add shimmer, shine and extravagance.

 

 

“Mark and I had a different vision. We didn’t want to go the typical ‘pageant patty’ route. We wanted an iconic masterpiece that would bring out my best assets and to stay true to who I am: daring, elegant, fierce – and of course in my color, BLACK.”

 

 

Dugtong pa ng Kapuso actress, “To me, this gown symbolizes that in this life, its not about always being what everyone expects you to be.

 

 

“It’s about having restraint and choosing to stay true to yourself even if it’s so much easier to just follow what everyone wants you to be.

 

 

“That in being yourself, you will find people who will believe and see the potential within you. In choosing to be yourself, you will find enough strength and power to achieve anything you set your mind to.

 

“Thank you @markbumgarner for going on this journey with me! You had full reign from its sketch all the way to the MUPH stage and we couldn’t ask for a better outcome.”

 

 

Say naman ni Mark, “I remember at the photostudio, when you both tried on the two gowns, the moment u walked out in black, we all collectively said “thats it, etonna yun” thats when we decided its the dress fornthe finals. You have a good team.”

 

 

Tugon naman ni Michelle, “@markbumgarner it was in that moment WE KNEW.”

 

Nagbigay naman ng komento at payo si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ng kanyang pagsuporta sa bagong pambato ng Pinas sa Miss U…

 

“YES!! Beautiful! I love how you stayed true to who you are and did not let pageant trends or chiefs dictate how you should be.

 

 

“It stood out perfectly! Please maintain that til Miss Universe! We want to see YOU. Michelle Dee.

 

 

“Dont let other ‘chiefs’ dictate how you should represent yourself. As Esther advised me before, too many chiefs ruin the fun. And at this point everyone will act like an expert, even strangers.

 

 

“It’s YOU Michelle who’s gonna be on that stage. And that’s a once in a lifetime experience. Bring the Philippines with you yes, but still be YOU.”

 

 

Nag-reply naman si Michelle sa magandang komento at payo sa kanya ni Mrs. Jeremy Jauncey, “@piawurtzbach AMEN QUEEN!!! I always find strength from your advice & you couldn’t have said it any better. I’ll take this to heart.”

 

Say naman ng mga netizens…

 

“Pia, we need more people who doesn’t sugar coat like you.”

 

“Perfectly said coming from Queen.”

 

“this is powerful. Love u, Queen P!

 

“Very well said Queen Pia. Go for the crown @michelledee

 

“You always give the most raw and real advice, Queen P. Yung talagang nangyayari. Walang halong charot.”

 

“The Queen has spoken kaya iyak na lang mga bashers.”

 

“True prove them wrong MD. Di mo kailangan maging crowd favorite para manalo walang audience impact sa MU.”
“I am so happy you won Miss Universe Philippines you should have won last year! Good luck at the Miss Universe beauty pageant! I am an avid fan of your Mum and of course you as well!”

 

 

Goodluck Michelle, bring home the crown!

(ROHN ROMULO)

Ads May 18, 2023

Posted on: May 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Pulis na dawit sa 990-kilo shabu na-contempt, kulong sa Senado

Posted on: May 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KULONG sa Senado ang pulis na dawit sa nakumpiskang 990 kilo ng shabu matapos patawan ng contempt ng Senate committee on public order and dangerous drugs.

 

 

Hindi nagustuhan ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang tila pag-iwas sa katanungan ni PNP-Drug Enforcement Unit Special Ope­rations Unit chief Capt. Jonathan Sosongco, kaugnay sa pagkakasamsam ng 990 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon.

 

 

Sa pagdinig ng komite, hiniling ni Dela Rosa kay Sosongco na ibigay sa kanya ang numero ng kanyang impormante matapos tumanggi ang ibang pulis na sangkot sa mga operasyon na tumanggap ng tip sa 990 kilo ng shabu.

 

 

Sinabi ni Sosongco na wala na ang teleponong ginamit niya sa pakikipag-ugnayan sa impormante.

 

 

“Your honor, wala na po ‘yung cellphone ko na gamit po…’Yung cellphone na ginagamit sa trabaho hindi naman ito ang ginagamit. Wala na, your honor,” ani Sosongco.

 

 

Dahil dito, hiniling ni Dela Rosa kay Sen. Robin Padilla na gumawa ng mosyon para i-cite ng contempt si Sosongco.

 

 

“Sobra na itong panloloko na ginagawa sa atin dito. Nauubos na ‘yung oras natin dito,” ani Dela Rosa.

 

 

Sinuportahan ni Padilla ang panawagan ni Dela Rosa at naaprubahan ang mosyon. (Daris Jose)

Witness-suspects vs Teves, ‘umaatras’

Posted on: May 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BIGLA umanong nanahimik ang mga testigong suspek laban kay suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr. dahilan para muling maantala ang paghahain ng kasong murder sa kongresista.

 

 

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang muling ‘delay’ sa pangako nilang pagsasampa ng kaso kahapon ng Lunes ay dahil sa pagtanggi nang makipagkoo­perasyon ng mga nadakip na witness-suspects.

 

 

Nang madakip ang mga suspek may 12-14 araw makaraan ang pagpaslang kay Governor Roel Degamo at siyam na iba pa, nakapagbigay sila ng pahayag sa mga prosecutor at sa mga imbestigador ng National Bureau of Investigation (NBI). Tinutulungan sila noon ng mga abogado ng Public Attorney’s Office.

 

 

Ngunit biglang nagkaroon na ng mga pribadong abogado ang mga witness-suspects at inabisuhan na manahimik at huwag nang magbigay ng pahayag.

 

 

Dahil dito, napilitan ang mga imbestigador na balikan ang kanilang mga naunang pahayag at pag-aralan ang mga rekord ukol sa case building.

 

 

“So, we were able to build the case. We were able to get the facts within our knowledge and that went very well. We were able to charge them,” pagtitiyak ni Remulla.

 

 

“Some of them have refused to speak already and issued another statement. We suspect they will be changing statements later on, and make recantations of sorts,” ayon pa sa kalihim.

 

 

Nananatiling tiwala naman si Remulla sa kaso nila laban kay Teves dahil sa mga naunang pahayag. Sinabi pa niya na maaaring masampahan na ng kaso ngayong linggo si Teves na kabibilangan ng 10 bilang ng murder, ilang bilang ng frustrated murder at attempted murder. (Daris Jose)