• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 21st, 2023

JENNIFER LAWRENCE AND ANDREW BARTH FELDMAN PLAY HILARIOUS OPPOSITES IN RAUNCHY COMEDY NO HARD FEELINGS

Posted on: June 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

JENNIFER Lawrence has always wanted to make a comedy, but she just couldn’t find the right one. 

 

 

Enter No Hard Feelings.

 

 

For Lawrence, it was a pleasure to do “something totally different… a totally different genre, with fun scenes and ridiculous dialogue that got me excited! Shooting this movie, alongside a brilliant and hilarious cast, was so much fun.”

 

 

One of those castmates is Andrew Barth Feldman, who plays the socially awkward Percy, whose wealthy helicopter parents post a job listing looking for someone to “date” their introverted son before he leaves for college. This is the job listing that Lawrence’s Maddie responds to so she can save her childhood home.

 

 

Watch the red band trailer here: https://www.youtube.com/watch?v=XIPxowiHRr4&t=7s

 

 

The filmmakers thought that the role of Percy might be difficult to cast – and indeed, they conducted an extensive casting process – but one candidate kept rising to the top: Broadway breakthrough Feldman. “When Andrew walked in, we all knew immediately that he was the one,” says Lawrence.

 

 

Writer-director Gene Stupnitsky was immediately impressed. “We saw Andrew on the second day, and right away, I thought, ‘He’s so good,’” says Stupnitsky. “He just nailed it. He nailed the comedy, he nailed the emotion. We went and saw a lot of other people – but I was relaxed, because I knew we had Andrew. It was clear, he was always the one.”

 

 

Stupnitsky says that the chemistry between Lawrence and Feldman started strong and only got stronger through production – and that relationship, that feeling of trust and give-and-take in a fellow actor, encouraged bold, risky performances from both of them. “In his audition with Jennifer, they had amazing chemistry,” he says. “There’s something that was going on in their dynamic that I wasn’t even fully aware of. From day one, their connection was so strong – she could put herself out there, and that would force him to go out as well, to meet her. If she pushed him, he’d go there.”

 

 

“Jen is down for things that other people would not be, for sure,” says Feldman, “things that are intimidating for me to even think about. I couldn’t do so much of the stuff that she’s doing in this movie in a million years. Even when she has been afraid, she shows up, and she works really, really hard, and she does it.”

 

 

Watch Lawrence and Feldman’s amazing chemistry in No Hard Feelings, opening today across Philippine cinemas.

 

 

About No Hard Feelings

 

 

Jennifer Lawrence produces and stars in No Hard Feelings, a laugh-out-loud, edgy comedy from director Gene Stupnitsky (Good Boys) and the co-writer of Bad Teacher.

 

 

On the brink of losing her childhood home, Maddie (Lawrence) discovers an intriguing job listing: wealthy helicopter parents looking for someone to “date” their introverted 19-year-old son, Percy, before he leaves for college. To her surprise, Maddie soon discovers the awkward Percy is no sure thing.

 

 

Opening in cinemas June 21, No Hard Feelings is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Connect with the hashtag #NoHardFeelings

(ROHN ROMULO)

PRIDE FESTIVAL 2023, IDARAOS SA QUEZON MEMORIAL CIRCLE

Posted on: June 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHANG aabot sa 50,000 ang makikilahok sa isasagawang Pride Festival ngayong taon na isasagawa sa Quezon Memorial Circle ayon sa Pride Ph, ang organizer ng naturang festival.

 

 

Magsisimula ang festival alas dyes ng umaga at magkakaroon ng PRIDE EXPO, PRIDE MARCH AT PRIDE NIGHT.

 

 

Sabi naman ni Rod Singh, ang syang lead program director ng pride festival, sisikapin nilang panatilihin ang dating format ng kanilang selebrasyon subalit mas malaki at mas magarbo ngayong taon.

 

 

Dagdag pa ni Singh, nagpapasalamat sila sa suportang ibinibigay ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa pride festival.

 

 

Ayon naman kay Belmonte, buo ang suporta ng pamahalaang lokal sa usapin ng Gender and Development dahil aniya mataas ang kanyang respeto sa karapatang pantao at kanilang isinusulong ang inclusivity at diversity sa lungsod. (PAUL JOHN REYES)

Natutunan na dedmahin na lang: MARTIN, ‘di pumapatol sa comments pag ‘di totoo

Posted on: June 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments
SEXY actor ang dapat na unang image ni Rob Gomez kaya ang naging unang project niya ay ang sexy drama na ‘A Girl And A Guy’ na pinalabas via Netflix noong 2021.

Napapayag si Rob na gawin ang sexy movie para magkaroon ng ingay ang pangalan niya. Kaya wala siyang takot na gawin ang mga sex scenes sa movie kasama si Alexa Miro.

Pero ngayon ay lumihis si Rob sa sexy image na iyon at isang dramatic leading man na siya, Nasimulan niya ito sa teleserye na ‘Mano Po Legacy: The Family Fortune’ at ngayon ay kasama siya sa ‘Magandang Dilag’ bilang isa sa leading men ni Herlene Budol.

“No regrets about doing those sexy scenes kasi maganda naman ‘yung project. And I don’t mind doing another sexy film naman, pero dito muna tayo sa paggawa ng teleserye. I’m enjoying myself right now kasi iti ang gusto kong gawin noong bata pa ako,” sey ni Rob.

Nasa dugo ni Rob ang pagiging artista dahil isang Ejercito-Estrada ang kanyang ina, ang dating aktres na si Kate Gomez na nakababatang kapatid ni Gary Estrada. Lolo niya sina Joseph Estrada, George Estregan at ang film producer na si Jesse Ejercito.

“Alam ko na one day papasukin ko ang showbiz because of what they are saying na nasa dugo ko ang showbiz. I know that it’s a tough act to follow the footsteps of my family who are great actors, but I will do my best to prove to everyone that I also belong in this industry,” pahayag pa ni Rob na nakatapos ng kursong Export Management mula sa De La Salle-College of Saint Benilde.

***

SA tagal na raw sa showbiz ni Martin del Rosario, isa raw sa natutunan niyang gawin ay ang dedmahin ang mga binabatong issues sa kanya.

Hindi raw naging madali para sa ‘Voltes V: Legacy’ star na parating mag-explain ng kanyang side, lalo raw kung nahushagan na siya ng mga taong hindi naman daw siya lubusang nakikilala.

“Ako po kasi parang medyo sanay na ako dahil nakailang ganyan na ako. Madaming mga fake na lumalabas. Ang daming bashers, mga recent scandals ko mga pagiging irresponsible ko sa mga pag-post or mga pagiging irresponsible ko noong bata pa ako. Medyo sanay na ako. Sanay na ako i-deal ‘yung bashers,” paliwanag ni Martin.

Kaya natutunan ni Martin ang tinatawag na “art of dedma” sa showbiz. Kung hindi raw totoo, hindi niya pag-aaksayahan ng panahon.

“‘Kapag hindi totoo, ignore. Ignore talaga. Hindi ako pumapatol sa comments or mga ano, totally ignore,” diin pa niya.

Pero kung may bahid ng katotohanan ang isang balita sa kanya, willing siyang harapin ito at kung kailangan niyang humingi ng sorry, gagawin daw niya.

“Kapag totoo, ina-admit ko na kasalanan ko, nagso-sorry ako kung kailangan saka mahalaga ina-admit mo na nagkamali ka,” sey pa ni Martin na kasama sa upcoming GMA Publics Affairs film na ‘The Cheating Game’ na bida sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

***

NAGPAALAM na si Pat Sajak pagkatapos ng apat na dekada bilang game host ng ‘Wheel of Fortune.’

Sa kanyang tweet, huli na raw niya ang 41st season ng isa sa longest-running game shows ng Amerika.

“Well, the time has come. I’ve decided that our 41st season, which begins in September, will be my last. It’s been a wonderful ride, and I’ll have more to say in the coming months.

“Many thanks to you all. (If nothing else, it’ll keep the clickbait sites busy!),” tweet pa ng 76-year old gameshow host.

Taong 1975 noong magsimula ang Wheel of Fortune sa US television with the original host Chuck Whoolery. Noong mag-resign ito in 1981, binigay ang slot kay Sajak at naging co-host niya for 40 years si Vanna White.

Nanalo ng tatlong Emmy Awards si Sajak bilang host ng ‘Wheel of Fortune’ at noong 2011 ay ginawaran siya ng Daytime Emmy Lifetime Achievement award.

Pitong tao ang pinagpipilian na maging kapalit ni Sajak sa mababakanteng host position ng Wheel of Fortune. Kabilan dito sina Whoopi Goldberg, Ryan Seacrest, Wayne Brady, LeVar Burton, Stephen A. Smith, Maggie Sajak and Vanna White.

(RUEL J. MENDOZA)

Operasyon ng mga power generation plant sa Albay, nananatiling normal – Malakanyang

Posted on: June 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANANATILING normal ang operasyon ng mga power generation plant sa lalawigan ng  Albay.

 

 

Sinabi ng Presidential Communications Office, (PCO), wala namang problemang naiulat pa sa ngayon sa Albay kung pag- uusapan ay power supply.

 

 

Sa katunayan aniya ay normal ang operasyon ng Tiwi Geothermal plant at ang Bac-man geothermal power plant.

 

 

Base sa tinatanggap na ulat ng PCO mula sa Department of Energy (DoE) ay maayos din ang power distribution sa probinsiya.

 

 

Sa kabila ng nagkaroon ng power interruption sa Anislag Elementary school na ginagamit na evacuation center, kaagad naman aniyang naibalik ang suplay ng kuryente.

 

 

Nabatid na “busted transformer” ang sanhi ng brown out dahil sa overloading.

 

 

Samantala, maliban dito ay wala na namang nireport pang insidente ng brown out sa ibang bahagi ng lalawigan. (Ara Romero)

Taas pasahe sa LRT 1, LRT 2 simula Aug. 2

Posted on: June 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAHAHARAP ang mga pasahero ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) at Light Rail Transit Line 2 (LRT2) sa pagtataas ng pamasahe simula sa darating na Aug. 2.

 

 

 

Sa isang pahayag ng Department of Transportation (DOTr) noong nakaraang Lunes ay kanilang sinabi na magkakaroon ng pagtataas ng pamasahe sa dalawang rail lines.

 

 

 

Ang minimum boarding fee para sa LRT 1 at LRT 2 ay magiging P13.19 mula sa dating P11 at P1.21 naman kada kilometro mula sa dating P1 kada kilometro.

 

 

 

“The fare adjustments would take effect after publication in a newspaper of general circulation on June 19, 26 and July 3. The last LRT fare increase was implemented in 2015. DOTr Secretary Jaime Bautista approved the implementation of the fare adjustment following a Cabinet meeting at Malacanang on June 6,” wika ni DOTr assistant secretary Jorgette Aquino.

 

 

 

Matatandaan na noong April ay pinahinto ni President Marcos ang planong pagtataas ng pamasahe ng LRT 1 & 2 dahil sa tumataas na inflation rate noong mga nakaraang buwan.

 

 

 

Subalit sa latest data ng Philippine Statistic Authority (PSA) ang headline inflation ay bumaba ng 6.1 porsiyento noong May mula sa 6.6 porsiyento ng nakaraang April dahil na rin sa mataas na presyo ng pagkain at transportasyon.

 

 

 

Ang May inflation rate ay siyang pinakamababa mula ng magkaroon ng 5.4 porsiento noong nakaraang taon sa ganon din buwan.

 

 

 

“The fare adjustment would enhance the services, amenities and technical capacities of the LRT 1 and LRT 2 as the government aims to improve the public transport infrastructure. The government wants to make rail services more accessible, convenient and efficient for commuters. Thus, we believe that this fare adjustment will contribute to maintaining affordable mass transportation services for the two commuter rail lines,” dagdag ni Aquino.

 

 

 

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA) na may plano ang ahensiya na mag allocate ng P110 million kung saan ang nasabing amount ay 97 porsiento ng P114 million na projected additional rail revenues. Ilalaan ito sa maintenance at iba pang operating expenses kasama na ang kinakailangan repairs at upkeep ng rail system at facilities.

 

 

 

Sa ganitong paraan ay magkakaron ng improvement ang turnaround time at masisiguro ang timely preventive maintenance activities upang magkaron ng optimal performance.

 

 

 

Samantala, ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ay muling maghahain ng kanilang fare hike petition sa darating na dalawang linggo.

 

 

 

“In the next two weeks, we will re-file and thereafter, the process will be followed until such time that full approval is given by the secretary through the Rail Regulatory Unit of DOTr,” saad ni MRT 3 director ng operations Oscar Bongon.

 

 

 

Binatikos naman ng militanteng grupo ng Bagong Alyansang Makabayan ang ginawang approval ng DOTr para sa fare increase ng LRT 1& 2 at kanilang sinabi na mismo si President Marcos ang nag-utos na ipagpaliban muna ang pagtataas ng pamasahe dahil sa nararanasang mataas ng inflation rate sa bansa.

 

 

 

“So, the official policy is really to raise fares and burden the people. That much is clear now. The policy is truly insensitive to the plight of the Filipino commuters. The DOTr has not provided us by email or by any electronic means its resolution on the fare hike. We have not been furnished a copy of the NEDA opinion on the fair hike,” ayon sa Makabyan.

 

 

 

Dagdag pa ng Makabayan na ang mga pasahero ay hindi binibigyan ng kahalagahan sa ganitong pagkakataon at wala talagang opinyon sa ginawang desisyon.  LASACMAR

Halos 39K katao apektado ng patuloy na pag-alboroto ng Mayon

Posted on: June 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

AABOT sa halos 39,000 katao ang apektado ng patuloy na pag-alboroto ng Bulkang Mayon.

 

 

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 20,000 residente ang kasalukuyang nasa 28 evacuation centers sa Albay simula pa nang magpakita ng paggalaw ang Mayon.

 

 

Nasa anim na lungsod at bayan ang nagdeklara ng suspensiyon ng kanilang mga klase.

 

 

Nagpaabot na rin ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong residente na umaabot  sa P62 milyon.

 

 

Una na ring sinabi ng Phivolcs na tatagal pa ng ilang buwan ang pag-aalboroto ng Mayon na ngayon ay nananatili pa rin sa Alert Level 3.

Drug-free workplace isinusulong sa Navotas

Posted on: June 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KINAKAILANGAN ng sumailalim ng mga empleyado sa mga business establishment sa Navotas sa taunang drug test kasunod ng pagsasabatas ng lungsod ng isang drug-free workplace ordinance.

 

 

Ipinasa ng Konseho ng Lungsod ng Navotas ang City Ordinance No. 2023-23 na nag-aatas sa mga piling negosyo sa Navotas na panatilihin ang isang ligtas at malusog na kapaligiran, na walang mapanganib na droga.

 

 

Kasama sa mga sakop na establishment ang mga KTV bar, night club, super club, spa, massage parlor, disco house, bar, restaurant at ang mga negosyong may lima o higit pang manggagawa.

 

 

“We will continue to exert all efforts to keep both residents and workers in Navotas safe from the menace of illegal drugs” ani Mayor John Rey Tiangco.

 

 

Sa ilalim ng ordinansa, dapat pataasin ng mga business establishment ang kamalayan at edukasyon ng kanilang mga empleyado at kliyente tungkol sa mga epekto ng ilegal na droga.

 

 

Dapat ding hilingin ng mga may-ari ng negosyo at employer ang kanilang mga opisyal at empleyado na sumailalim sa random na drug testing at tiyaking walang mga ipinagbabawal na gamot ang dinadala o ginagamit sa kanilang workplace.

 

 

Sasagutin naman ng employer ang mga gastos para sa drug testing at confirmatory test.

 

 

Kung magpositibo ang isang empleyado, ire-refer sila ng establisyemento sa isang center accredited ng Kagawaran ng Kalusugan para sa pagsusuri. Dapat din itong magsumite ng listahan ng mga pangalan ng mga tauhan, na nagpositibo, sa Navotas City Anti-Drug Abuse Council (NADAC).

 

 

Kasama rin sa programa sa pag-iwas at pagkontrol sa droga ng establisimiyento ang paggamot at rehabilitasyon, gayundin ang tulong at pagpapayo para sa mga empleyadong may emosyonal na pagkabalisa.

 

 

Samantala, dapat pangasiwaan ng NADAC ang kinakailangang interbensyon at mga programa sa rehabilitasyon para sa mga napatunayang positibo sa paggamit ng ilegal na droga.

 

 

Makikipag-ugnayan din ito sa Navotas City Police at sa City Business Permits and Licensing Office (CBPLO) para sa mga operasyon ng interbensyon at pagpapataw ng mga parusa.

 

 

Sa unang paglabag, papatawan ng multang P5,000 at suspensiyon ng  business operation habang nakabinbin ang pagsunod. Ang patuloy na hindi pagsunod ay babawian ng kanilang business permit. (Richard Mesa)

LGUs tumulong sa NCSC sa pagkumpleto ng 12-M senior citizens database

Posted on: June 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMAPELA  ang isang mambabatas sa mga local government unit (LGU) executives na suportahan anggobyerno sa patuloy na pagsusumikap na magkaroon ng maaayos at tamang database sa tinatayang 12.3 milyong seniors sa buong bansa.

 

 

Ayon kay CamSur Rep. LRay Villafuerte, napapanahon ang ginagawang national listing o cataloguing ng mga senior citizens dala na rin sa nasa 4M nito ang mahihirap na nararapat na makatanggap ng mas mataas na buwanang subsidiya sa ilalim ng bagong batas.

 

 

“I am appealing to our local executives to help the DSWD (Department of Social Welfare and Development) and NCSC (National Commission of Senior Citizens) establish the national database for an estimated 12.3 million seniors, given the urgency of identifying and getting an accurate number of elderly Filipinos, particularly those who are eligible to receive the higher monthly subsidy of P1,000 under RA (Republic Act) 11916,” ani Villafuerte.

 

 

Ang pahayag ay ginawa ng mambabatas matapos mabatid na nitong hanggang Hunyo 18, ang NCSC ay nakapagtala pa lamang ng 2,032,708 elderly Filipinos sa kanilang national database.

 

 

Umaasa naman ito na magagawa ng DBM na makapaglaan ng pondo mula sa 2023 GAA (General Appropriations Act) at iba oang pagkukunan ng pondo para sa pagpapatupad ng 100% increase sa buwanang pension ng mga mahihirap na seniors.

 

 

Ang kasalukuyan aniyang database ng NCSC ay mula sa files ng PSA at Commission on Population and Development (Popcom), na napa-ulat na hindi umano kumpleto sa impormasyon sa mga senior citizens sa bansa.

 

 

Ang mga seniors na dapat makatanggap ng buwanang subsidiya ay yaong may mga sakit at may kapansanan, walang permanenteng pinagkukunan ng pagkakakitaan o suporta mula sa pamilya at kaanak at walang pension mula sa government o private institutions.

 

 

Bukod sa dagdag sa buwanang subsidiya na naging P1,000, nakapaloob din sa RA 11916 ang paglalaan ng social safety assistance sa mga senior citizens lalo na sa panahon ngkalamidad at sakuna.

 

 

Kabilang na dito ang paglalaan ng pagkain, gamot at financial assistance para sa house repairs, kung saan ang pondo ay kukunin mula sa disaster/calamity budgets ng LGUs kung saan naninirahan ang apektadong senior citizens.

 

 

Ayon sa datos ng PSA, mahigit sa 12.3M pinoy ang anyos pataas nitong May 2020, o 11% ngtinatayang populasyon ng bansa na mahigit 109 million. (Ara Romero)

$750-M loan para sa sustainable recovery ng Pinas, oks sa World Bank

Posted on: June 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ng World Bank ang $750-M loan para sa Pilipinas para palakasin ang “environmental protection at climate resilience’ lalo na ang target na renewable energy at tumulong na mabawasan ang panganib ng climate-related disaster.

 

 

“The US$750 million Philippines First Sustainable Recovery Development Policy Loan (DPL) supports ongoing government reforms to attract private investment in renewable energy; enhance plastic waste management through reduction, recovery, and recycling; promote green transport, including the use of electric vehicles; and reduce climate-related fiscal risks from the agriculture sector,” ayon sa  World Bank sa isang kalatas.

 

 

Sinabi ng World Bank na ang loan ay para suportahan ang target ng gobyerno na 50% ng renewable energy sa kabuuang power generation sa 2040.

 

 

Ayon pa sa World Bank, kailangan ng power sector ng bansa ng “significant increase in investments in solar and wind technologies and a strong policy environment conducive for investment in renewable energy” para makamit ang nasabing target.

 

 

Popondohan din nito ang pagpapasimula ng bagong insurance products para sa mga smallholder farmers at palakasin ang operasyon ng Philippine Crop Insurance Commission.

 

 

“The aim is to help mitigate climate-related disaster risks to the country’s budget and the farming sector,” ayon sa World Bank sabay sabing “If properly designed and targeted, crop insurance can help stabilize farm income, reduce poverty, and provide a climate safety net for food producers.”

 

 

Tutulong din ang financing mechanism sa pagpapatupad ng Extended Producer Responsibility Act, binibigyan ng mandato ang malalaking negosyo na maka-recover o makabawi ng hanggang 80% ng plastic packaging waste sa taong 2028.

 

 

“The Philippines produces approximately 1.7 million tons of post-consumer plastic waste yearly, with an estimated recycling rate of only 28% for recyclable plastic waste while other plastic waste enters the ocean,” ayon sa World Bank.

 

 

Ang $750-million loan ay bahagi ng development policy loans na ipinahihiram ng  Washington-based financial institution sa mga developing countries gaya ng Pilipinas para  “support policy and institutional changes needed to create an environment conducive to sustained and equitable growth as defined by borrower-countries’ own development agenda.”

 

 

“The Philippines has rebounded strongly from the pandemic but continues to face serious challenges, including high global commodity prices, disruptions in global supply chains due to the Russian invasion of Ukraine, weaker exchange rates, and high inflation,” ayon kay World Bank Senior Economist Ralph Van Doorn.

 

 

“Reforms aimed at attracting private investments in public service sectors can open up new sources of economic growth and quality jobs,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

LRT 1 AT 2, MAY FARE INCREASE

Posted on: June 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAGPAPATUPAD ng fare increase ang LRT-1 at LRT-2 simula Agosto 2, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) nitong Lunes.

 

 

Sa isang pahayag, sinabi ni DOTr Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino na fare adjustment ay pagpapabuti sa serbisyo, amenities at technical capacities ng LRT-1  at LRT-2.

 

 

Sa fare adjustment,  sinabi ni Aquino na ang LRTA ay nagbabalak na maglaan ng humigit-kumulang P110 milyon, na nagkakahalaga ng 97 porsiyento ng inaasahang P114 milyong karagdagang kita sa riles, para sa pagpapanatili, mga gastusin sa pagpapatakbo, at pagkukumpuni at pangangalaga ng mga mahahalagang sistema at pasilidad ng riles.

 

 

Nauna nang inaprubahan ng Rail Regulatory Unit ng DOTr ang mga petisyon na naglalayong taasan ang bayad sa pagsakay ng tren ng P2.29 na may karagdagang 21 centavos sa bawat kilometrong bibiyahe sa LRT-1 at LRT-2.

 

 

Dahil dito, ang minimum na boarding fee ng LRT-1 at LRT-2 ay iaakma sa P13.29 (orihinal P11) at P1.21 kada kilometro para sa bawat kilometrong bibiyahe (orihinal na P1 kada kilometro).

 

 

Inaprubahan ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang implementasyon ng fare adjustment kasunod ng Cabinet meeting sa Malacañang noong  June 6, saad ni Aquino.

 

 

Noong Hunyo 13, nakipag-pulong si Bautista kina Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Hernando Cabrera at Light Rail Manila Corporation (LRMC) President at Chief Executive Officer Juan Alfonso para ipaalam sa kanila ang desisyon ipatupad ang inaprubahan pagtaas ng pamasahe.

 

 

Nakatakdang ilathala ng LRTA at LRMC ang mga inaprubahang pagsasaayos ng pamasahe sa hindi bababa sa isang pahayagan sa loob ng tatlong magkakasunod na linggo sa Hunyo 19, Hunyo 26 at Hulyo 3.

 

 

“After which, 30 days after the last publication date will be the collection date — August 2,” saad ni Aquino.

 

 

Ang LRT-1 ay tumatakbo mula Baclaran sa Parañaque City hanggang Bago Bantay, Quezon City (Roosevelt); at LRT-2 mula Recto sa Maynila hanggang Antipolo City sa Rizal. GENE ADSUARA