• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 17th, 2024

‘Asawa’ na raw ang tawag sa girlfriend: RAYVER, may natagong ipon na para sa dream wedding nila ni JULIE ANNE

Posted on: January 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAY balitang “asawa” na raw ang tawag ni Rayver Cruz kay Julie Anne San Jose kaya hinihintay na lang ng JulieVer fans kung kelan magaganap ang kasal.

 

 

 

Balita rin kasi na may natagong ipon na si Rayver para sa dream wedding nila ni Julie.

 

 

 

Inamin naman ni Rayver na napag-uusapan na rin nila ni Julie ang kasal. Naghihintay na lang siya ng tamang panahon para sa gagawin niyang proposal.

 

 

 

“Thirty-four na rin naman ako and I’m not getting any younger. And for me, si Julie na talaga ang gusto kong makasama habang buhay,” diin pa ng bida ng GMA Afternoon Prime series na ‘Asawa Ng Asawa Ko.’

 

 

 

Tungkol sa pagtawag daw niya ng asawa kay Julie, ito ang nasabi ni Rayver…

 

 

 

“Nakakatawa kasi alam ko naman na ‘yan na ang itatanong ng lahat sa akin, e, especially doon sa title. Well, siyempre, hindi ko pa siya pwedeng tawaging asawa dahil hindi pa naman kami kasal.

 

 

 

“Mas gugustuhin ko po na ma-surprise si Julie. Kailangan caught off-guard siya. Gusto ko, ako ang pipili ng tamang oras. Gusto ko na ma-surprise siya,” sey pa ni Rayver.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Super Health Center sa Navotas City

Posted on: January 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BILANG bahagi ng pagdiriwang sa ika-118 anibersaryo ng Navotas, nagsagawa ang pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco, katuwang ang tanggapan ni Senator Bong Go, ng groundbreaking sa itatayong Super Health Center sa Brgy. NBBS Kaunlaran. Kabilang sa mga serbisyong kayang ipagkaloob ng Super Health Center ang outpatient care, pre-natal at birthing care, diagnostics tulad ng X-Ray at ultrasound, TB-DOTS, at pharmacy. (Richard Mesa)

Pangisdaan Festival Street Dance Competition sa Lungsod ng Navotas

Posted on: January 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS ang tatlong taon, muling nagsagawa ng Pangisdaan Festival Street Dance Competition sa Lungsod ng Navotas bilang bahagi ng pagdiriwang ng 118th Navotas Day. Angat ang galing ng mga mag-aaral na Navoteño sa kanilang performance tampok ang masaya, makulay, at mayamang kultura ng pangisdaan sa Navotas. Binati naman ni Mator John Rey Tianco ang lahat ng mga nakikahok kung saan nag champion ang Tangos National High School. (Richard Mesa)

Halos sabay silang nagka-Covid ni Paulo: KIM, willing pa ring magmahal after na mahiwalay kay XIAN

Posted on: January 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HALOS sabay nagka-Covid ang mga bida ng ‘Linlang’ na sina Kim Chiu at Paulo Avelino, kaya wala sila sa presscon na ginanap sa Dolphy Theatre.

 

Dahil doon ay bukod tanging sina Diamond Star Maricel Soriano at Race Matias ang nakarating, kasama ang dalawang direktor na sina FM Reyes at Jojo Saguin.
Pero live naman na nakausap ang dalawa via zoom.

 

Sa kabila ng nangyari sa relasyon nina Kim at Xian Lim na ilang taon din naman ang itinagal, ay positibo pa rin ang pananaw ng Kapamilyang aktres sa larangan ng pag-ibig.

 

Hindi raw siya dapat mawalan ng pag-asa na sa darating na mga buwan o taon ay makahanap na rin siya ng bagong mamahalin.

 

Kumbaga, willing pa rin niyang buksan ang puso para sa isang lalaking magiging kapalit ng dating kasintahan.

 

“Oo naman, hindi na muna sa ngayon, hopefully next months to come, next years to come pala,” napatawa pang sambit ni Kim sa mediacon ng very successful series na “Linlang” sa Prime Video, na mapanood na rin sa mga Kapamilya channels, A2Z, TV5, at iWantTFC starting January 22.

 

Dagdag pa ni Kim na naniniwala pa rin naman siya sa “love” dahil marami pa rin naman daw na willing magbigay sa kanya noon at very much willing naman daw na tatanggapin niya ito.

 

***

 

IPINAGMALAKI ni Race Matias ang ginampanan niyang papel sa “Linlang” ng Dreamscape Entertainment.

 

Ayon pa sa anak ng dating mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista na tuwang-tuwa raw siya dahil halos lahat ng mga nakausap niya ay halos nagagalit sa kanya. Kahit na raw ang Daddy Herbert niya ay naiinis sa karakter niya bilang si Mateo na sobrang loyal sa role naman na ginampanan ni JM de Guzman.

 

Mula pa rin kay Race ay binanggit niya na mahigit sa kalahati pa ang hindi nagpapanood ng televiewers sa “Linlang”.

 

Nang tanungin naman si Race tungkol sa balitang relasyon ng ama niya kay Ruffa Gutierrez ay “no comment” siya. Wala raw naman siya sa lugar na manghimasok sa kung sinumang nagpapasaya sa ama niya. Kaya kung saan masaya ang ama ay susuportahan na lang niya.

 

Hindi pa rin daw niya nami-meet si Ruffa at never pa niyang nakikitang magkasama ang dalawa.

 

 

 

***
AT 47, ay very much in love pa rin ang aktor na si Piolo Pascual sa showbiz career niya.

 

Isa raw sa wish niya sa bday niya ay ang gumawa pa rin ng maraming projects both sa TV at pelikula. After Metro Manila Film Festival entry niyang ‘Mallari’ na marami ang umaasa na masungkit ni Papa P ang best actor pero napunta sa isang baguhang aktor, ay marami pa rin na nakalinyang magagandang proyekto ang Kapamilyang aktor.

 

Isa sa pagkakaabalahan ni Piolo ngayon ay ang “Pamilya Sagrado” na pagbibidahan niya.

 

Star-studded ang serye na ito na kung saan makakasama niya sina Aiko Melendez, Shaina Magdayao, Rosanna Roces, Tirso Cruz III at iba pa.

(JIMI C. ESCALA)

JERICHO, ‘di napigilang matawa nang makita ang paper dolls ng dating karelasyon na si HEART

Posted on: January 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI napigilan ni Jericho Rosales na matawa nang makita niya ang paper dolls nila ng dating karelasyon na si Heart Evangelista.

 

 

 

Sa Instagram stories ni Jericho, biglq itong nag-flashback noong makikita ang koleksiyon ng kanyang kaibigan, kung saan kasama ang paper dolls nila ni Heart. Naka-tag din si Heart sa stories ni Jericho.

 

 

 

Sinabi ni Jericho na fashionista pa rin si Heart kahit nasa paper doll ito.

 

 

 

Hindi makapaniwala si Jericho na gano’n pala ang katawan niya noon at na-immortalize ito sa paper doll. Ayon sa aktor, hindi na raw niya ito kayang ma-achieve ulit.

 

 

 

“Katawan ko ba ‘to? Mukhang dinikit lang ‘yung ulo ko eh,” sabay tawa ni Jericho.

 

 

 

Hirit pa ni Jericho sa video, pa-outfit check din ang kanilang paper dolls. Pinusuan ng fans ang video, lalo’t marami ang nakaka-miss sa paper dolls.

 

 

 

***

 

 

 

ANG HBO drama na ‘Succession’ at ang Hulu dramedy series na ‘The Bear’ ang tinanghal na big winners sa 75th Primetime Emmy Awards.

 

 

 

Napanalunan ng Succession ang six Emmys: Outstanding Drama Series, Outstanding Supporting Actor In A Drama Series (Matthew Macfadyen), Outstanding Writing For A Drama Series, Outstanding Directing For A Drama Series, Outstanding Lead Actor In A Drama Series (Kieran Culkin) and Outstanding Lead Actress In A Drama Series – 2023 (Sarah Snook)

 

 

 

Anim din ang napanalunan ng The Bear: Outstanding Comedy Series, Outstanding Supporting Actress In A Comedy Series (Ayo Edebiri), Outstanding Supporting Actor In A Comedy Series (Ebon Moss-Bachrach), Outstanding Lead Actor In A Comedy (Jeremy Allen White), Outstanding Directing For A Comedy Series, Outstanding Writing For A Comedy Series.

 

 

 

Big winner din ang Netflix series na Beef with 3 wins: Outstanding Limited or Anthology Series, limited series, Outstanding actor in a limited series (Steve Yeun), and Outstanding actress in a limited series (Ali Wong).

 

 

 

Nag-reunion ang cast ng ilang iconic TV shows sa Emmy stage tulad ng Cheers, All In The Family, Martin, Grey’s Anatomy, Ally McBeal at The Sopranos.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Top 10 most wanted person ng Valenzuela, nadakma

Posted on: January 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KINALAWIT ng pulisya ang isang lalaki na nakatala bilang top 10 most wanted matapos masuko sa isinagawag manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., ang naarestong akusado na si alyas “Dennis”, 33 ng Brgy., Punturin ng lungsod.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Destura na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng the Station Intelligence Section (SIS) na naispatan ang presensiya ng akusado sa kanilang lugar.

 

 

Bumuo ng team ang SIS sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Sanchez saka nagsagawa ng intensified manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek dakong alas-5:15 ng hapon sa Lot. 1, Blk. 24, Green Meadows, Brgy., Punturin.

 

 

Ani Cpt. Sanchez, inaresto nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Valenzuela City Regional Trial Court, Branch 270 Presiding Judge Evangeline S. Mendoza Francisco noong October 6, 2021, para sa pagabag sa Sec. 5 (B) Art. III of R.A. 7610 – Child Abuse Law.

 

 

Pinapurihan naman ni Gen. Gapas ang Valenzuela police sa kanilang pinaigting na kampanya kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado na pansamantalang nakapiit sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte. (Richard Mesa)

DOTr sinabing walang basehan ang ulat na aabot sa P50 ang pasahe dahil sa PUV modernization

Posted on: January 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW  ngayon ng Department of Transportation na walang basehan ang umanoy aabot sa P50 ang pasahe dahil sa PUV modernization program ng gobyerno.

 

 

Ayon kay Office of Transprotation Cooperatives chairman Jesus Ferdinand Ortega na walang basehan ang palutang na posibleng umabot sa P50 ang pasahe sa modern jeepney.

 

 

Paliwanag ni Ortega, 2017 pa mayroong modern jeepneys at mula noon hanggang ngayon ay dalawang piso lang ang diperensya ng pamasahe dito at sa traditional jeepneys.

 

 

Dagdag ni Ortega, pagtaas sa presyo ng langis lang ang madalas na basehan ng taas-pasahe.

 

 

Sa panig LTFRB, sinabi ni Atty. Zona Russet Tamayo, Regional Director ng LTFRB-NCR na hindi lang ahensya ang nagdedesisyon sa taas-pasahe.

 

 

Mahigpit aniya ang koordinasyon nila sa NEDA sa bagay na ito dahil ang transport cost ay may epekto sa inflation kaya maingat na pinag-aaralan ang anumang adjustment. (Daris Jose)

Pretty in Pink Power: “Mean Girls” Hits the Big Screen Again!

Posted on: January 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
Catch the latest “Mean Girls” movie, a fresh take on the beloved classic. Starring Angourie Rice, Reneé Rapp, and more, this high school drama is set to captivate audiences from February 7 in Philippine cinemas.

The iconic high school world of “Mean Girls” is back with a fabulous twist! In this latest adaptation, the film, inspired by the stage musical and the 2004 comedy hit, brings a new generation of fans into the halls of teenage drama and power plays.

 

Leading the pack in this revamped journey is Angourie Rice, who steps into the shoes of Cady Heron, the beloved transfer student. She navigates the complex social labyrinth of high school, dominated by the notorious and stylish clique, The Plastics. Joining Rice are Reneé Rapp as the formidable Regina George, Bebe Wood as Gretchen, and Avantika portraying the whimsical Karen.

 

Under the guidance of Samantha Jayne and Arturo Perez, making their feature film directorial debut, this adaptation promises a unique and modern take on the story. Tina Fey, the mastermind behind the original 2004 screenplay, not only contributes her writing prowess but also reprises her role from the film, adding a nostalgic touch to this new iteration.

 

 

Mean Girls” takes us through Cady’s journey as she is welcomed by The Plastics, only to find herself tangled in a web of high school politics and romance. When Cady inadvertently falls for Regina’s ex-boyfriend, she becomes the target of Regina’s cunning tactics. With the help of her outsider friends Janis and Damian, Cady must plot her course carefully, learning valuable lessons about authenticity and friendship.

 

 

Set to release in Philippine cinemas on February 7, this “Mean Girls” revival is a testament to the timeless appeal of its story. Distributed by Paramount Pictures International, the film invites audiences to reconnect with the humor, heartache, and hijinks of high school life.

 

 

Join the conversation online with #MeanGirls and follow @paramountpicsph for exclusive content, behind-the-scenes looks, and more updates on this exciting cinematic journey.

 

 

Be ready to embrace the pink wave this February!

Transport groups naghain ng mosyon sa SC pabor sa PUV modernization

Posted on: January 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAIN ng mosyon ang iba’t ibang transport groups sa pangunguna ng Pasang Masda sa Supreme Court (SC) upang ipakita ang kanilang suporta sa PUV mo­dernization program.

 

 

Pinangunahan ni Pasang Masda president Ka Obet Martin ang paghahain ng “motion for intervention” na layon ding harangin ang petisyon para sa temporary restraining order (TRO) na inihain ng PISTON sa SC.

 

 

Bukod kay Martin, kasama rin sa naghain ng mos­yon ang grupong ALTODAP sa pamumuno ni Libay de Luna, ACTO ni Boy Vargas, at LTOP ni Lando Marquez Sr, at iba pang transport groups.

 

 

Ayon sa mga intervenors, inihain nila ang mosyon dahil sila ang lubos na maapektuhan kung anuman ang maging aksyon ng Korte Suprema sa petisyon.

 

 

Ipinaliwanag ng mga transport group na layon ng modernisasyon na ma­ging kumportable ang mga pasahero at mas maging sistematiko ang pampublikong transportasyon sa pagkakaroon ng mga pasilidad tulad ng garahe, fleet management systems kabilang ang Automatic fare collection system (AFCS) at GPS, cash/finance management systems.

 

 

Bukod dito, magkakaroon din ng mas maayos na labor standards para sa mga drivers, operators, at transport workers.

 

 

“Wherefore, it is most respectfully prayed that the intervenors be allowed to intervene in this action and the attached opposition-in-intervention be admitted,” ayon sa mosyon.

 

 

Kinontra ni Martin ang sinasabi ng mga kontra sa modernisasyon na magkakaroon ng krisis sa transportasyon at overpriced na presyo ng mo­dern jeeps. Iginiit niya na marami nang suppliers at halos P1 milyon kada unit na lamang ang presyo ng mga modern jeeps.

 

 

Hindi rin umano mawawala ang “iconic jeeps” dahil sa may mga manufacturer na gumagawa na ng disenyo nito na mo­dern jeep basta ayon sa Phi­lippine national standards. (Daris Jose)

El Niño higit na titindi sa darating na mga buwan – PAGASA

Posted on: January 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TITINDI  pa ang kasaluku­yang nararanasang panahon ng El Niño sa bansa ngayong buwan hanggang sa susunod na mga buwan ngayong taon.

 

 

Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum Jr. base sa kasalukuyang kundisyon, may katamtaman hanggang sa matinding tagtuyot ang mararanasan mula sa Pebrero hanggang Mayo ngayong taon.

 

 

Una nang sinabi ni Solidum na may 65 lalawigan ang tatamaan ng matinding tagtuyot dahil sa dry spell sa unang quarter ng 2024.

 

 

Tinaya ni Solidum na ang naganap na El Niño noong taong 1997 hanggang 1998 ay katulad ngayong taon na marami ang makakaranas ng epekto ng matinding tagtuyot at bilyong piso ang inaasahang lugi sa sektor ng agrikultura.

 

 

Gumagawa na ng mga paraan ang Department of Agriculture (DA) para makaiwas sa matinding epekto ng El Niño ang sektor ng agrikultura sa bansa.