Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
PINABULAANAN ng mga opisyal ng Presidential Communications Office (PCO) na hindi gagamitin ang Bagong Pilipinas campaign kickoff rally, bukas, Enero 28 para itulak ang Charter change (Cha-cha).
“Definitely not. This is an activity by the Executive Department for the covenant of Bagong Pilipinas. This is the Executive Department’s way of showing its commitment that it will do its job… There are no other reasons,” ayon kay PCO Undersecretary Gerard Baria.
Sinabi naman ni PCO Director Cris Villonco na “as part of the event and the one overseeing the event, I can assure that is not the case.“
“We are talking about empowering the Filipino at its very core,” dagdag na wika ni Villonco.
Nauna rito, ipinahayag kasi ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares na ang Bangon Pilipinas rally ay pronta lamang para itulak ang Charter change.
Ang buwelta naman Baria, ang mga salungat na pahayag at paniniwala ng iilan ukol sa tunay na nilalayon ng rally ay para guluhin ang mga ideya.
Tinuran pa ni Colmemares na ang nasabing event ay pag-aaksaya lamang ng pondo ng publiko.
Bilang pagdepensa sa kickoff rally, sinabi ni Baria na ang kahalagahan ng Bagong Pilipinas ay marapat lamang na ilathala.
“An idea as big as this deserves an event as big as this,” anito.
Idinagdag naman ni Villonco na “we need to make this big, we need to make this loud… we need to spread as fast as possible because we deserve this, we need this and we need everybody’s help.”
Higit 200,000 attendees ang nakiisa sa event. (Daris Jose)
NABABAHALA na ang Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) sa paglaganap ng ‘deepfakes’ videos at larawan online.
Ayon kay PCol. Jay Guillermo, ng Cyber Response Unit, labis nang nakakaalarma ang laganap na ‘deepfake’ videos na gumagamit ng ilang sikat na personalidad sa bansa.
Nagagamit ang mga ito sa pamamagitan ng artificial intelligence (AI).
May mga reklamo na silang natanggap sa kanilang opisina na iligal na ginagamit ang kanilang video para makabenta ng ilang produkto.
Paalala ng pulisya iwasang mag-post ng mga larawan at video at ilimita sa mga kaibigan.
Patuloy ang ginagawang pakikipag-ugnayan nila sa ibang mga ahensiya ukol sa nasabing insidente.
Aminado ang pulisya na sa makabagong teknolohiya maraming indibiduwal ang nakakagawa ng mga illegal activities.
NAGDAOS ng isang digital seminar ang Local Government Unit ng Quezon City at ang Globe Group na naglalayong makapagbigay ng kaalaman sa mga mamamayan na nasa senior age na, kaugnay sa patuloy na umuunlad at pabago-bagong digital landscape sa bansa sa pamamagitan ng “Teach Me How To Digi” #SeniorDigizen Learning Session.”
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang proyektong ito ay upang magabayan ang mga senior citizen ng lungsod na makahabol at makasabay sa modernong teknolohiya.
Ayon pa sa Alkalde, prayoridad ng lungsod ang mga senior citizen ng lungsod lalo na sa usapin ng public service upang matulungan silang maging produktibo.
Tinuruan sa nasabing event ang nasa 400 na senior citizen ng pagseset-up ng email address, pagggamit ng smartphone at ang paggamit ng e-wallet na G-Cash at ang telehealth service na KonsultaMD.
Dagdag pa ni Belmonte, malaki ang maitutulong ng mga kaalamang ito sa mga senior QCitizens para makasabay sa mga nakababatang henerasyon pagdating sa makabagong teknolohiya.
Sabi pa niya Lubos tayong nagpapasalamat sa Globe sa kanilang programang ito para sa mga matatanda sa Lungsod Quezon na magbibigay daan sa kanila para maging produktibo sa kabila ng kanilang edad.
Ang proyektong ito ay alinsunod na rin sa layunin ng QC LGU na idigital na ang mga transakyon sa city hall, gaya ng pag-aaply ng permit at pagbabayad ng buwis. (PAUL JOHN REYES)
High school is a world of its own, filled with cliques, drama, and unforgettable moments. On February 7, Philippine cinemas are set to welcome a new addition to the high school movie genre: ‘Mean Girls‘. Directed by the brilliant Tina Fey, this film is a modern twist on the classic teenage narrative, promising laughter, lessons, and a lot of drama.
In the heart of this high-school saga is Cady Heron (played by Angourie Rice), a newcomer not just to North Shore High but to the entire concept of traditional schooling. Raised in South Africa, Cady’s foray into the bewildering world of high school brings a fresh perspective to the typical teenage experience.
Ruling the school are “The Plastics”, the A-list girl clique at North Shore, led by the formidable Regina George (Reneé Rapp). Regina, along with her loyal followers Gretchen (Bebe Wood) and Karen (Avantika), navigates the school corridors with an iron fist in a velvet glove.
However, the plot thickens when Cady falls for Regina’s ex-boyfriend, Aaron Samuels (Christopher Briney). This misstep puts her squarely in Regina’s sights, sparking a series of events that are as hilarious as they are cunning.
With the help of her newfound friends, the outcasts Janis (Auli’i Cravalho) and Damian (Jaquel Spivey), Cady devises a plan to dethrone Regina. What ensues is a clever battle of wits and wills, as Cady learns the hard way that navigating high school politics is no easy feat.
‘Mean Girls‘ is more than just a comedy; it’s a story about finding oneself amidst the chaos of adolescence. It’s about the choices we make and the friends we choose. It’s a reminder that being true to oneself is the bravest thing a teenager can do.
Distributed by Paramount Pictures International, ‘Mean Girls‘ is set to be a hit in Philippine cinemas. Don’t miss out on the laughter, the drama, and the life lessons. Connect with the film using #MeanGirls and follow @paramountpicsph for more updates.
Be there when ‘Mean Girls‘ takes over the big screen on February 7. It’s a film that will make you laugh, cringe, and maybe even reflect a little on your high school days. Get ready to meet the Plastics, the losers, and the new girl in this unforgettable journey through the highs and lows of high school life. (Photo & Video Credit: “Paramount Pictures International”)
(ROHN ROMULO)
MARIING itinanggi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa watchlist nito para sa mga taong sangkot sa illegal drug use kontra sa akusasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Based on all the foregoing facts, the PDEA asserts that President Marcos Jr. is not and was never in its watchlist,” ayon sa kalatas ng PDEA.
Hayagang sinasalungat ang pahayag ng dating Pangulo na ipinakita nila rito ang pangalan ni Marcos Jr. sa sinasabing drug list.
Ayon kay Duterte ang di umano’y ebidensiya ay ipinakita sa kanya noong siya ay Mayor pa lamang ng Davao.
Base sa records, binuhay ang PDEA noong Hulyo 30, 2002 nang itatag nito ang National Drug Information System (NDIS), nagsilbi bilang intelligence database ng lahat ng drug personalities na responsable sa pangangalap ng inputs mula sa law enforcement at intelligence counterparts.
Binigyang diin ng PDEA na hindi kailanman nakasama ang pangalan ni Pangulong Marcos sa NDIS simula nang matatag ito noong 2002 at hanggang sa kasalukuyan, binigyang-diin din na hindi kasama ang Pangulo (Marcos) sa listahan nito sa mga drug personalities kahit pa noong panahon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“It is worthwhile to note that, when the former President took over in 2016, his administration came out with a list, which was then initially called the ‘narco-list, sometimes referred to as the Duterte list, and upon continuing validation and re-validation, it became the Inter-Agency Drug Information Database, or IDI,” ayon sa PDEA.
“The name of President Marcos is also not in the said list,” ayon sa PDEA. (Daris Jose)
KASABAY nang pormal na paglulunsad ng “Bagong Pilipinas,” sa Quirino Grandstand sa Maynila, nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang “hidden agenda” sa nasabing kampanya at hindi rin ito isang bagong partidong pulitikal.
Sa kanyang mensahe sa kick-off rally ng “Bagong Pilipinas” campaign, sinabi ni Marcos na para maibalik muli ang tiwala ng taumbayan ay dapat ipakita ng gobyerno ang mga dapat gawin hindi sa pamamagitan ng salita kundi ng gawa.
Dapat din aniyang ipakita sa mga mamamayan ang isang plano at “blueprint” kung ano ang mga gagawin ng gobyerno.
Ibinahagi ni Marcos Jr. ang kahalagahan ng tiwala sa gobyerno, at ang pagkamit nito sa pamamagitan ng Philippine Development Plan (PDP) kung saan hinango ang “Bagong Pilipinas.”
Ang Bagong Pilipinas din aniya ay hindi isang slogan o sticker na kung saan-saan na lamang ikinakabit.
“Ang layunin ng Bagong Pilipinas ay maglatag ng mga mithiin na dapat nating makamtan para sa kinabukasan ng ating bayan. Tapos na ang pagsi-patsi na plano na naiiba-iba na ang nangyayari lang ay nagkakawatak-watak tayo,” ani Marcos.
Sinabi ni Marcos na hindi niya sasayangin ang tiwalang ibinigay sa kanya ng taumbayan ngunit magtatagumpay lamang ang Bagong Pilipinas kung magtutulong-tulong ang lahat.
Dapat din aniyang maging mabilis ang pagtugon sa mga humihingi ng tulong at bawal na rin ang mga masusungit sa gobyerno.
Bawal na rin ang mga nangungulimbat at nagwawaldas ng pondo.
“Bawal ang mga hindi tapat at nangungulimbat. Kapag pera ng bayan ang nawala dahil sa katiwalian ang mga taong paglalaanan sana ng pondong naglaho ang nanakawan. Sa Bagong Pilipinas bawal ang waldas,” ani Marcos.
Dumalo rin sa okasyon si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ilang senador at mga miyembro ng Gabinete.
Libu-libong mamamayan din mula sa iba’t ibang antas ng pamumuhay ang nakiisa sa kick-off rally na dinaluhan din ng maraming celebrities.
Dumating si Marcos sa pagtitipon dakong alas-7 ng gabi kasama si First Lady Liza-Araneta Marcos. (Daris Jose)