• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 8th, 2024

James, Issa at Enrique, sumuporta sa advanced screening: LIZA, nag-shine at nag-iwan ng marka sa ‘Lisa Frankenstein’

Posted on: February 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAG-SHINE ang Filipino actress na si Liza Soberano sa kanyang debut sa Hollywood sa horror-comedy film na ‘Lisa Frankenstein’ mula sa Focus Features at Universal Pictures International.

 

Mula sa inventive, delightfully twisted minds ng Academy Award®-winning na screenwriter na si Diablo Cody and first-time feature director ni Zelda Williams, hatid nila ang fiendishly clever genre-bending romp na “Lisa Frankenstein”.

 

Isa itong nakakahumaling sardonic spin sa 1818 classic ni Mary Shelley, ang bagong movie ay naglalakbay sa 1989 suburbia kung saan ginugugol ng senior high school na si Lisa Swallows ang kanyang libreng oras sa abandonadong sementeryo ng Bachelor’s Grove sa libingan ng isang binata na namatay ilang dekada na ang nakalilipas, isang hindi kinaugalian na libangan na nangangako na babaguhin ang takbo ng kanyang buhay.

 

Pinagbibidahan ni Kathryn Newton na unang napanood sa ‘Big Little Lies’ at ‘Ant-Man And The Wasp: Quantumania’, kasama si Cole Sprouse, na nakilala naman sa ‘The Suite Life Of Zack & Cody’ at sa CW’s ‘Riverdale’, ang dalawa ay pinagtambal unang pagkakataon bilang mga lead sa pelikula.

 

Sa isang screenplay ni Diablo Cody na nanalo ng Academy at BAFTA Award para sa kanyang trabaho sa Juno noong 2007.

 

Nakasentro ang movie sa paligid ni Lisa Swallows (Newton), na hindi sinasadyang nabuhay muli ang isang makisig na bangkay mula sa panahon ng Victoria, na ginampanan ni Sprouse, sa panahon ng may matinding kidlat. Naglalahad ang salaysay habang nagsisimula ang mag-asawa sa isang madilim nakakatawang paglalakbay na naghahanap ng pagmamahal, kaligayahan, at ilang nawawalang bahagi ng katawan. Ito ay isang kakaibang coming-of-rage love story na itinakda laban sa backdrop ng 1980s habang pinagsasama ang mga elemento ng komedya, romansa, at pantasya.

 

Si Liza ang gumaganap bilang Taffy – ang stepsister ni Lisa.

 

“I met Zelda in a trip to LA, and she brought up this project. I was instantly hooked,” pag-alala ng aktres.

 

“It’s amazing because the day I met her was the same day the studio greenlit the project. When she found out it was a go, ‘They’ve got their main leads lined-up. They were looking to fill other roles. How about auditioning for one?’ I was like, ‘Sure, let me check out the script. If it’s something that interests me, I’m in.’ And when I saw Diablo Cody was on board, I just had to audition for it.” Kaya very excited and grateful for the opportunity si Liza.

 

“It’s set in the 80s, so the whole look—the hair, makeup—is totally 80s, which is new for me,” sabi niya.

 

“It’s the kind of movie I’ve always wanted to do. It has horror, comedy, and romance in one. I was looking for a role that would really push me. Sure, it’s a huge risk for my career, but that’s what’s exciting about it. I know I’ve learned a lot no matter how it turns out. That’s what counts.”

 

Dapat asahan ng mga tagahanga ni Soberano na ibang side ang makikita sa kanya sa role na ito, na talaga namang kapansin-pansin ang pagganap.

 

Sa isang kamangha-manghang cast, makabagong script, at natatanging pananaw ni Williams, ipinapangako ng ‘Lisa Frankenstein’ na magbibigay ng bagong pananaw sa klasikong salaysay ng Frankenstein.

 

Nagtatampok din sa pelikula ang mga kilalang aktor tulad ni Joe Chrest (Stranger Things), Henry Eikenberry (The Crowded Room), at Carla Gugino (San Andreas).

 

Sa suporta ng Maya at SM Cinemas, nagkaroon ng advanced screening last February 6 ang mga celebrity na kinabibilangan nina James Reid, Issa Pressman at Enrique Gil, at miyembro ng press, habang ang mga Pilipinong tagahanga ay nag-aabang para sa isang kakaibang romance, horror-comedy na maranasan sa mga sinehan na sakto para sa Araw ng mga Puso.

 

Napapanood na ang ‘Lisa Frankenstein’ sa mga sinehan sa buong bansa.

(ROHN ROMULO)

“THIS STORY IS DIFFERENT BECAUSE IT’S REALLY GROUNDED IN REALITY,” SAYS DAKOTA JOHNSON OF “MADAME WEB” IN NEW FEATURETTE

Posted on: February 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Some real talk with the cast of Madame Web. Watch the new featurette, “Grounded in Reality,” where the cast of Madame Web, led by Dakota Johnson as the titular character, talk about what makes their film different from other superhero movies. 

Find out in this featurette: https://youtu.be/zyZDOPr7DyI

“Madame Web is unlike any other Marvel movie,” says Johnson. The film, the first superhero movie with a female lead in Sony’s Spider-Man Universe, tells the standalone origin story of Cassandra Webb, a paramedic in Manhattan who develops the power to see the future… and realizes she can use that insight to change it. Forced to confront revelations about her past, she forges a relationship with three young women bound for powerful destinies… if they can all survive a deadly present.

“It’s more of a suspenseful thriller, which is unique from anything you’ve seen in a superhero movie,” says Sydney Sweeney, who plays Julia Cornwall.

Adds Isabela Merced, who portrays Anya Corazón, “It’s got psychologically mind-bending scenarios that you’re just going to be stumped on.”

“It’s genuinely refreshing to see a superhero movie that’s really different,” shares Celeste O’Connor, who plays Mattie Franklin.

Watch the full featurette here.

Get ready for a world of change when Madame Web, distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International, opens only in cinemas February 14. Connect with the hashtag #MadameWeb

(Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”)

(ROHN ROMULO)

DICT, nagbabala ng posibleng pagtaas ng “deepfakes” lalo pa’t nalalapit na ang 2025 elections

Posted on: February 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MULI  namang nanindigan si Abalos na isang paglabag sa konstitusyon kung may magtatangkang ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

 

 

Kung sa posibilidad naman aniya ng paghahabla sa dating Punong Ehekutibo kasunod ng mga naging pahayag nito na may kaugnayan sa pagnanais nitong ihiwalay na ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas, bahala na aniya ang DOJ ukol dito.ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa posibleng pagtaas ng “deepfakes at Iba pang artificial intelligence-generated fake videos” lalo pa’t nalalapit na ang 2025 mid-term elections near.

 

 

Ang Deepfake ay isang pamamaraan ng paglikha at pag-publish ng maling impormasyon sa anyo ng mga video, audio at mga larawan.

 

 

Sa gitna ng nasabing banta, nanawagan ang mga stakeholders ng isang batas na tutugon sa concerns o alalahanin na ito sa nasabing teknolohiya.

 

 

“Mas advanced lang ngayon ang cognitive warfare because they can mimic actual personalities. This is the use of fake news or disinformation in order to shape people’s opinion,” ang sinabi ng DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy sa House Committee on Information and Communications at House Committee on Public Information, araw ng Martes.

 

 

“There are news reporters na nag-endorse daw ng isang produkto gamit ang kanyang video, pati ang kanyang audio recording dinub sa video niya to make it look like that she is endorsing a particular product when in fact she did not,” paliwanag nito.

 

 

“We believe that especially with the upcoming elections, this particular threat might increase, and we might be unable to cope with the volume of the expected influx of requests to take down AI-generated false statements and false news,” ayon pa rin kay Dy.

 

 

“Na-obserbahan ko, wala pa tayong batas sa deep fakes, malapit na pong mag-eleksyon, dapat gumawa tayo ng batas tungkol dito para mapagbawalan o ma-regulate ang paggamit ng AI,” ang sinabi naman ni cybersecurity analyst Art Samaniego Jr.

 

 

Ayon sa DICT, ang mga biktima ng deepfakes ay maaaring magtungo sa departamento at Cybercrime Investigation and Coordinating Council upang sa gayon ay maaari nilang ipaalis ang online material.

 

 

Hinikayat naman ng mga eksperto ang publiko na suriing mabuti ang mga video at mga ilarawan na nakikita nila sa online, lalo na sa mga kahina-hinalang accounts.

 

 

Binigyang diin ni Samaniego ang pangangailangan na turuan ang publiko ukol sa panganib ng cyberattacks at kung paano manatiling ligtas sa online. Pinayuhan niya ang pamahalaan na mamuhunan sa “research” at kumuha ng bagong “cybersecurity technologies and solutions.”

 

 

Samantala, nagpatawag ng briefing si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez mula sa DICT sa gitna ng kamakailan lamang na cyberattacks sa ilang Philippine government websites na sinasabing di umano’y mula sa Chinese hackers.

 

 

“The breaches have targeted domains such as the cabsec.gov.ph, coastguard.gov.ph, cpbrd.congress.gov.ph, dict.gov.ph, doj.gov.ph, ncws.gov.ph, and the private domain of President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr,” ayon sa ulat.

 

 

Sinabi ng DICT na may ebidensiya na nagtuturo na ang mga perpetrators ay maaaring nago-operate sa pamamagitan ng Chinese networks, subalit wala namang ebidensiya na direktang magu-ugnay sa insidente sa Chinese government.

 

 

“Investigation showed that the attackers have multiple IP addresses coming from cnc.net, which is located in China. OWWA detected a total of 17,144 attempts from January alone, coming from multiple Chinese IP addresses,” ayon kay Dy.

 

 

“Our investigation currently holds circumstantial evidence suggesting that alleged perpetrators may have operated through Chinese networks and utilized tactics, techniques and procedures associated with known Chinese advanced persistent threat actors. However, it is crucial to understand that at this stage, we lack direct evidence conclusively linking these incidents to be having the authorization of the Chinese government,”diing pahayag ni Dy. (Daris Jose)

Maglilimang taon nang loveless: MARTIN, happy naman dahil tuloy ang pakikipag-date

Posted on: February 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MASAYA at ikinagulat pala ni Martin del Rosario na panggabi ang serye nilang Asawa Ng Asawa Ko.

 

“Siyempre proud kasi unexpected, e!

 

 

“Alam namin lahat na Afternoon Prime kami tapos biglang GMA Telebabad, so something to be proud of, di ba,” saad ni Martin.

 

 

May dream role pa ba siya?

 

“Parang gusto ko romantic roles naman kasi nagawa ko na yung kontrabida, tapos ngayon mabait, parang gusto ko naman yung romance, yung tungkol sa malalim na pag-iibigan.”

 

 

Kinumusta naman namin kay Martin ang tungkol sa lovelife niya…

 

 

“Wala single pa din, pero nagdi-date naman,” sagot niya.

 

 

Non-showbiz raw ang dine-date ni Martin sa ngayon.

 

 

Choice ba ni Martin na non-showbiz ang makarelasyon?

 

 

“Oo. Pero ngayon kasi hindi ako naghahanap. Pero based dun sa mga past relationships ko, lahat sila non-showbiz.

 

 

“Pero kasi kung may dumating na tao na from showbiz hindi ko mapipigilan iyon. Ang love naman, basta dumarating, di ba?”

 

 

Maglilimang taon na ngayon na walang karelasyon si Martin.

 

 

Pero kahit loveless siya ay happy si Martin.

 

 

“Actually ngayon sobrang masaya ako,” lahad ng Kapuso actor. “Kasi na-realize ko na kapag naka-focus ako sa sarili ko, I mean lahat ng mga goals ko nakukuha ko ngayon.

 

 

“Nakakapag-ipon ako, may negosyo ako, may mga nabibili ako for myself, for my family, lahat ng hindi ko nagawa nung time na wala ako sa focus, so… I mean ngayon na thirty one na ako proud ako sa mga na-accomplish ko sa sarili ko.”

 

 

Sa serye ay gumaganap si Martin bilang si Jeff kung saan mga lead stars rin sina Rayver Cruz as Jordan, Jasmine Curtis-Smith as Cristy, Joem Bascon as Leon at Liezel Lopez as Shaira.

 

 

Sa direksyon ni Ms. Laurice Guillen, ang Asawa Ng Asawa Ko ay napapanood tuwing 9:35 pm sa GMA Prime.

 

 

***

 

 

UMAASA si Xian Lim na mabibigyan siya ng pagkakataon ng GMA na maging direktor ng isang teleserye.

 

 

Sa panayam kasi namin noon kay Xian sa mediacon via Zoom ng ‘False Positive’ noong 2022, nabanggit niya na nasa bucket list niya ang maging direktor ng isang TV series lalo pa nga at that time ay kalilipat lamang niya bakuran na siya ng Kapuso Network..

 

 

Kaya kamakailan ay tinanong namin si Xian kung ano na ang update sa mga proyektong ipagkakaloob sa kanya ng Kapuso Network; kasama ba rito ang teleserye kung saan hindi siya artista kundi direktor?

 

 

“Sana po, nanawagan po ako sa mga bosses,” sabay tumatawang pakli ni Xian.

 

 

Seryosong pagpapatuloy ni Xian, “Una po sa lahat gusto ko lang sabihin na I’m very grateful to GMA. Like katulad po nitong Love. Die. Repeat, it was the very first show na in-offer po sa akin ng GMA, wala pa yung False Positive, wala pa yung Hearts On Ice.”

 

 

Ang ‘Love. Die. Repeat.’ sana ang pinakaunang teleserye ni Xian sa GMA, pero nabuntis ang female lead star ng show na si Jennylyn Mercado habang nagte-taping sila noong Setyembre 2021 para sa nabanggit na serye kaya nahinto ito sa loob ng halos tatlong taon.

 

 

Kaya naman mas naunang natapos at naipalabas ang False Positive at Hearts On Ice kung saan parehong si Xian ang leading man.

 

 

Labis raw nag pasasalamat ni Xian sa Kapuso Network sa pagbibigay sa kanya ng iba-iba genres ng show; isa siyang lalaking nabuntis sa Flase Positive at isa naman siyang fihure skater sa Hearts On Ice.

 

 

Pagdating naman raw sa pagiging direktor, lingid sa kaalaman ng marami ay nakapagdirek an si Xian ng isang episode ng Wish Ko Lang last year, taong 2023.

 

 

Lahad pa ni Xian, “And hopefully po, sana, sana more projects pa po in terms of being behind the camera, as a director.

 

 

“Aside from acting, masayang -masaya po ako behind the camera. Alam yan ni direk Jerry, palagi akong nagtatanong sa kanya, ‘Direk, ang saya naman diyan behind the camera, ano na nangyayari diyan?’”

 

 

Si Jerry Lopez Sineneng (at si Irene Villamor) ang direktor ng Love. Die. Repeat.

 

 

Leading lady niya rito si Jennylyn Mercado.

 

 

Napapanood ito weeknights, 8:50 pm sa GMA Prime.

(ROMMEL L. GONZALES)

Mabahong amoy na itinatapon sa estero ng isang kilalang unibersidad, inireklamo ng isang barangay sa Maynila

Posted on: February 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NASA mahigit 300 pamilya ang apektado sa mabaho at nakasusulasok na amoy na nagmumula sa Estero De Sa Antonio Abad na matatagpuan sa kahabaan ng Barangay 178 sa Malate, Maynila.

 

 

Ayon kay Barangay Chairman Mark Delfin, ang mga residente sa lugar ay nahihirapang makatulog ng mahimbing dahil sa mabahong amoy na nagmumula sa estero na aniya ay dahil sa non-toxic waste na nagmumula sa kalapit na sikat na unibersidad.

 

 

Sinimulan aniya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na linisin ang Estero de San Antonio noong 2019 nang magreklamo sila ng masamang amoy na inakala nilang galing sa tambak na basurang itinatapon sa nabanggit na estero.

 

 

Ayon sa kabesa, patuloy pa rin aniya ang masamang amoy kahit nalinis na ang kanal kaya pumasok na ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) at nang magsagawa sila ng testing ay lumabas umano na positibo na nagmumula sa sewerage system ng kalapit na unibersidad ang masamang amoy.

 

 

Sinabi ng punong barangay na ipinagbigay alam na ng mga ahensiya ng pamahalaan sa pamunuan ng unibersidad tungkol sa kanilang kabiguan na sumunod sa Memorandum Circular 2019-01 na inilabas ng DENR na nag-aatas sa lahat ng mga establisyimento sa loob ng Manila Bay region na magtayo ng sarili nilang sewerage treatment plants (STP) upang matiyak na ang wastewater ay maayos na nakokolekta at isinasailalim sa treatment batay sa mga pamantayan ng ahensya.

 

 

Gayunman, sinabi ni Chairman Delfin na sinisisi ng pamunuan ng unibersidad ang Maynilad Water sa hindi pag-asikaso sa kanilang kahilingan para sa connecting pipe ng kanilang imburnal.

 

 

Nabatid naman kay Chairman Delfin na hindi pa nila naipaparating sa lokal na pamahalaan ang kanilang problema dahil ang mga ahensiya ng national government ang kumikilos na dito.

 

 

Matatandaan na noong Hulyo taon 2019 ay nagsagawa ng clearing operation ang DENR sa pamumuno pa ni dating Sec. Roy Cimatu sa nasabing estero kung saan inirelocate ang nasa 50 pamilya na nag-informal settler dito.

 

 

Personal pa na pinuntahan nina dating Sec. Cimatu, dating DENR Usec. Benny Antiporda at Usec. Mitch Cuna gayundin si dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang nasabing estero upang magsagawa ng inspeksyon.

DSWD, nagbigay ng P70 milyong halaga ng humanitarian aid sa Mindanao flood victims

Posted on: February 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P70 milyong halaga ng humanitarian aid sa mga pamilyang naapektuhan ng malawakang pagbaha at landslides sa Mindanao.

 

 

Base sa pinakabagong ulat ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC), sinabi ng DSWD na 312,346 pamilya o 1,078,531 katao ang naapektuhan sa 652 barangay sa Regions XI, XII, at Caraga.

 

 

Nito lamang Lunes, nagbigay ang departamento sa mga apektadong pamilya ng P70,313,588 halaga ng food at non-food items, gaya ng sleeping kits at modular tents.

 

 

Sinabi ng DSWD na P3,333,069,216.11 ng relief resources ang nananatiling available.

 

 

Sa kabilang dako, nakapagtala naman ang DSWD ng 474 totally damaged at 658 partially damaged na kabahayan sa mga apektadong rehiyon.

 

 

Sinabi naman ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Romel Lopez na ang departmento at local government units ay nakikipag-ugnayan para tulungan ang mga biktima.

 

 

“We are coordinating to better house them, especially maraming submerged areas pa tayo including our traditional evacuation sites. But we will facilitate to better improve their conditions,” ayon pa rin kay Lopez.

 

 

“As to our assets, we are working round the clock to provide assistance. As soon as we have the information, we can easily provide needed assistance,” dagdag na wika nito.

 

 

Sinasabing may 14,926 pamilya o 53,858 indibdwal ang kasalukuyang nanunuluyan sa 231 evacuation centers sa Regions XI at Caraga.

 

 

Samantala, may 81,811 pamilya o 300,579 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa mga kamag-anak o kaibigan, habang may 96,737 pamilya o 354,437 indibidwal ang na-displaced sa Regions XI at Caraga.

 

 

Sa Region XI, sinabi ng DSWD na umabot na sa 18 katao ang death toll mula sa pagbaha at landslides habang 11 naman ang sugatan at tatlong indibidwal naman ang nawawala, “as of Tuesday.”

 

 

Ang mga munisipalidad ng Compostela, Monkayo, at New Bataan sa Davao de Oro at mga munisipalidad ng Bunawan at Rosario sa Agusan del Sur ang unang naiulat na naapektuhan ng tuloy-tuloy na low-pressure area noong Enero 29, 2024, ang tuloy-tuloy na LPA ang may bitbit na malakas na pag-ulan at pagbaha sa mga kalapit-lugar gaya ng lalawigan ng North Cotabato.

 

 

Ang “light to heavy rains” ay nagpatuloy hanggang Pebrero 2, dahilan ng karagdagang pagbaha at landslides sa Mindanao. Nawala lang ang LPA noong Pebrero 3. (Daris Jose)

Ads February 8, 2024

Posted on: February 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Pinoy na walang trabaho bumaba sa 1.6-M, kaso job quality bumaba

Posted on: February 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BAGAMA’T lumiit ang unemployment rate, tumaas ang porsyento ng mga Pilipinong naghahanap ng karagdagang trabaho o dagdag oras sa trabaho (underemployment rate).

 

 

Ayon sa December 2023 Labor Force Survey na inilabas ngayong Miyerkules ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba patungong 3.1% ang unemployment rate — mas mababa sa 3.6% noong Nobyembre 2023.

 

 

“In terms of magnitude, the number of unemployed individuals in December 2023 was estimated at 1.60 million,” sabi ng PSA.

 

 

“This was lower than the reported number of unemployed persons in December 2022 of 2.22 million and in November 2023 of 1.83 million.”

 

 

Narito ang ilang mahahalagang numero mula sa pinakabagong ulat ng PSA:

 

unemployment rate: 3.1%

walang trabaho: 1.6 milyon

employment rate: 96.9%

merong trabaho: 50.52 milyon

underemployment rate: 11.9%

underemployed: 6.01 milyon

labor force participation rate: 66.6%

 

 

Kapansin-pansing mas mataas ang underemployment rate nitong Disyembre kumpara sa 11.7% noong Nobyembre.

 

 

Kadalasang naghahanap ng dagdag na trabaho ang mga empleyado o manggagawa tuwing hindi sapat ang kanyang sine-sweldo, dahilan para kumuha ng dagdag na trabaho.

 

 

“Wage and salary workers continued to account for the largest share of employed persons with 62.7 percent of the total employed persons in December 2023,” dagdag ng PSA.

 

 

“This was followed by self-employed persons without any aid employee at 27.4 percent and unpaid family workers at 7.8 percent. Employers in own family-operated farm or business had the lowest share of 2.1 percent.”

 

 

Inilabas ang naturang labor force survey isang araw matapos ibalitang bumagsak sa 2.8% ang inflation rate nitong Enero dahil diumano sa mas mabagal na pagtaas ng presyo ng pagkain.

ABOITIZ GROUP, nagpahayag ng suporta sa infrastructure agenda ng administrasyong Marcos

Posted on: February 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAYAG ng pagsuporta ang private holding company na Aboitiz Group sa infrastructure agenda ng administrasyong Marcos partikular na sa “energy at water solutions development.”

 

 

“We’ve had our past and we still have our future and we look forward to align ourselves whole heartedly with President Marcos Jr.’s agenda on infrastructure. We started in Visayas already where we made significant strides in the energy sector and now we start focusing in developing sustainable water solutions,” ayon kay Aboitiz Group president at CEO Sabin Aboitiz, sa isinagawang inagurasyon ng Davao City Bulk Water Supply Project.

 

 

“We bring our expertise and experience in surface water projects, which we believe is key to sustainable water future for all of us Filipinos. The success that we celebrate today is an example for our entire nation,” aniya pa rin.

 

 

Winika pa ni Aboitiz na ang Davao water project ay ang uri ng public-private partnership (PPP) projects na kailangan sa lahat ng lalawigan sa bansa, dahil makagagawa ito ng mahalagang kontribusyon sa agenda ng national government na i-improve ang water supply sa iba’t ibang panig ng bansa sa pamamagitan ng paghanay sa mga prayoridad na binalangkas ng Pangulo sa kanyang State of the Nation Address (SONA).

 

 

“Wednesday’s event is not just an inauguration of a project, it is a launching of a model for  future endeavors,” ayon kay Aboitiz.

 

 

“It is also a demonstration of how much can be achieved by unsolicited private partnerships, he noted, underscoring an essential truth that when structured correctly, unsolicited proposals would greatly benefit both the public and the private interests,” aniya pa rin sabay sabing “At the same time, it could also offer the government a wide range of menus to choose from.”

 

 

Tinuran pa ni Aboitiz, na na kapag-develop ang kompanya ng bond sa lungsod, na bumabalik sa incorporation ng Davao Light and Power Co., kanilang kauna-unahang electric company.

 

 

Nakipagtulungan na rin ito sa lokal na pamahalaan para magtatag ng Davao 911 hotline system, magtayo ng power plant, at maglaan ng electric powered buses sa mga empleyado ng gobyerno. (Daris Jose)

Matapos nakumpirmang hiwalay na: BEA, balitang binalik na ang ‘engagement ring’ nila ni DOMINIC

Posted on: February 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SA harap ng mga espekulasyon, sinabi ng TV host na si Boy Abunda na hiwalay na nga sina Bea Alonzo at Dominic Roque.
Inihayag ito ni Tito Boy sa kaniyang programang “Fast Talk with Boy Abunda” noong nakaraang Martes.
“Ako’y nalungkot ho talaga dahil madalas, ‘pag nagkikita kami ni Bea ay nagkakakwentuhan ho kami tungkol sa buhay, tungkol sa kanila, their marriage plans, etcetera. So, I was shocked,” ayon kay Tito Boy.
“As we talk today, yes, hiwalay po si Dominic at tsaka si Bea. They are trying to understand each other. But they are going through a rough patch.”
Isang source pa ni Tito Boy ang nagsabing sinauli umano ni Bea ang engagement ring nila ni Dominic.
Gayunman, sinusuyo pa ni Dominic si Bea. Base sa kaniyang “good sources,” nagkakausap pa ang dalawa.
Una rito, naging matipid si Bea sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa plano nilang kasal ni Dominic nang matanong siya sa isang event kamakailan.
Naging engaged sina Bea at Dominic noong July sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City. Taong 2021 nang maging magkarelasyon ang dalawa, Nitong nagdaang holiday break, bumiyahe ang dalawa sa Sapporo, Japan at sinelyohan pa nila ang kanilang pagmamahalan sa Mount Moiwa.
***
HINARANA ni Rayver Cruz ang girlfriend na si Julie Anne San Jose via TikTok bago pa sumapit ang Valentine’s Day.
Last February 5, pinost ng bida ng Asawa Ng Asawa Ko on TikTok ang isang video call with Julie at tinugtugan niya ito ng song na “Pasilyo” ng SunKissed Lola.
Julie Anne commented, “…Antok na, pero gigising para sa’yo.”
Kinilig ang JulieVer fans sa ginawa ni Rayver at pinost ng isang fan: “Kapag mahal mo talaga ‘yung’ tao, kahit antok ay malalabanan”.
(RUEL J. MENDOZA)