• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 sa Pinas pumapatag na – DOH

NAKITAAN na ng pag-uumpisa ng pagpatag ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa base sa pag-aanalisa ng datos ng Department of Health (DOH).

 

 

“NCR Plus areas initially showed sharp dec­line in cases,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.  “NCR Plus and all island groups show plateauing,” dagdag niya.

 

 

Sinabi niya na lahat ng rehiyon sa bansa ay nag-uulat na lamang ng mas mababa sa 1,000 kaso ng COVID-19 ngayong linggo. Maliban sa CAR at Region 11, lahat din ng rehiyon ay nasa ‘low risk case classification’ na.

 

 

Bago naman ibaba sa Alert Level 1 ang buong bansa, nais ng DOH na maturukan ng bakuna ang 80% ng senior citizens at persons with comorbidities.

 

 

Iginiit ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi maaaring maibaba ang quarantine status ng bansa hanggang hindi naaabot ang naturang target.

 

 

Sinabi ng DOH na ang Alert Level 1 ay ang magiging ‘new normal’ ng bansa bago pumasok sa ‘endemic state’ o pagtatapos ng pandemya.

Other News
  • ‘Hackers’, ninakaw ang COVID-19 vaccine data ng Pfizer-BioNTech – report

    Inamin ng mga kompanyang Pfizer at BioNTech na na-hack ang kanilang mga dokumento na may kinalaman sa dinevelop nilang bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19).   Batay sa ulat ng Reuters, sinasabing napasok ng hackers ang regulator na European Medicines Agency (EMA), na responsable sa pagbibigay ng approval sa mga gamot at bakuna sa European […]

  • Mga taga-MM na pupunta ng Tagaytay City kailangan pa ring kumuha ng travel pass-Malakanyang

    PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang mga residente ng  Metro Manila na kailangan pa rin nilang kumuha ng travel pass mula sa  Philippine National Police kung pupunta ng  Tagaytay City.   Ang Tagaytay City ang itinuturing na top tourist destination sa Cavite province.   Suportado ng Malakanyang ang pahayag ni Joint Task Force COVID Shield commander Police […]

  • Tatanggapin daw ang biopic pag may nag-offer: PIOLO, umani ng sari-saring reaksyon dahil type gumanap na Pres. Marcos

    UMANI ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizen ang naging pahayag ni Piolo Pascual, na gusto niyang gumanap bilang si dating Pangulong Ferdinand Marcos.   Higit na mas marami ang kumontra at sunod-sunod na negatibong komento ng mga netizen. Pati ang mga loyal fans ng Kapamilya actor ay hindi raw sila pabor na gawin ni […]