Gamutan sa pabalik-balik na sakit, sagot na ng PhilHealth
- Published on November 6, 2024
- by @peoplesbalita
SAGOT na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pabalik-balik na pagpapagamot at pagpapaospital dulot ng kaparehong sakit sa loob ng 90 araw.
Ito naman ang magandang balita ng PhilHealth kung saan nagsimula na ito noong Oktubre 1, 2024 matapos na alisin ang Single Period of Confinement o SPC rule.
Nabatid na ipinatupad ang SPC noong panahon ng Medicare, kung saan limitado lamang sa isang beses ang bayad para sa mga pasyenteng paulit-ulit na nao-ospital dahil sa parehong sakit o operasyon sa loob ng 90 araw.
Dahil sa polisiyang ito, ang mga miyembro ng PhilHealth ay napipilitang magbayad ng buo sa kanilang hospital bills o kaya ay hindi nababayaran ang mga hospital claims.
Ayon kay PhilHealth Chief Emmanuel R. Ledesma, Jr., matapos ang masusing pag-aaral, inalis na nila ang naturang polisiya upang lalong matiyak na tuloy-tuloy ang benepisyo para sa mga pasyenteng may pabalik-balik na sakit.
“Ang hakbang na ito ay pagtupad sa aming pangako na lubusin ang mga benepisyo para sa miyembro na kailangan nila sa kanilang paggaling,” aniya.
Ayon kay Ma. Celia Buñag, Supervising Administrative Officer ng Quezon City General Hospital, malaking tulong ang pagtatanggal ng SPC dahil karamihan sa mga pasyente ay may recurring illness tulad ng pneumonia o chronic obstructive pulmonary disease.
Samantala, ipinaalala naman ng PhilHealth sa mga miyembro na maaaring magamit ang anumang benepisyo sa loob ng 45 araw sa buong taon, maliban sa hemodialysis benefits package dahil mayroong nakalaang hiwalay na 156 sessions sa bawat taon para dito.
-
Ads October 25, 2021
-
KRIS at BIMBY, nagpaalam na kay JOSH dahil sa Tarlac talaga gustong tumira; magkapatid, nagkaroon ng mahabang tampuhan
NAGPAALAM na ang mag-inang Kris Aquino at Bimby kay Josh. Hindi na nga sila magkakasamang tatlo sa isang bahay dahil mas gusto na talaga ni Josh na sa Tarlac manirahan. Nag-goodbye na sila kay Josh noong Miyerkules at iniwan na ‘to sa Tarlac. Birthday ni Josh sa June 4, so ewan lang […]
-
Diaz delikado sa ika-4 na Summer Olympic Games
NAMEMELIGRONG mabulilyaso ang magiging rekord na ikaapat na sunod na 32nd Summer Olympic Games ni Hidilyn Diaz at ang napipintong wakasan ang tagtuyot sa gold medal ng ‘Pinas sapul noong 1924 sa Paris, France. Hindi ito kasalanan ng 2016 Rio de Janeiro Olympics women’s weightlifting silver medalist, kundi sa pasaway na International Weightlifting […]