• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rockets sabog sa Lakers

Pinabagsak ng Los Angeles Lakers sa  pangunguna ng super tandem nina LeBron James at Anthony Davis ang nanghihinang Houston Rockets, 110-100, sa Game 4 ng kanilang NBA playoffs best-of-seven semifinals series na ginaganap sa bubble sa pasilidad ng Walt Disney sa Orlando, Florida.

Hindi na pinaporma ng Lakers ang Rockets simula 1st quarter hanggang 4th quarter  at isang panalo na lang ay papasok na ang koponan  sa Finals ng NBA Western Conference (WC).

Kumamada si Davis ng 29 points para buhatin sa panalo ang Lakers habang si LeBron ay umambag ng 16 points.
Kagaya ng game 3, maganda pa rin ang ipinakitang laro ng secret weapon na si  Rajon Rondo na nagmando sa floor para sa opensa ng Lakers.

Naging susi rin sa panalo ng Lakers ang mahigpit nitong  depensa at paggamit ni coach Frank Vogel ng small lineup upang tapatan ang bilis ng Rockets.

Nasayang naman ang ikinamadang 25 points ni Russel Westbrook at 21 points ni James Harden.

Nangako ang Rockets na babawi sila sa kanilang do-or-die Game 5 para mapalawig pa ang serye habang sinabi naman ng Lakers na tuluyan na nilang pababagsakin ang Houston sa susunod na laro para makapasok na sa Finals ng WC

Other News
  • DOJ: Drug case vs De Lima ‘di iaatras

    NANINDIGAN si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi ibabasura ng gobyerno ang mga drug case na kinakaharap ni dating senador Leila de Lima sa gitna ng mga naging pana­wagan ng mga  mambabatas ng Estados Unidos na palayain siya sa pagkakakulong at isantabi ang lahat ng mga kasong isinampa laban sa kanya.     “Kinausap […]

  • Pahayag ukol sa transport strike: Factual, hindi red tagging -VP Duterte

    NILINAW ni Vice-President at Education Secretary Sara Duterte na ang kanyang mga sinabi ukol sa week-long transport strike bilang “communist-inspired” at isang “painful interference” ay pagsasabi lamang ng katotohanan at hindi red tagging.     Ang pahayag na ito ni Duterte ay matapos na tuligsain ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Rep. France […]

  • CoronaVac ituturok sa mga senior na may ‘controlled comorbidities’

    Parehong gagamitin ng Department of Health (DOH) ang hawak na mga bakuna mula sa AstraZeneca at CoronaVac ng Sinovac sa mga senior citizens ngunit ang huli ay ilalaan para sa mga may controlled “comorbidities”.     Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, na habang tinatapos pa ang pagbabakuna sa mga healthcare workers ay maaari na […]